bc

We're Married?

book_age16+
4.9K
FOLLOW
15.0K
READ
second chance
arrogant
drama
tragedy
comedy
bxg
naive
like
intro-logo
Blurb

Anong gagawin mo kung sa pag-aayos mo ng papel mo para ikasal sa pinakapapangarap mong lalaki, malalaman mong kasal ka na pala. Worst kasi hindi ang lalaking pakakasalan mo ang pangalan na nakalagay sa marriage certificate.

At pinakaworst pa ni hindi mo alam kung sino, saan, paano, kailan nangyari ang lahat. Kaya kailangan mo siyang hanapin para maayos na ang lahat bago pa ang kasal niyo ng fiancee mo.

Nang komprontahin niya ang lalaki, ang nakakainis pa sa lahat ng malaman nito na kasal na sila ayaw naman itong ipawalang bisa ang kasal nila. At gusto nitong magsama sila bilang mag-asawa.

Naloko na...

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Lahat na yata ng pag-aayos sa mukha ginawa na niya habang may oras pa siya. Kailangan kasi siyang maganda siya sa oras na magharap sila ng boyfriend niyang si Daniel. Kinikilig na naman siya ng mabanggit lang niya ang pangalan ng boyfriend niya. Isang Half- American Half-British lang naman ang boyfriend niya. Siguro isa siyang angel noong past life niya kaya biniyayaan siya ni Lord ng sobrang suwerteng boylet. Kasi naman pogi na, Macho na mayaman pa. As in lahat na yata ng hihilingin niya nasa boyfriend niya. Walang tulak kabigin kumbaga. "Hoy Rhiane!"tawag sa kanya ng nanay niya. Hindi naman mawala-wala ang ngiti niya sa labi na humarap siya sa nanay niyang nakasimangot na habang nakatitig sa kanya. "Aalis ka naman, siguro sa computershop ka na naman pupunta. Naku kang bata ka tigilan mo na iyang kano na iyan at lolokohin ka lang ng lalaking iyan"bitter na sermon sa kanya ng ina. Pero kahit na ganoon hindi pa din siya nagpapigil kaya naman nagtungo na siya sa omputer shop na malapit lang sa bahay nila. Sa totoo lang sa anim na buwan nilang magkarelasyon ni Daniel hindi pa naman talaga sila ni Daniel nagkikita ng personal. Palagi lang sa video call at video chat sila nagkakausap na dalawa. "Hi bebe love ko"exagerrated niyang bati sa nobyo niya ng mag-pop ang mukha nito sa screen. nakangiti namang nakatitig sa kanya ang boyfriend niya, hindi pa man kinikilig na siya bigla kahit na tingin pa lang ang ginagawa nito sa kanya. Paano nalang pala kung magkasama na sila nito ngayon. Naku ka baka marape niya bigla ang lalaking ito sa sobrang kasabikan niya. "Hello my baby"sagot nito pagkalipas ng ilang minuto. kunwari namang inirapan niya ito, pero deep inside kinikilig siya ng sobra. "Bakit ngayon ka lang tumawag?"tanong niya dito. pero wala naman siyang nakuhang sagot, bigla siyang napakamot sa ulo niya naalala kasi niyang hindi siya naiintindihan nito. Ang shunga kasi niyang bigla. Magtagalog ba naman siya sa boyfriend niya. Lokaret kasi siya. "I mean, why you call now only?"pilit niyang pag-eenglish. Kahit naman kasi High school lang naman ang natapos niya marunong naman siyang mag-English. English carabao nga lang. "Sorry baby, just got busy at work. But today i have plenty of time for you"magiliw naman na sagot ng boyfriend niya. kinikilig naman siyang hindi mapakali sa inuupuan niya, buti nalang at nakacubicle siya sa computer shop kung nasaan siya kundi nakakahiya siya. "How are you now bebe?"kinikilig niyang tanong dito. Ngumiti na naman ito sa kanya ng pamatay nitong ngiti. Halos himatayin na siya sa kilig niya sa binata ngiti pa lang mga bhes... "I'm not okay...I missed you so bad baby"sagot sa kanya nito. Inabot naman niya ang web cam na gamit niya at inilapit niya sa labi niya na parang hinahalikan niya ang nobyo niya. narinig niya ang pagtawa ng binata sa kabilang linya. Nakangiti naman silang nagkwentuhan na dalawa kahit na sa tingin niya pinagtatawanan lang siya nito kasi mali-mali ang mga sinasabi niya. "Funny?"nakakunot noo niyang tanong sa binata. "I love you, will you marry me baby?"out of nowhere na sagot nito sa kanya. Noong una hindi siya naniwala kasi nakangisi ito habang nagsasalita ito kaya naman napatitig lang siya sa mukha nito sa monitor. "Hey baby, I ask you to marry me. Why you didn't answer me?"bigla itong nagseryoso. "Seryoso ka?"bigla din niyang sagot. "What?"nakakunot noo na tanong nito sa kanya. Nangingilid ang luha na inilapit niya ang mukha sa monitor ng computer. "You, serious asking?"naiiyak niyang tanong dito. Ngumiti naman ito na may pagkaseryoso pa din. Ang labo ano, nakangiti pero seryoso. "Yes baby. I want to marry and spent the rest of my life with you and have plenty of kids with"anito. Para siyang pinagkapusan ng hininga sa sinabi nito, pero nang makabawi siya biglang nagtatalo siya at nagtititili siya sa loob ng computer shop kung nasaan siya. "Yes!!!...Yes!!!...yes!!!"tili niya. ................

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook