bc

Archangel The Undercover Mafia

book_age18+
56
FOLLOW
1K
READ
possessive
badboy
kickass heroine
brave
mafia
heir/heiress
drama
office/work place
enimies to lovers
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lamang si Maria Clara o MC in short ay tinuruan na siya ng kanyang ama ng iba't ibang uri ng self-defense. Kaya naman nang kunin ng kanyang daddy bilang bodyguard niya si Archangel ay ganoon na lamang ang pagtutol na kanyang naramdaman. Wala yatang araw na hindi sila naggigirian ng kanyang bodyguard na matapang nga at guwapo ngunit may pagka-bastos naman. Sa kabila ng pagiging aso't pusa nilang dalawa ay hindi napigilan ni Maria Clara ang kanyang puso na ibigin ang binatang bodyguard niya na walang ginawa kundi painitin ang kanyang ulo. Ngunit kung kailan naman nagkakamabutihan na silang dalawa ay saka niya natuklasan ang lihim na itinatago ni Archangel at ito ay may kaugnayan sa dahilan kung bakit siya pinaturuan ng kanyang ama ng mga self-defense simula pa noong bata pa siya. Matatanggap ba niya ang katotohanan na kaya lamang nakipaglapit sa kanya ang binata ay dahil sa pansarili nitong motibo? At paano kung malaman niya na ang hinahangaan niyang ama ay may malaking sekreto rin pala na itinatago sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1.1
MC's Pov Halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng sigawan ng mga taong nasa paligid ko. Isinisigaw nila ang pangalan ng kanilang iniidolo o pambato o ano pa mang tawag doon. Napapangiwi ako sa tuwing naririnig ko ang malalakas nilang mura at cheers sa lalaki kung saan sila pumusta ng malaking pera. Kasalukuyan kasi akong nanunuod ng tinatawag na underground fighting. Kung saan ay nasa loob ng isang arena ang dalawang matatapang at malalakas na tao at naglalaban ng p*****n. Isa lamang ang golden rule na dapat sundin ng mga kalahok. Matira ang matibay. Ngunit kung willing sumuko ang participant ay dapat itaas lamang ang kanang kamay ng taong susuko habang nakakuyom ang kamao. Pagkatapos niyon ay tigil na ang laban at panalo ang hindi sumuko. Paano nga ba ako napunta sa ganitong klaseng lugar? Iyon ay dahil sa kaibigan kong matalik na si Karen na ngayon ay katabi ko at halos mapatid ang litid sa kaka-cheer sa lalaking iniidolo nito. Kaarawan ngayon ni Karen at dahil ulilang lubos na siya ay tanging ako lamang ang palaging kasama niya tuwing sumasapit ang kaarawan niya. At dahil kaarawan niya ngayon kaya hindi ko siya napahindian nang isama niya ako sa ganitong klaseng lugar. Hindi naman ako walang alam sa ganitong bagay ngunit ngayon pa lamang ako nakapasok sa ganitong lugar at nakapanuod ng live underground fighting. Bawal ang mga ganitong sport dahil maraming tao ang namamatay rito kaya naman hinuhuli ng mga alagad ng batas ang mga taong kasali sa underground fighting o kahit ang mga pumupusta at nanunuod lamang ng laban. Ayoko sa ganitong lugar hindi dahil sa ayokong makakita ng brutal na bugbugan o p*****n dahil kaya ko rin ang ginagawa nila. Ayoko rito dahil sobrang ingay at saka nag-aalala ako na baka mahuli ako ng mga pulis kapag biglaang nagkaroon ng raid. Ayokong pagpiyestahan ng mga tao ang anak ng isang kilalang pilantropo na nahuli ng mga pulis. Isang kilalang pilantropo ang daddy ko. Tumutulong siya sa mga mahihirap na nangangailangan ng kanyang tulong lalo na ang pinansiyal na pangangailangan. Sa katunayan ay dalawa ang foundation na itinayo niya para sa mga taong nangangailangan ng kanyang tulong. Una ay ang Help Foundation kung saan kahit sinong tao mayaman man o mahirap basta nangangailangan ng tulong ni daddy at kaya niyang tulungan ay puwedeng lumapit at makahingi ng tulong. Ang isa ay ang Santibanez Bahay-Kalinga Foundation, kung saan ay kumakalinga ang mga madre ng mga batang inabandona mula noong sanggol pa lamang. At kahit mga batang lansangan na gustong mabago ang buhay ay kinukupkop din ng Santibanez Bahay-Kalinga. Pinapapag-aral ang mga bata hanggang sa sila ay makatapos at magkaroon ng magandang trabaho. Ngunit kapag may magulang na gustong umapon ng bata sa Bahay-Kalinga ay malugod na pinapayagan ng aking daddy na siyang tumatayong chairman ng dalawang foundation. Ngunit bago ipaampon ang bata sa magulang na gustong mang-ampon ay sinisigurado muna ni Daddy na mabuti silang mga tao at hindi mapapasama ang batang aampunin nila. Kapag nalaman ng mga tao na ang nag-iisang anak ni Mr. Edgardo Santibanez ay nahuli ng mga pulis dahil sa panunuod ng ipinagbabawal na underground fighting ay tiyak na mapapahiya ang daddy ko. At ayokong mangyari iyon. At kung hindi lamang birthday ngayon ni Karen ay never na maisama niya ako sa lugar na ito. Ewan ko nga kung paano niya nalaman ang ganitong lugar at laro. Kapag tinatanong ko naman siya kung bakit niya alam ang ganitong lugar at laro ngunit hindi niya ako sinasagot ng maayos. Tanging salitang "secret" lamang ang sinasabi niya sa akin kapag tinatanong ko siya. "Go, Archangel Laban lang!" malakas na sigaw ni Karen na tila walang pakialam sa kanyang paligid. Sabagay, sino ba ang may pakialam gayong lahat sila ay sumisigaw rin at tanging ako lamang yata ang tahimik sa kinatatayuan ko at hindi maipinta ang mukha. Lumingon sa kinaroroonan namin ang lalaking tinawag ni Karen na Archangel. Ngumiti ang lalaki sa kaibigan ko na halos maihi na sa sobrang kilig lalo pa nang kawayan at mag-flying kiss pa ang lalaki. Tila temang naman na sinalo ni Karen ang flying kiss na pinakawalan ng lalaki at pagkatapos ay inilagay sa kanyang mga labi. Napapikit pa siya na parang nasa harapan niya ang lalaki at mga labi nito ang hinalikan. Hindi ko napigilan ang mapangiwi sa pinaghalong ka-OA-han at ka-kornihan ng kaibigan ko. Nang tingnan ko ang lalaki ay napakunot ako ng noo nang makitang nakatingin sa akin ang malalalim niyang mga mata. I'm sure na nakita niya ang ginawa kong pagngiwi sa reaksiyon ng kaibigan ko. Sa halip na mapahiya ako sa kanya ay inirapan ko pa siya at tinaasan ng kilay. Tila naman hindi siya na-offend sa ginawa ko sa halip ay ngumisi pa siya ng nakakaloko sa akin pagkatapos ay nagpakawala rin sa hangin ng isang flying kiss. Hindi pa siya nakuntento at kinindatan niya pa talaga ako. Halos himatayon naman sa kilig si Karen sa pag-aakalang para sa kanya ang flying kiss ng lalaki at siya ang kinindatan. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Sa inis ko ay nahiling ko na sana ay matalo siya at mabugbog-sarado siya ng kalaban niya lalo pa at nakita kong mas malaki at solido ang katawan ng kanyang makakalaban. Ngunit sa malas ay hindi pinagbigyan ang aking hiling dahil ang bastos na lalaki ang nanalo sa laban. At nanalo pa siya ng walang kahirap-hirap. Nagtatalon naman sa tuwa ang katabi kong kaibigan na walang pakialam kahit naaapakan na niya ang mga paa sa kakatalon niya. Naku, kung hindi lang talaga niya birthday ngayon ay kanina ko pa siya kinutusan o di kaya ay hinila paalis sa lugar na ito. "Tapos na ang laban at nanalo ang idol mo kaya umalis na tayo, Karen," kausap ko sa kaibigan ko na tila bangag sa pangangarap ng gising sa lalaking iyon. "Humingi tayo ng autograph ni Archangel, Maria Clara," ungot sa akin ni Karen. May ilang kababaihan kasi ang nagsipaglapitan kay Archangel at tila artistang humingi ng autograph at selfie picture kasama ang binata. "Hay naku, Karen. Kung gusto mong humingi ng autograph niya ay ikaw na lang ang pumunta. Sa labas na lamang ako maghihintay," naiinis na sabi ko sa kanya. "Bilisan mo dahil kung hindi ay iiwan kita," pananakot ko sa kanya. "Sige, hintayin mo na lamang ako sa labas," masayang-masaya na sagot ni Karen pagkatapos ay nagmamadali na itong nakipagsiksikan sa iba pang mga babaeng nais manghingi ng autograph at selfie picture ng lalaki. Naiinis ako sa lalaking iyon ngunit hindi ko maintindihan kung bakit may malakas na puwersang nag-uudyok sa akin na tumingin sa kanya. At nang tumingin nga ako ay nakita ko siyang nakatingin ulit sa akin. Ngumiti siya ng matamis pagkatapos ay kinindatan ulit ako. Sa inis ko ay ipinakita ko sa kanya ang aking kamao habang mariin ang pagkakatikom ng aking mga labi. Pagkatapos ay bigla na akong tumalikod at hindi na muling tinapunan ng sulyap ang bastos na lalaking iyon. Ilang minuto rin akong naghintay kay Karen sa tapat ng nakaparada kong kotse bago ko nakitang palapit sa akin habang tumatakbo at abot-tainga ang pagkakangiti. "Grabe! Amg guwapo niya sa malapitan, Maria Clara. Mas guwapo pa siya kaysa sa ibang mga artista natin sa bansa," kinikilig na pahayag ni Karen nang makalapit na siya sa akin. "Oo na. Guwapo na kung guwapo. Pumasok ka na sa loob at kanina pa ako nagugutom," nakairap kong sabi sa kanya. Sanay na sa ugali ko ang kaibigan ko kaya hindi siya nao-offend kahit na irapan at sungitan ko pa siya. Alam naman niya na hindi masama ang ugali ko at kapag naiinis ako ay madali lamang mawala. "Para sa'yo, Maria Clara. Ipinabibigay ni Archangel," nakangising sabi ni Karen. Pagkatapos ay basta na lamang niyang iniwan sa dibdib ko ang isang bagay. Nang suriin ko kung ano iyon ay poster pala ni Archangel na may kasama pang autograph at dedication nito. To the most beautiful and interesting woman that I've seen today, basa ko sa aking isip sa dedication na nakasulat sa poster na four by four yata ang size. Tumaas ang kilay ko matapos kong mabasa ang sulat. Hindi lang pala bastos ang Archangel na ito kundi babaero pa. Akala niya yata ay magiging fan niya ako matapos niya akong bigyan ng poster niya na may autograph at dedication para sa akin. Akamang itatapon ko na sa kalsada ang poster nang makita kong naglalakad palabas si Archangel kasama ang ilang mga supporters nito. Nang makita niya ako ay agad na napangiti ito ng maluwag. Tingnan lang natin kung makangiti ka pa sa gagawin ko. Walang pag-aalinlangan na pinunit ko ang poster ng apat na beses at inilaglag sa kalsada. Pagkatapos ay nang-iinis na tiningnan ko siya. Nakaramdam ako ng tuwa nang makita kong naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pagdidilim ng kanyang mukha. Walang pakialam na ipinagpag ko ang aking mga palad pagkatapos ay nagmamadali na akong sumakay sa kotse. Wala akong paki kahit magalit man siya sa ginawa ko. Tutal, hindi naman na kami magkikita pang muli. Dahil ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi na ako babalik pa sa lugar na ito. Never.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook