bc

In Her Smile (Free & Completed)

book_age16+
1.6K
FOLLOW
3.7K
READ
family
HE
blue collar
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Disclaimer: This story is FREE & COMPLETED. Wala rin po itong kontrata kaya FREE EVER po ito.

Humihingi po ako ng paumanhin sa mga errors na makikita niyo sa kuwentong ito. Unedited po ito pero sana ay magustuhan niyo pa rin po. Short story lang po ito at purong romance. Ang kuwento rin pong ito ay konektado sa MY SWEET ADMIRER - this is the story of FRANCO ALMENDRAL.

Happy reading!

Lumaking iyakin si Winrose. Iyon ay dahil sa mga taong walang ginawa kundi hamakin ang kapansanan niya. Hanggang sa ibigay sa kanya ng Langit ang isang bagay na alam niyang makakapagpabago sa malungkot at nakakatakot niyang buhay. Ngayon ay malaya na siyang humarap sa mga tao ng may tiwala sa sarili. May laya na din siyang magmahal ng lalaking magugustuhan niya. Pero nagkamali yata ang puso niya sa pagpili ng lalaking mamahalin. Dahil isang kagaya ni Franco ang nagpatibok ng puso niya. Isang lalaking napakataas para sa isang kagaya niya. Pero mukhang napakabait sa kanya ng tadhana. Nagawa niyang paibigin si Franco. Tapat itong umibig sa kanya. Pero siyempre ay hindi nawawala ang kontrabida. At sa lahat ng kontrabida ay napakahirap yatang kalaban ng mama nito. Hindi niya masisi ang ina ng binata. Kumpara sa babaeng inirereto nito ay ano ang laban ng operada niyang mukha. Pero ipinaglaban siya ni Franco. Akala niya ay sasaya na sila. Pero hanggang sa huli ay naging kalaban pa rin niya ang pamilya nito. Kailangang mamili ng binata, siya o ang buhay ng mama nito. Napakasakit. Dahil kailangan niyang magparaya....

chap-preview
Free preview
Prologue
PINIPIGILAN ni Winrose ang mapaiyak habang palabas siya ng fastfood chain na iyon. Kipkip niya ang isang plastic envelope sa tagiliran habang nakayuko. Muntik pa siyang mauntog sa pintong salamin ng kainan dahil hindi niya napansin na sumara iyon. Nang tingnan niya ang gwardiya na naroon ay kakaiba ang pagkakatingin nito sa kaya na para bang wala siyang karapatang pumunta sa ganoong lugar. Mapang-asar siya nitong nginisihan ng magtama ang kanilang mga mata. Humarang ito sa daanan niya. “Excuse me, lalabas ako!” mahina pero mariin niyang sabi. Lalo siya nitong nginisihan. “Sa susunod Miss, huwag ka nang mag-aapply dito dahil sigurado namang hindi ka matatanggap. ‘Yang hitsura mong iyan ay walang tatanggap sa iyo.” Anito, saka tumawa. Naningkit ang mga mata niya. Lalong sumama ang loob niya dahil sa mga sinabi nito. Masama na nga ang loob niya dahil hindi siya natanggap sa pag-aapply niya bilang crew sa kainang iyon ay dadagdagan pa ng walang pusong guard na ito. “Hindi bagay sa iyo ang mag-masungit Miss. Lalo kang pumapangit!” humalakhak ito ng malakas. Napatingin siya sa paligid dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao. Namula ang buong mukha niya at gumapang ang hiya sa katawan niya. “Ang kapal ng mukha mong magsalita ng ganyan! Bakit? Feeling mo ikaw si Piolo Pascual at ang gwapo-gwapo mo? E mukha ka namang baluga!” singhal niya dito. Lalo siyang nainis ng tumawa lang ito. “E ano kung baluga, huwag lang bingot! Umalis ka na dito, wala kang lugar dito!” singhal din nito sa kanya. Hinampas niya ito sa mukha ng hawak niyang envelope. Nagulat ito pero dagli lang at agad na nanlisik ang mga mata nito. “Aba’t ----.” Akmang gaganti ito ng hampas sa kanya ng may maagap na kamay na pumigil dito. Naglanding ang mata niya sa isang lalaking mataas. Napapanganga siya ng makita ang isang Greek God. Este modelo pala. Ay basta, hindi niya alam kung papaano ilalarawan ang anyo ng lalaking nakatayo ngayon sa tabi niya habang pinipigilan ang kamay ng gwardiyang masama ang budhi. Basta ang masasabi niya ay ito na ang pinakagwapong lalaking nakita ng inosente niyang mga mata. “Subukan mong saktan siya at ipapatanggal kita sa trabaho mo. Hindi iyan ang tamang paggalang sa mga costumers na pumapasok dito sa loob ng kainan niyo.” anito sa mahinahon subalit mariing tono. Lalo siyang natulala ng ipagtanggol siya nito. Mabibilang sa isang daliri niya ang maranasan niyang may nagtanggol sa kanya. Pero ito ang nakakawindang dahil isang estranghero ang nagtatanggol sa kanya sa harap ng isang mapanghusgang nilalang. At sa isang kagaya nitong kay gwapo at kaykisig pa. Parang gusto niyang magbunyi. “Hindi naman siya costumer. Aplikante ‘yan.” Nagulat pero matalim siyang pinukulan ng tingin ng gwardiya. Abat'! Ang kapal ng mukha! Ikaw pa ang may ganang magmagaling? Lalong sumama ang mukha niya. Kumunot-noo naman ang lalaki.“Kahit sino pa siya, hindi tamang bastusin mo siya sa harap ng maraming tao.” matigas at mariing sabi ng lalaki. Lalo siyang napatanga sa kanyang ‘tagapagligtas’. “P-pasensiya na S-Sir.” Natutulalang wika ng gwardiya. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagkagulat at takot dahil sa pagkakatingin ng kanyang savior. Bakit hindi ay halos tingalain na ng punggok na gwardiya ang lalaking may napakagwapong mukha. “Humingi ka ng paumahin sa kanya. Hindi sa akin.” Seryoso pa rin nitong sabi habang hindi binibitiwan ang braso nito. Atubili itong tumalima. “P-pasensiya ka na Miss. H-hindi na mauulit.” Inismiran niya ito. Masama pa rin ang loob. Pero dahil sa pagsulpot ng lalaking ito ay naibsan kahit papaano ang awa at hiya niya sa sarili. “Pasalamat ka at dumating siya. Dahil kung naituloy mong idikit iyang magaspang mong kamay sa akin, sisiguraduhin kong pareho taong magiging kawawa. Ipapatanggal talaga kita dito sa trabaho mo. Parehas na tayong walang trabaho.” Patag pero seryosong wika niya dito. Hindi na nagsalita ang gwardiya. Humakbang na siya palabas ng kainan dahil nakakaharang na sila sa mga nagdaraang tao. Bahagya pa rin niyang naiyuyuko ang mukha dahil pinagtitinginan pa rin sila ng mga tao. “Ayos ka lang Miss?” Napasinghap siya ng marinig ang tinig ng lalaking nagtanggol sa kanya sa likod niya. Sumunod pala ito sa kanya. Atubili siyang humarap dito. Ngayon niya naisip ang itsura niya. Mas gusto niyang magyuko nalang ng ulo. Una ay dahil sa itsura niya. Ikalawa, hindi man lang siya nagpasalamat bago tumalikod. “O-oo. S-salamat nga pala sa pagtatanggol mo sa akin ha.” Very polite niyang wika. “They shouldn't treated you like that. Kayo ng mga kagaya mo. Pwede mo siyang ipatanggal sa trabaho dahil sa ginawa niya sa iyo.” Anang lalaki. Parang nagkaroon ng lungga ng mga daga sa kanyang dibdib ng marinig ang simpatya nito. Gusto na talaga niyang maniwala sa himala ng mga himala. Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha upang tingnan ito. Muntik nanaman siyang matulala dahil nakangiti ito sa kanya. Baka himatayin siya ng di oras. Winrose! Umayos ka! Lalo kang papangit sa harap niya kapag hinimatay ka ngayon! Kabog ng kabog ang dibdib niya ng magsalita. “H-hindi na. Hindi na niya siguro uulitin iyon. S-salamat ulit ha.” Kiming ngumiti siya. Ang gusto niya ay ngumiti ng todo pero hindi pwede. Makikita ang pangit niyang gilagid. Baka magmukha na siyang monster sa paningin nito. Tumang-tango ito. Nagpaalam na ito sa kanya. Pagkatapos niyang magpasalamat ulit ay tumalikod na ito. Nakakailang hakbang palang ito ng maalala niyang gusto niyang malaman ang pangalan nito. Tatawagin na sana niya ang lalaki pero nagbago ang isip niya. Ano naman ang karapatan niyang tanungin ang pangalan nito? Hindi na nga nag-abalang magpakilala ang lalaki sa kanya. Ibig sabihin ay hindi ito interesado sa kanya. Concern lang siya sa mga kagaya mo! Hello? Bakit naman siya magpapakilala sa iyo? Buska ng isang panig ng utak niya. Hello! Gumising ka nga! Papaano naman siya magiging interesado sa iyo? E tingnan mo ang itsura niya. Langit at lupa ang pagitan ng pisikal ninyong anyo. Pwede ka nang himatayin sa pag-iilusyon mo! Malungkot niyang inihatid ng tingin ang estrangherong nagtanggol sa kanya. Kahit pa nagkacrush kaagad siya dito ay hanggang doon nalang iyon. Baka nga hindi na sila magkita pa. Sayang. Ito pa naman ang unang lalaking nagtanggol sa kanya bukod sa kanyang ama. At unang lalaking hinangaan niya. Pinatikim lang siya. Pakunswelo sa hindi niya pagkakatanggap sa trabaho dahil sa kapansanan niya at sa panghahamak ng gwardiyang may maitim ang budhi. Kakalimutan na niya ang lalaki. Pero duda siya sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook