bc

Her Sweet Vengeance

book_age18+
5.5K
FOLLOW
37.3K
READ
dark
badgirl
tragedy
twisted
heavy
serious
mystery
disappearance
secrets
punishment
like
intro-logo
Blurb

“Brayan... ayoko na. Uuwi na ako. Pakawalan niyo na ako...” pakiusap niya kay Brayan. Naramdaman niya ang pagkahapo ng kanyang katawan. Pero hindi siya dapat panghinaan ng loob.

Lumapit sa kanya si Brayan at tumigil sa harap niya. Hinawakan nito ang pisngi niya pagkatapos ay pinisil. “I’m sorry Ava pero hindi ka na namin mapapakawalan pa. Siguradong magsusumbong ka na.”

Sunod-sunod siyang umiling. “Hindi! Hindi ako magsusumbong. P-Pangako. B-Basta pakawalan niyo lang ako. Walang makakaalam ng pangyayaring ito. Basta brayan, pakawalan mo lang ako... nakikiusap ako.” Patuloy ang naging pag-iyak niya. Takot na takot na siya.

“Sa tingin mo maniniwala ako sa iyo?”

“Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo ginagawa ito? Mahal kita. Totoong mahal kita. At nasasaktan ako sa ginagawa mong ito.”

Inilapiit nito ang mukha sa kanya at mahinang nagsalita. “Walang lalaking seseryoso sa iyo, Ava. Tandaan mo iyan.”

Natulala siya sa lahat ng sinabi nito. Ang sakit na nararamdaman niya ngayon sa anyang puso ay wala pa sa sakit ng katawan niya ngayon. Hindi siya kailanman minahal ni Brayan. Ng taong totoong minahal kita. Ah! Ang sakit-sakit! Sobrang sakit na para siyang sinasaksak sa puso.

“H-Hindi mo ako minahal k-kahit kaunti?” tanga siya dahil itinanong pa niya iyon.

Mapakla itong tumawa. “Siguro meron naman akong naramdaamn sa iyo kahit kaunti. Pero ang isang kagaya mo ay hindi kaseryo-seryoso. At hindi ka matatanggap ng pamilya ko. Pareho naman nating alam na hindi rin magtatagal ang relasyon natin, hindi ba?”

“K-Kung ganon, pakawalan mo nalang ako. Ako na ang lalayo sa iyo.” Ilang beses siyang humikbi.

Umiling-iling ito. “Pasensiya ka na pero hindi na kita mapapakawalan pa. Hala sige. Kayo na ang bahala sa kanya. Tutal ilang beses ko na siyang natikman. Sa ibaba muna ako.” Iyon lang at tinalikuran na siya nito.

“Brayan!” malakas niyang tawag dito. “Huwag mong gawin sa akin ito! Mahal kita! Please, pakawalan mo ako!”

Pero hindi na siya pinakinggan ng lalaki. Iniwan siya nito sa kamay ng mga lalaking nakapalibot sa kanya. Alam niyang katapusan na niya...

----------------------------

Babaeng pinatay ng lalaking mahal niya dahil sa kanyang kagandahan, muling magbabalik upang mang-akit at maghiganti.

Ako si Ava. Pinatay nila ako. Hindi ako muling nabuhay para sa wala. Papatayin ko silang lahat! SA SARAP!

chap-preview
Free preview
Kabanata 1 – Si Ava
MALAKAS at maharot na tugtog ang maririnig sa buong silid na iyon. Isang ingles na kanta mula pa noong taong nubenta. Mula sa pinto ng banyo ay lumabas ang isang babaeng nakasuot ng pink na roba, at may tuwalyang nakapulupot sa ulo nito. Sa paglabas nito ay sumayaw ang babae sa saliw ng tugtog. Maharot nitong sinabayan ang musika. Gumiling ito habang nakataas ang mga kamay. Naglakad at nagpa-ikot-ikot ang babae sa buong silid at maya-maya pa ay sumasabay na ito sa kanta. Malakas ang kanyang boses at nakikipagsabayan sa lakas ng tugtog. Tumigil siya ng matapat sa mahabang salamin at tiningnan ang sarili. Nagpatuloy siya sa pagsasayaw saka ngitian at itinuro ang sarili habang patuloy sa pagsabay sa kanta. Nasa ganoon siya ng tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng kama. Tumigil siya sa pagkanta at tinungo iyon na pasayaw-sayaw pa rin. Napangiti siya ng makita ang pangalan ni Lexy. Ang kaibigan niya. Dinampot niya ang gadget at sinagot ang tawag. “Hey, girl!” masiglang bati niya. Tinanggal niya ang suot na roba at inihagis iyon sa maliit na sofang nasa isang bahagi ng silid. Lumitaw ang hubad niyang katawan. “Ava! Where you na? Kanina ka pa namin hinihintay dito sa party. Ricky is asking you na.” Bungad ng babae sa kanya. Ang tinutukoy nitong Ricky ay ang present boylet niya ngayon. Naiikot niya ang mga mata. “Let him wait, girl. Nandito pa ako apartment.” “Bilisan mo! And by the way, Brayan is here.” Pag-iimporma nito. May kumudlit sa kanyang puso ng marinig ang pangalan ni Brayan. Nagtaka rin siya kung bakit naroroon ang lalaki. Hindi close sina Brayan at Ricky. Magkaiba ang barkada ng mga ito kaya bakit naroroon si Brayan. “Anong ginagawa niya riyan?” tanong niyang naupo sandali sa kama. “I don’t know. Nagtataka nga rin ako dahil hindi naman sila close ni Ricky diba?” “Ganon ba? Sige. Hintayin niyo nalang ako diyan. I’ll be there in...” sinipat niya ang wall clock. “... thirty minutes.” “Kalahating oras pa?” “Aba! Kailangan ko pang magpaganda.” tumikwas ang isang kilay niya. “Maganda ka na Ava. Hindi mo na kailangang magpaganda.” palatak nito. “Tama ka diyan. Sige na. Magkita nalang tayo riyan mamaya.” Siya na ang tumapos sa tawag. Muli niyang inihagis ang cellphone sa kama pagkatapos ay ipinagpatuloy na niya ang pagbibihis. Tinungo niya ang tokador. Dinampot niya ang lotion na hindi basta-basta mabibili lang sa kung saan. Sinimulan niyang pahiran ng lotion ang buong katawan niya. Pagkatapos niyon ay nagsuot siya ng panty at bra na mula pa sa Victoria Secret. Tinanggal niya ang tuwalya sa kanyang ulo at sinimulang tuyuin ang buhok. Siya si Kasava Dela Vega o Ava sa tawag ng marami ay sikat sa eskuwelahang pinapasukan. Hindi dahil sa kanyang talino kundi dahil sa angkin niyang ganda at kaseksihan. Malakas ang kanyang alindog lalo na sa mga lalaki. At walang lalaki sa university ang hindi nagkakagusto sa kanya. Kung ang mga lalaki ay ginugusto siya, ang mga babae naman ay kinaiinggitan siya. Ang iba naman ay inis sa kanya. Paano ay maharot siya sa kahit na kanino at malandi ang tingin sa kanya ng mga tao. Wala siyang pakialam sa mga taong nagsasabing malandi siya o pokpok o anumang katawagan sa babaeng hindi ‘normal’ sa paningin ng mga ito. Basta siya ay ine-enjoy ang buhay. Masaya lang kumbaga. Hindi naman siya malandi talaga sa lahat ng lalaki. Namimili rin naman siya. Pumapatol lang siya sa mga lalaking alam niyang may mapapala lang siya. Mayaman ang eskuwelahang pinapasukan niya, ibig sabihin ay mayayaman ang mga tao roon. Iilan lang ang mahihirap at isa na siya roon. Pinagpala rin siya ng katalinuhan kaya nakapasok siya roon bilang isang iskolar. Siyempre ay kailangan rin niyang kumita para pantustos sa mga pangangailangan niya. Sa araw ay nag-aaral siya at sa gabi naman ay nagtatrabaho siya sa isang sosyaling bar bilang isang bartender. Hindi sa pagyayabang pero magaling siya sa kanyang trabaho. At isa siya sa rason kung bakit dinarayo ang bar na iyon. Sa university naman ay kumukuha siya ng kursong political science. Gusto niyang maging abogado balang araw. Ang pagtatrabaho sa bar ay hindi sapat para sa kanyang mga pangangailangan kaya pinapasok niya ang ibang trabaho basta marangal at hindi siya mapapahamak. At ang paglandi niya sa mga lalaking nagiging boyfriend niya ay para sa mga kapritso lang niya. Nakukuha niya sa mga ito ang gusto niyang hilingin kagaya ng mga bag, sapatos, minsan ay alahas pa. Ang gamit nga niyang kotse ngayon ay regalo pa ng dati niyang boyfriend na isang businessman pero hiniwalayan rin niya dahil nalaman niyang may asawa na. Hindi rin sila nagtagal ng lalaki. Pumapataol siya sa mga lalaki pero hindi sa may asawa. At kahit kailan ay hindi siya tumanggap ng pera sa mga ito. Ang mga bagay lang ang tinatanggap niya. Ayos na iyon sa kanya. Isang bagay na maipagmamalaki niya sa mga lalaking nakakarelasyon niya. Pero ang totoo? Naghahanap lang talaga siya ng kalinga at totoong magmamahal sa kanya. Bata palang siya ng mamatay ang kanyang mga magulang. Ang natira sa kanya ay si Lola Iska na nanay ng kanyang tatay. Nasa probinsya ito ngayon kasama ang nag-iisa niyang kapatid na babae. Nag-apply siyang scholar sa university na pinapasukan dahil mataas ang pangarap niya. Higit sa lahat ay gusto niyang bigyan ng magandang buhay ang lola at kapatid niya. Nang matanggap siya sa kolehiyong pinapasukan ay lumuwas kaagad siya ng Maynila. Naiwan sa probinsya ang kanyang kapatid at Lola Iska. Simula ng mawalay siya sa mga ito ay naghanap na siya ng kalinga. At sa tingin niya ay sa mga lalaking nakakarelasyon niya nahahanap iyon. Pero parating may kulang. Aaminin din niyang hindi na siya virgin at naibigay na niya ang sarili sa unang naging boyfriend niya pagluwas niya ng Maynila. Hindi na niya matandaan kung sino ang nakauna sa kanya. Basta ang alam niya ay hindi niya gusto ang nangyari. Sa gabing iyon ay pupunta siya sa birthday party ni Ricky. Malapit lang naman sa apartment niya ang bahay nito kaya hindi niya kailangang magmadali. Pero ngayong nalaman niyang naroroon si Brayan ay parang gusto niyang magmadali. Si Brayan Ellazar ang siyang pinakamakisig na lalaki sa university. Iyon ang tingin niya rito. Ang guwapo-guwapo nito at ang tikas-tikas. Marami ang humahanga sa lalaki at isa na siya roon. Matagal na rin niyang gustong lapitan ang binata pero mukhang matibay ang relasyon nito sa girlfriend nito. Kating-kati na ang katawan niyang agawin ang binata sa babae pero pinipigilan lang niya. Mabait kasi ang babae at hindi siya pumapatol sa mababait na nilalang. Kung nagkataong haliparot ang girlfriend nito ay talagang aagawin niya. Pagkatapos niyang tuyuin ang itim na itim at mahaba niyang buhok sa pamamagitan ng blower ay bumalik siya sa harap ng salamin at sinimulang ayusan ang sarili. Light lang ang make-up niya dahil magandang-maganda na siya kahit hindi siya mag-make up. Mapungay ang kanyang almond eyes na mga mata na tinernuhan ng mahahaba at malalantik na pilikt-mata. Maliit ang matangos niyang ilong. Ang labi niya ay hindi masasabing makapal pero perpekto ang pagkakahugis niyon. Maganda na ang pagkakakorte ng makapal niyang kilay kaya hindi na kailangang lagyan pa iyon ng lapis. Pero makapal ang nilagay niyang lisptick na kulay pula. Ilang beses niyang pinagdikit ang mga labi at ngumunguso-nguso. Nang makuntento sa itsura ay nagwisik siya ng mamahaling pabango na bigay pa ng ex niya. Saka maharot na nginitan ang sarili. Tumayo siya para magsuot na ng damit. Isinuot niya ang isang fitted jeans na kulay itim at tube na kulay itim din. Pinili niyang ilugay ang buhok. Saglit siyang nag-pose ng ilang beses sa harap ng salamin. Sigurado na siyang magandang-maganda siya sa gabing iyon. Mas effort ang ganda niya ngayon dahil naroroon si Brayan. Nang masigurong kumpleto na ang outfit niya sa gabing iyon ay dinampot na niya ang bag na nasa ibabaw ng tokader. Bagamat excited na makita ang binata ay walang pagmamadali pa rin ang kilos niya. Ni-lock lang niya ang pinto ng kanyang apartment at tinungo na ang elevator ng building. Ang building ay may limang palapag lamang at puro apartment ang mga iyon. Pagdating niya sa parking area ay pinatunog niya ang kanyang honda civic na kulay pula. Masuwerte siya dahil hindi na iyon kinuha ng nagbigay sa kanya. Ayon dito ay napasaya naman daw niya ito sa kama kaya iyon na ang naging regalo sa kanya. Sumakay siya sa makintab niyang sasakyan at pinaharurot iyon palabas ng gusali. Eksaktong trenta minutos ng marating niya ang malaking bahay nila Ricky sa isang class na subdibisyon. Marami na ang sasakyan sa labas ng gate. Sigurado siyang nasa kalagitnaan na ang kasiyahan. Kaninang nasa daan ay tinawagan na siya ng boyfriend dahil hindi na ito makapaghintay na makita siya. O mas tamang sabihing ipakita nito sa mga tao na girlfriend na siya nito. Wala pang isang linggo ng mging sila. Alam niyang matagal na siyang gustong madagit ni Ricky pero hindi ito makabuwelo dahil may boyfriend pa siya bago ito umeksena. Nang malaman nitong nakipag-break na siya sa nagbigay sa kanya ng sasakyan ay pumorma kaagad ito sa kanya. Dahil may itsura naman ito at masasabing mayaman ay umoo na rin siya. Wala pa kasi siyang matipuhan sa mga manliligaw niya ngayon kaya si Ricky ang sinagot niya. Nakahanap kaagad siya ng bakanteng puwesto para mag-parking. Paghinto ng sasakyan ay sinipat ulit niya ang sarili sa salamin. Nagwisik ulit ng kaunting pabango. “This is your night baby!” malakas niyang sabi. Iyon lang at lumabas na siya ng sasakyan. PAGPASOK sa malaking bahay nila Ricky ay agad niyang hinanap sina Lexy at Brea -ang isa pa niyang kaibigan. Marami ng tao roon at ang iba ay namumukhaan niyang mga estudyante sa university. Maraming bumabati sa kanya. Alam niyang wala ang mga magulang ni Ricky dahil nasa abroad ang mga ito. Kaya malayang nagagawa ng lalaki ang lahat ng gustuhin sa bahay na iyon ngayon gabi. Pagpasok niya sa maluwang na sala ay iginala niya ang tingin sa paligid. Nang biglang may yumapos sa kanyang beywang mula sa likod. Nagulat siya kaya bigla siyang humarap. “Hey baby!” malakas na sabi ng yumakap sa kanya na wala kundi si Ricky. Bago pa siya makapag-react ay humalik na ito sa labi niya. Narinig niya ang pagsipol ng mga tao sa paligid. Kasunod niyon ang kantiyawan ng mga ito. Siya naman ay hindi alam kung papaano itutulak ang binata. Bakit ganito humalik ang lalaking ito? Nakapasok kaagad ang dila sa loob ng bibig niya. Kumalas siya sa halik nito at inilagay ang dalawang kamay sa dibdib nito. Akmang hahalikan ulit siya nito ng pigilan niya ang binata. “Rick, nandito tayo sa harap ng maraming tao.” Kunwa’y sita niya. Pero ang totoo ay ayaw niyang magpahalik dito ngayon. Nasa ibang tao ang isip niya. “E ano ngayon? It’s my birthday baby, kaya puwede nating gawin ang lahat ng gusto natin kahit pa sa harap ng mga taong ito.” Malakas nitong sabi. Muling nahiwayan ang mga nakapaligid sa kanila. Lihim niyang naiikot ang mga mata. “Kahit na. Mamaya nalang, okay? I-reserve mo ang energy mo mamaya. Alam mo na...” Mapang-akit na usal niya rito. Ngumisi ito at naglaro ang kalokohan sa mga mata. “Okay. Pagbibigyan kita diyan. So, where’s my gift?” Napapikit siya at natampal ang noo. “Oh Rick, I’m sorry. Bitbit ko na kanina kaya lang ay nahiya akong ibigay sa iyo dahil mumurahin lang naman iyon. Hindi kagaya ng regalo sa iyo ng ibang kaibigan mo. Mahirap lang naman ako.” Kunwa’y malungkot niyang sabi rito. Pero ang totoo ay sinadya niyang huwag itong bigyan ng regalo. Hindi siya kailanman nagregalo sa mga nagiging boyfriend niya. Siya dapat ang nireregaluhan. “Okay lang naman basta galing sa iyo.” “Babawi nalang ako mamaya, okay?” kinindatan niya ito. Alam na nito ang ibig niyang sabihin. “Okay. Mamaya humanda ka sa akin.” naglanding ang bibig nito sa kanyang leeg. Naiikot nanaman niya ang mga mata. Siguradong papagurin siya nito mamaya sa kama. “Girlfriend ko!” malakas pa nitong sabi sa mga taong nakapalibot sa kanya. Naghiwayan ang mga ito habang ang iba ay pumalaklak. Ang iba naman ay nag-boo kay Ricky. Na tinawanan lang ng binata. Trophy ang tingin sa kanya ng mga lalaki. Kapag naging girlfriend siya ay dagdag iyon sa ego ng mga ito. Kaya ngayon ay siguradong tampulan ng kuwento at tukso si Ricky at magiging sikat sa kanilang universty. “Kakain muna ako, Hindi pa ako naghahapunan.” Aniya dito ng hindi pa rin siya binibitawan. “Sasamahan na kita.” “No! Asikasuhin mo muna ang mga bisita mo. Tutal magkakasama naman tayo mamaya.” “Sige. Huwag kang aalis.” bilin nito sa kanya. Tinalikuran na niya ito pero muli siyang napatingin dito ng paluin nito ang maumbok niyang puwet. Muntik niya itong masipa mabuti at napigilan niya ang sarili. “Laters baby.” Malanding sabi niya rito at tumalikod na. Hinanap niya ang mga kaibigan at natagpuan niya ang mga ito sa verandah kausap ang iba pa nilang mga kaklase. Bagamat madalas niyang nakakasama ang mga ito ay ang dalawa lang ang alam niyang totoo sa kanya at malapit. Ang mga ito ang palaging nagtatanggol sa kanya kapag may nagsasabi sa kanyang pokpok at malanding babae. Ang mga ito rin ang nagsasabi sa kanya kung sumusobra na siya o ano. “Bakit ngayon ka lang?” bungad sa kanya ni Brea. Medyo boyish ang datingan nito pero seksi pa rin ang kaibigan niya at mganda. Nagkibit-balikat siya. “Ang importante ay nandito na ako.” “Hinahanap ka ni Brayan.” Ani Lexy sa kanya. Namilog ang mga mata niya. “Really? Bakit daw?” “A-huh... iyan ang hindi namin alam. Kung makita ka raw namin ay puntahan mo raw siya garden.” “Nasa garden siya? Sandali at pupuntahan ko ---.” Bago pa siya nakakilos ay napigilan na siya ni Brea sa isang braso. “Ava! Ano ka ba naman? Birthday party ito ni Ricky. Bakit pupuntahan mo si Brayan?” “Oo nga Ava. Baka magkagulo kapag pinuntahan mo siya.” Sumegunda si Lexy. “Pero gusto ko rin naman siyang makausap.” Angal niya. “Huwag mo siyang pupuntahan, sira ka ba?” minulagatan siya ni Brea. “Dito ka lang!” hindi nito pinakawalan ang braso niya. Tumango-tango rin si Lexy. “Kung gusto mo siyang makausap, hayaan mong siya ang lumapit sa iyo.” Saka ito ngumisi. “Isa ka pa!” sikmat dito ni Brea. Saglit siyang nag-isip. May punto ang mga kaibigan. “Sige. Sabagay kung gusto niya talaga akong makausap ay hanapin niya dapat ako.” Tumango-tango siya. “Sige na nga. Hindi ko na siya pupuntahan. Pero samahan niyo muna akong kumain. Nagugutom na ako eh.” Sinamahan siya ng dalawang kaibigan na kumuha ng makakain na nasa mahabang mesa. Ang pagkain doon ay pulos pica-pica at pangpulutan lang pero pagtitiyagaan nalang niya kahit gutom siya. Sa mga sumunod na sandali ay naki-party na sila sa mga naroroon. Nasa kalagitnaan sila ng pagsasayaw ng maubusan siya ng beer na iniinom. “Girls, kukuha lang ako ng maiinom.” Paalam niya sa mga ito. Pero bago pa siya makaalis sa puwesto ay may sumapo sa kanyang beywang. Pagharap niya ay nakita niya ang bulto ni Brayan. “Brayan!” bulalas niya. Namilog ang kanyang mg mata. Nagsimula ring bumilis ang t***k ng puso niya. “Hi Ava.” namumungay ang mga matang bati nito sa kanya. “H-Hi Bray...” napalunok siya. Hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ngayon ang lalaki at halos yapos na siya. Napatingin siya ng kunin nito ang hawak niyang malaking plastic cup na kinalalagyan ng beer kanina. Saka nito inihagis lang sa isang tabi ang wala ng lamang cup. Naramdaman niya ang pagpulupot ng isang braso nito sa kanyang beywang saka hinapit palapit sa katawan nito. Napasinghap siya ng malakas kasabay niyon ay napatitig siya sa binata. Medyo namumula na ang mukha nito dahil sa beer na nainom. Tingin niya ay lalo pa itong gumuwapo dahil namumungay na rin ang mga mata nito. Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. “Kanina pa kita hinahanap. Pero mukhang hindi sinabi ng mga kaibigan mo iyon.” Anitong sumulyap sa kina Lexy at Brea na ngayon ay nakatanga na sa kanila. “Ahmm...” tumikhim siya. “Sinabi nila kaya lang ay – teka, bakit mo ba ako hinahanap?” Ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Gusto kitang makausap.” Hindi nito nilubayan ng tingin ang mga labi niya. “A-ano ba ang gusto mong sabihin sa akin?” lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya sa pagkakalapit nilang iyon ni Brayan. “Gusto kitang halikan ngayon. Alam mo ba iyon Ava?’ sa halip ay namamaos na sabi nito. Bago pa siya makasagot ay narinig nila ang malakas na boses ni Ricky. “Hoy Brayan! Girlfriend ko ‘yang niyayakap mo baka nakakalimutan mo. Pakawalan mo siya!” Pagtingin niya kay Ricky ay parang umuusok na ang ilong nito sa galit. Akmang aatake na rin ito. Sa halip na bitawan siya ay lalo siya nitong niyakap. Hindi niya alam kung lalo nitong inaasar si Ricky pero yumuko pa ito para samyuhin ang leeg niya. Nahigit niya ang paghinga. Ang sarap sa kanyang pakiramdam ng ginagawa ni Brayan. Ng lalaking totoong minamahal niya. “Gago ka ah! Ang lakas ng loob mong gawin ‘yan sa pamamahay ko!” sumugod si Ricky at umunday ng suntok pero mabilis iyong naagapan ng isang kasama ni Brayan. Iginilid siya nito para hindi siya matamaan kung sakaling aatake ulit si Ricky. “Ano bang gusto mong palabasin? Bahay ko ito pare, hindi ka imbitado dito. At bakit ba nandito ka?” kulang nalang ay magbuga ito ng apoy sa tindi ng galit nito. Hindi ito makapalag dahil dalawang barkada ni Brayan ang humahawak dito. Alam niyang may mga barkada rin doon si Ricky subalit alam din niyang hindi nais ng mga itong banggain ang lalaki kung ayaw ng mga itong magkaroon ng sakit sa katawan. Kalmante namang sumagot si Brayan. “Ang totoo ay hindi naman ikaw ang ipinunta ko rito kundi itong girlfriend mo na sinasabi mo. Pero balita ko ay maghihiwalay na raw kayo. Ngayon mismo.” Patuyang sabi ni Brayan dito. Nagsalubong ang mga kilay nila ni Ricky. “Anong sinasabi mo? Bitawan mo si Ava! Hayop ka!” tiim-bagang nitong sabi. Sa pagkabigla ng lahat ay siniil siya ng halik ni Brayan. Napasinghap ang lahat. Kahit siya ay hindi makahuma. Pero ng malasahan niya ang labi nito ay buong-pusong tinugon niya ang halik ng binata. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib niya. Nang pakawalan nito ang labi niya ay seryosong hinarap nito si Ricky. “Nagpunta ako dito para kunin sa iyo si Ava. At girlfriend ko na siya ngayon.” Malakas na sabi ni Brayan. Napaawang ang bibig niya. Narinig din niya ang pagsinghap nila Lexy at Brea. “Hayop ka Brayan! Akin si Ava! Akin na siya ngayon!” Bumaling sa kanya si Brayan. “Mamili ka sa aming dalawa ngayon din. Siya o ako?” itinuro ni Brayan si Ricky. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawang lalaking mukhang nag-aagawan sa kanya ng gabing iyon. Lihim siyang napangiti. Ang haba-haba at ang ganda-ganda talaga niya. Taas ang noong nagsalita siya. “I’m sorry Ricky. Pero gusto ko si Brayan. At siya ang pinipili ko. Break na tayo.” Walang pag-aalinlangang sagot niya. Muli siyang kinabig ni Brayan at niyakap. “Narinig mo ‘yun pare. Ayoko ng lumalapit ka pa sa girlfriend ko kung ayaw mong mapahamak ang buhay mo.” Binalingan siya nito. “Let’s go baby.” Tinapunan lang niya ng isang tingin si Ricky na hawak pa rin ng tropa ni Brayan. “Ava! Hindi mo puwedeng gawin sa akin ito!” malakas nitong tawag sa kanya pero hindi na niya pinansin ang lalaki. Wala na siyang pakialam dito. Ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay si Brayan. Ang lalaking mahal niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.7K
bc

The Sex Web

read
131.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.3K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook