bc

Touch of Death

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
fated
another world
like
intro-logo
Blurb

This story is inspired by "The Vampire Diaries". I'm a super fan po kasi ng series na 'yon. That's why may konting pagkakaparehas, pero syempre iba yung plot neto. Hope you like it po :>-naiaPs. Credits po sa owner ng ginamit kong book cover, nakita ko lang sa google hehe

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Transferees
"Tulong! Tulungan n'yo kami!" sigaw ko habang tinatapik ang pisngi ng kakambal ko. Napasinghap ako sa gulat ng maglabas siya ng dugo habang umuubo. Hawak hawak din niya ang kaniyang leeg kung saan naroon ang sugat na kaniyang natamo. Mariin akong napapikit kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. 'No! This can't be happening, I can't loose my other half!' anang isip ko. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at inihaplos ito sa aking pisngi. Sumisikip ang aking dibdib sa nasaksihan ko. My twin is dying in front of me! "Tulonggggggg!" sigaw kong muli, umaasang may makakarinig saakin gayong nilamon na ng dilim ang buong paligid at napakalayo namin mula sa mga bahay bahay. We are in the woods for fvck sake! "E-Elle, i-it's o-okay. I-I''m...arghh... okay." utal na wika nito. What do you mean okay huh? No! You can't die! "No Karina, please no. Someone will come." I cried as I witness how hard it is for her. Bumibigat na ang kaniyang paghinga at unti unting ipinipikit ang kaniyang mga mata. "Karina! Stay with me! Hey!" "Karina!" "Karina! No, please!" "KARINAAAAAAA!" Napabalikwas ako ng bangon at tila nagising ang diwa sa sunod sunod na katok na narinig ko mula sa aking pinto. Napahawak ako sa aking dibdib, napakabilis ng aking paghinga at bumibilis din ang t***k ng aking puso. 'Kath, I missed you' wika ng isip ko kasabay ang pagpatak ng luha. "Elle? You awake?" rinig kong tanong ni aunt Jane. "Opo auntie, mababa na din po ako mamaya." "Sige, nagluto ako ng almusal mo. Kumain ka bago pumasok." yun lang at narinig ko na ang yabag n'ya pababa ng hagdan. I started to do my morning rituals. Naligo at pagkatapos ay nagsuot ng simpleng pants at fitted shirt. I was combing my hair when my phone beeps. A sign that someone texted. From Cassy: ‘Hey Elle, gonna fetch you up with Brielle later. Love youuu, see youuu.’ Tinapos ko na ang ginagawa saka bumama at dumiretso sa kusina upang kumain. Itlog at hotdog lang ang nakahain pati na rin ang sinangag na kanin. Agad na akong nagtimpla ng kape at kumuha ng pagkain saka nag umpisang kumain dahil maya maya lang ay darating na sina Cassy. Wala dito si auntie sa kusina, siguro ay naliligo na iyon dahil may trabaho din siya ngayong araw. Si auntie Jane nalang ang kasama ko simula noong mamatay ang kakambal ko. Siya na din ang halos nagpalaki saming dalawa dahil namatay ang nanay namin noong pinanganak kami. Ang tatay naman namin ay nadepress at napabayaan ang sarili. Kalaunan ay nagkaroon daw ito ng sakit at iyon ang ikinamatay. Walang asawa si auntie Jane, siguro ay pihikan siya sa lalaki. Kaya eto at dalawa lang kaming nakatira sa bahay na ito. "Elle, mauuna na ako ah. Nauna na rin ako kumain kasi nagmamadali na ako. Pasensya ka na at hindi kita nasabayan." "Okay lang auntie, ingat po kayo." Iyon lang ang sinagot ko bago humalik sa kaniyang pisngi at inihatid siya sa pinto. Kumaway pa ako sakaniya ng makasakay at tuluyan niyang paandarin ang sasakyan. I sighed. Bagsak balikat akong bumalik sa kusina at itinuloy ang pagkain. Habang kumakain ay naalala ko ang aking panaginip. Mula nung mamatay si Karina halos gabi gabi akong binabangungot. Tuwing gabi ay pinapaalala sakin ang masalimuot na itsura ng aking kambal bago siya bawian ng buhay. Isang gabi, bigla nalang s'yang nagpaalam para lumabas. Wala s'yang sinabing dahilan kung anong gagawin n'ya. Basta ang tanda ko lang noon ay ang itsura n'ya na hindi mapakali at tila ba may bumabagabag sakaniya. Huli na ng maisipan kong sundan s'ya. Masyado na s'yang nakalayo noon at nagtaka pa ako kung bakit sa gubat ang punta n'ya. I was calling her name that time pero wala akong ibang narinig kundi ang mga kuliglig. Nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib kaya alam kong mag nangyaring hindi maganda sakan'ya. Nagtatakbo ako noon sa gubat upang hanapin s'ya ngunit nadapa ako at eksaktong sa harap ng katawan n'ya ako bumagsak. Napabuntong hininga ako sa mga naiisip. Kung sinundan ko ba s'ya agad, mangyayari ba ang lahat ng iyon? Kung pinigilan ko ba s'yang lumabas, hanggang ngayon e kasama ko pa rin s'ya? "Sana Elle marunong kang makinig diba? Napakasakit mo na sa bangs." ani Cassy na hinahawi hawi pa ang buhok n'ya. Di ko namalayan na nasa kotse na pala n'ya ako dahil sa malalim na pag iisip. Nakaupo ako sa tabi ng driver seat samantalang si Brielle naman ay nasa likod. "Tigilan mo nga si Elle, Cassy." pagtatanggol naman sakin ni Brielle. "Heh! Magsama kayong dalawa. Hmp! Napakasama n'yong kaibigan!" Natawa nalang kami ni Brielle sa pag iinarte n'ya. Napakadaldal kasi. Kinekwento n'ya pala ang naging bakasyon n'ya sa New York. Mga bata palang kami ay magkakasama na kami. Kahit na ba tatlo lang kami ay kontento na ako sa samahan na meron kami. We are each others shoulder to cry on. Kaya masaya akong sila ang aking nging kaibigan. Cassy is a fashionista girl. Childish minsan at may konting arte sa katawan. Masiyahin s'ya at napakadaldal kaya s'ya ang nagpapaingay at nagpapagulo sa araw namin ni Brielle. Si Brielle naman ay laging seryoso tho minsan nakikipag biruan s'ya pero medyo madalang din s'ya magsalita Ako? Laging lutang, tahimik, at mahiyain. Kabaligtaran ng kakambal ko. Karina is a very famous girl in our school, parehas sila ni Cassy. Masiyahin, maingay at palakaibigan. Kung anong konti ng kaibigan ko ay sy'ang dami naman ng sakanya. Halos lahat ata ng estudyante sa school na pinapasukan namin ay kaibigan n'ya. "So, as I was saying. May nakilala akong guy. Ohmygod! He's freaking hot!" Napairap nalang kami ni Brielle kay Cassy. Basta talaga pogi sa paningin n'ya hinding hindi n'ya makakalimutan. Nang makarating sa parking ng school ay agad na kaming bumaba at nagtungo sa gate. Nasa gilid kasi ang parking lot ng school kaya dadaan pa din kami mula sa gate para makapasok sa campus. Nasa first floor lang ang locker area kaya nagtungo muna kami sa kanya kanyang locker upang ilagay ang ibang gamit at kuhain naman ang librong gagamitin namin para sa first subject. Nang makapasok sa loob ay napakaraming bumabati sakin. Hindi good morning, kundi... "Condolences Elle." "Grabe, di ko akalaing wala na si Karina. Parang kelan lang nung nagparty tayo sa bahay." "Elle, condolence. Pasensya ka na at di kami nakapunta nung libing." Tinanguan ko lang sila at tipid na nginitian. Ano bang dapat isagot sa ganya? Hindi ako sanay ng ganito. Bukod sa masakit isipin na nawalan ako ay hindi rin ako sanay sa atensyon na nakukuha ko sakanila. Lahat sila ay kakikitaan mo ng pag awa sakin. "Don't mind them, Elle." ngiting wika ni Brielle. Matapos kuhain ang libro at ilagay ang iba naming gamit ay naglakad na kami papunta sana sa room ng may makabangga akong lalaki, dahilan upang mapaupo ako sa sahig. Simpleng bangga lamang iyon ngunit parang napakalakas kaya ako natumba. Pinigilan ko ang sarili kong manigaw kasi hindi ako ganon at ayaw ko din naman magkaroon ng kaaway dahil napakapangit ng mayroong masamang record bago kami mag moving up para maging senior. "Are you okay?" tanong ni Brielle habang inaalalayan nila ako ni Cassy para makatayo. Tumango lang ako at humarap sa lalaki. Mababakas ang gulat at pagkalito sa mukha n'ya ng makita ako. Kilala n'ya ba ako? "K-karina?" utal na tanong. Hesitation was flustered on his face. Umiling iling pa siya habang nakatungo. Tila naguguluhan sa nakikita. "She's not Karina. Will you please excuse us." siniringan siya ni Brielle saka ako hinila paalis. "Ang sungit mo naman!" sigaw ni Cassy kay Brielle ng iwan namin siya. "Hi I'm Cassy. She's Elle, twin sister ni Karina." rinig pa naming dugtong nito. I'm sure naattract na naman siya diyan sa guy kaya siya biglang nagpakilala. And like what I've said, friendly siya. Samin lang naman siya madalas magtaray at syempre sa ibang taong hindi niya gusto. Hindi bago sakin ang mapagkamalang si Karina lalo na ng mga taong hindi namin madalas makasalamuha. Kung palagi nila kaming kasama noon ay malamang malalaman agad nila ang pinagkaiba namin. Nang makarating sa room ay hindi na ako nagsalita at tumingin nalang sa labas kung saan matatanaw ang field. He's not familiar to me. Nakita at nakilala ko lahat ng kaibigan ni Karina. Ang isang iyon ay ngayon ko lang nakita. Palagi naman kaming magkasama noon except nung nagbakasyon siya sa Europe last year. Maybe she met him there? Napatigil ako sa pag iisip ng pumasok ang prof namin sa History kasunod ang lalaki kanina. Transferee? He walks confidently. Nagulat ako ng lumingon siya sakin at tinitigan ako ng matagal. Bukod ba sa kamukha ko si Karina ano pang meron sakin? Nilabanan ko lang ang titig niya at siya na rin naman ang kusang bumitaw ng biglang magsalita si miss Courtney. "Introduce yourself please." "I'm Shawn Stewart. Nice meeting you all." Yun lang ang sinabi niya at pinaupo na siya ni miss. Dahil nasa likod kaming tatlo nina Cassy at sa tabi lang ni Brielle may extra na upuan ay doon siya umupo. Di ko na siya tignan na tuluyan siyang maupo ngunit alam kong kanina pa siya nakatitig sakin. May dumi ba ako sa mukha? Nakakailang ang mga titig niya. Tila ba sinusuri niya ako at hinahanapan ng mali sa mukha. O hinahanap niya ang pagkakaiba namin ni Karina? "One millennium ago, in Bulgaria, in Eastern Europe, the idea of the vampire as an evil undead monster first emerged. Undoubtedly, this was a folktale unique to the Slavic people. It wasn't well-known or widely used." Vampire? Hindi ako naniniwala sa mga bagay na alam kong malabong mag exist. Tho nagduda ako nung mamatay si Karina. They said that she was killed due to an animal attack. She has a bite mark on her neck at naubusan daw siya ng dugo. What kind of animal would do that? "In actuality, the mythical vampire has only lately come to light. The vampire predates werewolf trials, witch hunts, and even the Puritans' encounters with demonic forces." Naramdaman kong may nakatingin sakin. Hindi na ako magugulat kung yung transferee iyon. Siya lang naman 'tong mukhang manghang mangha sa mukha ko. Naaamaze ba siya dahil ngayong lang siya nakakita ng identical twins? E bakit ba ako puro tanong? At bakit ba kailangan ko pa siyang pagtuunan ng pansin? Psh. "The vampire tale took on additional dimensions as it moved from East to West. For instance, the vampire transformed into a fully-formed, resurrected corpse instead of a ghost. The vampire most famously developed the urge to drink blood. This legend-adding concept originated in the West in the eighteenth century. Unbelievably, blood drinking gave the vampire myth a scientific foundation. Blood eating gave the vampire greater credibility to the people of the era since it made them feel more physical than incorporeal and more scientific than magical." Ms. Courtney added. Nilingon ko ang lalaking kanina pang nakatingin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay para malaman niyang nararamdaman ko ang mga titig niya. Bumuntong hininga nalang siya saka tumingin kay miss. "Miss, do you believe in vampires?" tanong ng isa naming kaklase. "Yes." ngumisi pa siya dahil siguro may naisip. Ang weird naman ni miss. "They said that a modern vampire can socialize with us human. They can pretend to be a human too. They also said that vampires are good manipulator. They also have this capabilities that no one knows." "Miss, I thought vampires can't walk through the sun?" "It's 21st century today, of course they can invent something to make them walk through the sun." Napasinghap naman ang mga kaklase ko. Natakot siguro sa sinabi ni miss. "Pag nakakita ako ng vampire, magpapakagat talaga ako. Hihi." bulong ni Cassy na parang kinikilig pa. Batukan nga ni Brielle. Siraulo e. "Nuod ka kasi ng nuod ng mga vampire movies. Akala mo siguro ganon din ang itsura nila sa totoo hahahaha." Brielle and I laugh. Akala siguro niya mga hot papa talaga ang mga vampire. Sa tingin ko, mukha silang halimaw. At yung sa mga movies syempre fiction lang naman iyon. Matapos ang discussion ay sumunod naman ang isa naming subject. Nakinig lang kami ng nakinig hanggang sa mag ring ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase para sa umaga. Lunch break na. Lumabas kami at ibinalik ang aming mga gamit sa locker saka nagtungo sa cafeteria. Nagulat pa ako dahil nagkakagulo ang mga tao. Nagsisigawan na animo'y nasa sabungan. Anong nangyayari? Nagkatinginan kaming tatlo saka pumunta sa pinagkakagulahan nila. Yung transferee lang pala kasama ang isang magandang babae. "C'mon kuya, tayo lang namang dalawa ang nakatira sa bahay." she pouted. Kuya? Ngayon ko lang din siya nakita sa campus kaya malamang na transferee din siya. "Ang ganda ganda niya diba? Tapos ang pogi pogi pa ni Shawn." bulong ng babaeng malapit samin. "Sinabi mo pa." "Grabe, di sila nakakasawang titigan. Ang puti puti at halatang mayaman." "Bahala ka sa buhay mo. Layuan mo nga ako." tinulak pa nito ang noo ng kapatid gamit ang dalawang daliri saka bumaling sa mga taong nakapalibot sa kanila. "Hm? Hindi pa ba kayo aalis diyan?" natakot naman ang mga estudyante sa lamig niyang magsalita kaya nag alisan na sila. "Really kuya!? Thank you so much!" wika nita saka nagnakaw ng halik sa pisngi ng kapatid. Tumayo na siya kaya napansin niya kami. Kami nalang kasi ang natirang nakatayo dito kaya nakita niya agad kami. Nasa likod kami ng lalaki at siya naman ay nakaharap sa kuya niya kaya mabilis niya kaming makikita. Hindi naman kami masyadong malapit pero sapat lang para mapansin niya agad kami. Hindi nakaligtas sakin ang panlalaki ng mata niya ng tumama ang kaniyang paningin sakin. Bahagya pang umawang ang kaniyang bibig dahil marahil sa pagkakagulat. "Oh my god! Karina?" sigaw neto at mabilis nagtatakbo papalapit sakin. Yumakap pa siya ng mahigpit. Ako naman ay walang reaksyon na tumingin lang sakaniya. "What happen to you? I thought you're g-gone? Well it doesn't matter... but why are you so cold?" sunod sunod na wika nito. "Excuse me miss. She's not Karina." agad ding nanlaki ang kaniyang mata sa sinabing iyon ni Brielle. "She's her twin sister." dagdag ni Cassy saka ako hinila papuntang counter para umorder ng pagkain namin. Nilingon ko pa ang babae at bagsak balikat siyang tulala habang nakatingin sa sahig. Sumulyap pa siya sakin bago tuluyang tumalikod at bumalik sa kaniyang kuya. Maaaring mabilis ang pagtalikod niya pero hindi makakaligtas sakin ang isang butil ng luha na pumatak mula sa kaniyang mga mata. Sino ba kayo? At paano niyo nakilala ang kakambal ko?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.5M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
464.7K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
501.2K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
603.7K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
465.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook