Summer vacation is a favorite time of the year, as it gives a chance to relax and explore new things. This summer, Summer Dyrroth Santiago visited a native village which is quite a distance from the city. It is a five-hour journey by train. Summer Dyrroth Santiago hates summer vacation because he only remembered those days - a monster woke up inside of him when he and Alice broke up.Ang gusto lang ni Summer ay manatili sa kanilang bahay sa syudad pero nakiusap ang kanyang magulang na sumama ang binata sa probinsiya para naman magliwaliw at mabisita ang kaniyang Lolo at Lola.Sa pagbagtas pa lang sa mahabang kalsada ay nababagot na si Summer, paano pa kaya kung makarating na sila mismo sa probinsiya ng kaniyang Lolo at Lola?Akala ni Summer ay magiging dati lang ang nakasanayan niyang pagbabakasyon sa poder ng kanyang Lolo at Lola pero nagkamali siya nang bumulaga ang bulto ng isang dalaga na nagngangalang Mettalica Natalia Alegre o mas kilala sa pangalang Mental.Summer felt weird when he meet Mental. Dahil sa kakulitan ni Mental na maging magkaibigan silang dalawa, hindi namalayan ni Summer ang takbo ng panahon.Ang summer na pinaka-ayaw niya ay siya mismong magdadala muli ng init sa pamamagitan ng katauhan ni Metallica. Unti-unting bumabalik sa dating buhay si Summer ng makilala niya si Mental pero dumating ang isang pagkakataon nang muli silang magkita ni Alice.Hindi sinasadya ni Summer na masaktan at mabalewala si Mental nang bumalik si Alice pero 'yon na pala ang huling araw na makikita ni Summer ang nakangiting mukha ni Mental. Dahil bago pa sila umuwi ng Maynila, hindi nagpakita si Mental sa kaniya.
Bilang nag-iisang anak na babae at black sheep ng pamilya, hindi malaman ni Nyela kung ano ba talaga ang gusto ng kanyang ama bukod sa gusto siya nitong pag-aralin sa isang unibersidad. At dahil sa naranasan na ni Nyela ang magtrabaho, wala na siyang balak na mag-aral pa dahil aniya, marunong naman na siyang magbasa at magsulat. Pero isang gabi, nahuli si Nyela ng kanyang ama nang umuwi siya sa kanilang bahay ng hating-gabi mula sa isang bar kung saan ginanap ang kanyang misyon. Binigyan siya nito ng isang kondisyon. Kondisyon na makakapagpabago sa buhay ni Nyela oras na lumabas siya ng kanilang pamamahay, ipapakasal siya ng ama sa isang lalaking hindi niya naman kilala. Ang hindi alam ni Nyela ang lalaking 'yon ay walang iba kundi si Luca Ray West. Isang mayamang lalaki na sa hinagap ni Nyela ay hindi niya aakalaing gano'n ito ka-gwapo na tila paglalawayan ng kampon ni Eva sa balat ng lupa. Paano kung isang araw, binigyan ng misyon si Nyela at ang misyon na 'yon ay patayin ang asawa niyang si Luca? Magagampanan kaya ni Nyela ang kanyang trabaho bilang secret agent o pagaganahin ang kanyang puso bilang asawa ni Luca?
Likhil Ganika Yaeger o mas kilala sa pangalang Ligaya na naging kasalungat ng kanyang buhay na puro lungkot at masalimuot ang nararanasan habang namumuhay siyang mag-isa sa isang syudad.Dahil sa sunud-sunod na pagkakatanggal niya mula sa kanyang mga trabaho na pinapasukan, namalayan na lamang ni Ligaya na napadpad siya sa isang tulay malapit sa karinderyang kanyang huling alas niya sana para magtrabaho ngunit kalaunan ay natanggal din siya.Hindi mawari ni Ligaya kung ano pa ba ang pwede niyang gawin para lang makaraos sa buhay na kanyang kinakaharap? Masyado na siyang nahihirapan ngunit nagmamatigas siya na hinding-hindi sya hihingi ng anumang tulong sa mga taong tinalikuran niya.Ngunit dahil sa pagmumuni ni Ligaya habang nakaupo sa barandilya ng tulay; isang estranghero ang naglakas loob na kausapin si Ligaya.Si Helio Dune Vernice o mas kilala sa pangalang Helio; seryoso, suplado, mayaman ngunit may tinatagong kabaitan. Nang makita nito si Ligaya, hindi ito nag-atubiling huminto sa gilid ng tulay at hindi alintana kung maging dahilan man siya ng traffic sa kalsada. Ang gusto niya lamang ay mailayo ang babae sa binabalak nitong pagtawid sa kabilang buhay."Do you think that jumping in there will solve the problem you are facing?"Ang inaasahan ni Helio ay hindi ang magiging sagot nang babae ngunit nagulat siya nang marinig ang mga katagang binitawan nito."Kung ibebenta ko ba ang sarili ko sa'yo, handa ka bang bilhin ako?"Hindi alam ni Helio ang kanyang isasagot sa dalaga habang si Ligaya naman ay tila nauubusan na nang pag-asa na magpatuloy pa sa buhay.Papayag nga kaya si Helio na bilhin ang babae sa halagang nais nito para lang mailayo niya ito mula sa barandilya ng tulay? O tatalon na lamang si Ligaya at piliin ang walang hanggang pahinga sa piling ng kadiliman?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.