bc

ANG TOMBOY AT ANG CEO— RATED 18: A Love Affair Series 4

book_age18+
1.9K
FOLLOW
8.1K
READ
billionaire
possessive
tomboy
heir/heiress
drama
comedy
bxg
office/work place
enimies to lovers
naive
like
intro-logo
Blurb

Blurb:

“Sa tingin mo ba magkagugusto ako

sa ʼyo? Heleer! Hindi tayo talo, Gors. . . Pareho tayong lalaki.”

“Talaga? Sa gʼwapo kong ito, hindi ka magkakagusto sa ʼkin?”

“Guwapo? Saang banda? Eh, mas guwapo pa nga ʼko, sa ʼyo, eh!”

Tssk! Baka ʼpag hinalikan kita, ma-in love ka sa akin. Pero no way! Pinatitikim ko lang ang halik ko sa babaeng-babae at hindi sa tomboy na tulad mo!"

Iyan ang mga linyang binitiwan ni Pepper at Krypton ngunit paano kung hindi nila mapanindigan ang kanilang mga sinabi at mahulog ang damdamin sa isa't isa? May pag-asa bang maging sila kahit kilos lalaki si Pepper? Paano kung Oo subalit maraming balakid sa kanilang pag-iibigan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Miss
Ba't ganyan ang hitsura mo? Umagang-umaga, para kang binagsakan ng bato sa mukha," pahayag ng kaibigan kong si Lianne. Nandito kami ngayon sa harap ng tindahan ni Aling Marites. As usual, mangungutang na naman ako ng makakain ko. Wala kasing iniwan ang tatay ko sa akin. "Ikaw ba naman ang hindi iwanan ng almusal sa umaga ng erpats mo, de ganito ang magiging hitsura mo," turan ko rito. "Aling Tess, pʼwede ho bang umutang ng isang itlog ninyo at isang noodles. Bayaran ko ho sa makalawa," baling ko sa tindera. "Naku! Pepper. . . Hindi na mabilang ang utang ninyo dito sa listahan ko. Magbayad ka muna bago ka na naman mangutang," sawata sa akin ni aling Tess. Nagkamot ako ng ulo ko. "Bakit,milyon na ho, ba? Saka, Aling Tess naman, babayaran ko ho kayo sa makalawa. Pamasahe ko lang ho 'tong pera ko rito para maghanap ng trabaho. Sige na ho, ang ganda-ganda n'yo, eh. . . 'Di kayo magpautang," pambobola ko rito na siyang ikinangiti nito. "O, sige na nga! Saka matagal na akong maganda 'no? Saglit lang at kukuha ako. Basta, magbayad ka na sa makalawa, ha?" wika nito. Ngumiti ako bilang tugon sa kanyang sinabi. Ibinigay niya sa akin ang inutang kong itlog at noodles saka na ako nagpaalam at kay Lian. Pag-uwi ko sa bahay, niluto ko agad ang inutang ko sa tindahan. Nag-almusal na ako saka na ako naligo. Kailangan kong maghanap ngayon ng trabaho basta't malinis na trabaho. Nagbihis ako ng oversize t-shirt at maong na pantalon. Sabi nga nila, bakit ganito raw lagi ang porma ko? Eh, sa tomboy ako. Ano'ng magagawa nila? At may dahilan ako kung bakit. Sinuklay ko ang buhok ko hanggang sa balikat. Magsusuot na lang ako ng sumbrero mamaya. Nakapagtapos naman ako ng hayskul kahit papaano ngunit mahirap pa rin ang pag-a-apply ngayon. Nilisan ko ang barong-barong naming bahay dala ang mga requirements ko. Sumakay ako sa jeep, bumaba ako sa may kanto dahil may nakita akong hiring sa isang talyer sa kabilang daan.Tatawid na sana ako nang may biglang sumulpot na kotse at muntikan na nito akong mabangga. "Ay, p*tsa!" sigaw ko. "Hoy! Kung sino ka mang impaktong driver ng kotse na 'yan, huminto ka!" muli kong sigaw. Huminto nga ang kotse. Nilapitan ko ito at sinipa ko ang gulong ng sasakyan. "Lumabas ka riyan! Ano' ng akala mo sa daan, pag-aari mo, ha!" maawtoridad na tanong ko. Lumabas ang isang matipunong lalaki. Nakasuot ito ng shades at nakakurbata pa ito. Kaya napalunok tuloy ako. Siguro ay siya ang may-ari ng kotse. "Natural, Pepper. Siya nakasakay, eh! Bulong ko. "Pasensya ka na, Miss. Haharang-harang ka kasi sa daan," sambit nito. "Miss? Hindi ako, Miss. Anong haharang-harang ang sinasabi mo? Nakita mo bang nasa gitna ako ng daan at paharang-harang ako, sa 'yo? Patawid na ako, eh. . . Tapos bigla kang sumulpot kasama ng kotse mo. Pag-aari mo ba ang daan, ha?" "Wala akong sinabing pag-aari ko ang daan. Saka, ba't ang dami mo nang sinabi? Mali-late na ako, okay! Sorry kung muntikan na kitang mabangga. Ang importante, buhay ka pa," pahayag nito na siyang ikainis ko sa huli niyang sinabi. "Aba't ang yabang mo, ha! Ano bang gusto mo, suntukan!" hamon ko rito. "Ewan ko, sa 'yo Miss! Ang tapang mo!" asik nito sa akin. "Diyan ka na at sorry, okay! Nag-sorry na ako, sa 'yo kaya quits na tayo. Nagmamadali ako kaya siguro hindi kita napansin," paliwanag pa nito saka sumakay na ito sa loob ng kanyang magarang kotse at pinaharurot na iyon kaya napailing na lang ako. Tinawid ko na ang daan papuntang talyer. Ipinasa ko ang resume ko rito, ngunit tatawagan na lang daw nila ako kaya malabo iyon. Naglakad pa ako baka sakaling may naka-paskil pang hiring. Ngunit wala na akong makita. Nang makita ko ang isang gusali na may karatulang wanted cleaner ay agad ko iyong pinuntahan. Ibinigay ko ang aking resume sa babaeng sexy at maganda. Tinanong niya ako kung may experience na ba ako sa pagiging cleaners. Natural oo dahil ako lagi ang naglilinis ng bahay namin. At dahil urgent sila ay natanggap ako, ngunit may pinapirmahan ang babae sa akin. Hindi lang pala ang building na ito ang lilinisan ko. Tuwing TTS o Tuesday, Thursday at Saturday ay doon ako maglilinis sa bahay ng aming pinaka-boss. Wala namang problema sa akin dahil okay naman ang suweldo at mag-uumpisa na ako sa susunod na linggo. KINAGABIHAN, nadatnan ko na naman na lasing ang aking ama. Nakaupo ito sa sirang upuan habang hawak ang nakaboteng alak. "Shaan ka ba nanggaying, ha? At ganyan na naman shuot mo! Shinabi ko naman shayo na 'wag kang magshushuot ng ganyan!" gagad niya sa akin sa lasing na boses. "Papasok na ho ako sa loob, itay," paalam ko rito dahil ayoko ng makipagtalo sa kanila. "Kinakaushap pa kita!" sigaw niya sabay tayo ngunit natumba ang itay ko. Tutulungan ko sana siyang itayo subalit pinalis niya ang kamay ko sa kanyang braso. "Hindi ko kailangan ng tuyong mo!" sawata nito saka pinilit na tumayo. "Alam ko naman Itay, eh. Simula't sapul ganyan na kayo sa akin. Ako ang sinisisi ninyo sa pagkamatay ni inay ," sabi ko sa basag na boses. Sa tama naman ako. Kaya laging ganyan ang tatay ko dahil sa pagkamatay ng nanay ko noon sa panganganak sa akin. Lumaki ako sa pangangalaga ng lola ko na nanay ni tatay pero namatay na rin ito. Hindi rin nila ako masisisi kung bakit binago ko ang hitsura ko dahil halos lagi nila akong pinagbubuhatan ng kamay. "Oo! Dahil sa 'yo, namatay si Felicidad. Namatay ang babaeng pinakamamahal ko!" "Paulit-ulit na lang tayo, Itay. Hindi ko pinatay si Inay. Namatay sila dahil sa panganganak sa akin at wala akong kasalanan doon," paliwanag ko. "Lumayo ka sa akin!" muli nitong sigaw sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi iniwan na lang ito. Sa halip na papasok ako sa loob ay dumiretso ako sa tindahan ni Aling Tess at bumili ako ng isang boteng beer. "May pambili ka ngayon ng alak," sita nito sa akin nang iniabot ko ang isang daan sa kanya sabay bigay ng beer. "Naka-delihensya ho, ako kanina. Gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko sa tatay ko, Aling Tess," pahayag ko rito saka tinungga ko ang laman ng bote.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook