bc

Once a Billionaire

book_age18+
540
FOLLOW
2.4K
READ
gangster
mystery
brilliant
genius
loser
male lead
realistic earth
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Comments for a bonus!

click this book and leave your ideas or suggestions, you may be offered a 200 bonus!

An entry for Rise from the Ashes: King from Nobody

*****

Dante Benitez, isang bilyonaryo at kilalang tao sa bansa. Ngunit nagbago ang lahat noong mayroon pumasok sa kanyang tahanan at siya ay patayin. Sa isang hindi makapaniwalang pagkakataon ay muli siyang nabuhay sa ibang katawan.

Si Nehemiah Torres. Isang normal na mamamayan ng bansa at tanging pangangalakal ang trabaho sa buhay. Muntik na siyang mamatay dahil sa mga taong pinagbintangan siya. Ngunit noong muli siyang magising ay si Dante na ang nasa loob ng kanyang katawan.

Sinubukang mamuhay ni Dante bilang Nehemiah kahit na malayo iyon sa kanyang nakasanayan. Ngunit habang tumatagal siya bilang Nehemiah ay mas marami pa siyang nalalaman tungkol sa totoong nangyari sa kanilang dalawa.

Magawa kayang iligtas ni Dante ang sarili sa panganib buhat ng mga taong nakapaligid kay Nehemiah?

Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang buhay gayong may tao ring naggusto siyang paslangin?

Copyright © 2021 by Ameiry Savar

chap-preview
Free preview
I
Iminulat ko ang aking mga mata noong marinig ko ang announcement ng piloto ng private plane na sinasakyan ko. Nakalapag na raw ang sinasakyan naming eroplano sa airport. Nakakapagod, labing dalawang oras kaming nagbyahe mula sa USA pauweng Pilipinas. Noong sumilip ako sa bintana ay nakita ko ang malawak na airport ramp. Mayroon ding mga nakahilerang mga eroplano sa gilid. Bumuntonghininga ako at kinuha ang shot glass na mayroong laman ng whiskey. Tinungga ko iyon hanggang sa maubos ang laman. “We’re here, sir,” nakangiting sabi sa akin ng stewardess. Malagkit ang mga titig nito sa akin. Noong mapatingin ako sa kanyang palda ay mas maiksi na iyon kaysa sa kanina. Napailing na lamang ako sa aking isipan. I’m already fifty-three, but women are still wanting my touch. Tsk. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong asawa. Sa totoo lang ay wala sa akin ang bagay na iyon. Though, it would be nice to have a woman on my side. But woman is like a poison. Kapag pumasok na ito sa sistema mo, kahit ano pa ang gawin mo ay mahihirapan ka nang alisin iyon sa sarili mo. Kaya naman ay pinili kong ituon na lang ang atensyon ko sa aking mga Negosyo. And here I am now, the wealthiest businessman in the Philippines. The owner of Benitez Corporation. The one and only Dante Benitez. Tumango ako sa kanya. “Thank you.” I post my sweetest smile para kahit papano ay hindi naman siya mapahiya. Agad itong pinamulahan ng mga pisngi. Napangiwi na lang ako. Charm, siguro ‘yon ang masasabi kong asset ko sa larangang ito. Ni minsan ay hindi ako nahirapan makipag-deal sa mga kanegosyo ko. Well, in this world, you must have the charm to make everyone agree with you. That’s how I become successful. Masasabi ko naman na may hitsura ako. Well, it is based on what they are saying about me. Hindi naman ako tumatanggi dahil totoo naman. I’m in my fifties pero kaya ko pa ring makipag sabayan sa mga nagga-gwapuhang mga artista riyan. Naging maganda kasi ang mixed ng dugong Latino ng aking ama at Pilipino ng aking ina. Natural sa akin ang pagiging kayumanggi at may magkakulot na buhok. Natural na matangos ang aking ilong. At aking mga mata ay may mahaba at mapilantik na pilik-mata. Ilang sandali lamang ay tumigil na ang eroplanong aking sinasakyan. Naghintay pa ako ng ilang sandali bago ko marinig muli ang anunsyo ng piloto na pwede na akong bumaba. Tumayo na ako dala ang aking briefcase. Agad na sumunod sa akin ang tatlong bodyguards ko na kasa-kasama ko sa lahat ng aking pupuntahan. Narinig ko pang nagbubulungan ang mga stewardess na halos mabali na ang mga leeg para lang masilayan ako sa huling pagkakataon. Napangisi na lamang ako, pero lumingon ako sa kanila at kinindatan ang mga ito. Nakita ko agad si Salvador, ang matalik na kaibigan ko at second in hand ko sa aking kompanya. Salvador is my pal since we are in college. Kasama ko rin siya sa pagtaguyod ng negosyo. Kaya naman ay malaki rin ang utang na loob ko sa kanya. “Hey, Salv,” bati ko agad sa kanya. “Na miss mo ba ako agad at sinalubong mo pa talaga ako rito?” Ngumisi si Salvador at kinuha ang hawak kong briefcase. “I’m just checking if you land safely.” Binuksan nito ang pinto ng itim na kotse na nakaparada sa gilid nito. Agad akong pumasok sa likod ng kotse, at sumunod si Salvador. Ang isa kong bodyguard na si Jay ay na upo sa passenger seat. Ang iba ay na upo sa ikalawang kotse. Bilang isang CEO ng isang sikat na kompanya ay hindi na ito bago sa akin. Dahil sa bawat mga deal na tagumpay na nasasagawa ko ay mayroon akong nagiging mga kalaban. Idagdag pa ang mga indibidwal na nangangailangan. “How’s the deal?” tanong ni Salvador noong mag-umpisa nang umandar ang kotse. Tiningnan ko siya nang nakaloloko. “What do you think?” Bahagya akong napangisi noong makita ko ang pag-irap niya. Salvador is always serious. Ewan ko ba? Kaya mukha na siyang mas matanda sa akin eh. “Stop playing, Dante.” Natawa na ako noong mahimigan ko ang pagka-inis niya. “Ang init ng ulo mo, bro. Nag-breakfast ka na ba?” Bumuntonghininga si Salvador at tumingin sa labas ng bintana. “Fine.” Tinapik ko ang balikat niya. “We’re fine, okay? Kailan ko ba hindi napa-oo ang mga kliyente natin?” Biglang tumingin sa akin si Salvador. Kitang-kita ko ang pagkalito niya at pagkagulat. “You mean?” Tumango ako. Nanlaki na ang mga mata nito. “You closed the deal? We’re in partner now with Ogle Company?” hindi makapaniwalang tanong niya. Muli akong tumango. “Yes!” masayang sabi ni Salvador at napasuntok pa sa hangin. Natawa na lang ako. We’ve been trying to get a contract with Ogle Company for months. At ngayon na we’re in partner with them, malaking tulong ito sa amin. We are opening a new company and we need them para maayos na mai-deliver sa internet world ang mga products namin. Sa amin na rin sila kukuha ng mga specs na kailangan sa mga products nila. Ilang buwan na ring sinusubukan nila Salvador na mapa-oo ang mga ito, palaging na ri-reject. But when I butt in, they said yes. Naging mahirap din dahil Ms. Ogle is a strict and serious woman. Mahirap din itong magbigay ng tiwala. Luckily, I have an acquaintance that have a contact with her. That is why I go directly with her, at mas na ipaliwanag ko sa kanya ng maayos ang kontrata. “I told you. Magiging successful din ang bago nating negosyo.” “Of course. Wala na talaga akong masabi sa skills mo,” nakangiting sabi ni Salvador. “Then, this means a celebration! Deretso tayo sa club ngayon.” Huminga ako nang malalim at umiling. “You know that I still have a lot to do.” Tumingin ako sa harap at inayos ang pagkakaupo ko. “God, Dante. Kaya hindi ka nagkakaasawa eh. Hindi na tayo patanda. We’re on in our fifties!” I smirked and looked at him while my head is still resting on the chair. “Hindi ko kailangan ng asawa para lang maibsan ang pangangailangan ko, Salvador. And besides, talaga ba na gusto mo akong magkaasawa rin? Eh look at what is happening to your marriage.” Kasalukuyang nilalakad ni Salvador ang annulment nila ng asawa nitong si Marites. I asked him what happened to them, but he is not saying anything. Sabi niya lang ay na fall-out of love na raw siya. Hindi ako naniniwala kasi sa tanda na naming ‘to ay maiisip mo pa ba ‘yon? I don’t believe in marriage, pero kung magkakaroon man ako ng babaeng mamahalin ko ay sisiguraduhin kong siya na ang makakasama ko hanggang sa mamatay ako. “It’s different. Ako may mga anak nang susunod sa yapak ko. How about you? Kailan ka gagawa ng tagapagmana mo?” Napabuntonghininga ako at hindi na tumugon. Na iisip ko naman iyon, kaso hindi pa rin ako handa. Andyan naman ang mga pamangkin ko para sumunod sa yapak ko. I don’t need a woman to produce some fruit. My sister’s family is enough for me. Mayroon na siyang dalawang anak. Ang panganay nitong si Domingo ay ang magiging tagapagmana ko. Para sa kanila rin naman ang lahat ng ito eh.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.0K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
55.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook