bc

My Son's Nanny is a Gangster

book_age18+
18.9K
FOLLOW
142.6K
READ
family
fated
opposites attract
second chance
drama
tragedy
twisted
sweet
humorous
secrets
like
intro-logo
Blurb

What is "Gangster" nga ba? Usually gangster ang tingin ng iba sa isang tao kapag parte sya ng mafia o anu mang grupo.

Pero paano kung di sinasadyang isinilang ka sa mundo ng mga taong nakikipaglaban sa mga gangster o mafia?

Can you consider yourself as gangster too?

This day is supposedly a happy day with them. My wife Colleen and our 1 year old son Colbie.

She is my first love. We met, when we are in college. After graduation niyaya ko agad syang magpakasal. Dahil para sakin sya na ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. And now we are going to our new love nest with our son. Pero hindi ko alam na hindi na pala kame aabot dun dahil sa isang aksidente. Aksidente na maghihiwalay samen habambuhay.

- Sebastian

This is the day, we are decided to tie the knot. Me and Cedric. Tanggap nya kung ano ako at ang pamilyang pinang-galingan ko. Sa kabila ng pagiging matigas ko ay napalambot nya ako.We love each other that's why we decided to get married. Pero dahil sa kanila nauwi sa isang bangungot ang masaya sanang araw na iyon.

- Luisa

Some scenes, places, and person na may pagkakapareha sa tunay na buhay is purely coincidence.

No to plagiarism.

Cohen07

chap-preview
Free preview
Chapter 1: I want a Mom
Sebastian's pov: Kumpanya-bahay. Bahay-kumpanya. That's my everyday routine. Madalang pa sa patak ng ulan kung lumabas man ako, to hang-out with my friends. At the very young age, ako na ang nagpapatakbo sa kompanya ng pamilya. Si daddy at mommy, ayon nagliliwaliw. Para i-enjoy ang pinaghirapan nila ng kabataan nila. Kaya maagang ipinasa sa'kin ni daddy ang pamamahala sa kompanya. Well, ginusto ko rin naman ito. Wala na rin naman akong ibang pagkakaabalahan. Dahil wala na ang buhay ko. Iniwan n'ya na ako. Maaga s'ya sa aking kinuha ng nasa taas. Because of that tragic accident. May anak kami pero kahit s'ya napapabayaan ko na. I love my son. Pero, he remind me so much of his mom, Colleen. Kaya inilalayo ko ang sarili ko sa kanya. Nasasaktan pa rin ako kapag naalala ko s'ya. It's been four years ago. Pero sariwa pa rin sa'kin ang lahat. I was in my deep thought nang mag-ring ang telepono sa opisina ko. "Hello?..." Tawag mula sa bahay. Ano na naman kaya ang problema. "Hijo, si Colbie nagwawala na naman," It's Manang Ludy. Mukhang tinotopak na naman ang anak ko. Napahinga ako ng malalim bago magsalita, "Ano na namang dahilan ng pagwawala n'ya this time, Manang?" tanong ko. "Ayaw n'yang kumain kanina pang-agahan. Sabi n'ya gusto n'ya raw ng mommy," mahinahong sagot nito. "Mami as in soup?" kunot ang noong tanong ko. "Hindi hijo. Nanay o ina ang tinutukoy n'ya. Bakit daw ang mga kaklase niya may mommy. Tapos siya wala," paliwanag ni Manang Ludy. "After 4 years bakit ngayon n'ya lang naisipang maghanap ng mommy? Na-explain ko na naman sa'kanya ang tungkol doon," nagsisimula na akong mainis. "Gusto ka raw n'yang makausap. Ibibigay ko ba ang telepono?" Manang Ludy asked. "Sige po, Manang. I'll talk to him," sagot ko. "Sige hijo." Maya-maya pa boses na ni Colbie ang naririnig ko sa kabilang linya. "Dad..." halatang kagagaling lang nito sa pag-iyak. "You're behaving badly again, son," pinipigil kong 'wag itong mabulyawan. "Dad... I want a Mom..." simula nito. "Colbie, I already explain it to you. Your Mom is in heaven. That's why we can't be together. Not anymore..." parang naninikip ang dibdib ko habang sinasabi ito. "But I can have a new mom, right? My classmate tom, he told me his real mom is in heaven too. But now his dad marry again. That's why tom has a new Mom now," Colbie said that. At age five, masyado ng malawak ang pag-iisip n'ya. "Colbie, listen. It is not that easy to find a new Mom, okay. At hindi lahat pwedeng magkaroon ng bagong mommy," dinig ko mula sa kabilang linya ang pagpadyak ng paa nito dahil sa sinabi ko. "Why not? You can marry again too. Like tom's dad right?" Okay, his bratty side is showing up again. "No. I cant. And I will not going to marry again," hinding-hindi ko papalitan si Colleen. Walang makakapalit sa kanya. Wala! "But I want a new mom, dad! Give me a mom! I want a mom!" nagsisimula na itong magwala ulit at pumalahaw ng iyak. Napahawak na lang ako sa sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sa tantrums ng batang ito. "Stop it, Colbie! Stop acting like a brat. We'll talk later okay? Stop it and behave. Eat your food. Dont make me mad. Give the phone to Manang," ma-awtoridad kong utos dito. Atleast he knows kapag galit na ako. Kaya susundin n'ya na ang sasabihin ko. "Manang, ikaw na munang bahala sa kanya. Uuwi ako ng maaga para makausap ko s'ya," bilin ko na lang kay Manang. "Sige hijo. Mas mabuti kung ikaw ang magpapaliwanag sa kanya," Manang Ludy said. "Opo. Ibaba ko na po ang telepono." I need to hang up na dahil may meeting pa ako. "Sige hijo, bye!" Nawala na sa linya si Manang. I hope makaya n'ya ang tantrums ni Colbie this time. After ng meeting, tinapos ko agad ang mga dapat kong gawin sa opisina para makauwi ako ng maaga. Kadalasan, late na ko umuuwi. Kaya pagdating ko ng bahay tulog na si Colbie. Pero ngayon kailangan kong umuwi ng maaga para maabutan ko pa itong gising. Hindi ko inaasahan kung sino ang maabutan ko sa bahay. "Sebastian, hijo. Mabuti naman umuwi ka ng maaga ngayon." Sinalubong ako ni Mommy at niyakap. "Mom, hindi n'yo sinabi na darating kayo. Si Dad?" Hinalikan ko s'ya sa pisngi saka tumingin sa paligid, to look for Dad. "Nasa bahay s'ya. May jetlag pa kaya hindi na sumama. Bukas na lang daw kayo mag-usap sa opisina. We need to talk, son," Mom said. Mukhang may importante s'yang sasabihin. "Okay, Mom. Pero kakausapin ko muna si Colbie." Naupo kami sa sofa sa salas. "It's about him. Nakausap ko na sila ni Manang kanina pagdating ko," So, alam n'ya kung ano ang problema ko. "It is just one of his tantrums, Mom. Dont mind it," pagdadahilan ko. "Hindi pwedeng hindi ko ito isipin, anak. Colbie is my grandson. At mukhang tama s'ya. Pwede ka pa namang mag-asawa ulit," she said while looking at me. "Mom, napag-usapan na natin ito dati. Ako ng bahalang kumausap sa anak ko," Hindi ako papayag na makialam si Mommy rito. "You're still young. Bakit hindi mo subukan. Isa pa kailangan ng anak mo ng mag-aalaga sa kanya," Mom said. "Nandiyan naman po si Manang," Mukhang walang balak si Mommy na sumuko. "Matanda na si Manang. Nahihirapan na s'ya, lalo na kapag ganitong tinotopak ang anak mo," Mom. "Kukuha na lang ako ng yaya for him. He doesn't need a new Mom," Hindi ko susundin ang gusto n'yang mangyari. "Mahirap magtiwala sa panahon ngayon. Baka mamaya kung ano'ng klaseng taga-pag-alaga ang makuha mo. Sebastian, you're just twenty-five. Makakahanap ka pa ng babaeng pwede mong mahalin. Colbie, need someone to look after him. Napapabayaan mo na pati ang anak mo," nagsimula na naman si Mommy. Napahinga na lang ako ng malalim. "Have a life, hijo. Dont live in your past. Move on. Sa tingin mo ba matutuwa si Colleen na nagkakaganiyan ka?" I can see the concern and worry in Mom's face. Pero gaya ng nasabi ko na, hinding-hindi ko papalitan si Colleen. Sa buhay naming mag-ama o sa bahay na ito. "Mom, I already told you. Hindi pa ko handang talikuran ang alaala ni Colleen. I promise maghahanap ako ng mag-aalaga kay Colbie. Sasaluhan mo ba ko sa dinner?" sabi ko nalang para tigilan n'ya na ako. "I lose my appetite. Pupuntahan ko na lang ang apo ko," saka ito tumayo mula sa sofa at nagsimulang umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ni Colbie. Napahinga na lang ako ng malalim at napasandal sa sofa. Obviously, masama na naman ang loob ni Mommy sa akin. Dahil hindi ko pa rin sinusunod ang gusto n'ya na makipag-date ako ulit. Bahala na. Mawawala rin naman ang tampo ni Mommy. For now, kailangan kong maghanap ng mag-aalaga sa anak ko. I need to find a Nanny.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook