bc

Taste of Art

book_age16+
129
FOLLOW
1K
READ
mystery
campus
like
intro-logo
Blurb

In the depths of despair, ballet seemed like a distant dream for the girl until Arthur Amadeo, a master of art but harboring a bleak outlook on life, emerged. His vibrant strokes and unwavering support reignited her passion for dance, infusing her world with hues of hope. Despite their differences, an undeniable connection blossomed, prompting the girl to question if love's warmth could pierce through Arthur's darkness. Yet, just as their bond deepened, tragedy struck, casting doubt on their future. Amidst grief's shadow, the girl found solace in Arthur's presence, wondering if their love could withstand life's bitter twists and turns, offering a glimpse of sweetness amidst the sorrow.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
I was only six years old as I started to learn and love ballet because of my mom. Kilalang kilala siya ng mga tao dahil sa kahusayan niya sa ganitong genre ng pagsayaw, kaya naman walang duda kung saan ko minana ang ganitong talento. Marami akong awards and trophies na naiuwi sa bahay dahil sa pagiging ballerina ko. I'm so happy dahil finally, unti unti ko nang natutupad ang pangarap ko--to be like my mom. Well, that was. Simula nang maaksidente ako at nagkaroon ng pilay sa aking paa ay doon na naglaho lahat ng pangarap ko. I tried to dance again but I failed---hindi na tulad ng dati ang mga paa ko. Nagpasya akong iwanan ang mundo ng ballet at sinimulan ang bagong landas na tatahakin ko. If being a ballerina wasn't for me then, I won't force myself anymore. May iba pa namang opportunity, right? Nabalik ako sa reyalidad nang hampasin ni Winwin ang balikat ko. Napasimangot akong hinawakan ang aking balikat dahil sa lakas ng hampas nito. Kahit kailan talaga ay napakabigat ng kamay niya. "Gosh, saan ba nililipad ng imahinasyon mo 'yang utak mo at 'di mo manlang nirerespond yung pagtawag ko sa'yo?" pagtataray nito. "Sorry." tangi ko na lang nasabi at napatingin sa tapat, kung saan niya inihinto ang kotse. "I want to rest, wala akong time sa pagbabar," sabi ko at isinandal ang aking ulo. "Pagkatapos ng week na 'to ay wala nang time para magsaya," aniya at kinuha ang susi saka naunang bumaba ng kotse. It's our first week being a college student sa UST. Pagod na pagod na talaga ang katawan ko sa maghapong ito dahil sa pagikot namin sa buong campus. Tapos kailangan pa naming maagap bukas para sa Welcome Walk for freshmen. Pero she's Winwin, hindi ko siya pwedeng basta na lang iwan mag-isa rito. I know her, she wants to be here just to flirt with random boys. Bumaba na rin ako ng kotse at ramdam ko ang kamay niya sa aking braso. Napaka-clingy, sigh. Umupo kami sa isang table at pinagmasdan ko lang ang paligid. Ang sakit sa tainga ng malakas na tugtugin at napakasakit sa mata ng mga ilaw na nagpapatay sindi. Naaamoy ko pa ang usok ng sigarilyo kaya kumuha ako ng disposable mask sa bag ko at sinuot ito. Napatingin ang ilan sa akin samantalang si Winwin ay pinagtatawanan ako. So what? Kaysa naman mamatay ako sa usok ng sigarilyo. Mas malala ang pagiging second hand smoker 'no. Bakit kasi hindi nalang nila lunukin 'yong usok? Nakakairita. "What do you want to drink?" tanong ni Winwin. "No, thanks." pagtanggi ko, "Tubig na lang." Sumama lang naman ako dahil sa kan'ya e, hindi para mag-inom. "Okayy," tangi na lang niyang nasabi at nakangiting tinawag ang waiter, "Blue Lad cocktail please... and water para sa kasama ko." Kumindat pa ito at nakita ko ang malawak na pagngiti ng waiter. Galing talaga kumiliti ang babaeng ito e, kahit sino atang lalaki e mahuhumaling sa kalandian nito. "Landi mo, Winwin. Itigil mo nga 'yang gan'yang ugali," pagbubunganga ko sa kaniya but she just pinch my cheeks. "Ang cuutteee mo!" Iniiwas ko naman ang mukha ko sa kan'ya at dumating na ang order niyang cocktail. Ibinaba ko ang aking mask at uminom ng tubig habang pinagmamasdan pa rin ang paligid. Sa apat na sulok ng bar na ito ay isang grupo ng mga lalaki ang pumasok. Tatlo sila debale. Isang lalaking nakababa ang buhok at nakasuot ng mahabang puting long sleeves with necktie and blackpant. 'Yong isa naman ay kulot ang buhok pero bagay at nakikita pa rin ang kagwapuhan niya. Huli naman ay isang lalaking nakasuot ng itim na polo at itim na pants. Parang hinimod ng kalabaw 'yung buhok niya at may ilang strands pa ng buhok niya ang nakababa. Well, may maskuladong pangangatawan din siya at kitang kita ang jawline niya. Lahat sila may hitsura. Halos mapanganga ang ilang babaeng nandidito habang nakatingin sa kanila. Nakita ko pa ang paglapit ng isang babaeng may hapit na kasuotan sa lalaking nakaitim na polo. Ngumisi ito sa babae at nakita ko pa ang paghawak nito sa butt niya. Napailing na lang ako. Anong bang kinahuhumalingan nila sa lalaking ito e mukhang basagulero at... fuckboy. Ilang sandali pa ay nahuli nito ang pagtitig ko sa direksyon niya kaya umiwas na ako ng tingin at tumalikod. Lagot na, baka mamaya isipin niyang pinagpapantasyahan ko siya. "Here!" sigaw ni Winwin habang nakataas pang iwinagayway ang kamay sa likod ko. Don't tell me... "You know them?" bulong ko at tumango siya. "CFAD and third year student 'yong dalawa then 'yong isang nakawhite long sleeve ay nagaaral naman ng law, kapatid noong nakablack polo." aniya at saka ngumiti, "Boyfriend ko 'yong kulot. Si Miguel, gwapo 'no?" Oh my god. Freshmen student palang kami pero nakabingwit na agad siya ng third year student? Iba 'to. "Babe!" Napalingon ako sa likod at papunta sa direksyon namin ang tatlong lalaki. Lumapit ang kulot na lalaki kay Winwin at kumuha ng upuan sa tabi saka tumabi sa kan'ya. Naramdaman ko ang pagtabi pa ng isang tao sa gilid ko. "May kasama ka pala?" tanong ng lalaking kulot. "Oh, yes. My bestfriend, she's Starry Claret Adler." pagpapakilala nito at dinapuan ko lang siya ng isang malamig na tingin saka umiwas. Napansin ko naman ang lalaking nakawhite longsleeve sa tapat ko. Tahimik lang siya at mukhang walang pake sa paligid niya habang hawak hawak ang phone niya. "Johnny Walker Black," sabi ng malamig na boses ng lalaking nasa tabi ko. "Hey?" Hindi ako humarap sa kan'ya pero ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Kinakausap niya ba ako? No way, I don't want to talk with jerks. "Hangin." rinig kong bulong nito. Napatingin ako kay Winwin at sinesenyasan siyang umalis na kami. "Mamaya," linabi niya at ngumiti sa lalaking kulot. Ang landi talaga punyeta. Ayoko na dito. "Art, Miguel. I have to go. Emergency lang," sabi ng lalaking nakawhite sleeve at dali daling umalis. "Problema ng kapatid mo, Art?" baling ni kulot sa katabi ko. So, Art pala ang pangalan nito. Tss. "Girlfriend na naman siguro," walang ganang sagot nito. "Ikaw, may boyfriend ka?" biglang tanong ni Art sa akin kaya muntik ko nang maibuga ang tubig sa bibig ko. Hindi ko siya pinuna at kinuha ang phone sa sling bag ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Nagaamoy alak na sila. Tatayo na sana ako para pumunta ng CR nang maramdaman ko ang ang lamig ng isang kamay sa hita ko at ang init ng hininga niya sa tainga ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bumulong siya at saka tumayo nang nakaharap sa lalaking m******s. Isang malakas na sampal ang ginawa ko sa kan'ya. "Bastos!" Saglit siyang natulala at napaawang ng bibig pero agad na gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi niya. Nababaliw na ata. Nilingon ko si Winwin na ngayo'y nakaawang din ang mga bibig sa gulat. Marahas kong hinila ang pulso ni Winwin at lumabas sa bar. Narinig ko pa ang pangungulit ni Miguel sa kan'ya. Ako na rin ang nagdrive kasi medyo may tama na rin siya. Mahigpit akong napahawak sa manibela nang maalala ang salitang binitiw niya sa akin. "Gusto mo bang sa kama tayo magusap?" Napabusina tuloy ako sa irita dahilan para magulat si Winwin. "A-ano bang problema?" "Hinding hindi ko na hahayaang magkalapit pa ang landas namin. I swear! I hate him!" Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho at nakita kong napakabit na lang ng seatbelt si Winwin habang nakahawak dito. -------------------------------------------------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook