bc

Room for Rent Gone Wrong

book_age18+
1.0K
FOLLOW
8.0K
READ
sex
submissive
lighthearted
realistic earth
childhood crush
intersex
civilian
like
intro-logo
Blurb

Mahal ang upa sa apartment na nakuha ni Ally. Two-bedroom ito at isa lamang naman ang kaniyang okupado.

sa 6,000 na upa ay umaaray ang kaniyang bulsa kada buwan na bayaran ng bills. Bukod pa dito ang kuryente, internet at tubig.

Isa na ang apartment na iyon sa pinakamurang apartment sa siyudad na kaniyang nilipatan. Ang iba ay kung hindi pangit ang ventilation ay masyadong masikip, yung iba naman ay hindi niya afford.

Nagsimula na ang kaniyang training sa pinagtratrabahuhang kumpanya kung kaya't hindi na siya masyadong nakapag isip ng kinuha ang apartment.

Ngayon ay naghahanap siya ng makakasama dito. Siguro babae o couple okay na.

Nag post siya online kung sino ang nais magrenta ng kuwarto.

Maya maya pa ay nakatanggap siya ng chat galing sa kaniyang kaibigan nuong kolehiyo na si Marah.

'Ally baka puwede ang kapatid ko, diyan muna 3 weeks lang naman pero ang ibabayad na niya sa iyo ay pang isang buwan'

napangiti siya. Siyempre gusto niya yun dahil kapatid ito ng kakilala niya. Hindi rin iba kumbaga.

Nagreply siya.

'Sige sige. Kailan ba ?'

'Sa linggo na sana kung pwede, diyan muna siya habang hindi pa nakakahanap ng permanenteng malilipatan. Mag start na den kasi ang work niya sa Biñan e' sagot nito.

'Okay, nagwowork na pala si Camille haha kala ko college palang iyon' saad niya. Bata pa ang kapatid nito sa pagkakatanda niya.

'Haha! hindi si Camille, si kuya ko. Huwag ka mag alala mabait yun tsaka nakita mo na yun dati' sabi nito with laughing emoji.

Sandaling napatigil ang dalaga.

Panong hindi niya malilimutan si Patrick!

'A sige Marah, send ko nalang sayo ang exact address' sagot na lamang niya.

Siguro naman limot na ng kapatid nito ang mga nakakahiyang bagay na ginawa niya noon.

'Sana nga' bulong niya sa sarili

chap-preview
Free preview
EPISODE 1. High School Crush
Academic year 2012-2013 3rd year high school Laguna Tandang tanda ko pa rin ang isang hapon na iyon. Naglalakad ako sa labas, recess pero wala naman akong balak gumastos. Pitumpiso na lamang ang natitira sa aking bulsa, sapat lamang upang maipamasahe pauwi. Hindi masakit sa balat ang init nang araw na tumatama sa akin. Hindi ko mamataan ang mga kaibigan kong sila Deborah at Michelle. Nasa third section ang mga ito sa third floor at ako naman ay nasa first floor. Patungo ako sa palikuran na nasa canteen, hindi ko ninais tunguhin ang cr na nasa aming building dahil masyado itong sinasalaula ng mga estudyante. “Hoy Borbol! San ka pupunta? Magbubunot?” sigaw ng isang lalaki, nang akin itong lingunin ay si Alex iyon kasama ng apat pang mga estudyante. Si Alex ang pinakamaliit sa magkakaibigan na ito, napakatilos ng buhok nito dahil sa gel o gatsby na kung mahuhulugan nang butiki ay mamamatay talaga ito. Kaswal na naglalakad ang mga iyon at nakasuot na ang mga bag kahit hindi pa naman uwian. Isa sa kasama ni Alex ay ang kapatid ng kaniyang kaibigan, si Patrick Jay. Hindi iyon tumitingin sa akin at kaswal lamang ang paglalakad. Crush ko si Patrick dahil tahimik lamang ito pero matalino. Fourth year na siya at mas matanda lamang sa akin ng dalawang taon. Hindi ko sinagot ang pangungutya ni Alex sa halip ay naglakad na lamang ako ng diretso. Hindi pa nakuntento ang pangungutya ng lalaki at lumapit nalang ito bigla at umakbay sa akin. Pilit kong inalis ang mga bisig nito. Amoy ko ang nakakahilong pabango niyon na humalo sa bubblegum na nginunguya niya. Sinamaan ko ito nang tingin at kinurot, nang makawala si Alex ay inundayan ko naman ito ng suntok na agad nitong sinalo ng braso. “Chill ka lang naman Allyssa, para kang others e” sabi nito saka pailing iling na umalis. Tawanan naman ang mga kasama nito at kinantyawan na “Wala ka pala sa babae e”. Dumako ang tingin niya kay Patrick. Nakatingin lang rin yun sa aking dako kaya ako na ang kusang naglihis nang tingin. Allyssa Grace M. Borbol ang pangalan ko. Ang bantot ng surname ko diba? Yan ang rason kung bakit ako lagi kinakantyawan. Wala naman silang ibang maibabato sa akin. Maganda ako at matalino, huh! Pagpapalakas ko ng loob na wika sa sarili. Natapos ang araw na iyon, nagyaya ang aking mga kaibigan na sina Deborah at Michelle na gumala sa plaza. Sumama naman ako dahil pasado a las kuwatro pa lamang naman. Hindi ako nakabili nang kahit na ano, wala talaga akong pera sa ngayon kaya ang aking katawan ay tila tingting na rin sa kapayatan. A las cinco nang maghiwa hiwalay kami nang landas. Sumakay si Deborah ng jeep pauwi sa kanila, si Michelle ay tricycle na service nito at ako naman ay nagtungo na sa paradahan ng jeep pauwi sa amin. Matagal akong naghintay ngunit wala paring dumadating. Magdidilim na ay wala paring jeep dito, hindi ko alam kung naiwan na ba ako ng last trip or what. Sa inis ko ay nagsimula akong maglakad. Kahit mga anim na kilometro ang layo ay inumpisahan ko na rin. Kung may jeep man na dadaan mamaya ay paparahin ko nalang. Lumamig bigla ang ihip ng hangin, napamura ako sa aking sarili. “P*cha, pagka nga naman sinusuwerte” Mukhang uulan pa. Naka black shoes ako na may heels, white socks, ang palda ay striped na white and maroon. Ang aking blouse ay white na may maroon sa bawat laylayan at may belt rin na maroon at saka necktie na may logo ng school. Wala akong payong. Hindi naman tag ulan, summer nga eh. Bumuhos bigla ang ulan. Wala akong choice kundi maghanap ng masisilungan, sa ‘di kalayuan ay may nakita akong waiting shed. Dali dali naman akong tumakbo palapit doon. Siguro ay dito na lang ako maghihintay ng jeep o tricycle. Ilang minuto pa ang lumipas ay lalong lumakas ang ulan. Yakap- yakap ko ang aking bag na mabuti ay waterproof naman. Bahagya na akong nanginginig sa lamig nang hampas ng hangin na may dalang malalaking patak ng ulan. Shemay talaga! Inaantay na ako ng alaga kong pusa! Biglang may humahangos na lalaking sumilong sa waiting shed. Pagka lapit niyon ay nakilala ko ito kaagad. Si Patrick Jay. Tumingin lang rin ito sa akin at saka sinuklay suklay ang basang buhok. May hawak itong notebook na ang cover ay anime. Hindi ako nagsasalita, lalong lumakas ang ulan, nakatayo kaming dalawa sa gitna na halos 5 inches na lamang ang pagitan. Maya maya ay tumingin ito sa’kin. “Red, nice color” sabi nito na may bahagyang ngiti sa gilid nang labi. Napa kunot naman ang noo niya. “Huh? Anong sinasabi mo diyan” tanong ko. “Basa na ang damit mo” Sagot nito na hindi tumitingin sa kaniya. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa aking blouse na basang basa na nga at bakat ang pula kong bra. Alam kong medyo makapal ang tela nang blouse na ito pero kapag basa ay bumabakat parin. Gusto ko nang lumubog sa hiya at agad kong niyakap ang aking sarili. Unang beses na nga lang kaming mag usap ganito pa? Matagal rin kaming nakatayo at tila walang balak tumigil ang ulan. “Taga saan ka pala bakit nandito ka?” tanong ni Patrick. “Taga Banaag kaso ay walang dumating na jeep sa hintayan kaya naglakad na muna ako, hanggang ngayon ay wala parin” sagot ko. “Mahihirapan ka niyan , baka kasi bumaha sa Sta. Cruz kaya hindi makaalis ang jeep” wika nito, nakababa nang tingin sa kaniya. Nagtaas rin naman ako ng tingin at napagmasdan ko nang mabuti ang mukha ng binata. Namumula mula ang pisngi nito at matangos ang makipot na ilong, maliit ang mga mata na may malalantik na pilikmata. May maliit na nunal sa taas ng labi at makapal ang kilay. Ang taas nito ay marahil 5’8” dahil ngayon ay 5’3” na ako at mas mataas kaysa sa ibang kababaihan. Halos makakapantay ko na siya dahil mataas rin ang heels ng sapatos ko. Unti unting tumila ang ulan. “May masasakyan ka pa kaya Allyssa?” tanong nito na bakas sa boses ang paga alala. “Hindi ko nga alam e, maghihintay siguro ng tricycle.” Sagot ko naman, kahit ako ay nawawalan na rin ng pag asa. “Wala nang lumalabas ‘pag gantong oras, lalo pa at umulan. Teka, hihiramin ko ang tricycle ng tito ko” hindi na ako nito pinasagot pa at tumakbo nalang, bahagya naman akong natuwa kasi sa wakas ay makakauwi na rin. Miss na ako ng aking pusa. Sandali lang ang lumipas at tumigil nga ang tricycle na minamaneho naman ni Patrick. Hindi na ako nag atubili at sumakay na lamang rin. Mabuti at alam ng binata ang patungo sa aming barangay. Mula sa highway ay papasok pa ang aking bahay. Oo akin dahil wala naman akong kasama duon, broken family kami. Ang nanay ko ay secretary na nagtratrabaho sa San Pablo, duon rin ito nakatira. Ang aking ama ay kapisan ng bagong girlfriend nito. Ang aking ate ay nasa manila nagtatahi at ang aking kuya ay kung saang lupalop sa Quezon, balita ko ay naga aral ngayon mag drive ng truck. “Dito na tayo” sabi ko sabay turo sa bahay na napipinturaha ng brown. Malayo ang mga kalapit na kapitbahay mula dito at malawak naman ang bakuran. “Pasok ka muna” paanyaya ko dito. “Sige, painom nalang ng tubig” sagot ni Patrick. Binuksan ko na ang pinto at pinapasok ang binata. Kumuha naman ako ng tubig matapos ibaba ang bag. Iniabot ko iyon kay Patrick na prenteng nakaupo na tila nanginginig. “Pasensya na Patrick ah, lamig na lamig ka na yata hinatid mo pa ako. Gusto mo bang magbuhos muna? Papahiramin na lang kita ng damit” suhestiyon ko dito. “Ayos lang, kaibigan ka rin naman ni Marah pero baka magalit parents mo may pinapasok ka dito” sagot nito, nangangatal na ang boses. “Wala akong kasama dito, pusa ko lang. Wala e broken family” sagot ko. Napatingin naman ito sakin at apologetic na nagsabing “Pasensya ka na sa pagtatanong ko, hindi ko alam. Sige magbubuhos ako ng kaunti baka kasi lagnatin ako bukas” sabi nito. Umiling naman siya at tipid na ngumiti. “Wala iyon, sanay rin naman akong mag isa.” Itinuro ko ang banyo at kumuha ng susuutin nito galing sa damitan ng kuya kong layas. Habang naliligo si Patrick ay nagpainit naman ako ng tubig at niluto ang instant mushroom soup. Gutom na rin ako at mabuti nang pahigupin rin si Patrick kahit kaunti. Maya maya ay lumabas ito ng banyo at hawak hawak ang towel na tinutuyo ang buhok. Pinipigil ko ang sariling mapakagat labi, bakit kasi nasa harap ko ang ultimate crush ko at take note naligo pa siya gamit ang sabon ko. Kinalma ko ang sarili. “Basa ka rin Allyssa, magbuhos kadin baka lagnatin ka” sabi nito sa kaniya. “Oo nga, maliligo ako sandali. Bago ka umalis kumain ka muna, may tinapay dito at mushroom soup” sabi ko habang inaayos sa lamesa ang pagkain. Kumuha na ako ng damit at tumungo sa banyo. Duon na rin nagbihis. Pagkalabas ko ay nangangalahati na ito sa kinakain. “Kain ka rin, ang payat payat mo , paano’y hindi ka nagre recess” sabi nito. Kumunot ang noo niya. Pani nito nalaman na hindi ako nagre recess? “Paano mo naman nalaman?” tanong ko “Lagi kitang nakikita e, nagc cr ka lang dun hindi ka nabili” sagot nito sa pagitan ng pag higop ng sabaw. “Sabagay, nagtitipid kasi ako. Kelangan mag budget ng ayos e” totoo naman 1,500 lang budget niya isang buwan at pinagkakasya niya ito. “Siya aalis na ko, salamat sa soup. Ipapaabot ko nalang rin kay Marah itong mga damit” dali daling tumayo ang binata. “Sige salamat Patrick” Tumayo rin siya at sinamahan ito sa may pinto. Sumakay ito sa tricycle at mano manong inistart ito, ako naman ay pumasok na rin at inilock ang pinto. Maya maya pa wala akong narinig na umalis na tricycle at sa halip ay isang katok. Binuksan ko ang pinto at tumambad si Patrick na mukhang namomroblema. Kalat na ang dilim sa paligid. “Alyssa, ayaw mag start ng motor ng tricycle e, may kakilala ka bang naga- ayos dito?” tanong nito “Naku wala, lahat nasa bayan ang alam ko, paano yan?” sagot ko, problema yun kasi hindi ito makakauwi at baka hanapin sa kanila. “May load ba ang cellphone mo?” tanong nito. Nagliwanag naman ang mukha ko. “Mayroon, teka” pumunta ako sa loob at binuksan ang bag na dinala ko sa school kanina. Kapag nga naman minamalas, basang basa iyon pati ang kaniyang mga notebook. Pekeng waterproof siguro sa zipper dumaan. Pumasok na rin si Patrick Jay at lumakad papunta sa kinatatayuan niya. Inabot nito ang cellphone na ayaw mabuhay. “Ilagay mo ito sa bigasan, ayun ang ginagawa namin sa mga nababasang cellphone” wika ni Patrick. “Pasensya ka na ha, hinatid mo pa kasi ako” malungkot na sabi ko dito. “Huwag ka nang mag- sorry, may tiwala naman sa akin ang pamilya ko at nagpaalam din ako. Okay lang ba na dito muna ako?” tanong nito. Tumango ako. Sa labas ay rinig ko nanaman ang muling pag lakas ng buhos ng ulan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook