bc

The Mafia King's Son-in-law

book_age18+
95
FOLLOW
1K
READ
HE
arranged marriage
powerful
mafia
bxg
lighthearted
enimies to lovers
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Stefan Fernandez has a good-looking physique, a set of expressive eyes, and a well-built body. clever, competent, and adaptable, expert in firearms and martial arts. Because of this, a Mafia lord by the name of Don Santiago Marquez chooses him to be his son-in-law despite the fact that he is an orphan. Don Santiago put his complete trust in Stefan in everything. He also trusted Stefan to look after his daughter because of this.

Shane Marquez is the only daughter of Don Santiago Marquez. Pretty with a voluptuous body, jet black wavy hair, an upturned nose, and doe-like hazel brown eyes. Smart and a fighter. She grew up getting all she wants. But longing for her fathers time and affection. She detested her father's choice to have her wed to his right hand, Stefan. Because she is envious of him.

Stefan was so despised by Shane. However, Stefan made no secret of his affections for her. In fact, he would give anything to marry Shane and become the son-in-law of the Mafia king.

But what if Stefan finds out something from the past? Is he still willing to continue serving as Don Santiago's son-in-law? And could he still love Shane?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Stefan Fernandez
Stefan's Pov      "Boss, humingi po ulit ng palugit para sa utang nila si Mr. Gomez," imporma ng isa sa mga collector ng samahan.     "Ilang beses na natin silang binigyan ng palugit. Palugit na naman?" Salubong ang kilay na tanong ko. "Sabihin mo na ito na ang huling palugit. Kapag hindi pa niya nabayaran ang inutang niya, alam niya na kung ano ang mangyayari."      "Sige po, boss. Ipaparating ko po agad kay Mr. Gomez." Naupo na ito pagkatapos at tumayo naman ang kasunod nito sa upuan.    We are in our conference room. Dito namin idini-discuss ang lahat ng may kinalaman sa negosyo ni Don Santiago Marquez. Isa sa Mafia King sa bansa. Pasugalan at pagpapautang ang negosyo ng Don. Hindi tulad ng ibang mafia na pagbebenta ng mga illegal na armas, droga, mga babae, at mga bata ang pinagkakakitaan.     Dito sa long table isa-isang nagre-report sa akin ang mga tauhan ng samahan. Dahil sa akin na ipinamahala ng tuluyan ni Don Santiago ang lahat mula nang maging son-in-law niya na ako.     Yes. I am the son-in-law of the Mafia King. Because I wed Shane Marquez, his sole daughter.    "Boss, 'yung pasugalan po sa South humihina po. May kakompetensiya po kasi na nagbukas malapit sa puwesto natin doon. Nalaman ko pa na dinadayo sila ng mga manunugal dahil sa mga inaalok nilang serbisyo maliban sa pagpapautang nila ng malaki sa mga nangangailangan ng puhunan sa sugal at mga natatalo." Pagbibigay alam ng isa pang tauhan.      "Paniguradong mga babae ang inaalok nila sa mga parokyano nila. At nagpapautang sila ng malaki para mabaon sa utang ang mga tao sa kanila. At pinayagan ng Governor ang ganoong kalakaran dahil siguradong nasuhulan siya ng malaki." Nakasalumbaba na inalisa ko ang ini-report sa akin. "I will deal with that Governor. Next."     "Okay po, boss." Naupo na ito para bigyang daan ang susunod.    "Boss, nakumpirma ko na po kung ano ang nangyari sa negosyanteng nawawala. Nalaman ko na bukod sa atin ay may iba pa siyang pinagkakautangan. Mukhang hindi rin siya nakabayad doon. Kaya tinuluyan na siya ng mga ito." Report ng isa pa naming collector na ikina-kunot ng noo ko.    "Kumpirmadong patay na ang negosyanteng iyon?" Naninigurado kong tanong.     "Yes, boss. Nakita na po ang bangkay niya," tugon naman ng collector.    Napabuga ako ng hangin ng marahas. "Kung papatayin nila ang lahat ng hindi nakakapagbayad sa kanila, paano naman tayo? Malaki ang utang sa atin ng negosyante na iyon. Kaya ibig sabihin malaki ang nawala sa atin."     "Ganoon na nga po, boss. Ano po ang gagawin natin?" Napapakamot sa ulo na tanong ng collector.     "Ihanda niyo ang mga tauhan. Tuturuan natin ng leksyon ang mga 'yan. Hindi nila pwedeng salingin ang sinumang may koneksyon sa atin. Hindi pwede na malugi tayo ng dahil sa kanila." Tiimbagang na saad ko.     "Yes, boss!" Sabay-sabay na sigaw ng lahat ng nasa long table.      Pagkatapos mag-report ng iba pa ay lumapit sa akin ang kanang kamay at kaibigan ko na si Gunther.      "Mukhang mapapalaban na naman tayo, ah." Nakangisi na sabi nito.     "Mukha nga. We have to teach them where to stand. I will not let them block our way and ruin everything. Pwede naman nilang pahirapan at takutin lang. Bakit kailangan pa nilang patayin ang hindi nakakabayad sa kanila? May napala ba sila? Maaalarma lang ang gobyerno sa ginagawa nila. Idinamay pa nila ang negosyo natin sa kahunghangan nila." Naiiling na komento ko.    "Tama ka riyan," sang-ayon ni Gunther sa akin. "Pero ano naman ang plano mo sa asawa mo?" Then he asked.    "What do you mean?" Tanong ko sa kaniya nang bumaling ako sa kaniya.     "Naturingan kang son-in-law ng isa sa kinikilalang mafia king ng bansa. Pero hindi mo naman nakakasama ang asawa mo. I find it incomprehensible that you simply permitted her to pursue her master's degree in New Zealand. Kahit pwede namang dito na lang sa Pilipinas." Mahabang litanya ni Gunther.     "I promised Don Santiago that I would make her daughter happy. and that's what makes her happy. So I let her. But after that, when she comes back, ako naman ang masusunod. At sisiguraduhin ko na wala na siyang nagagawa para takasan ako." My response to Gunther.     "It seems that you already had plans when she came back, huh." Gunther commented, smiling.     "Of course," I replied, adding, "And I am eagerly anticipating that day." *****      I waited for her with patience. But while Shane is in New Zealand, I made sure someone is watching over her. However, there are instances when I personally travel there if I really miss her and want to see her. Pero sinisigurado ko na hindi niya ako makikita at hindi niya malalaman na pinupuntahan ko siya roon.      We had a deal. Papayag kami na mag-masteral siya sa New Zealand pagkatapos ng kasal namin. Pumayag ako kahit na mahirap para sa akin. Because, in contrast to her, I adore her, and being separated from her after our marriage was incredibly upsetting and miserable. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na sa pagbabalik niya ay sisiguraduhin ko na hindi na siya mawawala sa tabi ko. At ako naman ang masusunod.      Finally, Shane's master's degree is complete after three grueling years. She is now returning to the Philippines and to me.  *****       Dealing with those politicians and businessmen took up the majority of my day today. In order to ensure their allegiance, I must interact with them directly. We can't afford to lose them, and I won't allow our adversaries to take them.    Pero simula bukas ay kailangan ko munang ipaubaya sa kanang kamay ko at mga tauhan ang lahat. Dahil mas may importante ako'ng dapat pagtuunan ng pansin. At ito ay ang aking asawa. Ako ang susundo sa kaniya sa airport bukas kaya naman kailangan ko ng magpahinga. Dahil sigurado naman na kailangan ko ng lakas at pasensya sa pagkikita naming muli.      Pagkatapos maglinis ng sarili at magpalit ng damit ay nahiga na ako sa aking kama para matulog.      At marahil dahil sa pagod sa buong maghapon ay nakatulog ako agad. Pero hindi ko inaasahan na dadalawin akong muli sa panaginip ng malagim na pangyayaring iyon.     "Anak! Gising dali! Lumabas ka ng bahay bilisan mo, anak!" Narinig ko ang humahangos at natatarantang boses ni Mama habang pilit akong itinatayo mula sa higaan.     "Mama, bakit niyo po ako pinapalabas ng bahay? Ano po'ng mayroon? Umaga na po ba?" Nagtatakang tanong ko habang pupungas-pungas na bumabangon.    "Anak, wala na tayong oras. Bilisan mo! Lumabas ka na. Nasusunog ang bahay natin." Sabi ni Mama sa natatakot ng boses.     Bigla namang nawala ang antok ko sa narinig ko. Tumingin ako sa paligid ng silid namin ni Kuya at nakita ko ang usok na bumabalot na rito.      "Mama, ano po ang nangyayari? Nasaan po sina papa at kuya?" Natatakot ng tanong ko kay Mama.    "Nasa labas na ang kuya mo. Pupuntahan ko ang papa mo sa kuwarto kaya lumabas ka na bilisan mo, anak!" Tugon ni Mama habang hinihila ako palabas ng kuwarto.     Paglabas namin ay halos balutin na ng apoy ang bahay. Mabuti na lang at binalot ako ni Mama ng basang kumot. Kaagad niya akong itinulak palabas ng pinto ng bahay kung saan umiiyak na naghihintay si Kuya. Nagmamadali bumalik si Mama sa loob ng bahay para balikan si Papa.     "Kuya... ano'ng nangyayari? Bakit nasusunog ang bahay natin? Nasaan si Papa? Tumawag ka na ba ng bombero?" Sa pagitan ng pag-iyak ay sunod-sunod na tanong ko.    "May mga lalaking sumunog sa bahay natin, stefan. Nakita ko sila nang uminom ako ng tubig sa kusina. Mabilis ang pagkalat ng apoy kaya pinalabas na agad ako ni Mama pagkatapos ko siyang gisingin sa silid nila ni Papa. Pero hindi ko nakita roon si Papa. Malayo tayo sa ibang kabahayan pero siguro naman mayroon ng tumawag sa bombero." Mahabang salaysay ni Kuya. Umiiyak na rin siya.    "Kuya, sina Mama at Papa... Nasaan na sila? Bakit hindi pa sila lumalabas? Puntahan natin sila!" Palahaw ko nang makita ko na halos lamunin na ng tuluyan ng apoy ang aming bahay.     "Hindi puwede masusunog tayo. Masyado ng malaki ang apoy. Baka palabas na sila." Alo sa akin ni Kuya kahit maging siya ay umiiyak na. "Ma! Pa! Lumabas na po kayo! Masyado ng delikado riyan sa loob." Sigaw ni Kuya.      Pero hindi pa rin lumalabas mula sa nasusunog naming bahay ang aming mga magulang. Naririnig na namin ang tunog ng sirena ng bombero.    "Kuya! Nariyan na ang bombero. Matutulungan na nila sila Mama." Nabuhayan ng pag-asa na wika ko. Pero nagtaka ako dahil wala na pala akong katabi. "Kuya? Kuya! Ano'ng gagawin mo? 'Wag ka ng pumasok d'yan!" Sigaw ko nang makita ko si Kuya na nasa bukana na ng pintuan ng nasusunog naming bahay.      "Babalik ako! Ililigtas ko sina Mama at Papa. Hintayin mo kami riyan!" Sigaw pabalik ni Kuya sa akin saka ito tuluyang pumasok sa bahay.      "Kuya!" Wala na akong nagawa kung hindi paulit-ulit na tawagin sila.       Hanggang dumating ang mga bombero ay hindi pa lumalabas sina Kuya, Mama, at Papa. Paulit-ulit ko pa rin silang tinatawag pero hindi pa rin sila lumalabas. Hanggang maapula ng tuluyan ang sunog. At nakita ng mga rescuer ang wala ng buhay na sina Mama, Papa, at Kuya.      Natulala ako sa nakita ko. Sa edad na pitong taon ay sabay-sabay silang nawala sa akin.     When I awoke from that nightmare, I was gasping for air and drenched in sweat.     Even though it has been a long time, I still seem to remember the scene clearly.     Palagi ko pa rin silang napapanaginipan. Siguro dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nila. Hindi ko alam kung paano o saan hahanapin ang mga lalaking sinasabi ni Kuya na nakita niyang nanunog ng bahay namin. Wala pa kasing CCTV nang panahon na iyon. At wala rin kahit na isa man lang na saksi dahil malayo kami sa ibang kabahayan sa lugar na iyon.     I closed my fist. I make a commitment to myself to find the people responsible for my family's murder. Hindi ako susuko. Mahahanap ko rin sila. At sisiguraduhin ko na pagbabayaran nila ang ginawa nila sa pamilya ko. Magdudusa sila sa mga kamay ko mismo.     Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Saka ako bumangon para uminom ng tubig.      Thanks to Shane and Don Santiago. They enabled me to move on and get on with my life.     Napatingin ako sa orasan. It's already 2am.      The purpose of my continued existence will be with me today, at last.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook