Siya si Aira 2O taong gulang, dalaga, at kung ganda din lang ang pag uusapan ay maituturing na siya ay kakaiba. Maganda at may mga matang tila nangungusap kagaya ng sa kanyang ina at siya ay matangkad na namana niya sa kanyang ama. Higit sa lahat ay matalino ngunit sa kabila ng lahat ay wala syang kasintahan at hindi pa nagkaroon kahit minsan.
Siya si Ryan, kaklase sa University na pinapasukan. Matalino at tahimik. Subalit sa kabila nito ay ang katotohanang siya ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa lugar nila. Gusto ni Ryan na papansinin sya ng isang babae hindi dahil sa kanyang kayamanan kundi dahil sa kanyang katauhan at nakita niya ito kay Aria.
Madali naman nakita ni Aria ang kabutihan ng puso ni Ryan at mapagtanto niyang mahal na rin njya ito subalit nalaman niya na ikakasal na pala ito sa isa sa pinakamayamang babae sa kanilang probinsya na sanhi upang pigilan ang kanyang damdamin at iwasan ang lalaki dahil alam niya na wala siyang laban sa yaman at ganda ng fiancee ni Ryan.
Subalit mapagbiro ang tadhana. Nalaman ni Aria ang lihim tungkol sa nawawalang tagapagmana ni Mr. Armando de Guzman na nagpabago sa kalagayan ng kanyang buhay. Ang pagbabalik ng lost hieress ng De Guzman Empire ay may kasamang malaking responsibilidad - ang pagiging mabuting anak at obligasyon sa kanilang kompanya na kailangan niyang gampanan.
Uunahin nya ba ang puso at ipaglaban ang tunay na damdamin o tuparin ang tungkulin sa magulang at obligasyon bilang ang tagapagmana ng pinakamalaking kompanya sa mundo?