bc

When Miss Old Maid Meets Beautiful Stranger

book_age18+
8.7K
FOLLOW
54.6K
READ
CEO
drama
comedy
sweet
humorous
lighthearted
serious
female lead
male lead
like
intro-logo
Blurb

Ysay decided to be single for the rest of her life. Mas masaya siya kapag mag-isa siya at nakahanda na siyang maging old maid. Graduate na siya sa heartbreaks, sama ng loob, iyak at kung ano-anong dala ng pagkakaroon ng love life sa buhay.

On the other hand, Miguel is here. Isang lalaking labis na nasaktan pero nakahanda pa ring magmahal sa kabila ng pinagdaanan. Nagawa nitong muling umibig. Kay Ysay.

Will there be a last chance for Ysay for this thing called LOVE? Gusto lang niyang maging masaya... ng mag-isa o ng may kasama...?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAKATAYO si Ysay sa harap ng isang malaking bar na iyon sa isang parte ng Ortigas. Kilala ang bar na puntahan ng mga taong pawang mayayaman habang ang iba ay gusto lang maka-dagit ng mga mayayaman. Pasado alas otso palang ng gabi at kung sa normal na araw ay nagpapahinga na siya ng ganoong oras. Pero hindi iyon isang normal na gabi lamang. Mayroon siyang isang bagay na nais gawin sa gabing iyon at sinadya niyang magtungo sa lugar na kagaya niyon. Bukas ay kaarawan niya. At hindi siya mahihiyang sabihin ang tunay niyang edad na trenta kapag may nagtanong. Lalong hindi siya mahihiyang aminin na single siya at kung may magsabi man na baka tumandang dalaga siya ay ayos lang sa kanya. Actually, iyon na talaga ang purpose niya. Sa mga nakalipas na buwan, bago sumapit ang kaarawan niya ay marami siyang napagtanto. Isa na roon ang pagiging masaya niya kahit single siya. Pagkatapos ng ilang heartbreaks, iyak-iyak, emo-emohan at muni-munihan, she decided to be single… for the rest of her life. Why? Because she’s happy. Iyon ang natuklasan niya. Masaya siya kahit walang lalaki sa buhay niya. Hindi niya kailangan ng kahit na anong pag-aaruga na magmumula sa isang lalaki dahil kaya niyang pangalagaan at pasayahin ang kanyang sarili. Ayaw na niyang maramdaman ang mga naramdaman nang mga panahong nasaktan siya. Oo, masarap ang taong may nagmamahal, masasabi naman niya iyon. Pero hindi siguro talaga para sa kanya ang may makakasama habang siya ay nabubuhay. She realized that she could do anything being single. She could be anyone else ng wala siyang iniisip kung ano ba ang dapat gawin sa ganito at dapat gawin sa ganyan. Malaya siyang magpapasya para sa kanyang sarili. Isa pa, siguro may mga taong nakatakdang mag-isa habang buhay at kasama na siya doon. Tinanggap na niya iyon. Bukod doon ay kuntento na siya sa estado ng kanyang buhay.  May sarili siyang negosyo na hindi man ganoon kalaki ay puwede na siyang buhayin habang humihinga pa siya. Kailanman ay hindi niya naramdaman ang pag-iisa dahil nariyan palagi ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan. She is okay more than she feels before. She doesn’t need a man na magpapasakit ng ulo niya at magbibigay ng problema sa kanya. Lastly, she loves herself now more than any guy out there. Sobrang gaan ng kanyang pakiramdam. She just accepted the fact that she is going to be single for the rest of her life. Kaya naman ngayong araw ay lumuwas siya ng Maynila upang gawin ang isang bagay. Na kung sa normal na sitwasyon ay hindi niya talaga gagawin. Pero dahil nagpasya na siyang maging matandang dalaga – ever - at bago niya tuluyang isaayos ang buhay niya – ng mag-isa - ay gusto niyang gumawa ng isang bagay na magiging memorable sa kanya pagdating ng araw. Yes! She is crazy of this thing na hindi na nawala sa isip niya ng ilang araw bago sumapit ang kaarawan niya. Ilang beses na nagtalo ang isip niya sa gagawin. Pero umiral ang kapraningan niya at ang paghahangad na magawa iyon bago niya tuluyang putulin ang koneksiyon sa mga lalake. Siyempre ay wala siyang ibang pinagsabihan. Kaya heto siya ngayon sa harap ng isang kilalang bar sa bandang Ortigas, Makati. Ilang minuto na siyang nakatayo malapit sa bungad habang iniipon ang lahat ng lakas ng loob na natitira sa katawan niya. Ilang mga mata na rin ang nakasalubong ng mga mata niya at wala siyang pakialaman kung anuman ang nababasa niya sa mata ng mga ito. Siguro ay dahil mukha siyang estatwa sa kinatatayuan niya. Idagdag pang siya lang yata ang kakaiba ang suot para sa lugar na iyon. Medyo fitted na maong jacket ang pang-itaas niya na tinatakpan ang sleeveless niyang pang-itaas habang jeans na pantalon at puting sneakers ang pang-ibaba. Nakasuot siya ng itim na sombrero at itinatago niyon ang mahaba niyang buhok. Wala siyang make-up sa mukha maliban sa manipis na lipstick na ipinahid niya kanina na ewan kung mayroon pa. At sa likod ay suot niya ang maliit na pambabaeng itim na backpack. Sinadya niya ang ganoong itsura kasama sa trip niya. Kaya hindi na siya magtataka kung agaw-pansin ang suot niya sa lugar na iyon where everybody looks like partying. Ah! Wala siyang pakialam. Ito ang birthday gift niya sa sarili kaya wala siyang pakialam kung anuman ang isipin ng mga nakakakita sa kanya. Sana lang ay hindi siya pumalpak. Ito rin ang magiging pinaka-nakakalokang birthday gitft niya sa sarili at pinaka-hinding-hindi niya makakalimutang gabi ng karanasan niya. She is now ready to mingle – for one night only! Okay. Here’s the plan… Tutal naman, wala na siyang planong magkaroon ng nobyo, mapapangasawa o anumang katawagan sa lalaking puwede niyang makasama habambuhay, gusto niyang maranasan ‘iyon’. Iyong bagay na hindi pa niya nararanasan sa buong buhay niya. In short – pangit mang pakinggan – gusto niyang maranasan ang isang buong gabi sa piling ng isang lalake. Oo! Gusto niyang sumiping at ibigay ang kanyang virginity sa isang lalake. Oo ulit! She’s still a virgin sa thirty years niyang existence sa mundo. Tulad ng edad ay hindi rin siya mahihiyang aminin iyon kapag nagkataon. Wait! Hindi lang naman basta sa kung sinong lalake lang siyempre, kundi ‘yung papasa dapat sa panlasa niya kahit papaano. Kung ibibigay lang din naman niya ang kanyang virginity sa isang lalake ay pipili na siya ng guwapo at lalaking-lalake. Sa totoo lang, umabot din ng taon ang mga nakarelasyon niya subalit hanggang yakap at halik lang ang inabot ng mga ito sa kanya. Naniniwala siya na sagrado ang pagtatalik at gusto niyang matawag na virgin bride at iaalay lamang ang sarili sa lalaking pakakasalan niya. May pagka-manang siya – noon – pero hindi sa estado ng utak  niya ngayon. Isang taon na ng huli siyang magkaroon ng nobyo at hindi na iyon nasundan pa. Wala na kasi siyang nagustuhan o mas tamang sabihin hindi na ulit tumibok ang kanyang puso. Kaya inabot na siya sa ganitong edad hanggang sa dumating sa reyalisasyon niyang meant to be nga yatang maging old maid siya na hindi na issue sa kanya.  Kaya heto siya ngayon, lumuwas ng Manila at nasa harap ng isang sikat na bar para isagawa ang plano. Mainam dito sa Maynila.Walang makakilala sa kanya lalo sa ganoong klaseng lugar. One-night stand. One-night stand with a little memories. Iyon lang ang gusto niya. Wala ng iba pa. At sa bar na iyon siya dinala ng kanyang mga paa. Sa tingin niya ay doon siya makakahanap ng guwapong lalaking puwede niyang pag-alayan ng kanyang sarili. Kalokohan. Kabaliwan. Wala na siyang plano para umatras pa. Kung dati ay big deal sa kanya ang maging virgin bride. Ngayon ay naiba na ang estado ng utak niya sa dami ng pinagdaanan niyang emosyon sa buhay. Ngayon ay wala na siyang balak na mag-asawa pero wala rin siyang balak na maging virgin habambuhay. Gusto niyang maranasan ‘iyon’ kahit isang beses lang. May something man lang na mangyaring ‘kakaiba’ sa kanya bago siya matengga for life. Ilang gabi niya iyong pinag-isipan at ilang beses din niyang natuktukan ang sarili dahil sa kapraningan. Subalit sa huli ay nanaig ang pagiging lukaret niya at lumabas ang kalandian niya sa katawan. This is it! Usal niya sa sarili. Bumuga siya ng hangin. At bago pa maging normal ang takbo ng utak niya ay humakbang na siya papasok sa loob ng bar.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook