bc

BANDIDOS TRILOGY (BOOK 2): Carolina's Hostage Taker

book_age18+
1.3K
FOLLOW
3.5K
READ
kidnap
drama
sweet
serious
kicking
mystery
small town
first love
secrets
like
intro-logo
Blurb

Umuwi si Oli sa Sitio Tres upang makapagbakasyon bago niya isabak ang sarili sa trabaho sa Maynila. Pero hindi iyon nangyari ng maging hostage siya ng mga bandidong wanted sa batas ng Tres. Nakilala niya si Blue. Ang hostage taker niya. Naging mabait ito sa kanya at maalaga. Hanggang sa pakawalan siya nito ay walang nangyaring masama sa kanya. Masaya siyang umuwi sa kanila pero hindi niya inasahan ang pagkamatay ng kanyang ama. Nang malaman niya ang dahilan ng pagkamatay nito ay nagalit siya sa mga bandido at kay Blue. Sa paglaya din niya ay umibig siya kay Laurens. Isang binatang sa unang beses palang na nakilala niya ay naging crush na niya. Siya ang pinakamasayang babae sa Sitio ng magkaroon sila ng relasyon ng binata. Pero may mga bagay ang nakatakdang matuklasan niya. Mga bagay na dahilan para maghiwalay ang landas nila ni Laurens…

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
PAUWI si Oli sa bayan kung saan siya ipinanganak. Masayang-masaya siya dahil sa wakas - sa loob ng ilang taon niyang pakikipagbuno sa pag-aaral - ay nakatapos na din siya sa kolehiyo sa kursong Komersyo. Isang linggo palang ang nakakalipas ng umakyat siya sa entablado kasama ang mga magulang sa unibersidad na pinagtapusan niya. Nauna nang bumalik ang kanyang mga magulang sa Sitio at nagpaiwan pa siya dahil sa mga bagay na kailangan pa niyang ayusin. Galing siya ngayon sa Baguio kung saan nakapagtapos siya ng pag-aaral. Kasalukuyan na siyang nasa bus pauwi sa kanila sa Sitio Tres – isang maliit na bayan na bahagi ng Mountain Province. Ilang oras pa ang itatagal ng biyahe niya. Subalit magkagayon pa man ay magaan pa rin ang kanyang pakiramdam. Sa durasyon ng kanyang biyahe ay hindi na napalis ang ngiti sa kanyang labi. Kasalukuyan siyang nakasakay sa isang ordinary bus. Mas gusto niya ang hindi aircon dahil mahiluhin siya. Isa pa ay mas presko sa pakiramdam niya kapag dumadapyo ang hangin sa kanyang mukha. Habang nakatingin sa labas ng bintana ay bumalik sa kanyang alaala ang mga pinagdaanan niya - ng kanyang pamilya - bago niya narating ang araw na iyon. Sandaling naglakbay ang kanyang isip ilang buwan bago ang araw na iyon. Enrollment noon para sa huling taon niya sa kolehiyo ng magkaroon ng sakit ang kanyang ama sa atay. Na muntikang nauwi sa liver cirrhosis. Bukod doon ay mahina din ang puso nito at hindi nagkaroon ng magandang resulta iyon sa katawan ng kanyang ama dahilan para maospital ito ng ilang araw. Lahi kasi nila ang sakit na iyon. Ilang ninuno daw nila sa panig ng kanyang ama ang mga namatay dahil sa sakit na hindi masyadong pinaniwalaan ng kanyang ama. Hanggang sa malaman nalang nilang lumala na ang sakit nito ang manilaw na hindi lang ang mga mata nito kundi pati ang balat. Kinailangan niyang umuwi noon dahil gusto niyang makita ang ama at samahan ito sa pagpaapdoktor. Ayon sa mga doctor na tumitingin sa kanyang ama ay lumala ang sakit nito sa mga pagkaing kinakain nito. Dinala nila si Mang Anselmo sa pinakamalapit na Provincial Hospital upang isalba ang buhay nito. At dahil mahina din ang puso nito ay naging dahilan iyon para lalong lumala ang kalagayan ng ama. Sinabi din kasi ng doctor na kailangan na ring magamot ang puso nito dahil oras na atakihin ay walang makapagsasabi kung ano ang maaring mangyari dito. Doon nagsimula ang mga naging problema nila. Dahil sa pagpapagamot ng ama ay naubos ang kanilang pera kasama ang gagamitin niya para sa pag-aaral. Nagsabi siya sa kanyang ina na hindi muna siya babalik sa pag-aaral at magtatrabaho nalang muna para kahit papaano ay makabawi sila sa mga gastusin. Subalit hindi pumayag ang kanyang ina na si Aling Edna. Huling taon na daw niya sa kolehiyo at hindi nito papayagan na mahinto siya sa pag-aaral. Sa pagkakataong iyon ay nasa kanyang ina ang lahat ng desisyon dahil nakaratay sa ospital ang kanyang ama. Subalit nagtaka siya ng may ilabas na pera ang kanyang ina na ayon dito ay matagal na daw iyong ipon ng mga magulang. Naalala pa niya ang naging pag-uusap nilang mag-ina. “’Nay, saan ho nanggaling ang perang gagastusin natin dito sa ospital?” Kasalukuyan silang nasa hallway ng ospital, sa labas ng ward na kinalalagyan ng kanyang ama. Doon sila nag-usap para hindi sila marinig ni Mang Anselmo. Huminga ito ng malalim at tumingin sa labas ng bintanang nasa tapat nila. “Ipon namin ng Itay mo ‘yan, anak. Nagkasundo kami na gagamitin lang iyan kapag nakatapos ka na ng kolehiyo. Ibibigay sana namin sa iyo para pansimula mo kung sakaling gusto mong magtayo ng sarili mong negosyo.” Paliwanag ng kanyang ina. Kahit papaano ay napangiti siya. Kinuha niya ang isang kamay ng ina. “Pero pasensiya ka na anak kung magagalaw ko muna ang dapat ay para sa iyo ha? Kailangan lang kasi ni Tatay.” Tumingin ito sa kanya. Masuyo siyang yumakap sa likod ng ina. “Wala hong problema sa akin kung magamit man iyan, ‘Nay. Para naman ho kay Tatay. Nagpapasalamat ho ako at may ganyan po pala kayong ginagawa ni Tatay. Pero kung para sa ikabubuti niya, kahit mapunta ho lahat sa kanya ay wala ho iyong kaso sa akin. Ang mahalaga ho sa atin ngayon ay maging ligtas na siya tatay at bumuti na ang kanyang pakiramdam.” Humawak ang kanyang ina sa mga kamay niyang nakapulupot sa beywang nito. “Salamat, anak. Labis kaming nagpapasalamat ng tatay mo dahil kahit nag-iisa ka ay ibinigay ka sa amin ng Diyos.” Napangiti nalang siya. Naniwala naman siya sa naging paliwanag nito at hindi na masyadong nagtanong pa dahil sa totoo lang ay hindi birong halaga ang inilabas nitong pera. Gayunpama’y nagpapasalamat siya dahil nagamot ang kanyang ama at nabayaran nila ang lahat ng gastos nito sa opsital at maging ang kanyang tuition fee ay hindi na niya naging problema pa. Nairaos nila ang kanyang ama at ngayon ay masigla na ulit ito. Isang bagay lang ang ibinilin sa kanila ng doctor – huwag bibigyan ng sama ng loob ang kanyang ama o hayaang magalit ito ng sobra. Masasabing may kaya ang kanyang pamilya - kung pagbabasehan ang buhay ng mga tao sa Sitio Tres. Isang mataas na katiwala ang ama niya sa manggahan ni Senyor Esmundo na siyang nagmamay-ari ng napakalaking hasyenda sa kanilang lugar. Isang superbisora naman ang kanyang ina sa isang malaking patahian sa bayan. Nag-iisang anak lamang siya kaya pinag-aral siya ng kanyang mga magulang sa isang magandang unibersidad sa Baguio. Pagkatapos magpagamot ng kanyang ama at unti-unting nanumbalik ang lakas nito ay sinimulang bawiin ng kanyang mga magulang ang lahat ng nagastos nila. Patuloy sa pagmimintina ng gamot si Mang Anselmo bagamat bumalik na din ito sa trabaho. Kahit naman kasi may posisyon ang mga magulang niya sa trabaho ay maliit pa rin ang suweldo ng mga ito kung ikukumpara sa sahod sa lungsod. Ang ikinaganda lang sa kanila ay hindi masyadong mahal ang mga bilihin kaya sakto lamang ang kinikita ng mga mamamayan sa Tres para sa mga bilihin doon. Napangiti siya ng maisip na naghihintay na ang kanyang mga magulang sa bahay nila. Ayon sa ina niya ay naghanda daw ito para sa kanyang pagtatapos. Hindi niya sigurado kung anong klaseng paghahanda ang sinasabi nito. Isang bagay lang ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon - hindi na siya makapaghintay na makauwi sa kanila. Minsan sa isang taon lang siya nakakauwi sa kanila at tuwing bakasyon lamang iyon. Kaya ngayon ay excited siyang makauwi. Nakaplano na ang gagawin niya sa buhay. Isang buwan muna siyang magpapahinga sa kanila bago siya tutungo sa Maynila upang maghanap ng trabaho. Kung nagkataong hindi sana nagamit ang perang inipon ng mga magulang ay magtatayo siya ng negosyo na hindi pa niya alam. Pero wala siyang pinanghihinayangan dahil kapalit niyon ay buhay ang kanyang ama. Masigla at kasama nila. Nang mapahikab siya ay nagpasya muna siyang matulog sandali. Isang beses pa siyang nagising sa biyahe. Nang makita at matantiya niyang malayo pa ang destinasyon niya ay muli siyang natulog. Naalimpungatan lang siya sa marahang pagtapik ng kundoktor. Sinabi nitong nasa bungad na sila ng Tres. Nagmamadali siyang kumilos upang kunin ang isang malaking bag sa itaas ng kinauupuan niya. Pagbaba niya ng bus ay malawak siyang napangiti. Nilingon pa niya ang paalis na bus na sinakyan niya. Nang makalayo na ang bus ay sumulyap siya sa arko ng Sitio na may nakalagay na MALIGAYANG PAGDATING SA SITIO TRES ilang metro lang ang distansya sa kanya. “Hello Tres…” maluwang ang ngiting usal niya habang nakatingin sa bakal na arko. Nagsimula siyang maglakad at lumapit sa paradahan ng tricycle. Pero walang tricycle na nakaparada doon. Kailangan pa niyang sumakay doon para magpahatid sa kanilang bahay. Humigit-kumulang tatlumpong minuto pa ang ibibiyahe ng tricycle na sasakyan niya para makarating sa kanilang bahay. May kalayuan din kasi ang bahay nila mula sa bayan ng Tres. Iginala niya ang tingin sa paligid at umaasang baka may paparating na tricycle pero ilang sandali na siyang nag-aabang ay wala pa ring dumarating. Saka niya napansing nag-iisa siya sa lugar. Noon lang din niya naramdaman ang katahimikan ng paligid. Hindi naman siya nakaramdam ng takot dahil mataas pa ang sikat ng araw. Sa halip ay napangiti pa siya dahil bihira niyang maranasan ang ganoong katahimikan simula ng mag-aral siya ng kolehiyo. Mag-aalas dose palang ng tanghali base sa suot niyang relong pambisig. Pero nakakainip ang maghintay ng ganoong katagal. Isa pa ay naiihi na siya. Nabuhayan siya ng loob ng marinig ang ugong ng isang sasakyan pagkalipas ng ilang minuto. Medyo malayo pa iyon pero alumphit na siya sa kinatatayuan. Nagliwanag ang mukha niya ng makita ang tricycle na paparating. Medyo mabilis ang patakbo niyon kaya bahagyang umuusok ang lupang kalsadang madaan ng tricycle. Maingay din ang tunog na likha ng sasakyan. Nag-abang pa rin siya kasama ang pag-asam hanggang sa makalapit iyon. Upang madismaya lamang dahil punom-puno ang loob niyon ng kung ano-anong bagay. Hindi iyon pampasaherong tricycle. Naudlot ang gagawin sana niyang pagpara dito. Hanggang sa lumampas ang sasakyan. Laglag ang balikat na bumalik siya sa gilid ng kalsada. Napatingin siya sa direksyong tinahak ng tricycle ng marinig na bumalik iyon. Huminto ang sasakyan sa mismong tapat niya gayundin ang ingay niyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook