bc

Riot Men Series 7: Imprisoned by Her Kiss (SPG)

book_age18+
2.9K
FOLLOW
9.2K
READ
dark
arrogant
badboy
kickass heroine
billionairess
gangster
bxg
serious
small town
secrets
like
intro-logo
Blurb

Riot Men Series 7: Imprisoned by Her Kiss

Dwayne Fortuna, a heartless, brat and fearless. Napadpad siya sa probinsiya dahil sa pagtakas sa malaking gulong ginawa niya. A man with full of secrets. Ngunit sa pagtatago niya, matatagpuyan niya si Yuri, ang babaeng gagawin lahat para sa pamilya nito. Isang halik ang magiging dahilan ng kanilang paglalapit at natagpuan niya ang sariling concern sa dalaga. Ngunit sa pagiging malapit nila, panganib ang kapalit niyo.

Kaya ba niyang baguhin ang sarili para sa dalaga? Matatanggap kaya nito ang pagkatao niya at ang lahat ng sikreto sa buhay niya? Paano niya puprotektahan si Yuri sa nakaraan niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
NAPANGISI si Dwayne Fortuna nang makita ang pagdating ng grupo ni Alvin Sisingco, na kilala sa tawag na Alpha Fighter. Kilala ang gang ng mga ito at kinatatakutan ng marami at pinapangarap na mabilang sila roon. Pero iba si Dwayne, ni walang takot o pangangatog ng tuhod ang nararamdaman niya. He's more excited to see what they can do. Halos lahat ng tao na nasa loob ng bar na kinaroroonan niya ay nagsitabihan. Alam rin niyang kinabahan ang babaeng nasa tabi niya habang nakaakbay siya rito. Aalis pa nga sana ito pero mabilis niyang pinigilan. Ang babaeng ito lang naman ang hinahabol ni Alvin sa kaniya. Si Remi, na inulot niya para asarin ang huli. Para makita kung ano ang kakayahan ng Alpha Fighter na kintatakutan ng marami. "I warned you about this, Dwayne. Ginagag* mo ba talaga ako?" banat agad ni Alvin sa kaniya. Umayos siya ng upo at bumitaw sa dalagang nasa tabi niya. Ipinatong niya ang mga siko sa tuhod at kumuha pa ng pagkain sa lamesa bago nag-angat ng tingin kay Alvin at sa mga kagrupo nito. Kung bibilangin, mahigit sa pito lahat ng nasa harap niya "Do I need to do what you warned? Alvin, come on, hindi mo ba nage-gets? Hindi ako ang nanggagag* sa iyo, ang sarili mo." Ngumisi pa siya at saka bumaling kay Remi. Hinagkan niya ito sa labi na lalong naging dahilan ng pagtaas ng galit ni Alvin. "It's obvious, Rem choose me over you. She even told me she loves me more than you. Buddy, tanggapin mo na lang na natalo ka," pang-aasar pa niya. "F*ck you, Dwayne! Hay*p ka! Pagsisisihan mo ang ginawa mo. I'll make sure na uuwi kang gumagapang," pananakot ni Alvin sa kaniya na ikinatawa lang niya. "Ako, gagapang? Alvin, I'm human not centipede or worms," patuloy niya. "Alvin, please stop this. Don't make a scene here. Hindi ba't nag-usap na tayo tungkol dito?" sabat naman ni Remi. Lalong nagdilim ang mukha ni Alvin at ang galit ay mas lalong nabakas doon. "No, Remi! I couldn't let you leave me para sumama sa lalaking 'yan," madiing saad nito. Napailing lang si Dwayne habang nakangisi at kumakain ng mani na nasa table. Hindi alintana sa kaniya ang bilang ng mga taong nasa harap niya "Sir—" Hindi na naituloy ni Renz ang sasabihin nito nang makita ang grupo ni Alvin sa harap niya. "S-sir, a-anong ginagawa nila rito?" kinakabahang tanong nito. Si Renz ang tapat na tauhan niya at tanging pinagkakatiwalaan. "They are here to make some fun with me," kaswal niyang sagot na hindi ito nililingon. "Kung hindi ka rin naman mapupunta sa akin, sisiguraduhin kong hindi mo rin mapapakinabangan ang gag*ng lalaking iyan," galit na sambit ni Alvin at saka sumenyas sa mga kasama nito. Napaangat si Dwayne ng tingin at nakita niya ang paglabas ng mga ito ng lyabe. Isinuot ng mga ito iyo sa kanilang mga kamao at humanda sa pagsugod. "Wait! Wait! Chill, sigurado ba kayo sa gagawin niyo? Pwede namang uminom muna tayo. Don't be so serious, guys," natatawang aniya nang akmang susugod na ang mga ito sa kaniya. Dahan-dahang hinawakan ni Dwayne ang bote ng beer na nasa lamesa at dumakot ng mani na naroon. "Ito, magmani muna kayo!" Malakas niya inihagis ang mani sa mukha ng mga ito kasabay ng pagtayo niya. "Renz, ilayo mo si Remi," utos niya rito na agad nitong sinunod. "F*ck!" mura ni Alvin na natamaan sa mukha kaya napakiling ito. Lumapit siya sa isang lalaki at agad niyang pinalo sa ulo ng beer na hawak niya. Nawalan agad ito ng malay. "One down," nakangising saad niya. Umatras siya nang humanda na ang mga kasama ni Alvin. Alam ni Dwayne na hindi niya kakayanin ang mga ito kung sabay-sabay itong susugod kaya kumuha uli siya ng dalawang bote ng beer sa magkabila niyang mga kamay. Sumugod ang apat sa kaniya, hindi niya makita kung kaninong kamay ang sumusuntok pero dahil mabilis at maliksi siya, mabilis siyang nakaiwas sa mga suntok na iyon. Dumistansiya siya sa mga ito at nang makatyiempo, pinalo niya sa ulo ang isa at sinunod ang isa pa na kapwa napaupo. Napangisi si Dwayne, saka hinarap ang dalawa. Napakiling siya nang muntik na siyang tamaan ng kamao ng isang lalaki. Pero kasunod niyon, napaigtad siya nang tumama sa sikmura niya ang kamao ng isang lalaki. Napangiwi siya at napaatras habang sapo ang sikmura. Ramdam niya ang sakit pero mabilis siyang nakabawi. Hindi naman niya hahayaang hindi makaganti. Pakanan, pakaliwa ang ginawang pag-ilag ni Dwayne sa mga suntok ng mga ito sa kaniya. Nang makakuha siya ng pagkakataon, magkasunod na suntok ang pinakawalan niya na agad tumama sa mukha ng isa. Bumaling naman siya sa isa at magkasunod na sinuntok ito pataas kaya napatingala ito at bumagsak. Bukod sa tugtog ng bar na iyon, rinig din ang pagkabasag ng mga bote at ang mga gamit sa loob ng bar, kasunod ang hiyawan ng mga naroon na bakas ang takot sa kanila. Ngumisi si Dwayne nang nag-angat siya ng tingin kay Alvin, ngumisi rin ito. "Kung inisip mong madali mo akong mapapatay, nagkakamali ka, Alvin. Katulad mo lang din ako, masamang damo at hindi madali mamatay," salubong ang kilay na sambit niya. Sumugod pa sa kaniya ang dalawa pang kasama nito. Ilang ilag ang ginawa niya, pagkatapos ay siya naman ang umatake, magkasunod na suntok na tumama sa dibdib ng dalawa. Ginawaran pa niya ng sipa, dahilan para tumilapon ang mga ito sa table roon at nabasag ang mga naroon. "Pagsisisihan mo 'to, Dwayne. Pagbabayaran mo lahat ng ito. You don't know what Alpha Fighter can do," pananakot nito sa kaniya. Ngumisi si Dwayne. "I'm fearless, Alvin. In fact, I'm more excited about what your gang can do about me," pang-aasar pa niya. "Damn you, Dwayne! Fu*ck you!" Kasunod niyon ang pagsugod ni Alvin sa kaniya. Magkasunod na suntok ang pinakawalan nito na agad niyang naiwasan. Gumanti siya ng suntok pero agad ring naiwasan ni Alvin. Nagpalitan sila ng mga atake at sa husay ng bawat isa, halos naiilagan nila iyon. Mabilis na napaigtad si Dwayne at napaatras nang maramdaman niya ang matigas na kamao ni Alvin sa tagiliran niya. Nasapo niya iyon at bago pa man siya makailag, isa pang suntok ang ginawad nito sa panga niya, dahilan para matumba siya. Pumaibabaw sa kaniya si Alvin at sunod-sunod na sinuntok ang mukha niya, ramdam doon ang matinding galit. Nalalasahan na ni Dwayne ang malangsang dugo ng mga labi niya pero sa kabila niyo'y napatawa pa siya. "You act like a loser man," pang-aasar niya rito. "F*ck you!" Nang susuntukin uli siya ni Alvin, nahawakan niya ang braso nito at ubod ng lakas na pinisil iyon at pinilipit gamit lamang ang isang kamay niya. Napasigaw ito sa matinding sakit at sa pagkakataong iyon, hinila niya ito paalis sa ibabaw niya na hindi pa rin binibitawan ang braso nito. Marahas niyang pinahid ang dugo sa labi niya at ngumisi. "I'll make sure you're ended up in the hospital, Alvin," pananakot niya. Mula sa kinaroroonan ni Dwayne, nakita niya ang lyabeng ginamit ng mga kasama ni Alvin. Kinuha niya ito at bumalik kay Alvin na naminilipit pa rin sa sakit dahil sa pagpilipit niya sa braso nito. Pumaibabaw siya rito at sunod-sunod na pinagsusuntok. Halos mabasag na ang mukha ni Alvin sa ginawa niya. Halos mapuno na rin ang mukha nito ng dugo. Putok na ang labi nito at ang ibang parte ng mukha nito. Hindi siya tumigil. "Sir, tama na 'yan baka mapatay mo siya," narinig niyang sambit ni Renz. Mayamaya pa'y lumapit ito sa kaniya. "Nandiyan na ang mga pulis." Hinila siya nito para pigilan. Mayamaya pa'y may mga kalakihang pumasok sa bar at mga pulis nga ito. Nilingon niya muna si Alvin na wala ng malay bago tumakbo patungo sa likod ng bar. Hinabol sila ng mga pulis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook