bc

Love 'N Bullets (RATED 18+)

book_age18+
928
FOLLOW
2.6K
READ
revenge
dominant
badboy
tragedy
twisted
bxg
heavy
realistic earth
enimies to lovers
crime
like
intro-logo
Blurb

#TeamMarVa #TeamMoVie #HaZeyn

Their love relies on the bullets of their guns' magazines. Their feelings have no space to hide the unsettled world they have. How can they let their feelings show if the world is so chaotic and full of wrath? How can they live as any ordinary lovers if they have to choose between love and bullets.

(Fanfic story of my three love teams– Marco and Ava from Wanted: Perfect Housewife, Mosaic and Lovie from PDS3: Great Seduction, Hazza and Zeynep from Isla Series: Hazza Galceano. An Action/Romance Novel. Rated SPG

CONTAINS MATURED AND VIOLENT CONTENT. PLEASE BE AWARE!

chap-preview
Free preview
Prologue
Love or Bullets Titig na titig lamang sa Marco sa maliit na papel na nakapatong sa kaniyang lamesa. Lukot ang noo niya habang hindi maialis ang kaniyang mga mata roon. Paano napunta ang papel na iyon sa kaniyang lamesa gayong walang ibang nakapapasok doon kundi siya lamang? Pabalik-balik niyang binabasa ang tatlong salita na nakasulat sa papel. "Love or Bullets?" Marco flipped the small paper then he saw a white vendetta mask logo. Bigla na lamang namuo ang kakaibang kaba niya nang naalala ang logo'ng iyon. "The V group?" Imposible. Matagal na nila itong natalo. Patay na ang lider ng grupong iyon at alam niyang nabuwag na ito. Sa ibaba ng logo ay may makikita na tatlong numero. Akma niya na sanang kukunin ang telepono para i-dial ito pero may rumehistro sa kaniyang panawagan—ang kaparehong numero ng nasa papel. "Hello." Mabigat ang boses niyang sinagot ito pero tanging hangin lamang ang naririnig niya. Mayamaya ay natunugan niya ang isang halakhak ng isang malalim at malakas na tinig. "Marco..." anang nasa kabilang linya sa nakakikilabot na boses. Batid niyang hindi ito ang totoong tinig at gumagamit lamang ito ng machine o anumang pambabago sa boses. Alam niya ang mga paraan na ito at pati ang pagrehistro sa numero ay 'di makuha ng locator niya. "Sino ka? Ano ang kailangan mo sa akin?" Muli ay malakas na tumawa ang lalaki at narinig na lamang niya ang sigaw ng isang babae sa kabilang linya. "Bitiwan n'yo ako! Bitiwan n'yo ako!" Agad na nanlaki ang mga mata ni Marco dahil sa narinig na boses sa kabilang linya. Sumibol ang kakaibang takot at kaba sa kaniyang dibdib nang narinig ang sigaw ng kaniyang anak. "Lovie? Lovie!" "Daddy! Dad! Huwag kang magpalinlang sa—" Hindi na naituloy ni Lovie ang sasabihin. Narinig niya na lang ang isang ungol sa kabilang linya. "Lovie!" "Napakaingay ng anak mo. Ibubuking pa ako..." "Hayop ka! Alam kong si Marphon ka! Buhay ka pa pala?" Muling tumawa ang lalaki sa kabilang linya. Napakaduwag nito dahil nagtatago sa isang boses na hindi pag-aari para hindi makilala. But once he discovered the man on the other line, he would not hesitate to kill him. Kahit sino pa man o kamag-anak niya pa man ito. Wala na siyang pinagkakatiwalaan ngayon. Ang mga nasa paligid niya ay walang ibang hangad kundi posisyon at kapangyarihan. "Akala ko ba, Marco, ay pinatay mo na ang walang silbi mong pinsan na si Marphon? Tsk! May he rest in peace...but in hell..." Isang nakakikilabot na tawa na naman ang dumagundong sa tainga ni Marco kaya galit na galit siya. Kumukuyom ang mga kamao niya sa galit at umiigting ang panga. Namumula na rin ang kaniyang mga mata dahil sa pagpipigil na sumabog. "Do not touch my daughter! Sisiguraduhin kong tatagain kita nang pinong-pino sa oras na saktan mo ang anak ko." Akala niya ay tapos na ang gulo noong namatay na ang pinsan niyang trumaydor sa kaniya. Ngayon ay isang panibagong kalaban na naman ang haharapin niya at kailangan niyang kumilos bago pa may masamang mangyari sa nag-iisa niyang anak. Nasa ganoon siyang estado nang pumasok sa loob sina Hazza at Mosaic. Nagtataka ang mga ito sa nadatnan at akmang magsasalita na sana ang pamangkin na si Hazza nang pinigilan niya itong magsalita gamit ang hintuturo. "Oh... paano kung... tatlo ang kailangan mong makuha sa akin? Paano mo 'ko papatayin nang napaka-brutal nito?" Agad na tinutok ni Marco ang mga mata sa screen ng phone niya at tumambad ang isang lugar kung saan makikita ang isang pangpang. Gumamit na ng facetime ang kalaban at ang camera ay nakapokus sa malalaking bato sa ibaba na may humahampas na malalaking alon. Hinay-hinay na tumaas ito at ang pamilyar na tatlong crane trucks ang nakikita niya. Pataas nang pataas ang pagpokus ng camera at halos lumuwa ang puso niya sa sobrang kaba nang nakitang nakalambitin ang tatlong babae sa hook ng crane truck. Ang mga ito ay pinagmamay-ari niya mismo dahil sa old English font style na letrang M na logo ng kompanya niya. Nakatali ang mga kamay pataas habang may tali rin ang mga baywang at dalawang paa ng mga ito. Nakabukaka ang kanilang mga hita at nakataob ang pormang nakaharap ang katawan sa malalaking bato sa baba ng pangpang. Kita niya ang paghihirap ng tatlo—sina Lovie, Ava at Zeynep. 'Zeynep!" "Lovie!" sabay pang sigaw nina Mosaic at Hazza. "Paano napunta ang kapatid ko riyan?" hiyaw ni Mosaic. Walang kaalam-alam ito sa sindikatong kinasasangkutan niya pero bakit kasama ito sa kailangan nilang iligtas? Natungo ang mga mata nito kay Hazza at kinuwelyuhan ito. "Kasalanan mo 'to!" "Bakit ako? Kung hindi mo sinaktan si Lovie ay hindi siya papanig sa kalaban, hindi—" "Enough!" sigaw ni Marco kaya tumigil ang dalawa sa pagbabangayan. Umuusok ang ilong ni Mosaic sa galit at pabalang na binitawan ang kuwelyo ni Hazza saka sinamaan ito ng tingin. Kung hindi lang nito nirerespeto si Marco ay kanina pa nito binigwasan ang mayabang na amboy na kasama. At wala itong pakialam kung pamangkin ito ng pinuno. Muli namang ibinalik ni Marco ang mga mata sa screen at pinakatitigan ang mga babaeng hirap na hirap na sa sitwasyon. Naka-zoom ang camera at kita niya ang pag-ipit ng sakit dahil sa pagkakatali ng mga kamay at mga baywang ng mga ito. "Huwag na huwag mong sasaktan ang mga babaeng iyan dahil kahit kaluluwa mo ay tatadtarin ko ng bala. Sisiguraduhin kong kahit si Satanas ay aayawan ka!" Ang kanina'y sobrang nakaaasar na tawa nito ay mas lalong tumindi. Kung makalulusot lang ang bala niya sa cellphone ay ginawa na niya para patahimikin ang lalaking kausap. "Relax, Marco. Hindi ko na kailangang pumasa kay Satanas dahil ako naman na iyon. Si Satanas na ang nakakausap mo." "Boss, kailangan na nating kumilos! Hirap na hirap na sila," ngawa ni Hazza. Nadamay ang mahal nitong babae at kailangan nito itong iligtas. Kung saan naman ito tumino at sumeryoso, ngayon pa masiyadong nagkagulo. "Korek, Marco. Kaysa pagbantaan mo 'ko, tumungo ka na rito at maglaro tayo." "Saan ka ba? Hayop ka! Saang impeyerno ka ngayon? Papatayin kita!" "Hay! Natatakot na ako, Marco. Grabe na ang pagbabanta mo sa akin at baka hindi ko na sasabihin... hmmm?" "Ginagago mo ba kami?" angil ni Mosaic kaya agad itong pinigilan ni Marco. "Sa ngayon, kailangan nating sakyan ang kagaguhan ng lalaking ito. Makiayon na lamang tayo..." bulong ni Marco at inilayo ang panawagan para 'di marinig ang sinabi niya. "Ay! Nagtatampo na ako, Marco. Pinaglilihiman mo na ako. Ako pa naman ang parati mong sinasabihan ng problema..." Mas lalong lumukot ang noo niya. Ibig sabihin, kilala siya ng lalaking ito? Sino ba talaga ito? May kaugnayan ito sa kaniya lalo na't ang mga heavy equipments na ginagamit ay pagmamay-ari niya. Humugot ng malalim na hininga si Marco at muli itong hinarap. "Sabihin mo sa akin kung nasaan ka. Gagawin namin ang lahat ng gusto mo, huwag mo lang sasaktan ang mga babaeng bihag. Nagmamakaawa ako." "Aw, how sweet! Ang isang tanyag na inhenyero at lider ng B Group na si Marco Joseph Montefalco ay nagmamakaawa? Para saan iyan? Sa anak mo o sa dati mong asawa?' Muling kumuyom ang mga kamao niya at nagtitimpi na sa galit. "Huwag mo akong papipiliin, kukunin ko ang tatlo." "Tsk. I prepared the game only for one prize. Hindi naman puwedeng kukunin mo lahat ng papremyo ko." Napatigil si Mosaic at napasadahan ng tingin ang paligid. Pamilyar sa lalaki ang lugar at mukhang napuntahan na nila ito dati. "Marco... the time is running. Once you will not get here until dusk, bagsak at wasak ang mga katawan ng babaeng ito sa matutulis na bato. Sisiguraduhin kong wala kang makikilala at kahit ano'ng gawin mong pagbubuo sa mga pira-pirasong mga katawan nila ay 'di mo magawa. Run, Marco, run!" Agad na namatay ang tawag kaya gigil na gigil sa Marco na dinayal ito ulit pero hindi na niya makontak. Alas kuwatro na ng hapon at wala na silang oras. Hindi niya alam ang lugar kaya magkahalong pag-aalala at labis na galit ang nararamdaman niya. Pinalaya na niyang tuluyan si Ava para hindi ito madamay sa problema niya. Napatawad na siya ng anak at ganoon din siya sa pagtatraydor nito pero heto na naman, may panibagong problema. Nadamay na naman ang kapatid ni Mosaic na si Zeynep. "Boss..." usal ni Mosaic at tinapik siya. Nilingon niya ito at sa tingin niya ay may naisip ang kasama base sa reaksiyon ng mukha nito. "I think I know the place he was talking about." Tuluyan na siyang humarap at tiningnan ang lalaki. "Saan? Saan iyan, Mosaic?" Muli itong tumingin sa labas habang gumagalaw ang mga panga. "Sa Punta del Sol. Sa pangpang kung saan... namatay ang dati mong asawa."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
173.9K
bc

Dangerous Spy

read
297.1K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.3K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.6K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.0K
bc

YOU'RE MINE

read
892.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook