bc

The Billionaire's Substitute Bride

book_age16+
39
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
friends to lovers
dominant
blue collar
bxg
lighthearted
office/work place
multiple personality
substitute
like
intro-logo
Blurb

"Siguro ito na ang paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko, kambal. Malapit nang lumampas sa kalendaryo ang edad natin pero wala pa rin akong naipapakilalang boyfriend sa mga magulang natin," may lungkot kong sabi habang nakaharap sa isang full-body size mirror.

Kanina ko pa tinitingnan kung umayon ba sa body frame ko ang white off-shoulder lace dress na pagmamay-ari ng aking kakambal.

"Malay mo naman may tao palang nakalaan para sa'yo, kambal?"

Matamis siyang ngumiti sa akin saka hinigpitan ang pagkakalagay ng pearl sequence sa buhok ko. Sinadya ko itong bilhin kahapon para mas magmukha akong diyosa sa harapan ng mga lalaking makakakita sa akin mamaya.

"Sinasabi mo lang 'yan dahil maraming umaaligid sa'yo, kambal. Habang ako mag-isa pa rin sa buhay at subsob sa pagiging isang interior designer." Napabuga ako ng hangin sa ere saka muli na namang pinagmasdan ang sarili sa salamin. "Alam mo bang konti na lang at magiging bitter na ako sa tuwing may bagong kasal na nagpapaayos sa'kin ng condo?"

Mahina siyang natawa na ikina-kunot naman ng aking noo.

"Just wait for it, kambal. Ramdam kong malapit nang dumating ang prince charming mo."

"Susme! Sobrang tagal naman niyang dumating," natatawa kong sabi. "Huwag na siyang mag-abala pa dahil ako na ang maghahanap sa kaniya."

Ngumiti lamang ito sa akin matapos ay nilapag sa lamesa ang hawak na spray net.

"You're all set."

Humarap ako sa aking kakambal saka nagpasalamat sa opportunidad na ibinigay niya sa akin.

Ngayong araw kasi ay napagdesisyunan kong lumiban sa trabaho dahil may usapan kaming dalawa ni Athena na ako ang dadalo sa engrandeng kasal na pupuntahan na dapat ay pupuntahan niya.

Ayon pa sa aking kakambal, guwapong milyonaryo raw ang mapapangasawa ng kaniyang classmate sa kolehiyo kung kaya naman nakasisigurado itong may mga dadalong kaibigan ng groom. Pinahanda pa nga ako nito ng pangmalakasang bikini dahil sa isang private resort daw gaganapin ang reception ng kasal.

Para naman akong timang na inabot pa ng dalawang oras sa banyo masigurado lamang na malinis at walang libag na naiwan sa aking katawan.

Handa na ako...

Handa na akong madiligan...este makilala ang lalaking magpapatibok sa nananabik kong puso.

Pero hindi pa man ako nakakapasok ng simbahan ay muntik nang mapugto ang aking hininga nang may lalaking lumapit sa akin at walang pag-aalinlangan akong hinawakan sa braso.

"Bitiwan mo ako!"

"Saan mo ba ako dadalhin?"

Hindi ko mabilang kung ilang beses ko siyang pinigilan hanggang sa wala akong nagawa nang kaladkarin niya ako papunta sa hindi ko malamang direksyon.

Kulang na lang mamaos ako dahil paulit-ulit kong sinasabi sa kaniyang kasal ang pupuntahan ko sa araw na ito at baka nagkakamali lamang siya ng babaeng hinatak.

Susko! Kung bakit ba naman kasi lapitin ako ng malas at palagi na lang nasisira ang magagandang planong ginagawa ko sa buhay!

"Sandali lang naman, pogi! Puwede bang pakinggan mo muna ako?" may lambing kong sambit kaya bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking braso.

Inis nitong ibinaba ang tingin sa akin saka suminghal. "Athena naman! You promised that you'll help me with this. Kailangan kong maipakita mamaya ang marriage certificate nating dalawa sa mga magulang ko."

Kunot ang noo ko siyang tinitigan. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ako si Althea at ang babaeng kausap mo ay ang kakambal kong si Athena. Kaya huwag mo akong pilitin na magpakasal sa'yo dahil hindi ako ang taong kausap mo, okay?"

Nagtagpo ang malalago nitong mga kilay saka mahigpit na naman akong hinawakan sa braso.

"I don't care who the hell you are. Just come with me and pay your twin's debt," aniya.

Sinubukan kong magpumiglas pero mas malakas siya sa akin. Wala tuloy akong nagawa hanggang sa narating namin ang maliit na opisina kung saan naghihintay raw ang abogadong magkakasal sa aming dalawa.

Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ay wala na akong ibang ginawa kung hindi mag-isip kung may paraan pa ba para matakasan ko ang gulong pinasok ng aking kakambal.

Ngunit nang makita ko ang mga sinabi nitong magsisilbing witness sa magiging kasal naming dalawa ay agad akong natameme at natulala sa kaniyang tabi.

Diyos ko! Mukha silang mga goons, kay lalaki naman ng mga braso at batak na batak ang mga muscles kahit nakasuot silang lahat ng itim na tuxedo.

Talagang nakakatakot ang mga itong tingnan at pakiramdam ko kaya nilang baliin ang manipis kong katawan sa pamamagitan lamang ng isang kamay.

Kung hindi ako nagkakamali ng hula, malamang binihisan lamang nito ang mga guwardiya niya para magmukhang ninong sa kasal namin.

Sakali mang makatakas ako mula sa magiging kasal namin pero sigurado namang uuwi ako nang lumpo at bali-bali ang mga buto sa aking pamilya.

"I do, Attorney."

chap-preview
Free preview
The Billionaire's Substitute Bride 1
ALTHEA "Siguro ito na ang paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko, kambal. Malapit nang lumampas sa kalendaryo ang edad natin pero wala pa rin akong naipapakilalang boyfriend sa mga magulang natin," may lungkot kong sabi habang nakaharap sa isang full-body size mirror. Kanina ko pa tinitingnan kung umayon ba sa body frame ko ang white off-shoulder lace dress na pagmamay-ari ng aking kakambal. "Malay mo naman may tao palang nakalaan para sa'yo, kambal?" Matamis siyang ngumiti sa akin saka hinigpitan ang pagkakalagay ng pearl sequence sa buhok ko. Sinadya ko itong bilhin kahapon para mas magmukha akong diyosa sa harapan ng mga lalaking makakakita sa akin mamaya. "Sinasabi mo lang 'yan dahil maraming umaaligid sa'yo, kambal. Habang ako mag-isa pa rin sa buhay at subsob sa pagiging isang interior designer." Napabuga ako ng hangin sa ere saka muli na namang pinagmasdan ang sarili sa salamin. "Alam mo bang konti na lang at magiging bitter na ako sa tuwing may bagong kasal na nagpapaayos sa'kin ng condo?" Mahina siyang natawa na ikina-kunot naman ng aking noo. "Just wait for it, kambal. Ramdam kong malapit nang dumating ang prince charming mo." "Susme! Sobrang tagal naman niyang dumating," natatawa kong sabi. "Huwag na siyang mag-abala pa dahil ako na ang maghahanap sa kaniya." Ngumiti lamang ito sa akin matapos ay nilapag sa lamesa ang hawak na spray net. "You're all set." Humarap ako sa aking kakambal saka nagpasalamat sa opportunidad na ibinigay niya sa akin. Ngayong araw kasi ay napagdesisyunan kong lumiban sa trabaho dahil may usapan kaming dalawa ni Athena na ako ang dadalo sa engrandeng kasal na pupuntahan na dapat ay pupuntahan niya. Ayon pa sa aking kakambal, guwapong milyonaryo raw ang mapapangasawa ng kaniyang classmate sa kolehiyo kung kaya naman nakasisigurado itong may mga dadalong kaibigan ng groom. Pinahanda pa nga ako nito ng pangmalakasang bikini dahil sa isang private resort daw gaganapin ang reception ng kasal. Para naman akong timang na inabot pa ng dalawang oras sa banyo masigurado lamang na malinis at walang libag na naiwan sa aking katawan. Handa na ako... Handa na akong madiligan...este makilala ang lalaking magpapatibok sa nananabik kong puso. Pero hindi pa man ako nakakapasok ng simbahan ay muntik nang mapugto ang aking hininga nang may lalaking lumapit sa akin at walang pag-aalinlangan akong hinawakan sa braso. "Bitiwan mo ako!" "Saan mo ba ako dadalhin?" Hindi ko mabilang kung ilang beses ko siyang pinigilan hanggang sa wala akong nagawa nang kaladkarin niya ako papunta sa hindi ko malamang direksyon. Kulang na lang mamaos ako dahil paulit-ulit kong sinasabi sa kaniyang kasal ang pupuntahan ko sa araw na ito at baka nagkakamali lamang siya ng babaeng hinatak. Susko! Kung bakit ba naman kasi lapitin ako ng malas at palagi na lang nasisira ang magagandang planong ginagawa ko sa buhay! "Sandali lang naman, pogi! Puwede bang pakinggan mo muna ako?" may lambing kong sambit kaya bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking braso. Inis nitong ibinaba ang tingin sa akin saka suminghal. "Athena naman! You promised that you'll help me with this. Kailangan kong maipakita mamaya ang marriage certificate nating dalawa sa mga magulang ko." Kunot ang noo ko siyang tinitigan. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ako si Althea at ang babaeng kausap mo ay ang kakambal kong si Athena. Kaya huwag mo akong pilitin na magpakasal sa'yo dahil hindi ako ang taong kausap mo, okay?" Nagtagpo ang malalago nitong mga kilay saka mahigpit na naman akong hinawakan sa braso. "I don't care who the hell you are. Just come with me and pay your twin's debt," aniya. Sinubukan kong magpumiglas pero mas malakas siya sa akin. Wala tuloy akong nagawa hanggang sa narating namin ang maliit na opisina kung saan naghihintay raw ang abogadong magkakasal sa aming dalawa. Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ay wala na akong ibang ginawa kung hindi mag-isip kung may paraan pa ba para matakasan ko ang gulong pinasok ng aking kakambal. Ngunit nang makita ko ang mga sinabi nitong magsisilbing witness sa magiging kasal naming dalawa ay agad akong natameme at natulala sa kaniyang tabi. Diyos ko! Mukha silang mga goons, kay lalaki naman ng mga braso at batak na batak ang mga muscles kahit nakasuot silang lahat ng itim na tuxedo. Talagang nakakatakot ang mga itong tingnan at pakiramdam ko kaya nilang baliin ang manipis kong katawan sa pamamagitan lamang ng isang kamay. Kung hindi ako nagkakamali ng hula, malamang binihisan lamang nito ang mga guwardiya niya para magmukhang ninong sa kasal namin. Sakali mang makatakas ako mula sa magiging kasal namin pero sigurado namang uuwi ako nang lumpo at bali-bali ang mga buto sa aking pamilya. "I do, Attorney." Namimilog ang mga mata ko siyang hinarap dahil hindi man lang ito nagdalawang-isip na selyohan ang sarili sa isang babaeng hindi naman nito kakilala. Matiim ko tuloy siyang tinitigan nang wala man lang kahit pekeng ngiti sa mga labi ko. Sino bang matutuwa kung hindi ko man lang alam ang pangalan ng lalaking papakasalan ko, hindi ba? Oo, lalaki ang pinunta ko rito pero tama bang instant husband ang makuha ko? Inaamin kong guwapo, matangkad at mukha naman siyang mayaman. Kahit ilang pulgada ang layo namin sa isa't isa ay nakasisigurado akong mamahalin ang pabangong gamit niya. Kung tutuusin ang mga tipo niya ang pinunta ko pero tama bang ikasal ako nang biglaan? Baka mamaya psycho pala ang isang 'to at nakakatakot ang background ng pamilya niya kaya modus nitong maghanap ng babaeng magagantso. Worst scenario? Baka itakwil pa ako ng mga magulang ko kapag nalaman nilang nagmula sa hindi kilala at may bad record na pamilya ang lalaking napangasawa ko. "I, take you..." Muntik na akong matawa dahil hindi man lang nito mabanggit ang pangalan ng babaeng nasa kaniyang harapan. Pero kahit gano’n, ginawa pa rin nito ang lahat matuloy lamang ang kasal. "...Honey, to be my lawfully wedded wife. To have and to hold, for better and for worse, for richer or poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part." Ilang segundo pa akong natahimik sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa hindi maipinta nitong mukha. Wala sana akong balak sumagot pero narinig ko ang malakas na igham mula sa mga lalaking nasa likuran namin. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ulitin ang mga sinabi nito at natatarantang kinuha ang singsing para isuot sa kaniyang daliri. Napakagat-labi na lamang ako dahil nagmistulang hangin ang bilis ng seremonya at huli na nang ma-realize kong dahil sa pagiging sobrang ambisyosa ko ay ikinasal ako ng wala sa oras. Sabay pa kaming napahugot ng malalim na hininga nang binasa nito ang labi dahil sa hudyat ng abogado na puwede niya na raw akong halikan. Akmang ilalapit na sana nito ang labi sa akin nang malakas ko iyong hinarang ng isang malakas na sapak. "Sorry!" natataranta kong inabot ang mukha niya. "Naunahan ka kasing halikan ng lamok, eh! Baka mamaya kapitan ka pa ng dengue!" sabi ko saka nang-aasar na ngumiti sa kaniya. Pakiramdam ko nabuko nito kaagad ang aking plano kaya mabilis niya akong hinatak papalapit. Sa isang iglap ay mabilis niyang inilapit ang labi papunta sa aking tainga hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mainit niyang hininga malapit sa aking tainga. "Choose between soft or torrid, Honey." Muntik ko na siyang mahampas sa dibdib kung hindi ko lang naalala ang mga taong nasa likuran namin. Pansin ko namang umangat ang sulok ng labi nito habang unti-unti akong naduduling sa paglapit niya. "Welcome to my life, my substitute bride."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.5M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
461.6K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
494.6K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
599.9K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
462.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook