bc

Ang Dalawang Number 2

book_age18+
2.2K
FOLLOW
15.1K
READ
goodgirl
drama
sweet
humorous
lighthearted
serious
lonely
like
intro-logo
Blurb

Dalawang nilalang na pinaghiwalay ng isang malagim na insidente.

Si Sayon, inakala ng lahat na patay na, maging sa paniniwala ng lalaking nagmamahal sa kanya. Subalit siya ay nagbalik. Na hindi na nakikilala ang sarili. Nagising siya sa piling ng ibang lalaki.

Si Noah, hinangad ng mawalan ng buhay sa pagkamatay ni Sayon. Subalit dumating si Lianne para muling ipakita ang ganda ng mundo.

May pag-asa pa bang magtagpo ang landas nila ni Sayon? Magkaroon pa kaya ng karugtong ang kanilang naudlot na kahapon? Gayong may kanya-kanya na silang kasama sa buhay?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MALAKAS na suminga si Sayon sa ipinahiram na panyo sa kanya ng kaibigang si Aira. Nalukot ang mukha nito dahil sa ginawa niya. Ilang beses pa siyang suminga upang ilabas ang dapat na ilabas sa loob ng kanyang ilong. Ibinalik niya ang panyo dito pagkatapos niya iyong gawing pasingahan. Hindi naaalis ang pagkakangiwing nagsalita ito. "Sa iyo na muna iyan. Ibalik mo nalang kapag nalabhan mo na." anito at ni hindi nag-abalang abutin ang panyo. Tiningnan lang niya ito saka inihagis niya ang panyo sa isang tabi. Pagkatapos ay muli siyang napahagulgol. Sa pagkakataong iyon ay ang maluwang niyang t-shirt ang napagbuntunan. "Ayoko na Aira. Hindi ko na talaga kaya. Ano bang nagawa ko sa mundong ito at binibigyan ako ng ganitong sakit sa dibdib? Palagi nalang eh…" madrama habang umiiyak niyang pahayag. Lalong nalukot ang mukha ng kaibigan. Bakas na bakas din sa mukha nito ang awa para sa kanya. Hinagod nito ang kanyang likod. "Tama na Sayon. Tigilan mo na ‘yan. Hindi iniiyakan ang mga kagaya ng klaseng lalaki. Palagi ka nalang umiiyak eh…" "'Yun nga eh! Palagi nalang akong umiiyak. Ang bait-bait ko naman! Diba ang bait-bait ko naman, Ai? Mapagbigay naman ako. Hindi naman ako maramot. Hindi naman ako naghahangad ng pangit sa ibang tao. Pero palagi nalang akong nasasaktan? Kailan ba ako magiging masaya?" dire-diretsong wika niya habang patuloy sa pag-iyak. Naawang tinitigan siya nito. Kahit ito ay walang maisip na magandang masabi o maisagot sa kanya. Hindi sa pagkakataong iyon. Ang tanging nagawa nito ay hagurin ng hagurin ang kanyang likod habang patuloy siya sa pag-iyak. “Tsaka kaya rin naman ganito ang iyak ko dahil sa natuklasan ko nanamang ako ang sabit!” mapakla niyang sambit. Kagagaling niya kanina sa dapat ay tagpuan nila ng boyfriend niya o mas tamang sabihing ex-boyfriend na niya ngayon ng tawagan siya nito na hindi ito makakarating sa usapan nila. Kahit malungkot ay nagpasya siyang umuwi nalang.  Nagbihis pa man din siya at nilinis ang araw na iyon para sa date nila ng lalaking iyon. At masayang-masaya siya dahil magkikita ulit sila ng boyfriend. Subalit naputol ang kasiyahan niya dahil sa pagkansela nito sa dapat ay lakad nila. Hindi pa siya masyadong nakakalayo sakay ng kotse niya ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Aira. Pinagmamadali siya nitong papuntahin sa mall kung saan kasama nitong namamasyal ang kasintahan kanina na hindi kalayuan sa kinaroroonan niya. Pagdating niya sa mall ay kaagad siyang hinila ng kaibigan sa isang kainan. Nagtaka pa siya kung ano ang gagawin nila doon pero nasagot ang tanong niya ng makita ang boyfriend niyang si Harry. May kasama itong isang maganda at seksing babae. Parang dinaganan siya ng sampung batya ng labahan ng makita niyang napaka-sweet ng dalawa at kung makapagharutan ay parang sarili ng mga ito ang mundo. Parang umakyat ang lahat ng dugo ni Sayon kanina sa ulo at nagdilim agad ang kanyang paningin. Bago pa siya mapigilan ni Aira at ng sarili niya ay sinugod niya ang dalawa. Gulat na gulat ang napatayong si Harry ng makita siya. Bago pa ito makapagsalita ay nasampal na niya ito. Nagulat ang kasama nitong babae na napatayo din. Magsimulang magkaroon ng komosyon sa paligid. Doon nagkaalaman na kasintahan pala nito ang babae. Bago pa niya masabing kasintahan din siya ng lalaki ay iba ang lumabas sa bibig niya. Tinanong niya kung gaano na katagal ang relasyon ng dalawa. At halos manlumo siya ng sabihin nitong mag-iisang taon na ang relasyon ng mga ito. Gustong-gusto niyang patayin ng mga oras na iyon si Harry. Kung nakakamatay lang ang tingin ay siguradong bumulagta na ito ng mga oras na iyon at bago pa ito makahuma ay sinampal ulit niya ito ng mas malakas kaysa sa una. Kasunod niyon ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang goblet sa mesa na may lamang tubig at walang pagdadalawang isip na isinaboy niya iyon sa mukha nito. Saka siya umexit. Sinikap niyang pigilan ang nagbabantang luha habang paalis siya sa lugar na iyon. Nanginginig ang buong katawan niya kaya si Aira ang nagmaneho ng kotse niya at sumunod sa kanila si Jacob na kasintahan ng kaibigan niya. Wala siyang narinig na kahit anong salita mula sa kaibigan habang pauwi sila. Alam nito kung ano ang nararamdaman niya. Pero ayaw niyang umiyak. Dahil talagang galit na galit siya. Pagdating sa bahay niya ay dumiretso siya sa kanyang kuwarto ng walang imik at nagbihis ng pambahay pero mukhang hahagulgol na siya ng iyak. Lumabas siya ng kuwarto at nadatnan pa rin doon ang magkasintahan. Pasubsob niyang tinungo ang mahabang sofa sa sala at nagsimulang umiyak. Umiyak siya ng umiyak hanggang sa humahagulgol na siya. Nagtutumingayaw ang salitang number two sa utak niya. Oo, number two. Dahil ang number one ay ang babaeng kasintahan na pala ng hayop na lalaking iyon sa loob ng ilang buwan. Samantalang siya ay mag-iisang buwan palang nitong kasintahan. At malay niya kung pang-ilan ba talaga siya. Isipin palang niyang naloko nanaman siya ay parang gusto na niyang pumatay ng mga lalaki. Gusto niyang magwala! "Biruin mo, mag-iisang taon na palang may girlfriend ang hayop na 'yun. Tapos nanligaw sa akin. Ako naman si tanga. Ulit. Nagpakatanga nanaman! Sinagot naman siya ng hindi muna nag-iimbestiga. Anong laban ko sa isang taon nila sa isang buwan naming? Nagmukha akong sabit. Nanaman! Paano kung nakita kami ng babaeng ‘yun na magkasama ng hayop na lalaking ‘yun, e di ako pa ang masama! Ako pa ang kontrabida! Ako pa ang naging sabit!" malakas niyang asik na sa totoo lang ay sarili naman niya ang inaasikan niya. “Nanaman….” Muli siyang umiyak. Nagkatinginan sila Aira at Jacob. "Hindi mo naman alam eh." ang nasabi lang ni Aira. Sa totoo lang ay wala rin itong maisip na mga salitang makapagpapalubag sa kanya. Sa totoo lang ay walang bagay ang maaring makapagpalubag sa loob niya ng mga sandaling iyon. "Iyon na nga eh. Hindi ko alam. Hindi ko nanaman alam! At ulit, nagpakatanga nanaman ako! Kailan ba ako matututo?! Hanggang kailan ba ako magiging tanga?! Ang tanda-tanda ko na, ang laki ko pang tanga! Ang engot-engot mo Sayon!!!" galit niyang palahaw sa sarili. Muli ay isinubsob niya ang mukha sa laylayan ng t-shirt niya. Parehong napabuntong-hininga ang magkasintahan dahil sa nangyayari sa kanya. "If you don't mind, Sayon. Pang-ilan na ba si Harry sa iniyakan mo?" nananantiyang tanong ni Jacob sa kanya. Pinandilatan ito ng tingin ni Aira. Nanahimik ang binata. Sumigok-sigok na nag-angat siya ng tingin. "Tatlo…" Muling nagkatinginan ang magkasintahan. "Ayoko na. Hindi na ako magbo-boyfriend. Tama na ang soulmate searching na iyan. Hindi na ako magpapabola sa kahit na kaninong lalaki. Never." matigas niyang sabi maya-maya. "Never say never." halos panabay pang sabi ng magkasintahan. Tiningnan niya ang dalawa. Ilang buwan palang mula ng magkasintahan ang mga ito pero pareho nilang nasisiguro na walang sabit si Jacob. Malinis ang pagkakakilala dito ng kaibigan niya. At muli ay nakadama siya ng inggit.  “Nakakainggit kayong dalawa. Umalis na nga muna kayo. Lalo akong naaawa sa sarili ko eh.” Muli nanaman siyang napahagulgol. Muling nagkatinginan ang magkasintahan. Ayaw pa sanang umalis ng mga ito pero nagpumilit na siyang gusto muna niyang mapag-isa. Isa pa ay mukhang napurnada ang lakad ng dalawa. Ayaw naman niyang maging abala sa mga ito. Bago umalis ang kaibigan ay nagsabi itong babalik na tinanguan nalang niya. Pagkaalis ng mga ito ay saka siya tahimik na umiyak.   NAKAPAMALUKTOT si Sayon sa kanyang kama. Hindi siya magawang iwan ni Aira kanina pero siya na din ang nagpumilit na gusto muna niyang mapag-isa. Isa pa ay inani din ng hiya ang sarili niya dahil palagi nalang ito ang tinatakbuhan niya kapag nalulungkot siya. At kapag inaatake siya ng kamalasan. Matagal na niya itong kaibigan nasa kolehiyo palang sila. Ang dalaga ang bestfriend niya. Nagkaroon din siya ng dalawang kasintahan bago si Harry at kagaya ng naging dahilan nitong huli ay natuklasan din niyang isa siyang sabit, number two, number three, -  ewan niya kung pang-ilan na talaga siya minsan – third party, o kung anumang maaring itawag sa mga epal lang na kagaya niya sa isang relasyon. Labis siyang nasaktan at ipinangako niya sa sariling hindi na iyon mauulit pa. Pero naulit nga sa ikatlong pagkakataon. At hindi na siya natuto. Ayaw man niyang makaramdam ng kahit na ano ay wala siyang magawa. Mas masakit yata ngayon. Lalo pa at nagmukha nanaman siyang tanga. Mas masakit ngayon dahil mas sinisisi niya ang sarili dahil masyado siyang mabilis na nagpabola sa mga lalaking iyon. Ngayon lang talaga niya na-realize na ang laki talaga niyang tanga. Isinubsob niya ang mukha sa malaki niyang unan at wala siyang pakialam kung mauhugan na niya iyon. Ang gusto lang niyang gawin ngayon ay umiyak ng umiyak. Gusto din niyang puntahan si Harry at gutay-gutayin ang guwapo nitong mukha. Hindi na siya natuto sa mga lalaking mayroong guwapong mukha. Hindi na siya natuto sa naunang dalawa. Dalawa nalang at malapit na siyang bumingo. Pero ngayon ay sisiguraduhin niyang hindi na iyon masusundan pa. Hindi siya papayag na bumingo siya. Marahas siyang bumangon mula sa pagkakahiga at dinaklot ang kumot niya saka ipinunas sa luhang bumabasa sa kanyang mukha. "Hindi na mauulit ito. Hinding-hindi na!" matigas niyang saad sa sarili. Isa iyong pangako. Tumayo siya at naghalungkat ng gamit pang-alis sa kanyang malaking cabinet.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook