bc

Imperfect Blend (Filipino)

book_age16+
90
FOLLOW
1.1K
READ
HE
submissive
tragedy
bxg
bold
genius
loser
witty
nerd
campus
highschool
like
intro-logo
Blurb

[KEITA AND TANIA'S HIGH SCHOOL LOVE STORY]

"We really are imperfectly blended." Yan ang mga katagang binanggit ni Tania sa harap ni Keita. Alam kasi niyang hindi talaga magkatugma ang kanilang personalidad. Isa lamang ito sa mga pagsubok na kanilang napagdaanan. Sa dinami-rami ng problemang ibinabato sa kanila ng tadhana, mayroon pa palang mas malala pa rito. Paano kung malaman nila ang tungkol sa kanilang madilim na nakaraan? Paano kung sila pala ay may sariling parte sa alaalang matagal na nilang nais kalimutan? Magkakaroon pa ba sila ng pagkakataon upang ito'y malampasan?

chap-preview
Free preview
Prologue
Maaliwalas ang buong kalangitan, patunay lamang na magiging maganda ang araw ng karamihan. Abala ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa at ang ilan nama'y naghahanda pa lamang para sa araw na ito. Sa kabilang banda, tahimik lamang ang dalagang si Tania habang siya ay nakasakay sa kanyang skateboard. Kahit pa maaliwalas at maganda ang panahon ay hindi mahanap ang kanyang sigla. Animo'y wala siyang balak na maglabas ng kahit kaunting ngiti sa labi. Pumasok siya sa isang café na madalas din niyang pinupuntahan. "Pineapple smoothie po," aniya nang tanungin siya kung ano ang kanyang o-order-in. Iniabot na rin niya ang kanyang bayad bago inihanda ng babaeng naroroon ang kanyang Pineapple smoothie. Habang inaantay ang kanyang inumin, naramdaman ni Tania ang pag-vibrate ng kanyang phone, kaya't agad din niya itong dinukot sa bulsa ng kanyang uniporme. Tiningnan niya ang screen ng kanyang phone at doon niya nalamang isa lamang itong notification galing sa kanyang Insta.G account. Pinindot niya ito't napagtantong may bago siyang mensahe galing sa lalaking may pangalang Khalidsoul_35. "Happy 15th birthday, sweetheart. I wanna meet you soon. Have a nice day!" saad nito sa mensahe dahilan upang mapabuntong hininga siya. 'Siya nanaman? Bakit ba lagi niya akong mine-message? Hindi ko naman siya kilala,' sambit niya sa sarili habang may nakaukit na pag-aalala sa kanyang mukha. Makikita rin kasi sa mga ipinapadalang mensahe ng naturang lalaki na madalas itong mag-send ng mga mensaheng nauukol sa pakikipagkilala at minsan pa'y nakikipaglandian pa ito na hindi naman niya pinapansin. 'Teka lang! Paano niya nalaman na ngayon ang kaarawan ko? I don't remember uploading such info online,' giit pa niya dahil hindi naman kasi talaga sila close para malaman nito ang kanyang kaarawan. Isa pa, sinong hindi mag-aalala kung ang isang estrangherong lalaki ay bigla na lamang makikipaglandian sa isang labin-limang taong gulang na dalaga? "Miss, Pineapple smoothie niyo po." Bumalik lamang siya sa realidad nang marinig niya ang babae sa counter. Binalewala na lamang niya ang mensahe at ibinalik na lang ang hawak na phone sa kanyang bulsa saka lumapit sa naturang babae. Nang makuha na niya ang kanyang inumin ay agad siyang nagpasalamat at saka na siya lumabas upang magtungo naman sa susunod niyang destinasyon. Upang mas mapabilis ang pagpunta niya sa estasyon ng tren ay sumakay uli siya sa kanyang skateboard habang umiinom ng Pineapple smoothie. Pagdating sa estasyon ng tren ay saka na niya itinapon ang pinag-inuman bago siya lumapit sa isa sa mga ticket booths. Kahit pa napakaraming tao roon, mabilis din naman siyang nakakuha ng ticket. Pagpasok niya ng tren ay naabutan niyang marami nang tao sa loob at puno na rin ang lahat ng upuan. Bumuntong-hininga na lamang siya saka humawak sa grab handle upang masuportahan niya ang kanyang sarili. Hindi nagtagal ay umandar na rin ang tren at patungo na ito sa susunod na estasyon. 'Uhh... I could barely breathe in this crowd,' wika niya sa isipan habang binabalanse ang katawan. Ang ilan kasi ay nagtutulakan na dahil siksikan. Habang siya ay tahimik na nakatayo at pinakikinggan lamang ang mga taong nasa paligid niya'y bigla siyang nakaamoy ng napakabangong samyo na tila ipinaghalong vanilla at halimuyak ng isang bulaklak. 'Huh? This scent...' sambit niya sa sarili. Sinubukan uli niya itong amuyin at pilit niyang inaalam kung ano ito. 'Is it some kind of scented soap? No, It smells more like rose perfume,' ani pa niya sa isipan. Nangunot ang kanyang noo dahil sa kyuryosidad, napakalakas kasi ng amoy nito at kung perfume man ito, siguradong galing ito sa isang mamahaling brand. 'Saan 'yon nanggagaling? It smells familiar.' Dulot ng kanyang kyuryosidad ay sinubukan niyang hanapin kung saan galing ang amoy na ito. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang ulo at idinako ang paningin sa kanyang kaliwa. Doon ay nasilayan niya ang isang matangkad na lalaking nasa tabi lamang niya. Nakasuot ito ng headset at nakatingin sa bintana. Nasisigurado niyang galing sa binatang ito ang pabangong kanina pa niya naaamoy. Napatitig siya rito at saka siya napapikit-pikit. Para siyang nahila patungo sa kalangitan nang makita niya ang maamo nitong mukha. Para kasi itong isang anghel na bumaba sa langit o 'di kaya'y isang Diyos galing sa Greek mythology. Kamangha-mangha ang mukha nito dahil hindi ito pangkaraniwan. Tila ba ngayon lamang siya nakakita ng isang napakagandang lalaki. Kung ilalarawan man ito, singkit ang mga mata, manipis ang mga labi, katamtaman ang tangos ng ilong, itim na itim ang buhok at may cute na nunal sa ibabang parte ng labi nito. 'Is he Korean or Japanese?' aniya sa isipan nang titigan pa niya ang binata. Hindi kasi ito mukhang Pilipino. Mayroon ding ilang mga kababaihan ang napapatingin sa naturang binata. Sino ba naman kasi ang hindi? Napakaperpekto ng bawat kurba sa mukha nito at isa pa, napakatangkad din nito. Tila naman bigla siyang nahimasmasan nang mapansin niya ang suot ng binata. 'Hmm? His uniform...' Napansin kasi niyang pareho sila ng suot na uniporme kung saan nagpapatunay na nag-aaral din ito sa akademiyang kanyang pinapasukan. 'Schoolmate ko siya?' tanong niya sa sarili dahil hindi naman niya nakikita ang lalaking ito sa kanilang akademiya at ngayon lamang niya ito nakita. Matapos iyon ay ibinalik niya ang mga paningin sa mukha ng naturang binata. Sa pagkakataong ito, napagtanto niyang para bang hindi komportable ang lalaki at mukha ring hindi ito sanay sa dami ng taong naroroon. Kita kasi sa mukha nito ang pag-aalala kasama na ang kaunting kaba. Mahigpit din ang pagkakahawak nito sa brown nitong bag. 'Uhh, so cute.' Ito ang unang lumabas sa kanyang isipan nang masilayan ang ekspresyon nito. Kahit kasi nag-aalala ito, bakat pa rin sa mukha ang mala-anghel nitong hitsura. Abala lamang siya sa pagtitig sa naturang binata nang biglang may nagtulakan malapit sa kanyang kinaroroonan, at saka nabangga siya ng isa sa mga ito. Napabitaw siya sa grab handle at mabilis siyang napagawi sa kinaroroonan ng binatang kanyang tinititigan kanina. Dahil sa biglaang pangyayari, hindi niya namalayang napayakap siya rito at kasabay n'on ang paglanghap niya sa perfume nito. Makalipas ang ilang saglit ay bigla siyang namula nang mapagtanto niya ang nangyari. Mabilis siyang lumayo sa binata na animo'y napatalon pa dahil agad siyang binalot ng hiya. "S-Sorry," paghingi niya ng paumanhin habang todo naman ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. 'Ugh, nakakahiya!' inis pa niyang ani sa sarili. Hindi sumagot ang lalaki kaya naman idinako niya agad ang paningin dito. Doon niya napansin na nakatingin na rin pala ito sa kanya. Hindi naman mukhang galit ang itsura nito, hindi rin mukhang masaya. Hindi niya mawari kung anong emosyon ang nararamdaman nito ngayon. Dahil dito'y bahagya siyang napakagat sa ibabang labi. Hindi niya alam ang gagawin, ni hindi rin siya makaiwas ng tingin. Lumipas pa ang ilang sandali ay nanatili silang nakatingin sa isa't isa. Para bang walang sino man ang nais na sumira sa pagtititigang iyon. Dahil sa nangyayari ay hindi niya namalayan ang pagkurba ng kanyang mga labi kung saan naglabas siya ng isang matamis na ngiti. Lalo tuloy tumitig sa kanya ang naturang binata. "H-Hi. I'm Tania." *** COPYRIGHT DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the written consent of the author. Any infringement of this is a violation of copyright law. Copyright © 2024 Zzelhouette All Rights Reserved

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook