bc

BANDIDOS TRILOGY (BOOK 1): Saphira's Savior

book_age16+
2.8K
FOLLOW
11.3K
READ
revenge
kidnap
drama
comedy
twisted
sweet
humorous
heavy
lighthearted
small town
like
intro-logo
Blurb

Sa pag-uwi ni Saphira sa Sitio Tres ay may mga bagay ang nakatakdang mangyari sa kanyang buhay. Sa pagkamatay ng kanyang ama ay napasama siya sa mga bandidong wanted sa batas ng Sitio. Dalawang bagay lamang ang rason niya kung bakit siya sumama sa mga taong ito. Ang maging ligtas sa paningin ng taong pumatay sa kanyang ama at ang makapaghiganti dito. Una na niyang napansin ang isang miyembro ng grupo – si Ludgi. Sa kabila ng lamig ng pakikitungo nito at pagiging suplado sa kanya ay nahulog ang loob niya sa lalaki. Mayroon yata siyang mahikang taglay dahil napaibig niya ito. Sa piling nito ay naging ligtas ang pakiramdam niya. Pero mukhang hindi sila ang para sa isa’t-isa. Dahil nagbalik ang babaeng unang minahal nito - ang babaeng naging dahilan ng pagiging yelo ng puso nito. Na minamahal pa din pala ng binata. Kasabay niyon ay nalagay sa bingit ng kamatayan ang kanyang buhay…

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
NANGINGINIG ang mga kamay ni Saphira. Lalo na ang kanang kamay niyang may hawak na rebolber na nakatago sa ilalim ng suot niyang itim na coat. Hindi iilang beses na mabitiwan niya ang baril hindi dahil mabigat iyon kundi dahil hindi siya sanay humawak niyon. Sunod-sunod ang kanyang pagsinok. Ganoon siya kapag kinakabahan o nati-tense. Sinok siya ng sinok. Lahat ng nerves niya sa katawan ay nate-tense ng mga sandaling iyon. Pinahid niya ang butil-butil na namuong pawis sa kanyang noo. Kalahati ng mukha niya ang natatakpan ng panyo at tanging ang mga mata lamang niya ang nakikita sa kanya pataas habang ang mga kamay niya ay nakasuot ng itim na guwantes. Ipinusod niya ang mahaba at alon-alon niyang buhok at itinago sa maliit na cow girl hat. Naka-itim siyang boots na pambabae at itim din na maong pants. Sa loob ng mahabang coat ay suot niya ang itim din na t-shirt. Isa siyang perpektong miyembro ng isang gang, assassin, vampire clan kagaya ng mga napapanood sa telebisyon, o parte ng isang ahensiya na may itinatagong gawain sa itsura niya ng mga sandaling iyon. Subalit malayo sa mga nabanggit ang gagawin niya ilang sandali mula sa oras na iyon. Sa katirikan ng araw ay palipat-lipat siya sa maliliit na gusali. Pinagpapawisan na din ang kanyang katawan hindi lang dahil sobrang init kundi sa tensiyon. Patingin-tingin siya sa paligid habang naglalakad hanggang sa makarating sa gilid ng lupang kalsada. Alerto ang mga mata niya sa kahit anumang pagbabanta na baka may makakilala sa kanya. Kunsabagay ay malayong makilala siya ng mga tao doon. Bukod sa nakatakip ang kalahati ng mukha niya ay matagal na siyang hindi umuuwi sa Tres. Hindi din siya palalabas dati at palapasyal kaya mas mababa ang porsiyentong may makakilala sa kanya. Pero mas mainam pa din ang nagpapakasiguro! Para siyang isang kawatan o pugante kung makapagtago. Natatakot siyang baka may makakilala sa kanya. Hindi siya maaring makilala ng sinuman. Hindi hangga’t hindi niya nagagawa ang plano. Nang marating ang isang maliit na grocery ay tumigil siya sa gilid niyon sa hindi pansinin ng mga tao. Nagpapasalamat siya dahil hindi matao ng mga sandaling iyon. Itinaon niyang katanghaliang tapat at ang mga tao ay kasalukuyang nagpapahinga. Malalim siyang humugot ng paghinga upang makasagap ng sapat na hangin ang kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay kakapusin siya ng hangin sa baga. Sumandal siya sa pader at saglit na pumikit. Pilit kinakalma ang sarili. Pero papaano siyang kakalma kung iyon ang unang pagkakataon na gagawin niya iyon? Papaano siya makakalma kung may itinatago siyang baril sa suot niya? At papaano siya makakalma kung sa ilang sandali pa ay maari siyang mapahamak o mas malala – maging huling araw na niya iyon. Humigpit ang pagkakahawak niya sa rebolber. Shit Sapi! Ano ba itong ginagawa mo? Kastigo niya sa sarili habang patuloy ang pagsalsal ng kanyang dibdib. Huwag mo nang ituloy kung hindi mo kaya! Ipapahamak mo lang ang sarili mo. Matigas siyang umiling. Hindi! Wala ng urungan ito! Buo na ang desisyon ko. Nandito na ako. Para ito kay Papa! Kontra ng isang bahagi ng isip niya. Bumuga siya ng hangin at inipon ang lahat ng lakas ng loob sa katawan. Tumingin siya sa nag-iisang lokal na bangko sa sentro ng bayang iyon. Nasa kabilang kalsada iyon malapit sa tapat ng grocery na kinaroroonan niya. Kumpara sa ibang bangko sa bansa ay maliit iyon. Subalit kahit maliit ay maganda ang istraktura at halos lahat ng may kaya sa kanilang lugar - na hindi masasabing marami -  ay kliyente doon. Hindi kalakihan pero sigurado siyang may makukuha siya doon. Sa lahat ng establishimiyento sa kanilang lugar ay natitiyak niyang ang bangkong iyon ang pinakamakakatulong sa kanyang pangangailangan. Kailangan niyang magtagumpay! Ilang araw na niyang pinag-isipan ang gagawin. Ilang araw na din siyang hindi makapagpasya kung itutuloy ang balak. Nahahati ang kalooban niya dahil alam niyang mapapahamak siya. Subalit sa tuwing maalala niya ang mga nangyari ilang linggo palang ang nakakalipas ay lumalakas ang loob niya. Napupuno ng galit ang sistema niya. Dahil doon ay lalong nadadagdagan ang kumpiyansa niya upang ituloy ang balak. Papasukin niya ang nag-iisang bangko sa kanilang bayan upang kumuha ng pera. Nang maraming pera. Oo, sa madaling salita ay hoholdapin niya ang bangkong iyon. Magiging holdapper siya! At hoholdapin lang naman niya ang bangkong pag-aari ng kanyang ama! Alam niyang magiging malaking kalokohan ang gagawin niya subalit iyon lamang sa ngayon ang nakikita niyang paraan para makapaghiganti. Sa ilang sandali ay mabilis na nanumbalik sa kanyang isipan ang mga pangyayari mula ng dumating siya sa Villa ilang linggo palang ang nakakaraan….   ILANG linggo na ang nakararaan… Magaan ang pakiramdam ni Saphira habang nagmamaneho pauwi ng Sitio Tres. Sa Sitio Tres kung saan siya lumaki at nagkamulat. Marami ang nagtatanong kung papaanong naging ‘Sitio’ ang pangalan ng kanilang maliit na bayan – dahil ang salitang Sitio ay parte lamang ng isang barangay o lugar sa loob ng isang bayan. Subalit ang ‘Sitio’ sa pangalan ng lugar ay hindi ibig sabihin na parte ng isang barangay kundi mismong pangalan nito kagaya ng mga karatig nitong Sitio. Ang Sitio Tres ay isang bayan na nasa bandang norte ng bansa. Sitio Uno hanggang Sitio Singko ang magkakatabing bayan. Bagay na nagiging interesante ang pangalan para sa mga tao. Binagalan niya ang pagmamaneho ng makita ang mataas na arkong gawa sa bakal na sa tingin niya ay hindi pa napalitan simula ng umalis siya doon. MALIGAYANG PAGDATING SA SITIO TRES - iyon ang nakalagay sa arko. Ilang metro nalang ay papasok na siya sa bungad ng bayan. Simula ng mag-aral siya sa Maynila ay hindi na siya nakauwi sa kanilang hasyenda. Naaalala kasi niya ang yumaong ina. Ang ama niyang si Esmundo ang madalas na bumisita sa kanya doon. Ngayong nakatapos na siya ng kolehiyo sa kursong business administration ay gustong-gusto na niyang makauwi kaagad. Matagal nang namayapa ang kanyang mama. Kinse anyos siya ng mawala ito dahil sa sakit nitong Leukemia. Ang ama naman niya ay hindi na nag-asawa pa. Mas itinuon nito ang buhay sa pagpapalawak ng mga negosyo nila at sa hasyenda. Bukod sa hasyenda na may malawak at ekta-ektaryang lupain ay mayroon din silang ilang establisyimento na pag-aari sa lugar tulad ng bangko, gasolinahan at hardware na may ilang sangay din sa buong probinsiya. At sa nag-iisa nitong anak - siya iyon. Siya si Saphira Madrigal Monte Caztres. Ang nag-iisang anak ng pinakamayamang tao hindi lang sa Sitio Tres kundi maging sa karatig bayan. Ang tanging tagapagmana ng lahat ng ari-arian ni Don Esmundo Monte Caztres.   Ngayon ay gusto naman niya itong makasama sa bayang sinilingan niya. Ilang taon din siyang naglagi sa Maynila at kinasabikan niya ang pag-uwi sa kanilang hasyenda. Kulang sampung taon din ang inilagi niya sa lungsod. Doon na din kasi siya nagkolehiyo at ng makapagtapos ay hindi kaagad siya umuwi sa kanila. Sinubukan muna niya ang buhay Maynila. Sobra siyang excited na sa wakas ay uuwi na din siya. Ang gamit niyang kotse ngayon ay regalo pa sa kanya ng ama niya ilang taon na din ang nakakaraan pagkatapos ng ikalabing-walong kaarawan niya.  Sampung oras ang biyahe galing Maynila hanggang sa Tres. Masyado iyong nakakapagod sa biyahe lalo na kung siya ang magmamaneho. Pero mas nag-eenjoy siyang magmaneho ng sasakyan keysa ang magcommute. Hindi niya naramdaman ang pagod dahil nabusog naman ang mga mata niya sa magagandang tanawin habang nagbibiyahe. Madaling araw siyang umalis kanina kaya malapit ng magtanghalian ng pumasok ang kanyang kotse sa bungad ng Tres. Gusto din niyang sopresahin ang kanyang ama kaya hindi siya nagpasundo dito. Ilang buwan na din kasi itong hindi nakakabisita sa kanya sa Maynila kaya lalo siyang nasabik. Ang alam ng kanyang papa ay wala siyang balak umuwi sa kanilang hasyenda pagkatapos ng kanyang graduation dahil nagustuhan na niya ang buhay Maynila. Mayroon siyang magandang trabaho at mataas na sweldo sa isang malaking kumpanya. Pero sa huling sandali ay nagbago ang kanyang isip kaya sa halip na mamalagi sa lungsod ay naisipan na niyang umuwi sa kanila. Nag-file na din siya ng resignation sa kumpanyang pinagtrabahuhan. Plano na niyang tumulong sa kanyang ama sa pagpapatakbo ng kanilang hasyenda at ibang negosyo. Uuwi na siya sa Tres na ilang taon niyang hindi nakita. Iyon ang araw na iyon. Walang ideya ang kanyang ama na malapit na siya sa kanilang tahanan. Nilukob siya ng kakaibang sigla ng malanghap niya ang preskong hangin ng Tres. May mga naging pagbabago man ay iilan lamang. Nanatili ang maraming puno sa paligid. Ang kalsadang dati ay bako-bako ngayon ay isang patag na bagamat lupa pa rin. Mangilan-ngilan lamang ang mga bahay sa bungad ng Sitio. Hindi pa iyon umabot ng sampu. Ilang minuto pa ay narating niya ang lokal sa maliit na bayan. Wala pa ring siyang nakitang pagbabago doon. Maliliit lamang ang establisyimento at halatang-halata ang pagiging rural. Tricycle at kalesa o kabayo ang sentro ng transportasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mayroong kotse sa lugar na iyon. Binagalan niya ang pagmamaneho upang bistahan ang paligid. Hindi niya mapigilang ngumiti ng makita ang ilang mga negosyo ng pamilya niya. Natutuwa siya na naging matatag ang mga iyon sa mga nakalipas na taon. At natitiyak niyang lalo pang titibay sa darating na mga taon dahil magiging katuwang na siya ng ama sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho at binagtas ang lupain ng mga bukirin. Ilang minuto pa ay narating na niya ang malaking arko ng hasyenda na pag-aari ng kanyang pamilya. Sa arko ay nakalagay ang Hacienda Valerya. Iyon ang pangalan ng kanyang yumaong lola na ina ni Senyor Esmundo.. Kalahating kilometro pa ang tatakbuhin ng kanyang sasakyan bago marating ang mismong Villa. Pagpasok palang niya sa hasyenda ay hindi na mapagkiti ang ngiti sa kanyang labi . Pulos malalaking puno ng acacia ang nakahilerang nakatanim sa magkabilang daan habang sa paligid ay isang malawak na lupain na walang nakatanim kundi pulos d**o na pansin ang pag-aalaga. Ilang daang metro mula sa kalsada sa bahaging kanan ay matatanaw ang marami at malalaking puno ng mangga. Sa kaliwa naman ilang daang metro ang layo ay matatanaw naman ang isang malawak na bakod kung saan naroon ang iba’t-ibang breed ng mga kabayo. Nang makita ang mga kabayo ay bigla siyang nasabik na sumakay sa mga iyon. Marunong siyang mangabayo dahil bata palang siya ay tinuruan na siya ng ama. At alam niya sa sarili na kahit ilang taon siyang hindi nakasakay sa mga iyon ay siguradong marunong pa din siya.  May mangilan-ngilang tauhan sa hasyenda ang nasalubong niya at sinisino siya habang nasa loob siya ng sasakyan. Hindi siya makita ng mga ito dahil tinted ang bintana. Saka niya natanaw ang villa kung saan naroon ang tahanan nila. May malawak iyong solar space panel na pwedeng gumarahe ang ilang sasakyan at sa paligid ay napapaligiran ng iba’t-ibang uri ng puno at mga tanim na bulaklak. Kahit katirikan ng araw ay hindi masyadong mainit sa paligid dahil sa mga punong nakapalibot. Sa gitna ay nakatayo ang isang two storey mansion na ang istilo ay noong panahon pa ng mga Espanyol at mayroon itong pitong kuwarto. Subalit dahil sa millennium year na ngayon ay pinagawa na ito ng kanyang mga magulang ng renovation para hindi naman ito maging outdated. Mahilig ang kanyang ina sa mga bulaklak kaya ang paligid ay napapaligiran ng naggagandahan at iba’t-ibang klase ng mga bulaklak. Mula sa malayo ay mukhang isang magandang larawan ang villa. Lalong napangiti si Saphira ng muling masilayan ang tahanang ilang taon din niyang hindi inuwian. Bumangon ang matinding excitement sa kanyang dibdib. Pagdating sa mismong villa ay mapapansin ang kakaibang katahimikan ng paligid na hindi niya inaasahang madadatnan. Ang nataandaan niya ay abala ang mga tao sa loob ng villa lalo pa at tanghalian dahil sabay-sabay kakain ang lahat. Nakapagtatakang masyadong tahimik at wala siyang marinig na kahit anong ingay na nagmumula sa loob. O nagpapakalat-kalat na tao sa paligid. Marami ang tauhan ng kanyang ama sa hasyenda. Ilan dito ay kasambahay nila kaya inaasahan na niya ang ingay ng paligid. Naisip niyang marahil ay nagpapahinga na ang mga ito. Mabait ang kanyang ama sa mga tauhan nito gayunpaman ay may pagka-istrikto rin ito. Huminto ang sasakyan niya sa mismong tapat ng mansiyon. “I’m home and I’m back…” masiglang usal niya eksaktong huminto ang makina ng sasakyan. Ngiting-ngiting inilibot niya ang tingin sa harap ng mansion. Saglit pa ay lumabas na siya sa kotse. Magaan ang pakiramdam na tinungo niya ang malaking pintuan ng mansion at pumasok sa loob.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook