bc

Director is Inlove (Free & Completed)

book_age16+
2.0K
FOLLOW
4.4K
READ
HE
blue collar
lighthearted
office/work place
addiction
like
intro-logo
Blurb

THIS STORY IS FREE 'TIL THE END!

Apologies po sa mga typo error, grammar error atbpa. Unedited po ito pero sana ay magustuhan niyo pa rin po. Pure romance po ito . Maraming salamat po ?

Happy reading!

Finally, Parson is in love! For the first time in his life at gumising ang kanyang puso para sa isang babae - si Agross. It was true love, he knew. Pinursige niya ito. Pero may isa siyang lihim. Lihim na hindi niya alam kung matatanggap ng dalaga. Kaya nilayuan niya ito bago pa tuluyang lumalim ang kanyang relasyon...

Paano na ang once in a lifetime true love niya kung haharangan lamang ng isang lihim?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“PARSON, I think this time kailangan mo na ng sekretarya. Hindi mo kayang i-load ng ganito karaming trabaho ang sarili mo. We should hire a secretary for you.” Ani Racia sa kanya habang nasa loob sila ng meeting room. Katatapos lang ng meeting nila with their teams dahil halos sunod-sunod ang events na ioorganize ng kanilang kumpanya sa mga susunod na buwan. Napatingin siya sa magandang kaibigan na kagaya niya ay isa ding EXECOM sa kumpanyang iyon. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa mga papeles na nasa harap nila. Naroroon ang lahat ng events ng kanilang mga kliyente na ioorganisa nila. “No need, Racia. I can handle this. Sanay na ako sa ganito karaming trabaho.” Sa halip ay wika niya. “But Parson, masyadong marami itong events ngayon. Three each month for this coming year. Hindi pa natin alam kung may maidadagdag pa sa mga ito. Alam mo naman ang mga kliyente natin.” Bulalas nito at isa-isang binulatlat ang mga papeles. “I know you can do this pero hindi rin naman tamang pagurin mo ang sarili mo lang sa pagtatrabaho dito. We can hire a secretary for you. Huwag mong abusuhin ang katawan mo. Oo at nagawa natin ito ng nakaraang taon pero mas marami ngayon, at sunod-sunod! At baka hindi mo natatandaan, nagkasakit ka pagkatapos ng events dahil wala kang tulog at nasobrahan ‘yang utak mo sa pagod. We better find a secretary para man lang makatulong sa iyo.” Mahabang pahayag nito. Nahimas niya ang sentido. May katotohanan naman kasi ang sinabi nito. Alam niyang kaya niya ang lahat ng trabahong nakaatang ngayon sa kanya pero pagkatapos ay ano? Siguradong sa ospital nanaman siya pupulutin dahil sa ilang gabing pagpupuyat niya. “Nakikinig ka ba sa akin, Parson?” untag sa kanya ni Racia ng hindi siya magsalita. Tumango-tango siya. “I heard you.” Isa si Racia sa pinakamalapit sa kanya sa mga miyembro ng EXECOM. Marami ang nagtatanong kung may relasyon sila o nililigawan niya ito. But Racia is just a younger sister for him. Iyon ang turing niya dito. Nagkalapit sila dahil sila ang madalas na magkasama lalo na sa mga events. Ito din ang nagrekomenda sa kanya kay Hermani ng mangailangan ang UA, Inc ng isang Chief Story Teller at madali siyang nakuha dahil sa matataas niyang marka idagdag pang nakapagtapos siya sa kursong Events Management siyam na taon na ang nakakaraan. Ngayon ay isa na siyang Idea Director at isa sa mga miyembro ng Executive Committees. Sa Entertainment ito nakaassign samantalang siya ay sa Create. Being the Idea Director of UA Inc., he aim to provide accurate, on-strat and wining concepts at optimum cost whether it’s writing a video or live script, designing logo and its multiple applications, and also, to please every individuals. Siya ang nagiging director ng bawat events na inoorganisa ng kumpanya nila, all over the Philippines. He knows that with his team, he can handle it. “So you heard me. Magpapakuha na ako ng ----.” “I don’t need a secretary, Racia. Nandiyan naman ang team ko. We can handle this.” Putol niya sa sasabihin nito. Huminga ng malalim ang dalaga. “I don’t understand you. ” “I just don’t need a secretary." Nang wala na itong masabi ay tumayo na siya at dinampot ang Mcbook at cellphone niya sa mesa. “I need to go back to my office. Marami pa akong dapat simulan.” Hindi na umapila si Racia. Hinabol nalang siya nito ng tingin. MALUWANG ang ngiti ni Agross habang tinatahak niya ang daan papasok sa Universal Activation Inc. o UA Inc., Sa kabila ng pagkakangiti niya ay malakas din ang kabog ng kanyang dibdib. Iyon ang unang araw niya bilang sekretarya ng isa sa EXECOM sa kumpanyang iyon. Magiging sekretarya siya ni Parson Mendoza. Ang lalaking unang kita palang niya sa litratong kasama ng kanyang Tiya Mel ay hinangaan na niya. Nagkaroon siya ng crush dito ng masilayan niya ang simple pero to the max na ngiti ng binata. Nang una ay inakala niyang nagbibiro lang ang Tiya Mel niya ng tawagan siya nito upang sabihin ang magandang balita. Nangangailangan daw si Parson ng sekretarya at siya ang inirekomenda ng kanyang Tiya. Nabibigla pero tuwang-tuwang tinanggap niya ang trabaho ora mismo! Napanganga pa siya ng makita ang boss nito na walang iba kundi si Racia. Sobrang nagandahan siya dito at parang nahiya ang balat niya sa kaputian at kakinisan ng balat nito. Ipinakilala siya ni Tiya Mel kay Racia at ito ang nag-interview sa kanya. Hindi niya alam kung tama ang lahat ng naisagot niya sa mga naging tanong nito pero napansin niya ang kakaibang ngiting naglaro sa labi nito habang iniinterview siya. Nagulat nalang siya ng sabihin nitong tanggap na siya. Kaya naman heto na siya ngayon. Suot ang isang yellow long sleeves blouse with matching white slacks na tinernuhan din ng suot niyang sandals with two inches high-heeled. Maingat ang mga hakbang niya dahil ayaw niyang kumuha ng atensiyon sa mga tao pero mukhang hindi yata niya maiiwasan iyon dahil ang lahat ng makasalubong o madaanan niya ay napapatingin sa kanya. Malapit na siya sa receptionist ng makita niya si Tiya Mel na kumakaway sa kanya. Napangiti siya at kumaway din dito. Binati lang siya nito saka siya pinasunod. Napasunod siya dito at tinungo nila ang pinanggalingan ng tiyahin kanina. Sumakay sila ng elevator at huminto sa ikalawang palapag. Nang lumabas sila doon ay bumungad sa kanya ang ilang cubicle na kakaunti palang ang umookupang empleyado. Lumabas doon si Tiya Mel kasunod siya. Pasimple niyang iginala ang paningin sa paligid habang binabagtas nila ang daan patungo sa sinasabi nitong opisina ng magiging boss niya. Lumiko sila sa unang kanto pakaliwa sampung hakbang mula doon ay may isang pinto. Sa labas niyon ay may isang mesa. May computer na nasa ibabaw at flat screen ang LCD. Bukod doon ay isang swivel chair din ang napansin niya. Bukod doon ay malinis na ang mesa. Huminto sila sa tapat ng mesa. “Dito ang magiging pwesto mo, Agross. Ito ang magiging mesa mo. At iyan...” itinuro nito ang pintong halos katabi ng kanyang mesa. “Diyan ang opisina ni Sir Parson. Siya ang magiging boss mo.” Nakasunod ang mata niya sa bawat ituro nito pagkatapos ay tumango-tango siya. “Nandiyan na ba siya?” iyon ang naging tanong niya. Umiling si Tiya Mel. “Wala pa. Pero siguradong paparating na iyon. Maupo ka na. Huwag mong kakalimutang batiin siya ha. Goodluck sa unang araw mo pamangkin. Kapag may tanong ka e tawagan mo lang ako.” itinuro nito ang isang telepono sa tabi ng computer. Saka lang niya iyon napansin. “S-sige. Diyan lang naman ang table mo sa kabila diba?” aniya na lumingon pa sa kabilang bahagi ng gusali. Malapit lang iyon at halos katabi lang ng department ng boss niya. Tumango ito. “O siya, ikaw na ang bahala dito. Babalik na ako sa trabaho ko.” tumalikod na ito. “Teka.” Pigil niya ng may maalala. “Hindi niya pa ako nakilala diba? Tsaka hindi ko pa din siya nakikilala, in short we’re not introduce to each other.” Pakikay na sabi niya. Natawa si Tiya Mel. “Alam na niya ang tungkol sa iyo. Basta pag kinausap o pinatawag ka eh pumasok ka nalang sa loob. Huwag kang mag-alala. Gaya ng sinasabi ko sa iyo noon, mabait si Sir Parson. Lalo kang maiinlove sa kanya.” bumungisngis pa ito. Napahagikhik siya. “O siya, sige na Tiya. Bumalik ka na sa trabaho mo. Ako ng bahala dito. At salamat din ng malaki.” Taboy niya dito. Nang mapag-isa siya sa pwesto ay naigala niya ang paningin. Naupo siya sa swivel chair na naroon. Hinaplos niya ang magiging mesa niya pagkuwan ay ang magiging computer niya. Ito na nga, Agross. Ito na ang simula ng pag-asenso mo. Ngayong dito ka na nagtatrabaho sa Maynila at isa pang sekretarya ng big boss sa kumpanyang ito ay dapat kang magdiwang! Lalo na at ang crush mo pa ang magiging boss mo. Kinilig siya ng maisip ang nakangiting mukha ni Parson. Nasabik siyang makita ito at makausap ng personal. Naisip niyang siguro ay mas gwapo ito sa personal keysa sa mga litratong nakita niya. Pagbubutihin ko ang trabaho ko para maimpress ka sa akin, my dear Parson. Nandito na ako kaya huwag ka nang mag-alala. Ako ang tutulong sa lahat ng trabaho mo…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook