bc

My Favorite Bully

book_age0+
1.2K
FOLLOW
6.8K
READ
dark
suicide
one-night stand
opposites attract
playboy
others
bitch
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Colin is in love with Tyra, always has been and always will be. Simula pa lang no'ng matabang teenager pa siya hanggang ngayong hunk na siya, ito pa rin ang babaeng gusto niyang makasama. Pero aloof sa kanya si Tyra kahit alam naman niyang gusto rin siya nito. Ayon kasi dito, may "sumpa" raw ito at lahat ng lalaking napapalapit dito ay napapahamak.

And she was right. Biglang nalagay sa panganib ang buhay niya na para bang may gustong pumatay sa kanya. Kung sino man ang mastermind niyon, sorry na lang pero wala siyang balak isuko si Tyra. Kahit pa literal niyang ikamatay ang pagiging malapit sa babae. He would die without her anyway since she is the love of his life.

chap-preview
Free preview
1st Chapter
February 14 COLIN hated this day. Ipinapaalala niyon sa kanya ang isang masakit na ala-alang taon-taon ay bumabagabag sa kanya: "I... I love you!" Huminto sa paglalakad ang babaeng sinabihan niya ng mga salitang iyon. "Baby," paungol na untag sa kanya ni Marielle. He met the woman at the bar. "Key," marahas na bulong niya. "Pero kababalik lang ng landlady ko. Baka mahuli niya tayo," nag-aalalang sabi nito. Sinandal niya sa pintuan si Marielle. Ikinawit niya ang isang binti nito sa kanyang baywang, pagkatapos ay idiniin niya ang kahandaan niya sa p********e nito. Kumapit ito sa balikat niya at umungol. Hindi na nakatiis si Marielle at binuksan na rin nito ang pinto sa likuran nito. Pagdating nila sa kuwarto nito ay marahan niya itong tinulak sa kama. Pagkatapos ay pumangibabaw siya rito. When the woman was fully naked, he scanned her body. She had a voluptuous body, the thing he liked most about women. Pero nang dumako na ang tingin niya sa mukha nito, ibang babae ang biglang pumasok sa isip niya. Her face was the most beautiful face he had ever seen in his whole life. Pero ang gustung-gusto niya sa lahat ay ang mga mata nito. Tumatagaos sa buong pagkatao niya ang tingin nito. "Colin! Oh, Colin! Harder!" paungol na sigaw ni Marielle. He thrust inside her harder and faster. Iginapos nito ang mga kamay nito sa likod niya, hanggang sa bumaon ang mga kuko nito sa balat niya. He was about to reach his climax. Pero iba ang dahilan ng kakaibang pagnanasang dumadaloy sa sistema niya ng mga sandaling iyon. It was still the woman he couldn't get off his head. "Colin," malambing na bigkas ng babae sa pangalan niya. Shit! Paulit-ulit niyang naririnig ang malambing na pagbanggit ng babae sa pangalan niya. He finally released it, and he collapsed on Marielle. Sa kanyang pagpikit ay hindi pa rin nawala sa isip niya ang babae. "Colin. Sa tingin mo ba magugustuhan kita? Look at you. Bumalik ka na lang sa'kin kapag may ipagmamalaki ka nang katawan. Stay away from me, you pig." Masakit dahil ang binatilyong iyon ay mataba at malaki ang tiyan. Tyra. Iminulat ni Colin ang mga mata niya. Ipinatong niya ang braso niya sa mga mata niya. "Fuck." Walong taon na ang lumipas simula nang nangyari 'yon pero nagagalit pa rin siya sa tuwing naaalala niya kung paano siya nabigo noon sa unang babaeng minahal niya – si Tyra. She was eighteen then, and he was sixteen when they first met. Ipinaramdam nito sa kanya na gusto rin siya nito kahit mataba pa siya no'n pero nang araw na magtapat siya rito ng pag-ibig, walang kaabog-abog na ininsulto lang siya nito. Pero iyon din ang tumulak sa kanya para magsikap na baguhin ang sarili niya. He went through a strict diet, and he also started to go to gym. Ginusto niyang ipamukha kay Tyra na balang araw na nagkamali ito ng pagtanggi sa kanya. Nakamit niya ang katawang kinahuhumalingan ng mga kababaihan ngayon pero nang magtapos sila ng kolehiyo, hindi na niya ito muling nakita. Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang may brasong dumantay sa tiyan niya. He sighed and pulled Marielle's arm off him. Wala na siyang gana para sa round two. Tumayo siya at nagtungo sa kusina. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng kahit ano, maliban sa briefs niya. Kasalukuyan siyang umiinom ng tubig sa kusina nang may marinig siyang ingay. Nang sumilip siya sa pinto ay may nakita siyang lalaki na kalalabas lang ng silid sa ikalawang palapag, at nasa kalagitnaan ito ng pagsusuot ng T-shirt. Agad niyang naisip ang landlady na tinutukoy ni Marielle. That woman's naughty, huh? Ayaw niyang magdala si Marielle ng lalaki dito, pero siya mismo ay may lalaki rin. Pabalik na sana siya sa kusina nang makita niyang may babae naman na lumabas din ng kuwarto. The woman was wearing a sexy blue tube top and short shorts. Nakasandal ang babae sa hamba ng pinto, habang pera naman ang hawak nito sa kabila. Nakangiting tinanggap ng lalaki ang pera, bago ito umalis. Sinundan ng babae ng tingin ang lalaking kaalis lang kaya naging malinaw sa kanya ang mukha nito. She looked matured than she was ten years ago but she looked more beautiful now. Bumaba ang tingin niya sa dibdib nito. Her top showed her cleavage. Nanumbalik ang pag-iinit ng katawan niya. Pagkatapos ay umangat muli ang tingin niya sa mukha nito. The woman was looking back at him now. Pakiramdam niya ay huminto ang pagtibok ng puso niya, gaya ng madalas mangyari noon kapag tinitingnan siya nito. "Tyra..." *** PABALIK na sana si Tyra sa kuwarto niya nang may maramdaman siyang nakatitig sa kanya. Nang tumingin siya sa ibaba, nakita niyang nakabukas ang ilaw sa kusina. Sa pinto ay may nakatayong isang lalaki na naka-briefs lang. At ang manyak, nakatingin sa dibdib niya! Dapat ay sumigaw na siya at mag-panic dahil napasok ng kung sino ang bahay niya. Pero naalala niya ang tenant niyang si Marielle na minsan na ring nag-uwi ng lalaki do'n. Isa pa, kahit naka-briefs lang ang lalaki ay hindi naman ito mukhang kriminal. He was too handsome and too hot to become one. At may baril siya sa kuwarto niya bilang proteksyon sa sarili. Bumaba ang tingin niya sa katawan ng lalaki. Matitipuno ang dibdib nito na animo'y masarap higaan. Halatang matitigas din ang kalamnan ng mga braso nito, na masarap marahil kung yumakap. He also had a nice six-pack abs. Biglang nangati ang mga kamay niya na pindot-pindotin ang mga iyon para masigurong hindi iyon peke. And her eyes landed on the lower part of his body. He was only wearing briefs, leaving a little for her imagination. Ipinilig niya ang ulo niya sa mga naiisip niya kaya ibinalik niya ang tingin niya sa mukha ng lalaki. Ang walanghiya, gumalaw ang Adam's apple habang tinutunaw pa rin ng tingin ang dibdib niya! Gayunman, wala siyang maramdamang pambabastos dito. Napakaguwapo nito. He had a very messy hair that every woman wanted to pull, especially during intimate moments. Ang mga mata naman nito, hindi niya matukoy ang kulay dahil sa dilim, pero ang paraan ng tingin nito, nakakatunaw. Matangos ang ilong nito na parang ba kaysarap padaanin sa leeg niya. Gano'n din ang mapupula nitong labi na parang nang-aakit. Naiinis na nagtataka siya sa epekto ng lalaking ito sa kanya. Dahil ba ngayon lang siya nakakita ng lalaking naglalakad ng naka-briefs lang? Ang lakas ng s*x appeal ng mokong. Natigil lang ang pagmumuni-muni niya nang mag-angat ng tingin sa kanya ang lalaki. "Tyra..." Tumaas ang kilay niya. "Kilala mo ko?" Bago pa makasagot ang lalaki ay dumating na si Marielle na nakasuot lang ng T-shirt na halatang hindi pag-aari nito. Napasinghap ito nang makita siya. "M-Miss Tyra!" natatarantang bulalas ni Marielle. "P-pasensiya na. Hindi ko sinasadya –" "Ito ang ikalawang beses na nagdala ka ng lalaki sa bahay ko kahit alam mong ipinagbabawal ko 'yon. Puwede ka nang mag-empake. Ayaw na kitang makita bukas." "Pero –" Tinapunan niya ng malamig na tingin si Marielle. Yumuko ito at umalis na para marahil mag-empake. Pabalik na rin siya sa kuwarto niya nang magsalita ang lalaking naka-briefs lang. "Well, aren't you being hypocrite? Pinagbabawalan mo si Marielle na mag-uwi ng lalaki, pero ikaw mismo, may lalaki rin naman." Bumaba siya ng hagdan para mas mapagmasdan niya ang lalaki. Matangkad na siya pero kinailangan pa niyang tumingala dito para lang makita niya ang mukha nito. He was probably 6 feet tall. Nagkamali yata siya sa ginawa niya dahil ngayong mas malapit siya rito, mas lalo rin niyang napatunayang guwapo ito. Nakakalunod ang kulay abo nitong mga mata, na parang ba natural na sa mga iyon ang mang-akit. Imposibleng nagkita na sila noon. Hindi niya puwedeng palagpasin ang gsabi nito kaguwapong nilalang. Pero may kung anong pamilyar dito, lalo na ang mga mata nito. Kumunot ang noo nito. "Hindi mo talaga ako nakikilala?" "Nagkatrabaho na ba tayo noon?" Mapait na ngumisi ito. "Well, hindi kita masisisi kung hindi mo na ko naaalala." Iminuwestra nito ang katawan nito. "Look at me now. Hindi na ko 'yong obese na parati mong pinag-ti-trip-an. Like the new me, Tyra?" Hindi niya nagugustuhan ang panunuya na nahihimigan niya sa boses nito. "Hindi kita naaalala." "I'm Colin. Colin Lincoln Arellano." Nagkibit-balikat siya. "Tulungan mo na lang mag-empake si Marielle at puwede na kayong umalis sa bahay ko." Ngumiti ito nang parang nang-aakit. "Ngayon lang uli tayo nagkita, kaya bakit aalis ka agad?" Bago pa siya makapag-react ay marahang tinulak na siya nito sa pader, pagkatapos ay ipinatong nito ang mga kamay sa magkabilang bahagi ng ulo niya. Ibinaba rin nito sa mukha niya ang mukha nito. "It's been awhile, Tyra," bulong nito sa mapang-akit na boses. "I missed you." Kung naapektuhan man siya sa pang-aakit nito, hindi niya 'yon pinahalata. Well, kung iniisip nitong makukuha siya nito sa pagano'n-gano'n lang, nagkakamali ito. "Well, I can't probably miss someone I don't even know, right?" Naging mapait ang ngiti nito. "Hindi ka pa rin nagbabago. You're still cold." "Umalis ka sa harap ko." "Tinataboy mo ko pero nagbabayad ka lang naman ng mga lalaki para paligayahin ka," nang-iinsultong sabi nito. "I'm freely throwing myself at you, kaya tanggapin mo na ko." Dapat ay nainsulto siya sa sinabi nito. Pero dahil naiintindihan niya kung saan ito nanggagaling, natawa na lang siya. Marahil ay nakita siya nitong binabayaran ang lalaking lumabas ng kuwarto niya. "Well, Mr. Arellano, gaya ng sinabi mo, nagbabayad ako ng mga lalaki para sa "kaligayahan" ko. Sadly, hindi ka kabilang sa mga klase ng lalaki na may kakayahang pasayahin ako." Halatang nainsulto ito sa sinabi niya. "Are you saying that I can't satisfy you?" Tumaas ang sulok ng mga labi niya, pagkatapos ay marahan niyang pinadulas ang daliri niya sa matigas nitong dibdib. His eyes darkened, and she knew he was turned on. Kaya nga hindi siya nagkamaling tumingin sa ibabang bahagi ng katawan nito. "You can't satisfy me, Mr. Arellano. Ayoko sa mga lalaking madaling bumigay." Namula ang mukha ni Colin dala marahil ng pagkapahiya. Binunggo niya ang balikat nito nang lagpasan niya ito, pero napasimangot din siya. Shit! Si Colin na ba 'yon? *** NAPANGISI na lang si Colin nang umupo sa kandungan niya ang sekretarya ng kanyang ama, pagkatapos ay ito na mismo ang humalik sa kanya. Ang isang kamay naman niya ay pumailalim sa blusa nito. She moaned when he squeezed her left breast. Alam niyang dapat ay maging masaya siya dahil iyon naman talaga ang gusto niya sa mga babae. But his mind was suddenly occupied by Tyra. Again. Hindi siya makapaniwalang hindi na siya nito naaalala. Alam niyang malaki na ang ipinagbago ng pisikal niyang anyo, pero hindi nito puwedeng makalimutan ang pangalan niya! "What's wrong, Sir Colin?" tanong ni Alma nang huminto siya sa pagtugon sa mga halik nito. Nakabukas na ang blusa nito sa harap niya pero kahit malayang nakalantad sa harap niya ang dibdib nito ay wala siyang maramdaman. "It's just that–" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang bumukas ang pinto ng opisina niya. Iniluwa niyon ang galit na galit na ama niya. "Walanghiya ka talagang bata ka!" galit na sigaw ng ama niya. Mabilis na tumayo si Alma at inayos ang sarili nito. Namutla ang dalaga sa takot at alam niya kung bakit – babae ng ama niya si Alma. "S-Sir..." "Umalis ka dito babae ka!" galit na utos ng ama niya. Nagmamadaling umalis si Alma sa takot sa ama niya. Galit siya sa ama niya dahil kahit noong buhay pa ang ina niya ay kung sinu-sino nang babae ang kinakasama nito. Bilang ganti sa ama niya, inaakit niya ang mga babae nito at kapag nakuha na niya, sasadyain niyang magpahuli sa ama niya para lang galitin ito. "Anong kagaguhan na naman 'to, ha? Colin?" galit na tanong ng ama niya. "Kailan ka ba titigil sa kalokohan mo?" Ipinatong niya ang mga binti niya sa mesa. "Well, kapag huminto ka na sa pambababae mo, pag-iisipin ko." Pumikit ang ama niya para marahil kalmahin ang sarili. Nang magmulat ito ay malamig na ang mga mata nito. "Wala ka na bang ibang balak gawin sa buhay mo kundi ang buwisitin ako? Paano ang kompanya natin?" Hindi siya sumagot. His family owned hotel chains all over Asia. Bilang panganay na anak ni Leon Arellano, siya ang inaasahang magmamana ng kompanya nila. Pero wala siyang hilig sa pagpapatakbo ng negosyo, at lalong wala siyang balak magpaalipin sa ama niya. Bumuga siya ng hangin, saka tumayo. "Tapos na ko rito. Hanggang sa susunod mong biktima, Dad." "I'm disowning you, Colin." Nagulat siya. "What?" "Simula ngayon, hindi na kita ituturing na anak. Kaya lahat ng ibinigay ko sa'yo, babawiin ko na. Wala ka nang posisyon sa kompanyang ito. Wala ka na ring bahay na uuwian, kotseng ipaparada, at lalong hindi na kita susuportahan financially. Hangga't hindi ka tumitino, wala kang pamilya na puwedeng lapitan," kalmado pero may himig na galit na sabi ng ama niya. Shit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook