bc

ESCAPING MR. HENDERSON

book_age18+
1.1K
FOLLOW
3.5K
READ
billionaire
sex
forced
arrogant
drama
bxg
serious
office/work place
enimies to lovers
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa mga utang ng pamilya ni Honey, napilitan siyang nakiusap sa taong pinagkakautangan ng pamilya niya.

Pero nang makilala niya kung sino ang lalaking ito ay walang iba kundi ang kaaway niya noon sa University.

Si Honey din ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ng girlfriend ni Desmon.

Paano niya pa matatakasan ito lalo na kung may mabigat na pinanghahawakan si Desmon para lalo siyang mahirapan. Kaya ba niyang harapin ang lahat ng mga pagsubok kung anuman ang hihingin nito sa kan'ya? Upang maibigay lang sa kan'ya ang nais nito ang mabayaran lamang nila ang pagkakautang sa kaaway ni Honey?

Pero mas pinili pa din niyang takasan ang lalaking pinipilit siya na maging slave nito at hindi na nagpakita pa kay Desmon.

Ano ang dahilan ng biglang paglaho ni Honey na halos mabaliw na si Desmon sa paghahanap sa kan'ya? Ano ang rason kung bakit niya pa ito hinahanap?

chap-preview
Free preview
Chapter1
Pagod akong umuwi sa bahay galing sa aking trabaho ng marinig ko ang iyak ng aking mama pagkapasok ko sa loob ng bahay. Dinig kong inaalo ng aking papa si mama. Pinihit kon ang saraduhan ng pintuan at hindi ko na naisipan pang kumatok dahil nahihiwagaan ako kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa. Pagkabukas ko ng pinto ay hindi nila napansin ang pagdating ko dahil nakatalikod sila mula sa may pintuan. Dahan dahan ko ding sinarado ang pinto at humakbang ng isang beses. Pero sa ikalawang hakbang ay doon nila nakuha ang atensiyon ko ng matapakan ko ang laruan ng aking kapatid kaya ako nakagawa ng ingay. "Hello po mama, papa. Nakauwi na po ako." Nakangiti ako ng batiin ko sila. "Oo nga anak nakauwe ka na nga at nakapasok ka na nga dito sa loob ng kuwarto namin. Ni hindi mo nga naisipan ang kumatok eh." sagot ni papa sa akin. "Sorry po papa, nag aalala lang po kasi ako kay mama dahil dinig na dinig ko ang pag iyak niya mula sa labas ng bahay eh. May problema po ba papa?" Naupo ako sa tabi ni mama at niyakap ko siya ng mahigpit. "Malaki ang problema natin anak at huwag ka sanang mabibigla ha." Naging katahimikan ang namayani. Hindi ko na matiis na antayin pa ng matagal ang sasabihin ni papa. Nagkatinginan muna si mama at papa. "Buntis po ba si mama, papa? Madadagdagan na naman po ba tayo ng isa?" Sumimangot si mama at galit naman ang mukha ni papa. Kaya napatayo ako ng wala sa oras at baka paluin ako ni papa kahit dalaga na ko. "Alam mo anak, may kring kring ka na talaga. Ang tanda na namin para magkaroon pa ng isang supling. Hays!" Napailing ng ulo ni papa saka niya ko tinignan ulit. "Hindi buntis ang mama mo at itatak mo sa kokote mo na hindi na kailanman mabununtis ang mama mo dahil menopaus na siya. Kung gusto mo ng isa pang kapatid, mag asawa ka na para may inaalagaan kang bata." "Si papa talaga, utusan pa kong mag asawa eh wala naman magkakagusto sa akin kahit yung crush ko noon ni hindi man lang niya ko magustuhan, sa gandang kong to." "Anak mag ayos ka naman kasi kahit papaano. Gayahin mo ang mama mo, kaya nga ako nainlove sa kan'ya dahil sa magaling siyang mag ayos at palaging mabango." Napangiti na si mama sa sinabi ni papa. Inamoy ko ang sarili ko na siyang kinatingin ng mama at papa ko. "Oh anong ginagawa mo? May mabaho ba sa iyo?" Tanong ni papa. "Napansin ko lang po kasi papa yung sinabi niyong palaging mabango si mama kaya kayo nainlove sa kan'ya. Kaya pala hindi ako napapansin ni Luther dahil mabaho siguro ako." Naupo ako sa tabi nila at lumayo sila sa akin. "Anyare po sa inyo 'ma, 'pa? Bakit po kayo lumayo sa akin?!" Kunot noo kong tanong sa mga magulang ko. "Ang sabi mo kasi iha na mabaho ka, kaya kami lumayo sayo." Nalukot ang mukha ko ng sabihin iyon ng mama ko at napa cross arm ako sa dalawa kong braso. Lumapit silang dalawa sa akin at niyakap nila ako. "Biro lang namin 'yon anak." saad ni mama. "Gusto ko, maging masaya tayo palagi kahit na may mabigat tayong pinagdadaanan." "Tama Amanda, dapat maging masaya pa din tayo kahit na may mabigat tayong pinagdadaanan." saad ni papa. Napahiwalay ako ng pagkakayakap sa kanila at isa isa ko silang tinignan. "May dapat po ba akong malaman papa?" Yumuko si papa at tanging si mama lang ang nakatingin ng diretso sa akin. "Anak, hindi na namin pa kayang itago ito sapagkat ikaw ang panganay namin. Makinig kang mabuti." Mariing hinawakan ni mama ang aking kamay at pinisil niya iyon. "Huwag ka sanang mabibigla at sana tatagan mo ang sarili mo." "Okay po mama, pangako." sagot ko. "Nagpunta dito ang manager ng bangko kung saan nakasanla ang bahay at lupa natin. Alam mo naman iyon diba?" "Opo ma, alam ko po 'yon." "Ganito kasi iyon. Matagal ng hindi nahuhulugan ang perang nahiram natin sa taong pinagkakautangan ng papa mo at lumaki ng lumaki ang interest noon dahil baon din sa utang ang papa mo sa iba pa niyang mga kaibigan. Kaya umabot na ng milyon ang halaga ng pagkakautang natin sa kanila. Kung hindi pa natin mababayaran ang malaking halagang nahiram ng papa mo ay mapipilitan silang kunin lahat ng ari ariang naipundar ng papa mo." Natulala ako sa nalaman ko at hindi makapaniwala sa narinig. "Bakit po ngayon niyo lang sinabi ito? Sana ako na lang po ang gumawa ng paraan para makabayad tayo sa pagkakautang natin sa kanila." napayuko ako sa lungkot at may tumulong luha sa aking mga mata. Tinanggal ko muna ang malaki kong salamin sa mata at doon ko na binuhos ang masagana kong luha. "Anak, makakaya natin 'to, huwag tayong mawalan ng pag asa. Magtulungan tayo." sambit ni papa. "May isa ka pang dapat malaman anak," sambit ni mama. "Ano po 'yon ma?" Napatingin ako sa kan'ya ng diretso sa kan'yang mga mata. "May isang buwan na lang tayong palugit dito sa bahay dahil kukunin na nila ang lahat ng meron sa atin." "Ano po?!" bigla kong sabi. "Saan na po tayo titira niyan? Paano na po ang mga kapatid ko, ang pag aaral nila ay mapapabayaan na." nanginginig kong sabi. "Bakit po nangyari ang lahat ng 'to sa atin mama, papa." humagulhol na ko sa iyak at tanging si mama lang ang umaalo sa akin. "Ssshhh tahan na anak, baka bumaha na dito sa loob ng kuwarto namin ng papa mo," biro ni mama. Napayakap ako sa mama ko ng mahigpit at ganoon din si papa. "Tumahan ka na nga at baka maabutan ka pa ng mga kapatid mong umiiyak. Baka sila din ang sumunod na umiyak eh. Ayoko ng magpatahan lalo na puro kayong babae lahat." Pagbibiro ni papa. "Opo, titigil na po ko papa," nginitian ako ni papa. "Pero matanong ko lang po, sino po ba ang taong pinagkaka utangan niyo papa, mama?" Sinisinok pa ko ng sabihin ko iyon. "Ang dati kong boss sa pinagtatrabahuan ko dati. Wala na akong balita sa kanila pagkatapos ng tatlong taong nakalipas kaya hindi na natuloy ang paghulog sa kanila. Pero kahapon lang ay may nagpunta ditong mga tao na galing sa bangko at kasama nila ang anak ng boss ko dati." "Alam mo anak ang guwapo niya," singit ni mama. "Naku kung maka guwapo ka naman eh parang hindi ka din nagwapuhan sa akin noon. Halos panay sulyap mo pa sa akin non," pagbibiro ni papa. "Pa, ma! seryoso po itong usapan eh. Kung saan saan umaabot ang mga pinagsasasabi niyo po. Ang laki na nga po ng problema natin, kahit kelan po talaga kayo puro po kayo kalokohan na dalawa," reklamo ko. "Yan tuloy, hindi niyo na nasasagot ang mga tanong ko po." "Ang mama mo naman kasi ang nag umpisa anak eh." "Naku ako na naman ang sinisi mo, eh sa totoo namang guwapo yung lalaki na yun eh," sagot ni mama. Napasapo ako ng ulo dahil sa dalawa kong magulang. Para silang mga teenager pa lang. "Ano nga ba ulit yung tanong mo? Nakalimutan ko na kasi." Napakamot ng ulo si papa. "Ang tanong ko po kanina ay kung sino yung taong pinagkakautangan niyo. Sino po siya at baka sakaling mapakiusapan ko pa." "Ah yun ba, saglit at may kukunin akong papel dahil hindi ko mabigkas ang pangalan ng lalaking yun. Ang guwapo nga pero ang gulo naman ng pangalan," sambit niya. Umalis ito at tinungo ang tokador. May kinuhang puting sobre doon. Nang nakuha niya na ay agad na lumapit sa akin at inabot niya sa akin ang puting sobre. "Yan anak, nasa loob ng sobre na yan ang buo niyang pangalan at ikaw na magbasa dahil hindi ko saulado ang pangalan na yan."Ngumiti ako ng tipid. Unti unti kong kinuha sa loob ng puting sobre ang papel na nakatiklop ng tatlong beses. Sinuot ko ang malaking salamin ko sa mata bago ko binuklat ang papel at tahimik na binasa. Pagkabasa ko sa ibaba ay may nakasulat doon na pangalan ng tao at may pirma sa itaas ng kan'yang pangalan. Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Pero inulit ulit ko pa iyon na basahin. Inilapit ko pa ng husto sa paningin ko ang papel baka nagkamali ako ng basa. DESMOND MAXIMLLIANO HENDERSON. NO! hindi puwede ito, hindi siya yan, sabi ng isip ko. Baka magkapareho lang sila ng pangalan saka imposibleng siya ang taong yon at ang taong ito ay iisa lang. Napailing ako ng ulo ko at nabitawan ko ang hawak na papel. Pinulot iyon ni mama at inilagay ulit sa loob ng sobre. Hinawakan niya ko sa balikat. "Anak, bakit? Kilala mo ba ang taong yan?" Pag aalalang tanong ni mama. Hindi ko siya hinarap bagkus ay nakatingin lang ako sa may dingding. "Hindi po ako sigurado mama kung siya nga po iyon. Sana nga po ay hindi," at mariing pumikit ng aking mga mata. Dahil naalala ko lang lahat sa kan'ya ang mga pambubully niya sa akin noong panahong nag aaral pa kami. "Anak, may ugnayan ba kayong dalawa doon sa taong inaakala mong siya ay iisa?" Napadilat ako ng mga mata ko sa tanong ni mama saka ko siya hinarap. "Siya po ang kaaway ko noong nag aaral pa lang ako mama," deritsahan kong sabi. "Ano?!" Sigaw ni papa. Nagulat kami ni mama at napahawak siya sa kan'yang dibdib. "Sus maryosep ka naman Armando, nakakagulat ka naman. Bigla bigla ka na lang sumigaw diyan," reklamo ni mama. "Eh paano naman na hindi ako sisigaw dito. Binully niya yang anak natin Amanda." "Pa, huwag po kayong mag alala dahil hindi po ako pumayag na bulihin na lang niya ko ng ganun ganun lang siyempre nilabanan ko siya kahit babae ako. Hindi ako papadaig sa kan'ya papa," sagot ko. "Anak ng teteng naman kasi eh....anak..... Bakit hindi mo agad sinabi sa akin at inupakan ko ang gagong yan. Naku! hindi pupwede sa akin yang mga ganyang lalaki na yan," galit na sabi ni papa. "Tama na po papa dahil nakaganti na po ako sa kan'ya bago pa ako umalis ng University." Ngumiti si papa. "Naku kung makangiti wagas," sambit ni mama. "Tumigil ka na din Amanda at lumabas ka na ng kuwarto. Magsaing ka na doon at mamaya ay darating na ang mga bata," utos ni papa. "Ako na po ang magsasaing papa," pagprepresinta ko saka tumayo at kinuha ang bag sa kutson. Pinigilan ako ni mama na hawak ang aking kamay. "Ako na anak ang gagawa 'yon. Magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Alam kong pagod ka sa trabaho mo kagabi." "Salamat po mama," sagot ko. Nauna ng lumabas si mama. Lalabas na sana ako ng kuwarto ng pigilan aki ni papa. "Saglit lang anak, ano naman ang ginawa mo sa gagong lalaking 'yon at paano ka nakaganti sa kan'ya?" Tanong ni papa. "Bakit po nais niyong malaman papa?" Sinukat ni papa ang hieght ko gamit ang kan'yang kamay. Kumunot ang aking noo dahil sa nagtataka ako sa ginawa niyang pagsukat. "Para saan po ba yan papa?" "Sa liit mong yan anak, paano ka nakaganti sa kan'ya?" "Ah 'yon po ba papa?" Tumingkayad ako at pilit inabot ang tenga ni papa saka may binulong ako sa kan'ya. "Sinipa ko po ng malakas ang kan'ya papa." Bumulwak ng tawa si papa at ako naman ay nagpipigil naman ng tawa at nagpaalam na magpapahinga na. Lumabas na ko sa kuwarto ng aking magulang at dumiretso na sa aking kuwarto upang makapagpahinga. Dahil sa night shift ang trabaho ko bilang supervisor sa isang pabrika ng biskwit ay kinakaya ko. Maliit lamang ang aking kinikita at hindi sapat para matustusan ang mga pangangailangan namin. Matanda na din si papa at mama para kumayod sila sa bukid. Hindi ko na alam kung paano pa makakahanap pa ng ibang paraan para lang may maipambayad kami sa pagkakautang namin sa pamilyang Anderson. Desmon Maximlliano Anderson, paulit ulit na pumapasok sa isip ko hanggang sa nakatulugan ko na ang pag iisip na sana ang taong kaaway ko noon ay huwag sana ang taong pinagkakautangan ng aking mga magulang. My Desmon, my best enemy in my whole life.....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook