bc

Another Chance for Love

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
scary
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Handa ka bang mag bigay ng second chance sa taong dumurog ng puso mo? Paano kung ang taong nanakit sayo ay sya rin ang makakapag pahilom ng sugat sa iyong puso? Handa ka bang mag tiwala ulit ng buong buo? Will you do whatever it takes to win back the person you really love? Tunghayan ang kapana- panabik na kwento ng pag- ibig nina Ace at Gabbie.

chap-preview
Free preview
ANOTHER CHANCE FOR LOVE Chapter 1
“Gumising ka na, kanina pa nag- alarm ang cellphone mo pero hindi ka pa bumabangon, naka handa na ang almusal.” gising kay Gabbie ng kanyang Ina. Si Gabbie naman ay nag- unat- unat muna bago tuluyang bumangon sa kanyang kama. “Salamat po Nay sa masarap na almusal”. Saad ni Gabbie sa kanyang Ina habang nakaupo na sa hapag kainan, lagi sya nitong ipinag luluto dahil ayaw nito na pumasok sya sa trabaho ng walang laman ang kanyang tyan. “Bakit ba parang wala kang gana anak?” Tanong sa kanya ng kanyang Ina, dahil kanina pa sya tulala. Susubo ng isa tapos ay matutulala sya kaya hindi na nakapigil mag tanong ang kanyang Ina. “Alam mo kase Nay, parang tinatamad na akong pumasok sa trabaho ko dahil yung mga workmates ko akala mo naman taga- pagmana ng Kompanya”. Sagot nya sa Kanyang Nanay. “Anak, alam mo ganyan talaga ang buhay. Kung pakikinggan mo sila at mawalan ka ng trabaho hindi naman nila maibibigay ang pangangailangan mo kung magpapa apekto ka sa kanila hindi ba?” saad naman ng kanyang Ina. “Hmmmm, sabagay Nay, may point ka nga” sagot naman nya habang nag- iisip pa rin mag- apply sa ibang Company. “Mag mabilis ka na at baka ma- late ka pa”. Utos ng kanyang Ina “Opo Nay”. Sagot naman nya Pagkarating nya sa Opisina ay agad na syang tumutok sa kanyang Trabaho. Isa syang Purchasing Staff sa isang kilalang Construction Company sa Pilipinas. “Tama si Nanay e, tsaka dream job ko ‘to. Bakit ba ako magpapa apekto sa kanila diba? Ang hirap makapasok dito tapos andito na ako aalis pa ako dahil lang sa mga bida bida kong Workmates? NO WAY!!” saad ni Gabbie sa kanyang isipan. Meron pa rin naman syang dalawang matalik na kaibigan sa kanyang trabaho, ito ay sina Emerald and Angela. “Natapos na naman ang isang araw na nakakapagod at paulit- ulit na routine. Kaylan kaya magkakaron ng thrill ang buhay ko?” tanong ni Gabbie sa kanyang sarili habang sya ay nakahiga sa malambot nyang kama na bagong palit ng bed cover at bagong labang kumot. “Sarap matulog nito, ang bango ng higaan ko, ang swerte ko talaga kay Nanay” naka ngiti nyang sambit. Nag- iisa syang anak, ang kanyang tatay ay may iba ng pamilya kaya naman hindi pa sya nag bo- boyfriend kahit marami syang manliligaw dahil natatakot sya na baka mapagaya sya sa kanyang Ina. Kinabukasan ng umaga pagkapasok nya sa trabaho ay nag- email agad sya ng kanyang resume sa isa namang kilalang Radio Station sa Pilipinas. “Akala ko ba hindi ka na aalis dahil dream job mo ‘to? "Takang tanong ni Angela kay Gabbie “haay naku friend, hindi ko nga maintindihan e, napaka feeble minded ko talaga ano?Kahapon lang ayokong umalis ngayon nag- apply ako, hindi ko na kase sila matiis friend”. Tinutukoy nito ang iba nilang workmates na feeling taga pagmana ng Kompanya. “Ikaw ang bahala, kung saan ka masaya eh di dun ka, basta ‘wag mo kaming kakalimutan ha?” saad naman ni Emerald sabay irap sa kanya pero nakangiti. Si Emerald ang pinaka mataray sa kanilang tatlo. Yung tipong nagkamali lang ng dalang order ang service crew ay agad nitong pinapatawag ang Manager para kausapin. “Kayo pa ba? Pag natanggap ako don bilang isang DJ lagi ko kayong babatiin kaya dapat laging open ang radio nyo kahit sa cp lang” tumatawang saad ni Gabbie sa dalawa. Dahil Sabado ngayon kaya nagka ayaan ang magka- kaibigan na kumain muna sa Night Market. Lagi sila ditong pumupunta lalo na kung stress sila sa trabaho sa buong maghapon para mag- inom, kumain at maki jamming sa live band. "Sino po ang willing maki jam samin ngayon?" tanong ng Vocalist ng Banda. "Eto po si Angela" sabay na sigaw ni Gabbie at Emerald sabay sigaw ng "hoooo, Angela Go" "Pakipot ka pa Friend, ikaw naman ang may gustong kumanta" sabi naman ni Angela kay Gabbie habang natatawa sa dalawang kaibigan. "Ano namang kakantahin ko? Tsaka pangit boses ko baka mag alisan ang mga tao dito" biro ni Gabbie habang nakahawak sa iniinom nyang beer. "come here Miss, 'wag kang mahiya" tawag kay Gabbie ng Vocalist. "ouch" pag daing naman ni Gabbie dahil itinulak na sya ng luka nyang mga kaibigan papunta sa unahan. "Goooo friend Hoooo" sigaw ng dalawa nyang kaibigan "pag tyagaan nyo na po ang boses nya pakiusap 'wag po kayong aalis" biro naman ni Angela sa mga tao. "anong kakantahin mo Ma'am?" tanong ng gitarista ng Banda "ahm, alam nyo po ba yung Breathing ng Lifehouse?" alanganing tanong naman ni Gabbie dito "naku, oo Miss favorite yan ng Vocalist namin, diba?" baling naman ng gitarista sa vocalist nila. "umpisahan na natin" sabi naman ng vocalist Tinipa na ng gitarista at iba pang manunugtog ng banda ang intro ng kanta habang si Gabbie naman ay nangangatog na ang binti sa kahihiyan dahil ipinagtulakan na sya ng dalawa nyang kaibigan kaya wala na syang magagawa kundi kontrolin ang sarili at wag magpahalatang kinakabahan. 3,2,1 go sa isip ni Gabbie at sinimulan ng kantahin ang intro ng napili nyang kanta. "I'm finding my way back to sanity again Though I don't really know what I'm gonna do when I get there "hoooo, kaibigan namin yan" sigaw ng dalawa sa gitna ng mga audience habang kumakanta si Gabbie, hindi naman talaga mapangit ang boses nito, nagbibiro lang silang dalawa kanina, may kalamigan nga ang boses nito na nakadagdag sa ganda ng kanyang boses at bumagay naman ito sa kanyang napiling kantahin. bigla namang kinanta ng vocalist ang sumunod na lyrics kaya natigilan sya dahil animoy may sensayson syang nadama sa boses pa lamang nito. at sabay nilang kinanta ang chorus na animo'y nagdu- duet at nasa isang konsyerto. Nang matapos ang kanilang kanta ay nagpalakpakan at nag hiyawan ang mga audience at dalawang kaibigan ni Gabbie ng more, more, more. Nagulat naman si Gabbie ng biglang hagipin ng Vocalist ang kanyang kamay at itinaas ito sabay bow sa mga taong naroroon sa Night Market. "bagay po kayo. hoooo" sabi naman ng ibang mga Audience.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
239.4K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.2K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.1K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
36.9K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
91.5K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
47.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook