bc

MEN’S CLUB SERIES 1: SWEETEST DESIRE

book_age18+
215
FOLLOW
1K
READ
dark
arrogant
boss
sweet
humorous
kicking
straight
brilliant
others
like
intro-logo
Blurb

Paano nila mapipigilan ang kasalan na ipinagkasundo mismo ng kanilang mga magulang. Nagkasundo sila se Elena Saavedra at William Cardinal na mag-ipon ng pera para mabayaran ang utang ng pamilya ng babae upang hindi matuloy ang kasalan. Ngunit nagulat nalang si Elena nang biglang sumuko si William.

Hindi pa siya handang magpakasal at hindi niya mahal ang lalaki ngunit nahuhulog na pala ang loob ni William sa kanya.

Paanong nila lalabanan ang itinadhanang nakaguhit na para sa kanilang dalawa?

chap-preview
Free preview
MsCS: 1
Chapter One: Men’s Club Hotties! KILALA ang ilang mga miyembro ng Men’s Club ng mga tao sapagkat ang ilan rito ay mga sikat pang artista at modelo. Ngunit may iilan ding nanatiling nakatago ang kanilang totoong pagkakakilanlan sapagkat gusto ng mga itong mas pribadong buhay. Nabuo ang Men’s Club dahil sa kanilang pagkakaibigan. Si William Cardinal, ang gwapo, masunuring anak at higit sa lahat siya ang pinakamayroong pribadong pagkakakilanlan. Lingid sa kaalaman ng lahat ay siya ang nag-iisang anak ng pinakamayamang negosyante sa buong bunsa. Nanalaytay sa kanya ang dugong Cardinal! Si Calexto Montreal, ang lalaking masasabing pinakaseryoso sa lahat ng barkada. Isa itong sikat na modelo at kilalang womanizer dahil sa marami itong pinapaiyak na babae. Hindi lang siguro sa puso pari na rin sa kama! Si Denver Manalastas, ang kilalang artista ng bansa na sumikat dahil sa aksidenteng kumalat ang s*x video scandal nito. Dahil roon ay unti-unting naglaho ang kanyang career bilang artista! Si Javier Santiago, ang seryoso at tahimik na miyembro ng barkada. Sa lahat ay ito lang pinakatahimik. Hindi ito nagsasalita ngunit kung bubuka ang bibig nito ay tatahimik ang lahat. Nababansagan pa itong attorney dahil tatahimik talaga ang lahat kapag nasa kanya na ang spotlight! Si Erwan Aragon isang sikat na artista na kilalang anghel ng mga tao ngunit demonyo kung kumilos sa gabi. Kilalang-kilala ito bilang pumupatol sa mga baklang manager ngunit ang lahat ng iyon ay walang katuturan! Si Alfonso Antone isang mayamang businessman. Sa sobrang yaman nito ay malimit lang na nakikitang gumagala sa club dahil sa dami nitong ginagawa at parating naka-out of town ang lalaki. Sa lahat, ito na siguro ang masasabi nilang pinaka-successful. Ngunit ito rin ang pinakakuripot. Malimit lang itong manglibre! Si Jacob Pattinson, kilalang modelo sa bansa at sobrang respetado nitong tao dahil isang anak ng senador. Dahil sa may iniingatan itong pangalan hindi ito gaanong nakakapunta sa club ang kung tutulong man ay hindi ito nagtatagal! Si Juancho San Gabriel, ito ang pinakamatinik sa mga babae. Linggo-linggo ay mayroon itong ipinakilalang nobya sa barkada. Hindi ito nauubusan at kilalang taga-punla ng masa dahil kahit sino nalang ang babaeng dinadala sa motel! Si Lee Herera, sa lahat ay ito na siguro ang pinakamadaldal. May lahi itong Korean kaya ito ang nagbibigay buhay sa lahat. Kung pagkain lang ang pag-uusapan, ang lalaki na mabilis na malalapitaN. Kilala itong chief sa bansa dahil ito lang naman ang nagpasunog sa isang sikat na five star hotel! At siyempre, hindi buo ang barkada kung wala sa kanilang banal! Si Zac Rowan, ang pinakabanal sa barkada. Umalis ito bilang seminarista dahil nakikita niya ang kanyang sarili na mag-aasawa sa tamang panahon. Ngunit isa yatang parusa sa kanya ang masama sa Men’s Club! HINDI mapigilang mainis ni Elena Saavedra nang marinig ang sobrang ingay ng sigaw ng kanilang mga kasambahay. Animo’y parang baboy ang mga ito na kakatayin na! Paano kasi nanonood na naman ang mga ito ng kung anong video sa social media. Wala nang ginawa ang mga ito kapag bakante ang oras. Ngunit ganoon paman ay hindi iyon pinapakialaman ni Elena dahil nagtatatrabaho naman ang mga ito ng maayos kapag oras ng trabaho. Ang kaingayan lang talaga ng mga ito kanyang problema! Mabuti na lamang at sapat ang kanyang tulog kaya hindi siya nagtataray. Aamining niyang maldita talaga siya pero marunong naman siyang maawa. Siya iyong maldita na marunong lumagay sa tamang lugar at oras. Hindi siya iyong basta na lamang nanlalapa ng kalaban kahit saan! “Ma’am ano po ang gusto ninyong kainin? Hindi po kayo kumain ng breakfast,” ani ng isa nilang kasambahay. Mukhang hindi ito sumali sa kasiyahan ng iba. “Sinabi ko na po sainyong lahat hindi ba na fasting ako. My gosh, gusto niyo talaga akong tumaba para walang magkakagusto sa akin? Ilan bang kaldero ng kanin ang gusto ninyong kakainin ko araw-araw para tigilan niyo na ako sa kakatanong ninyo na kung ano ang gusto kong kainin?” “Nag-aalala lang naman kami saiyo Ma’am, e. Kapag may nangyaring masama sainyo ay kaming lahat ang sisisihin. At kapag nangyari iyon ay mawawalan kami ng trabaho lahat. Paano nalang ang pamilya namin? Ano ang ipapakain namin sa kanila?” “Hay naku Yaya Sonang, nagdrama ka na naman. Sige na nga kakain na ako basta sa breakfast ay hindi ako kakain. Sa lunch at dinner lang ako pwedeng kumain,” mataray niyang wika sa ginang. Mahal naman ni Elena ang kanyang mga kasambahay ang kaso naiinis siya sa mga ito minsan dahil ang kukulit. Palibhasay kasama na niya ang mga ito hanggang sa kanyang pagdadalaga. “Hinanda ko ang paborito mong adobong manok at inihaw na pusit,” masayang wika ng ginang. Iginiya siya nito patungo sa komedor. Medyo nababahala si Elena dahil sa klase ng ulam na hinanda para sa kanya. Hangga’t maaari ay ayaw niyang kumain ng mga paborito niyang pagkain dahil umiiwas talaga siya sa kanin at iba pang hight carbs na pagkain. “Yaya, pwede ba sa susunod ay huwag niyo na akong paghandaan ng mga gusto kong pagkain? Baka tataba na talaga ako dahil sainyo.” “Payat ka pa naman Ma’am kaya huwag ka nang mag-inarte diyan. Kumain ka na lamang dahil masarap ang pagkakaluto ko nito.” “Wow ha?” tanging wika ni Elena sa ginang. Iwan ba niya, tinatawag siyang Ma’am ng mga ito ngunit kung tratuhin siya ng mga ito ay parang barkada lang. “Kumain ka na riyan at ipaghahanda kita ng iyong maiinom,” ani nito at tumalikod na sa kanya. Walang nagawa si Elena kung hindi ipagsandok ang kanyang sarili ng kanin at ng paborito niyang mga ulam. Mabilis na gumapang sa kanyang kalamnan ang gutom buhat ng hindi niya pagkain ng agahan. Tama nga si Yaya Sonang, masarap nga ang pagkakaluto nito. Nanunuot ang lasa ng mga sangkap sa sariwang karne. Hindi ito malansang kainin at tamang-tama lang ang anghang. Hindi pa siya nakakarami ng kain nang muntikan na siyang mabulunan. Mabilis na tumayo si Elena at nagmamadali siyang kumuha ng tubig. Ayaw niyang umubo baka maulit na naman ang kanyang kinakatakutan. Iyong huling beses siyang umubo dahil nabulunan siya ay pumasok ang mga kanin sa kanyang ilong! Iyon ang kanyang iniiwasan na mangyari lalo pa’t ang ganda niyang babae tapos nagkakaganoon siya sa pagkain!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
93.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook