bc

Deceiving Wind Series 2: Loving Her Lies

book_age18+
55
FOLLOW
1K
READ
revenge
arrogant
drama
twisted
heavy
straight
female lead
male lead
like
intro-logo
Blurb

Summer Marguerite Solarte and Yahir Fulgencio

BLURB:

The aftermath of the accident changes the lives of a loving husband and father, Yahir Fulgencio, and a young woman who wants to renew her life after the death of her parents - Summer.

chap-preview
Free preview
Prologue
Napatingin ako sa mga pulang mga rosas na aking napitas at sa kamay kong 'di kailanman yata makatatakas sa mahigpit na hawak ng mga naka-unipormeng lalaki sa aking gilid. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Hindi ko alam ang kasalanan ko. Wala akong alam! "Papatayin kita! Papatayin kita!" sigaw ng isang lalaking hawak-hawak ng isa pang lalaking nakasuot din ng tuxedo katulad nito. Napaigtad ako sa labis na gulat at sobrang nanghihina ang aking mga tuhod. "B-bakit n'yo po ako hinuhuli?" Napatingala ako sa dalawang pulis na seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang maluha dahil para bang nasa isa akong masamang panaginip. I looked back to my flowers, my beautiful flowers. Ilalagay sana namin ito sa puntod ni Mommy ngunit... "Ang... mga bulaklak ko," mahina kong sabi sa pulis na may tinatanggal sa kanyang baywang. Inaapakan na ang mga ito ng mga kapitbahay naming nakikiusyoso sa nangyayari. Ngumisi ang pulis na puno ng panunuya at umiling-iling. "Mas iniintindi mo pa ang mga bulaklak mo kaysa kung saan ka mapupunta ngayon." "Pagbabayaran mo ang ginawa mo! Pagbabayaran mo!" Labis ang panlalaki ng aking mga mata nang biglang sumigaw muli ang lalaking kanina pa nagwawala. Nauna itong dumating ng mga pulis ngunit agad na napigilan ng kasama nang akma akong susugurin. Hindi ko alam kung para saan ang galit ng lalaki sa akin. Wala akong nagawan ng kasalanan at mas lalo wala akong ginawang masama. Napasigaw ako sa labis na gulat nang halos mahablot ako ng lalaking nagwawala. Ngunit bakit... galit na galit siya sa akin? Bakit kailangang umabot sa gustuhin na niya akong mapata? Para saan? At ang mga pulis? Ano ang nagawa ko? "Sir-" Laking gulat ko na lamang nang hinila ako ng mga pulis na dahilan para malaglag ang mga dala kong bulaklak. Dinig ko pa ang pagsinghap ng mga nakakita at sigurado ako... makukulong ako. Makukulong ako sa kasalanang 'di ko alam. "Sir... ano 'to?" iyak ko at halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa sa kanila. Hindi ko puwedeng iwan ang lolo ko. Kailangan ko munang makausap si Arjun... baka matulungan ako ng kasintahan at mapaliwanag ang nangyayari. Wala akong ideya. Wala akong alam sa mga nangyayari. Nais ko lang namang mamitas ng mga rosas para sa araw ng kamatayan ng mommy ko. "Sa presinto ka na magsalita, Miss. Masyadong magulo. Nakapatay ka ng maling tao kaya mas mabuting mapunta ka na agad sa istasyon kaysa sa kung anong kayang gawin ni Mr. Fulgencia sa iyo." Mr. Fulgencia? Sino siya? Wala sa sarili akong napalingon sa lalaking pulang-pula ang mukha sa galit. Daig niya pa ang isang leon na galit. Kita ko ang sakit, poot at hinagpis sa kanyang mukha. Ang malaking katanungan sa isip ko, sino siya? Nagtama ang mga mata naming dalawa. Ang nanlilisik niyang mga mata at sa mga mata kong luhaan. Kung ano man ang nagawa ko sa lalaking 'to, alam ko sa sariling hindi ko sinasadya. Marahas akong hinila ng isang pulis kaya halos ay madapa ako. "Inu! Inu!" Halos tumigil ang t***k ng puso ko nang narinig ko ang boses ng aking lolo. His panicking voice pained me a lot. Matanda na si Lolo Berto at may problema pa siya sa kalusugan kaya hindi niya dapat makita akong ganitong hinuhuli ng mga pulis. "Inu!" "Lolo..." iyak kong walang magawa sa sitwasyon ko. Bitbit ng aking abuelo ang isang basket ng mga rosas na kapipitas niya lang sa kabilang hardin. Suot niya pa ang gloves sa kamay at bakas ang dumi rito. "Lolo..." "B-bakit ninyo hinuhuli ang apo ko? Inu... huwag kang sumama." Wala akong nagawa kundi ang lumuha na lamang. Wala akong kakayahan na pigilan ang mga otoridad at kahit hindi ko alam ang mga nangyayari ay kailangan kong harapin ito. "Inu..." "Lolo, babalik ako. Hintayin ninyo ako." Umiling-iling ang matanda at hinawakan ang braso ng isang pulis. Puno ng pagmamakaawa siyang umiiyak dito kaya tiningnan ko ang pulis. "H-huwag ang apo ko... nagmamakaawa ako." Nagkatinginan pa ang dalawang pulis at saka marahang hinawi ang kamay ni Lolo. "May kasalanan ang apo ninyo kaya kailangan siyang managot sa batas." Mariing umiling si Lolo at muling hinawakan ang braso ng pulis. "Inosente ang apo ko. Inu!" Isang mahinang hikbi lang ang kaya kong gawin habang hila-hila ako ng mga pulis. Marahil sa pulisya na ako maliliwanagan nito. Baka ipapaliwanag nila sa akin ang lahat ng mga nangyayari. "Inu!" Hindi na ako lumingon kay lolo dahil hindi ko kaya siyang tingnan. Masakit sa akin na iwan ulit ang nag-iisang pamilya ko. Nawala na lahat sa akin - ang marangyang pamilya mayroon ako noon. Ang ate ko na kay laki ng aking kasalanan, at ang mommy. Pareho silang nawala sa akin at tanging si Lolo Berto na lang ang mayroon ako. Narinig ko pa ang palahaw ni Lolo at 'di ko na naramdaman ang pagsunod niya. Marahil ay may isang kapit-bahay namin ang pumigil sa kanya para sundan ako. Ang iyak ni Lolo ang nagpapahina sa akin habang naglalakad patungo sa sasakyan. Hindi ako makalingon o makatingin sa paligid dahil kahit sa liit ng baryo namin ay halos mapuno ang bakuran ng aming bahay sa rami ng mga nakikiusyoso. Hindi ko alam kung naaawa sila sa akin o baka... iniisip nilang tama lang ito sa akin dahil sa laki ng kasalanan ko kay Ate Hermoine. Baka... kabayaran ko na ito. Nahinto kami at alam kong nasa harapan na kami ng sasakyang kakargahan sa akin patungo sa pulisya. Nakayuko pa rin ako at mahinang umiiyak. "S-Summer..." Bigla akong kinilabutan sa pamilyar na boses na naririnig. Hindi ko alam kung bunga lang ito ng sakit na nararamdaman ko at ang kasintahan ko lang nasa isip kong maaaring makakatulong sa akin. Mariin kong ipinikit ang mga mata. Hindi ito totoo. Wala si Arjun ngayon. Hindi si Arjun ito. "Summer... Marguritte Solarte..." Kagat ang labi kong itiningala ang mukha at halos mawalan ako ng ulirat sa nakikita. Ang lalaking nakasuot ng isang uniporme. Ang pin na iniregalo ko sa kanya ay nakadikit pa rin sa kanyang damit. Ang lalaking minahal ko. "Arjun..." mahina kong sambit sa pangalan niya. Ngunit ibang lalaki ang nakikita ko. Ibang Arjun. "Y-you have the right to... remain silent. A-anything you say can be used against you in court. You..." Iniwas niya pa ang tingin sa akin nang nagtama ang aming mga mata at nagpatuloy sa pagsasalaysay ng Miranda rights. "Y-you... have the right to talk to a lawyer for advice before we ask you any questions." Arjun... Sandali lang niya akong tiningnan at saka umalis sa aking harapan at agad na pumasok sa isang magarang sasakyan. Hindi lang ang pagkakahuli sa akin ang nagpapakirot ng puso ko. Mas masakit kung mismong ang taong minahal mo... ay 'di ka kayang tingnan sa mga mata at tila isa kang masamang kriminal sa paningin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook