bc

Kay Helena: Ang Probinsyana

book_age16+
963
FOLLOW
4.8K
READ
playboy
kicking
mystery
small town
witchcraft
supernatural
intersex
love at the first sight
surrender
civilian
like
intro-logo
Blurb

Hindi maikakailang maganda ang dalagang may labit-labit na balde ng tubig.

Kahit na nakayuko ito ay mababakas ang maamo at kaakit akit nitong mukha.

Si Eros ay nagbabakasyon sa probinsyang iyon nang magawi sila ng kaniyang mga pinsan sa paa ng bundok na hindi naman kalayuan sa bahay ng kaniyang tiyo.

"Anton, sino iyon?" tanong niya sa pinsang nanginginain ng mangga.

"Si Helena yan" pabulong na sagot nito sa pagitan ng pagnguya sa prutas. "Huwag na huwag mong sisipulan o sasabihan ng masama, mas maigi pang huwag mong titigan" namimilog ang mga mata pang sabi nito sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin e titingnan ko lang naman o magpapakilala ako, hindi ko babastusin" akmang lalapit siya sa dalaga nang hilahin ni Anton ang kaniyang mga kamay. Hinawakan siya nito ng mahigpit at nang makalayo layo na ang dalaga ay saka ito nagsalita.

"Huwag kang magkakamali pinsan, baka bukas hindi ka na namin makitang buhay. Maraming kalalakihang dayo na ang hindi natatagpuan sa tuwing kinukursunada nila ang apo ni aling Huling." saad nito sa mababang boses. Nagulat siya at nagtanong pa.

"Bakit naman nawawala?"

"Usap- usapang aswang at mambabarang ang lola niyan"

Nanlaki ang kaniyang mata sa narinig. Bilang laking siyudad ay hindi na siya naniniwala sa mga ito.

Tiningnan niya ang papalayong dalaga. Sa hindi inaasahan ay lumingon ito pabalik at nagtama ang kanilang paningin. Ngumiti naman siya at kumaway.

'Bahala na, kung mamamatay e ano naman. Basta ba siya ang kakain sa akin!' pilyong sabi niya sa kanyang utak.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1. Ang Apo ni Aling Huling
Ibinagsak ni Helena ang dala-dalang baldeng may tubig. Hindi na puno ang laman nito dahil sa paglalakad niya ay nababawasan ang tubig dahil hindi naiiwasang may natatapon. Huminga muna siya at tumigil ng ilang segundo saka binuhat ulit ang balde at isinalin sa malaking drum na ipunan ng tubig. Kinakailangan niya ang tubig na ito upang ipang luto at iba pang gamit sa bahay. Sa balon lamang iyon kinukuha malapit sa ilog at ito ay may kalayuan rin buhat sa kanilang tahanan. Sila na lamang ng kaniyang lola ang magkasama sa bahay at hindi niya hinahayaan ang matandang gumawa ng mabibigat na gawain. Nakaamoy siya ng nasusunog na d**o. Gustong gusto niya iyon at laging nais na pagmasdan ito. Pumunta siya sa likod bahay. Duon nga ay nagsisilab ang kaniyang lola habang nagnganganga ( ito ay ang pag- nguya ng dahon ng ikmo na may bunga, apog at kung minsan ay nilalagyan nito iyon ng tabacco). Sa tabi ng matanda ay ang walis at panabas nito. Nakaupo si Lola Huling sa upuang yari sa kahoy. Ito ang madalas tambayan ng kaniyang abuela dahil nalililungan ito ng puno ng mangga at iba pang punong namumunga. "Inang, tapos na ho akong mag- igib. Ano ho ba ang iluluto ko sa hapunan?" tanong niya. Inayos niya ang sinisilab at nagdagdag pa ng mga sariwang damong kagagamas pa lamang. Mas dumami ang usok niyan at lalo pa niyang nagustuhan ang amoy nito. Kung ang iba ay ayaw sa amoy na 'yon, siya naman ay tila adik na adik rito. Natigil sa pag- nguya ang matanda. "Maigi pa ay maglaing tayo. Siya, manguha ka ng gabi at aking babalatan dito. Dalhan mo rin ako ng batya at kutsilyo" utos nito Mabilis naman tumalima si Helena at pumunta sa gilid ng kanilang bahay. Duon ay madaming laing na nakatanim, lalo pa itong nagsusuwi at lumalawak. Pagkakuha nga niyon ay dinala niya ito sa kaniyang abuela. "Ah, tamang tama pala at ang gaganda ng mga dahon!" nagagalak na sabi ng matanda "Oo nga po inang. Matagal tagal na rin ng huli tayong nag gulay nito" sagot naman niya. "Ilang buo po pala ng niyog ang igagata natin?" dagdag tanong ng dalaga. "Ayos na ang apat. Kumuha ka na dun ng malalaki at balatan mo. Ipagtabi mo rin ako ng tubig ng niyog. Maiging inumin at masustansya iyan" utos nito habang maliksing nagba balat ng laing. "Sige po inang" sagot lang niya. Natutuwa siyang may pinagkaka-abalahan ang abuela. Dahil dito ay malakas parin iyon kahit 73 años na. Maliksi itong nagdadamo ng kapaligiran at nagwawalis umaga at hapon. Lahat ng patak na dahon ng mangga ay winawalis nito. Sinabihan niya itong minsan, 'Inang, ayos lang naman pong dumi yan. Ang pangit lamang ay mga plastik' sabi niya rito. Napatingin naman ang kaniyang lola. 'Helena, hindi ka magugustuhan ng magiging asawa mo niyan 'pag ganiyan ang mga paniniwala mo!, aba e kung madumi at wala kang ginagawa ay magwalis ka!' sagot nito at mas binilisan pa ang pagwawalis. Natawa na lamang siya at bumulong na 'Kung maga- asawa ho'. 'Hoy! hindi ka pwedeng tumandang dalaga! sayang ang lahi natin. Maganda ka at saka tumatanda ka na Helena!' nagulat siya na narinig pala siya nito samantalang bumulong lamang siya. 'Grabe ang inang, napaka lakas nang pandinig, diyan ka na nga po' sabay alis niya at hindi naman siya mananalo rito Napapangiti siyang kumuha ng apat na buo ng niyog. Dinala iyon sa tulos na bakal sa malapit at binalatan. Sanay na siya sa gawaing panlalaki, kahit ang kaniyang mga kamay ay kalyo-kalyo na rin. 'E ano naman, wala naman magbibigay sa akin ng pera kung makinis ang kamay ko' sabi niya sa sarili. Pagkatapos magbalat at biyakin iyon ay kinain rin niya ang ilang tubo (yellow na nasa loob ng niyog, puti ang loob niyon at maaaring kainin) sa loob ng ilang magulang na na niyog. Kumuha siya ng planggana at kayuran, dinala niya iyon sa likod bahay kung saan naandun ang kaniyang lola. "Inang, mukhang matatapos ka na ah, hintayin mo naman ako" pagbibiro niya dito. "Papano'y magga- gabi na, baka hindi ko na ito makita at maputol ko pa ang daliri ko, 'ba hindi ako kagaya ni Tiyo Nwebe na walang isang daliri, ayan tuloy ang pangalan na niya ay Nwebe nyahahahhaha!" hagalpak ng matanda sa pagitan ng pag nguya ng nganga. Natawa rin siya, hindi talaga maaalis ang mga kuwento nito sa kahit na ano pang sitwasyon. Hindi mabuburyo ang kahit na sino kapag kausap ang matanda. "Bakit naman ho nawala yung isang daliri inang?" tanong niya habang nagsisimula naring magkayod ng niyog Agad nitong idinura ang nganga at nagpunas ng bibig gamit ang maliit na bimpong nakasabit sa leeg nito. Alam niyang naghahanda ito sa mainit- init na kuwento. " Yun si tiyo Nuwebe nang kabataan niyon ay sadyang malikot. Kasama nito ang tiyo Anteng na nagga - gala sa gubat. Siyempre kabataan ay singga ang pagka - layas. Uli dito, uli doon akala mo'y nasilihan. Nang isang araw nga nangakyat nang santol, e kita mong medyo hambog. sabit- sabit ang asin ano sa beywang. May taklis rin namang maliit na itak. Yung santol na 'yon ay sa may lupa na nila Diego ngayon. Napakatanda nang puno at ang dami naman kung mag- bunga. Tanaw sa 'taas ng puno na iyon ang buong palayan. Napakalawak nito kaya't tinawag na 'Kalawakan'. Ay ito na nga-" nagmumuwestra pa ang kaniyang lola na akala mo'y nandoon sa mismong lugar nang pinangyarihan. " Ade tuwang tuwa sila tiyo Nuwebe ano. Kain nang kain, puro pitas lamang kaliwa't kanan. Ng walang ano- ano'y me gumapang sa malapit na sanga sa kanya. Napagkalapit ng ahas! Si tan**a imbes na bumaba ay namilog pa ang mata at tuwang tuwa, pagkain daw iyon ey pagkain! Kinuha ang itak, ng tatagain na ey biglang umadya ang ahas na susungkab sa kanya. Siyempre'y iilag den naman ihinarang ang kamay e. Pagkailan segundo nagdudugo. Akala niya'y ahas na yung nadali, mamaya mo'y sumirit ang dugo hintuturo na pala niyon! Madali daw ang pagbaba eh, kinalimutan na ang ahas pati pinsan na nanginginain pa nasa kung saang sanga! Takbo naman siya pauwi. Para namang gripo ay. Kung kriminal nga daw sabi ng itay ay mahuhuli't mahuhuli lahat ng d**o sa daanan ay nadiligan!" nakatayo na ang lola niyang nagkukuwentro nagmu - muestrang tumatakbo din na nananakit ang kamay. Hagalpak naman ang tawa niya pero inayos den ang pagkukudkod at baka maputulan ng daliri. "Tinanong nang nanay niya si tiyo Nuwebe ano. Nasaan yung daliri mo? bakit iniwan mo duon?" tanong nito "Nagulat naman ang tiyo Nuwebe. Akala niya'y nasugatan lang siya hindi natapyasan. Pagka kita nga sa hintuturong putol na ay ayun sabay na nahimatay, hangos naman den ang pinsan ay takbo! sabi ano nangyari? ano nangyari? binatukan siya ng ina ni Tiyo Nuwebe, hindi mo alam? ayan wala nang daliri ang pinsan mo. Hindi mo rin ba hinanap? tanong nito. Ay, anong aasahan mo sa isa pang ulaga. Hindi daw niya nahanap pero ang nahanap niya ay yung ahas. Patay na daw at andun na sa labas, puwede na nilang katayin ni Nuwebe, binatukan nanaman ito ng ina ng pinsan at sinabing inuna pa ang ahas kesa sa pinsan. Sagot naman nito'y akala niya kaya bumaba ay natakot sa ahas. Tinawanan pa nga daw niya at napaka duwarog." Hagalpak nanaman silang dalawa ng tawa at ang matanda e halos inuubo na at naiiyak katatawa. "Inang tama na ho, at baka hindi tayo matapos dito" nakatawa paring sabi niya. Huminto naman ang matanda at sapo sapo ang dibdib na habol habol ang paghinga. "Ay siya, bilisan mo na lamang at ako e tapos na, mag hiwa nalang ako sa kusina ng sibuyas at bawang. Pumasok ka na kaagad dito pagka tapos mo diyan." utos ng lola niya na dahan dahan nang naglalakad papasok sa kusina. Naiwan naman siyang napapangiti parin. Araw araw halos ay mayroong kuwentong nakakatuwa ang matanda, minsan naman ay nakakatakot at nakakalungkot. Pitong taon pa lamang ay nasa poder na siya nito. Namatay ang kaniyang ama sa isang aksidente at sa labis na pagluluksa ng kaniyang ina, sumuko ito at iniwan na lamang siya basta sa kaniyang lola. Hindi na niya alam ngayon kung nasaan ang kaniyang ina, wala siyang contact dito. Beinte y tres años na siya ngayon at high school lamang ang natapos. Nais niyang mag- kolehiyo ngunit wala siyang pang suporta sa sarili. Hindi rin naman niya kayang iwan ang kaniyang lola na matanda na. Ang ikinabubuhay nila ay ang pagtatanim sa malawak nilang lupa at mga preserved na pagkain na isinu- supply niya sa mga tindahan. May contacts siya sa mga namimili at sinasabihan ang mga iyon 'pag mayroon silang maititindang produkto. Ang pinaka maraming tanim nila ay saging pero ngayon nga ay nagtatanim sila ng mustasa at pechay. Marami ring iba't ibang klase ng gulay na sa araw- araw ay nakalilibre sila ng pagkain. Wala silang problema sa gastos, iyon ang masasabi niya. May sapat siyang nakalaan para sa pagkain at mayroon ding naitabi kung sakaling may emergency dahil hindi rin naman niya masasabi kung kailan babawian ng buhay ang kaniyang lola. Masakit sa pusong isipin ngunit iyon ang katotohanan ng buhay. Kahit siya ay anumang oras puwedeng mawala. Isang tumba lang sa kanya ng puno o di kaya'y mahulugan siya ng buwig ng niyog e baka kinabukasan pinaglalamayan na siya. Payat ang kaniyang pangangatawan. Hindi gaanong maputi ngunit hindi rin maitim. Makapal na maitim ang kaniyang mga kilay at brown ang mga mata. May katangusan ang kaniyang ilong at maliit ang makikipot na mga labi. Mahaba ang itim na buhok ni Helena na alaga niyang lagyan ng langis ng niyog. Lagi lang itong nakalugay dahil malamig naman sa kanilang lugar. Ito ang isa sa gusto niya sa probinsya, ang sariwang hangin. Nung sa siyudad kasi siya nakatira ay napakadaming alikabok duon. Dahilan para lagi siyang sipunin. Matangkad si Helena. Mas matangkad kesa sa normal na dalagang Filipina. Maraming nagsasabing maganda siya ngunit pinapangilagan siya ng mga tao. Wala nga halos gustong kumausap sa kaniya. Hinayaan naman niya iyon dahil hindi naman siya nag- aral upang makipagkaibigan. Naalala niya ang lalaking kumaway sa kanya. Alam niya ang mga itsura ng ganung lalaki. Taga siyudad ito. Sa porma pa lang ay tila hindi nasisikatan ng araw. Umismid siya Sigurado spoiled brat Nang matapos ang ginagawa ay pumasok na siya upang magsindi ng apoy at magluto. Dumidilim na ang paligid, kailangan na niyang magsindi ng mga gaserang ilawan. "Helena, sa tingin ko kukulangin yung tubig ng nasa inumin natin, yung nasa drum lang yata ang nalagyan mo. Magmadali ka nang kumuha ng para sa inumin at lalawak na ang dilim. Kahit kalahati lang mabuti nang may ipon tayo at baka umulan bukas, dudumi ang balon" wika nito Kumuha naman siya ng isang malinis na galon at tumalima sa balon. Nagulat siya nang makitang may naliligo sa kabilang balon. Dalawa ang balon duon, isa sa inumin at isa para sa paliligo at paglalaba. Nang malapit na siya sa balon ay napatingin sa kaniya ang maputing lalaking nababalutan ng bula. Napaawang ang labing nakatitig lang rin siya dito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook