bc

Pleasuring the Restaurateur (Cougar Series #66)

book_age18+
269
FOLLOW
1K
READ
sex
age gap
fated
sweet
gxg
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

Para kay Benjamin Montalban o Bonjing ay hindi pa siya handang lumagay sa tahimik. Ngunit noong makilala niya si Teresita ay biglang nagbago ang lahat. Ang relasyon na nag-umpisa sa isang kasunduan, mauwi nga ba sa pagmamahalan? Hanggang kailan makakayang ibigay ni Bonjing ang pangangailangan ni Teresita kung siya mismo ay nahuhulog na rito?

****

This is a work of fiction. All names, events, and places mentioned in this story are purely coincidental only.

Warning! Some scenes might not suit very young readers and people with sensitive emotions. You have been warned!

Copyright © 2022 by Ameiry Savar

Please join my group for more updates!

https://sss/groups/317647516562246

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Saan na sunod?” tanong ko kay Sergio habang binibilang ang mga water jug na nasa likod ng maliit na delivery truck. Nakaupo na siya sa driver seat at binabasa ang papel na may nakasulat ng mga pagde-deliver-an namin. Napakunot na ang noo ko noong hindi sumagot si Sergio. Napailing na ako, mukhang alam ko na kung saan kami sunod na pupunta. Bumaba na ako sa likod ng van at sumakay sa tabi niya sa harapan. Pagtingin ko sa kanya ay malapad na ang ngiti niya habang nakatitig sa papel. Kitang-kita ko ang excitement sa mukha niya. “Sus! Excited ka na naman. Hindi ka ba na aawa riyan ha?” napapailing na tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at nginisihan lang ako. “Bakit? Hindi ko naman siya pinipilit ah.” “Hindi mo nga pinipilit. Kinokonsensya mo naman. Umayos ka nga. Maawa ka riyan sa sugar mommy mo.” Tumawa nang malakas si Sergio at inilapag na ang papel sa dashboard. “Alam mo, Bonjing. Inggit ka lang kasi wala ka pa ring girlfriend. Maghanap ka na kaya. Ang dami namang nagpapapansin sa ‘yo, ah? H’wag mo na akong pakialaman,” anito at binuhay na ang makina ng delivery truck. Umiling lang ako at hindi sumagot sa kanya. Papunta na naman kami sa Tere’s Restaurant. Hindi ko nga alam paano niya na kilala ang may-ari niyon eh. Ako na lang ang naaawa. Girlfriend daw kasi ni Sergio ang may-ari ng restaurant. Hindi ko pa iyon nakikita pero matanda na raw sabi niya. Bente otso na kasi si Sergio at ako naman ay bente singko. Matanda raw sa amin ng sampung taon edi matanda na nga. Hindi ko nga alam anong nakita niyon kay Sergio. Gwapo naman ‘tong kaibigan ko. Malaki katawan at may abs. Pero mas matangos pa rin ilong ko kaysa sa kanya at mas matangkad ako. Nakaawa lang kasi piniperahan lang ni Sergio. Noong una ay ayos lang kasi nalilibre ako palagi, kaso katagalan na kokonsensya na ako. Hindi na lang kasi pangkain ang binibigay sa kanya. Noong nakaraang linggo binilhan ng motor ang loko. Tsk! Hindi ko naman gustong pakialaman siya, kaso pakiramdam ko kasama ako sa kasalanan niya dahil palagi kaming magkasama. Dapat nga siguro ay hindi ko siya pakealaman. Pero palaging sinasabi ng nanay ko na maging mabuting tao ako at h’wag na h’wag kong gagawing manakit ng mga tao, lalo na ang mga babae at bata. Kaya hindi matanggap ng konsensya ko ang ginagawa ni Sergio. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa Teresita’s Restaurant. Kagaya ng sabi ni Sergio, isang matandang babae raw si Teresita, ang may-ari ng restaurant na ito. Pero sa tuwing nagde-deliver naman kami rito ay wala akong nakikitang gano’n. “Parang may event ata,” ani Sergio na nagmamadali sa pagbaba ng truck. Napailing na lang ako at hinayaan siya. Inayos ko ang pulang polo shirt ko at sinara ang butones niyon. Tirik na tirik ang araw pero ang kapal ng uniporme namin. Minsan gusto kong isumpa ang mga amo namin. Magbubuhat kami ng mga jug pero ang uniporme namin ay para kaming papasok sa eskwelahan. Mabuti na lang at libre ‘to kaya kahit mahirap maglaba sa kapal ay pinagtatyagaan ko na lang. Mag-iisang taon na ako sa JD Water Station at wala rin naman akong reklamo sa pasweldo nila. Bumaba na ako sa truck at demeretso sa likod niyon. Nasa gilid din kami ng restaurant sa may dulo. Doon namin pinapasok ang mga in-order nilang mga tubig. Konektado kasi ‘yon sa kusina. Tatawagin ko sana si Sergio pero wala siya sa paligid. Napakunot ang noo ko. “Nasaan na kaya ‘yon?” nagtatakang tanong ko. Napabuntonghininga na lang ako at lumapit sa nakabukas na pinto sa gilid. Nakita ko agad ang mga abalang tagapagluto sa kusina. Hindi sila magkamayaw sa pagkilos para sa hinahanda nilang pagkain. “Aba, andito na si Papi!” pabirong bati agad sa akin ni Brando. Isa siyang bading na helper ng chef sa restaurant. Malaki ang katawan ni Brando at maskulado. Tapos kalbo pa. Hindi mo iisipin na malambot pala ito sa unang tingin. Malalaman mo lang na binabae kapag magsalita na ito dahil may pagkamatinis ang boses niya na buo. Hindi rin kasi siya nagsusuot ng mga damit na panlalake. Makikita mo lang talaga sa mga kilos niya at pananalita ang totoo niyang kasarian. Ngumisi lang ako. “Kinilig na ka na naman, Brando.” Biglang tumili si Brando. “Ano ba, papi?! Ako nga sabi si Brenda. B R E N D A– Brenda!” Inirapan niya ako at muling nagtadtad. Lalo akong natawa. Ayaw niya kasi na tinatawag siya sa totoo niyang pangalan. Mas gusto niya na Brenda ang pangalanan niya dahil siya raw ay isang babae na nagkatawang lalake. “Oo na, Brenda.” Lumapit ako sa lamesa niya at ipinatong ang mga kamay roon. Puno ang pahabang lamesa ng mga iba’t ibang sangkap na ginagamit nila para sa pagluluto. Nasa tatlo silang nagtatadtad doon. Si Brenda, si Kayla, at si Cha. Lahat sila ay helper ni Chef Rocco. Sila pa lang ang andito sa kusina. Ang mga waiter kasi ay nasa l Si Kayla ay bente tres anyos lang. Kaka-graduate lang nito sa kursong HRM at dito sinuwerteng makapasok. Si Cha naman ay isang single mother at matagal nang nagtatrabaho sa restaurant na ito. Nalaman ko kasi sa palaging pagde-deliver ko rito ay naging kabiruan ko na rin sila. Palagi kasi akong niloloko ni Brenda na may gusto siya sa akin. “Si Sergio? Nakita niyo ba?” tanong ko sa kanila. Natigil sa pagtadtad si Cha at tumingin sa akin. “Parang pumasok kanina ‘yon eh. Baka andoon na naman sa office ni ma’am.” “Tsk!” palatak ko. “Sus! Alam mo naman na kailangan niya muna bisitahin. Stress si ma’am ngayon kaya kailangan niya ng jowa,” ani Brenda. Napabuntonghininga ako. “’Yon na nga eh. Kaso trabaho pinunta namin dito.” “Ano’ng ginagawa niyo?” Bigla akong napatayo nang maayos noong marinig ko ang boses ni Chef Rocco. Nakakunot ang noo niya habang papalapit sa amin at matatalas ang mga tingin. Galing siya sa kainan at mukhang wala sa mood. Tumahimik sila Brenda at bumilis ang mga galaw. Bahagya akong napangiwi. “Bonjing,” tawag niya sa akin. Agad akong tumingin sa kanya at sumaludo. “Chef! Kumusta!” Imbes na ngumiti ay lalong dumilim ang mukha niya. Napakamot na lang ako ng ulo at nag-iwas ng tingin. Mabait naman si Chef Rocco, pero kapag oras ng trabaho ay hindi mo ito mabibiro. “Dinadaldal mo na naman ‘tong sila Brenda. Kung makikipagligawan ka sa kanila, mamaya na, ha? Oras ng trabaho eh.” Lalo akong napangiwi noong mag-umpisa na siya mangaral. Bata pa tignan si Chef Rocco, pero sabi niya noong nakausap ko siya isang beses ay nasa singkwenta na siya. Hindi halata kasi mukha lang siyang nasa trenta. Kung paglalapitin nga kami ay mukha lang kaming magkuya. Magandang lalake rin kasi si Chef Rocco. Mestiso at matangos ang ilong. Blonde rin ang kulay ng buhok, sa tingin ko nga ay taga-America talaga siya kasi abo ang kulay ng mga mata niya. Palabiro siya, pero si Chef ang tipo ng tao na kapag hindi mo pa kilala ay matatakot ka agad sa presensya niya– kahit lalake ka pa. Mataas din ang respeto ko sa kanya kasi pangarap ko rin talaga maging chef. Kaya kahit papaano ay excited ako na pumunta rito. “’Tinatanong ko lang po sana kung nasaan si Sergio. Bigla kasing nawala. Baka nakita mo po sa loob.” Bahagya ko pang sinilip ang labas ang pintong pinanggalingan niya. “Sergio?” Nangunot ang noo niya at tumingin din sa pinto. “Hindi ko siya napansin.” Muli siyang tumingin sa akin. “Sige na at kailangan na naming magluto. Andoon si Nito sa kainan.” “Salamat po.” Napakamot ulit ako sa ulo. Gusto kong napunta kami rito sa restaurant dahil kahit papano ay naging kaibigan ko na ang mga tao rito. Pero naiinis ako kasi sa tuwing pumupunta rin kami rito ay ako na lang ang kumikilos. Ako ang nagbubuhat ng mga jug ng tubig. Habang si Sergio, andoon sa sugar mommy niya at nagpapakasasa. Napailing ako. Makausap ko lang talaga si Aling Teresita ay isusumbong ko ‘yang si Sergio. © 12 – 30 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

The Sex Web

read
132.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook