bc

May Itsura (BXB)

book_age12+
693
FOLLOW
3.1K
READ
friends to lovers
playboy
drama
comedy
sweet
bxb
nerd
campus
city
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Alexander Villanueva is always being tagged as "May Itsura naman" and he always hated hearing that comment, dahil para sa kanya it's either guwapo ka o pangit never in between ngunit sa kamalas malasan ang lahat nang nakikilala niya ay iyon ang madalas sabihin sa kanya hanggang nakilala niya si Slater De la Cruz a perfect handsome guy na habulin ng mga babae at kabadingan at nangako itong itatransform siya from may itsura sa isang good looking guy for him to get his man of his dreams.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: May Itsura
-=Alexander's Point of View=- "May Itsura ka naman eh." "May Itsura ka naman eh." "May Itsura ka naman eh." "May Itsura ka naman eh." "May Itsura ka naman eh." "May Itsura ka naman eh." "May Itsura ka naman eh." iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko habang pauwi ako galing sa pakikipag eyeball sa isa sa mga kaclanmate ko. Naglaho ang pangarap ko nang magkita kami ng kaclan ko sa GGWC, the first time that I added Ruke in f******k ay nasabi kong bagay sa akin ang binata, hindi ako masyadong mahilig sa guwapo masyado dahil alam ko naman ang dapat kong iaim. Early morning ay excited akong nag-open ng f******k account ko dahil baka nagmessage si Ruke sa akin. Nang sumali kasi ako sa GGWC ay isa ito sa mga naging kaclose ko at naging kapalagayan ko ng loob. Malabo ang profile pic ko dahil mas gusto ko kasing sa personal makita ang binata. I saw his message na sinend nito kagabi at napangiti ako nang mabasa ko ang malambing na message nito at sakto nama nakita kong naka online ang binata kaya piniem ko agad ito. "Good morning cutie." I messaged him which is true naman siya yung hindi mo masasabing heartrob look or boy next door, the word cute really fit his looks. "Good morning din mahal ko." ang reply nito siyempre kinilig naman ako sa message nito kahit na nga ba hindi pa kami ay parang may mutual understanding na kaming dalawa, sinabi kasi nito sa akin na magiging official kami sa pagkikita namin. Meet before commit ika nga. Fifteen minutes na din kaming nag chachat and I really enjoyed chatting with the guy dahil maliban sa cute at malupit din ang sense humor nito na dahilan kung bakit matagal kaming nagkakatext, chat o usap. "Hindi ka na nagreply?" biro ko dito ng tatlong minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa ito nagreply. "I want us to meet. he messaged me at medyo kinabahan ako dahil hindi ako sigurado kung handa na ba akong makipagkita dito. "Uhm hindi pa kasi ako handa, pasensya na." I answered back holding my breath while waiting for his reply. "Kelan ka magiging handa? Gusto ko nang makita kung gaano kaguwapo ang taong mahal ko, sige na babe please." he messaged at napangiti pa ako kasi nag send ito nang nakapout na lips na photo nito. "Sige payag na ako, kelan ba tayo magkikita at saan?" tanong ko dito at ilang minuto ay sumagot agad ito. "Mamayang gabi sa Gateway." he answered. Sandali akon napaisip kung handa na ba talaga ako ngunit alam kong kailangan na namin gawin ito upang maging official na kami and besides masarap sigurong mahalikan na sa labi ng taong mahal mo. Yes Ladies and Gentlemen, inosente pa po ako never been kissed never been touched kasi gusto ko kasing ibigay ang sarili ko sa taong mahal ko and I know Ruke is the right guy. At the age of seventeen wala pa akong experience sa mga bagay bagay kahit na nasa college na ako studying Marketing in University of the East sa Caloocan ay wala pa akong nakarelasyon since focus ko ang studies hindi ko ng alam kung bakit ako nasali sa clan na iyon all I know is nagbrobrowse lang ako sa f******k nang mapunta ako sa group page and I got curious and before I knew it kasali na pala ako. Nagulat ako sa dami ng member ngunit naging welcoming naman sila at dahil wala naman akong masyadong katext ay naenjoy ko ang magsend ng mga gm's and pm's at doon ko nga nakilala si Ruke. Taga Caloocan ako samantalang si Ruke ay taga Cubao at isang promodizer sa Trinoma kung saan minsan pinuntahan ko siya nang hindi niya alam at unang kita ko palang sa kanya ay nagkagusto na agad akjo ngunit hindi nito alam na nakita ko na siya ng personal. "Ano na puwede ka ba ngayon?" message ulit nito sa akin. I took a deept breath bago ko pinindot ang ente button giving him my answer. "Sige payag na ako." kinakabahan kong message sa kanya. "Sige kita tayo sa bandang Food Court ng Gateway sa tapat ng Wendy's" pagtatapos nang chat namin. Kaya dali dali akong pumasok sa kuwarto ko at naghagilap ng susuotin at napili ko nga ang long sleeve kong checkered at gray nasemi fit napantalon at dahil maaga pa ay nagdecide na muna akong matulog para naman kahit paano ay fresh ako pag harap ko sa kanya. Finally dumating na ang oras at matapos kong maligo, magbihis at magwisik nang konting pabango sa palapulsuhan ko ay tumingin ako sa salamin at nagustuhan ko naman ang itsura ko. Suot ko ang long sleeve na napili ko sinarado ko hanggang sa dulo dahil hindi ako sanay may makitang part ng skin ko, tinernuhan ko ng khaki pants na fit tapos black sneakers at matapos kong masiguradong maayos ang salamin ko, malabo kasi talaga ang mata ko. "Taxi!" tawag ko at excited akong sumakay at matapos sabihin kay Manong Driver ang destinasyon naming ay prente na akong naupo hindi ko mapigilan dahil excited na akong makita ng personal si Ruke. Dahil medyo traffic ay inabot ako ng isang oras pero tamang tama lang sa oras na napagkasunduan namin. Pagkadating ko sa Gateway ay napansin ko agad na madaming mga lalaki ang nasa lugar and then I remembered somebody told me na madalas ang mga bi sa Gateway tuwing sabado, and remembering na Sabado ngayon no wonders nagkalat ang mga kalahi ko sa Mall na iyon. Ang dami talaga akong nakikitang guwapo at cute ngayon ngunit ang focus ko ay kay Ruke, nagtext ito na medyo malelate lang daw ng konti kasi daw medyo traffic, kaya dumiretso na ako sa bakanteng mesa sa tapat ng Wendy's, nag order na din muna ako ng Frostee habang hinihintay ang binata. Naramdaman ko na lang na nagvibrate ang phone ko at nakita ko ang message na galling sa kanya. "Dito na ako papasok na ng mall, sorry talaga." Ruke texted me. "Ok lang iyon dito na ako sa tapat ng Wendy's." I texted back at ilang minuto lang ay nakita ko na siya paakyat ng escalator. Alam kong nakita ako nito ngunt siguro upang makasigurado ay tinawagan ako nito sa phone. "Hi." I said sabay kaway dito, kita ko ang pag alangin nitong lumapit sa akin siguro nahihiya pa sa akin ngunit kalaunan ay lumapit na din ito sa akin. "Alex?" tanong nito looking at me, hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti dahil nacucute an talaga ako sa kanya. "Ako nga Ruke." I said smiling, I invited him to seat down at tinanong ko na din siya kung gusto niyang kumain ngunit tumanggi ito at sinabing busog pa siya. I tried to break the ice between us since parang nahihiya pa si Ruke dahil tahimik lang ito ngunit pansin ko lang na isang tanong isang sagot ang nangyayari sa amin. "Nga pala baka gusto mong..." I said but was cut short when he started talking. "Alex, I don't think hindi tayo para sa isa't isa." diretsong sinabi nito na nagging dahilan upang mawala ang ngiti sa mga labi ko. "Pero di ba sina....bi mong gus...to mo ako." I said sa nanginginig na boses hope shuttered just like that. "Oo sinabi ko nga iyon pero piling ko kasi meron talagang nakalaan para sa akin na iba, don't worry makakahanap ka ng iba may itsura ka naman eh." he said at matapos itong magpaalam ay lumipat it sa kabilang table at napansin kong agad itong nakipag mabutihan sa isang sobrang guwapong binata sa kabila. Para akong pinagsakluban ng langit ng lupa ng mga oras na iyon at hindi ko mapigilan masaktan sa nangyari. Kaya habang pauwi ako ay paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko ang sinabi nito "May itsura ka naman eh. Hindi ko mapigilan hindi huminto ng mapadaan ako sa isang salamin sa department store sa gateway looking at my reflection made me wonder kung pangit ba ako pero nang tignan ko naman ang sarili ko ay wala naman akong nakitang mali sa akin. Kaya laylay ang balitkat na umuwi ako sa amin, naiinis lang kasi ako na masabihan ng may itsura naman kasi para sa akin it's either pangit or guwapo walang in between walang gray answer. "s**t!" I said at hindi ko namalayan na napalakas pala ang boses ko habang naghihintay ng bus pabalik sa amin at napansin ko na masama ang tingin sa akin ng Nanay na may kasamang maliit na bata sa unahan ko. "Sorry po." mahina kong paghingi na paumanhin sa pagmumura ko at buti na lang ay dumaan na din ang bus paputang UE Letre kaya dali dali akong sumakay. Inside the bus ay pilit kong kinukumbisi ang sarili ko na mahahanap ko din ang taong para sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
226.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

NINONG II

read
618.9K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.6K
bc

My Favorite Subject

read
217.3K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook