bc

Married To A Cold Heartless Billionaire

book_age18+
2.8K
FOLLOW
14.7K
READ
billionaire
possessive
sex
contract marriage
pregnant
brave
drama
bxg
small town
tyrant
like
intro-logo
Blurb

#SummerUpdateProgram

"I will marry you Rose and I'll give you everything you want but I have one thing I can't give. My heart."

Ito ang isang malaking problema ni Glenn, ang magpakasal dahil lamang sa pamana ng kan'yang lolo sa kan'ya. Hindi pa siya handa sa isang relasyon. Hindi niya pa kayang talikuran kung ano ang gawain niya bilang isang binata.

Pero paano na lang kungahulog ang loob ni Rose sa lalaking hindi naman siya kayang mahalin at ginamit lang siya para lang makuha ang mana sa kan'yang lolo?

Hanggang kailan makakamit ni Rose ang salitang "Mahal Kita" sa cold niyang asawa? Ang matagal na niyang inaantay na gusto niyang marinig mula sa kan'ya?

May pag-asa pa kaya si Rose na mamahalin din siya kung alam naman niya na isa lamang itong kasunduan ang pagpapakasal nila.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hey bro asan ka na? May gagawin pa ako mamaya. Ayaw ko pa naman magalit sa akin si Gina, alam mo naman yun naglilihi si misis. "Ang tawag mula sa kabilang linya ng kuya ni Glenn. "Im on my way kuya." Agad na binaba ni Glenn ang tawag ng kuya niya dahil nasa tapat na siya ng restaurant kung saan magkikita ang dalawang magkapatid. Naipark na niya ang kaniyang sasakyan. Inayos na muna Glenn ang gusot nitong suot na polo bago ito bumaba ng kaniyang sasakyan dahil sa pinagmamadali siya ng kaniyang kuya Nathaniel. Napuyat na naman si Glenn dahil sa pagbabar niya at may ka one night stand siya sa tuwing may makikilala itong babae sa bar. Ibang iba si Glenn kay Nathaniel, dahil si Nathaniel ay seryoso ito pagdating sa babae ngunit ng magtagpong muli ang landas ng dalawa na si Gina ay hindi na niya hinayaan pang mawala muli ang kaisa isang minahal niya simula pa noong mga bata pa sila ni Gina. Si Glenn naman ay daig pa niya ang ama nitong si Alec, kung gaano ka playboy ang ama nito noon ay siya namang mas lalo pa ang pagkababaero ni Glenn dahil sa kabilaan ang kaniyang mga babae. Yan ang isa sa sakit ng ulo ng mag asawang si Alec at Aliyah. Ito ang rason kung bakit magkikita ang dalawa at pag uusapan ang mga bagay kung paano masosolusyunan ni Glenn ang kaniyang problema dahil lamang sa pagpapakasal niya kay Viena na isa sa mga anak ng kumpadre ng kaniyang amang si Alec. Kung hindi pa naikasal si Glenn sa itinakdang panahon na ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga magulang ay mapipilitan siyang ipakasal kay Viena at ito ang pinaka ayaw ni Glenn dahil ayaw niya sa commitment. Ni minsan ay hindi nagseryoso si Glenn sa mga babae. "Akala ko hindi ka na darating. Ano ba yang itsura mo, mukhang kagigising mo lang ata ha." Nahalata ni Nathaniel na bagong gising lamang ang kaniyang kapatid dahil sa gusot gusot nitong damit at buhok. Halata rin sa kaniyang mga mata na napuyat ito kagabi. "Kuya alam mo namang sa tuwing biyernes at sabado ako gumigimik. Why dont we talk in my office. Kung kelan hindi ako puyat doon mo naman ayaw akong puntahan." "Ikaw tong may problema Glenn at bakit ako pa ang lalapit sayo. Puwede mo naman akong puntahan sa bahay. I remind you Glenn, huwag mo ng antayin pa na ipakasal ka kay Viena kung ayaw mo namang ikasal sa kaniya lalo na at hindi mo siya mahal. Makakaya mo pa ba yung tatlong buwan na palugit na ibinigay sayo nila mom at dad. Paano ka pa kikilos kung puro pambababae ang inaatupag mo." "Kuya marami pang araw yung tatlong buwan saka madali lang makahanap ng babaeng papakasalan ko kung pera lang ang pag uusapan. Marami tayo niyan kuya," ang pagmamayabang na sabi ni Glenn sa kuya Nathaniel niya. "Okay mamaya na lang natin pag usapan yan at nagugutom na ko. Halos isang oras na ko nag aantay sayo dito. Ikaw magbabayad ha total marami ka namang pera." "Tsk!" singhal ni Glenn. Dumating na yung mga order nila Glenn at Nathaniel halos mapuno na ang kanilang mesa. "Ang dami mong inorder kuya pero yung inumin natin wala." reklamo ni Glenn sa kuya niya. "No problem," tinawag ni Nathaniel ang manager at lumapit naman ang lalaking manager. "Sir pakihintay lamang po ang magseserve ng drinks niyo. Sorry po sir kung natagalan ang pagserve sa inyo." hinging paumanhin ng manager. "Its okay, wala pa naman nabubulunan sa amin." Ang sagot na pilyo ni Nathaniel. "Thank you po sir." Agad na umalis yung manager at tinawag niya si Rose na magsesrve ng drinks kina Glenn at Nathaniel. "Asan si Rose," wika ng manager sa isang waiter na lalaki. "Naroon pa po sir nagseserve pa sa ibang customer. Ako na lamang po ang magseserve yung drinks sa kabilang table sir." "No thats not your job para gawin mo ang trabaho ng iba." "Ah ayan na po pala siya sir." "Bakit ang tagal mo magserve, kailan pa ba bibilis yang pagkilos mo ha Rose." inis na turan ng manager. "Sorry po sir hindi pa po ako sanay sa ganitong trabaho." hinging paumanhin ni Rose habang hawak hawak nito ang tray. "Oh siya dali na, iserve mo na sa kanila ang drinks nila. Doon sa dalawang guwapo na iyon." Turo ng baklang manager. Agad naman tinungo ni Rose ang dalawang lalaki na nag uumpisa pa lang kumain. Nang malapit na siya sa kinaroroonan ng dalawang magkapatid na sarap na sarap sa pagnguya ng pagkain. Nabighani si Rose ng makita niya ang kagwapuhan ng nakapolo ngunit suplado ang mukha nito. Dahil sa abala ang kan'yang mga mata sa kan'ya ay hindi na niya napansing tumapon ang kanilang inumin sa may pantalon ni Glenn dahil sa katangahan ni Rose. "Shit...." bulalas ni Glenn dahil sa sobrang daming yelo na tumapon dito. "What a foolish thing you have done to me." Galit na sabi ni Glenn kay Rose. Napatanga na lang si Rose sa kinatatayuan niya dahil sa hindi niya matanggal ang paninitig nito sa guwapong nilalang na si Glenn halos lumukso ang puso nito dahil sa sobrang bilis ng t***k ng kaniyang puso. Bumalik lamang ang ulirat ni Rose ng dumating ang manager na bakla. "Naku sir sorry po hindi ko po sinasadya na matapunan kayo ng inumin." Agad namang kinuha ni Rose ang table napkin saka niya ipinunas sa basang parte ni Glenn. "Stop doing that." kunot noong napatingin ito kay Rose at napatingin din si Rose sa guwapong mukha ni Glenn ngunit pinagpatuloy lamang ni Rose ang kaniyang ginagawa habang nagkatitigan silang pareho. Dahil sa katangahan na naman ni Rose ay nakadakma siya ng isang matigas na bagay sa gitnang bahagi ni Glenn na siya namang kinagulat ni Rose "f**k! fuck... " galit na sabi ni Glenn. "Naku sir sorry po hindi ko po sinasadyang mahawakan yan. "Stupid, get out of my sight." Sigaw na galit na si Glenn. "Sir sorry po sa nangyari ako na po ang bahala sa kaniya." singit ng baklang manager ni Rose. Agad na umalis sina Rose at yung baklang manager. Agad namang inawat ni Nathaniel ang kapatid nito dahil sa nag ngingitngit na sa galit. Nagalit din tuloy ang alaga ni Glenn at hindi niya alam kung paano na naman palalambutin ang tigas na tigas na alaga niya. Nahalata ni Nathaniel na namumula na ang mukha ni Glenn dahil sa pagdakma ni Rose sa alaga ni Glenn dahil kitang kita niya kung paano dakmain ni Rose ang gitnang parte ni Glenn. "Hey relax ka lang bro. Wala tayo sa private area at baka makuhanan ka na naman ng video ng mga fans mo at maikalat na naman ito sa social media. Sige ka mapauwe agad ng wala sa oras sina mom at dad. Baka next day ay kasal ka na kay Viena. Kung kailangan mong magbawas why dont you go to the comfort room." "Tsk! Never kung gagawin yun dito kuya. Bakit kailangan ko pang pumunta ng cr kung isang tawag ko lang sa mga babae ay agad na nila akog pupuntahan." "Bawas bawasan mo naman ang mga babae at puwede bang magbago ka na dahil sa ginagawa mo binibigyan mo ng sakit ng ulo si mom. Huwag mong antayin na baka masangkot ka pa sa iskandalo dahil diyan sa pambabae mo." "Okay i will kuya. Titigil lang ako kapag natagpuan ko na ang tunay para sa akin. Aantayin ko pa din si Catherine." "Huwag mong sabihin yan gawin mo at bakit hindi mo pa siya ipahanap hanggang ngayon umaasa ka pa din na babalikan ka pa niya?" pag gigiit nito. "Yeah and you will find out soon." Nang matapos na silang kumain at natapos na ang kanilang pag uusap tungkol sa jan'yang problema ay naisipan ni Glenn na maghire na lang ng tao para ihanapan siya ng taong pakakasalan niya. Sumangayon naman ang kuya Nathaniel niya sa plano ni Glenn. As soon as possible ay dapat kasal na siya bago pa dumating ang kaniyang mga magulang galing sa America. Naghiwalay na ang dalawang magkapatid pagkatapos nilang mag usap. Inaya pa ni Glenn ang kuya na magpunta ng bar ngunit tinanggihan lang siya ng kuya niya dahil buntis ang asawa nitong si Gina. Padilim na ng umuwe si Glenn dahil dinaanan niya pa ang kaniyang kaibigan na si Hunter na siyang inutusan niyang maghanap ng babaeng aalukin niya ng kasal ngunit isang peke lang. Sobrang trapik ng highway habang binabay ang daan pauwe ng kaniyang condo. Nag shortcut na lang ito ng daan upang makaiwas ng trapik. Huminto muna siya sa may tapat na 7/11 store. Dito na lamang siya bibili ng alak at sa condo na lang siya iinum dahil sinabihan na siya ng kaniyang kuya na umiwas muna sa mga babae at baka maiskandalo na naman ito. Sa pagbaba niya ng kaniyang sasakyan. Nakita niya yung babaeng umiiyak na nakaupo mag isa habang umiinom ito ng beer. Halos nakatatlo na ito ng bote ng beer. Nagtaka si Glenn ng makita niya ang mukha ng babae kung mapagsino ito. Siya yung babae kanina sa restaurant. Hindi niya malaman kung bakit ito umiiyak. Minamasdan niya lamang ito at nag order na naman ito ng dalawang boteng beer. Hindi akalain ni Glenn na sobrang ganda ng babae. Hindi iyon napansin agad ni Glenn kanina sa restaurant dahil nagalit ito bigla dahil sa ginawang eksena ng babaeng waitress sa restaurant.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook