bc

Forever, My Love (COMPLETED)

book_age16+
590
FOLLOW
2.1K
READ
drama
tragedy
bxg
city
disappearance
like
intro-logo
Blurb

"Will you marry me?" Roman asked his girlfriend while holding a diamond ring he brought for her. Tears started flowing into Paulina's eyes. She slowly nodded while gasping.

"Yes! I will!" she answered happily and showed him her left hand.

"I will always love you, Paulina. Always."

Paulina smiles sweetly at him. "I love you too, Roman. Forever.. death can never take us apart." She stops and stared at his boyfriend's brown eyes.

"Forever, My love.." she said sincerely and kissed him.

© Copyright 2021 by annerie15

chap-preview
Free preview
Uno
"WOW!" Halos lumuwa na ang mga mata ni Paulina sa pagkamangha sa napaka laking barkong nasa harapan niya. Napaka laki niyon tingnan mula sa daungan. Wala itong pinagkaiba sa mga nagtataasang mga hotel sa lupa. "Thank you for this, babe!" ani niya at yumakap ng mahigpit sa kasintahan.  "Anything for you, babe. I love you." Puno ng pagmamahal na tiningnan ni Roman mapupungay nitong mga mata at saka dinampian ito ng mapupula nitong labi.   "I love you too."  Kasalukuyan silang nasa Italy para sa ini-book ni Roman na six  day cruise ship. Isang buwan na kasi ang nakakalipas noong nag propose siya sa kaniyang nobya at isa ito sa mga regalo niya para rito. Ika-walong taon na anibersaryo na rin at masyado silang nagiging busy sa kanilang mga trabaho kaya napag-desisyonan niyang magbakasyong muna sila.  Isang magaling na Surgeon si Paulina sa pinaka malaking ospital sa bansa. Sa edad na bente-otso ay kinilala na agad ang kanyang galing sa pago-opera ng mga tao. Kaya naman ay maraming mga malalaking personalidad na siya parati ang tinatawag sa tuwing mayroon silang mga sakit na kailangang maoperahan. Bukod doon ay kaliwa't kanan din ang pagbo-volunter ni Paulina para sa mga kapos-palad na hindi kayang magpagamot. Madalas siyang mapunta sa mga probinsyang mahirap puntahan ng mga manggagamot.   Si Roman naman ay isang magaling na arkitekto. Sa kanyang angking galing sa pagdisenyo at paggawa ng mga istruktura ay kaliwa't kanan ang mga tao o kompanya ang nagpapagawa sa kanya. Kaya dahil sa sobrang busy ng schedule nilang dalawa ay halos isang beses lang sila sa isang buwan kung magkita. Kaya naman noong makakita ng magandang oras si Roman ay agad na itong nag file ng leave para sa kanilang magkasintahan at nagbook para sa kanilang bakasyon. Matagal na niyang nobya si Paulina. Graduating siya noon nung makilala niya ang dalaga at ito nama'y nasa ikatlong taon sa kolehiyo. Napaka simple ng dalaga at napaka masiyahin, kaya naman ay agad na nahulog ang loob ni Roman dito. Noong mga panahon na iyon ay sobrang stress si Roman sa thesis niya at tanging ang dalaga lamang ang napapalakas ng loob niya.  "Let's go?" ani niya noong makita niyang nagumpisa na ring magpasukan ang mga tao sa loob ng barko. Masayang tumango sa kanya si Paulina. Nauna ito ng kaunti maglakad dahil hila-hila niya ang isang maleta na merong laman ng kanilang mga gamit. Nakasukbit  din sa kanyang likuran ang malaking backpack na pinaglalagyan ng mga importante nilang mga gamit.  Si Paulina ay isang malaking shoulder bag lamang ang dala. Nakasuot kulay itim at grey na checkered na polo-shirt na tinernuhan niya ng fitted jeans at itim na rubber shoes. Nakapony tail ang itim na itim nitong buhok. Simple lang ang suot nito pero litaw na litaw pa rin ang maganda nitong mukha, lalo na ang katawan nitong kawangis ng isang gitara. Ipiniling ni Roman ang kanyang ulo nang matuon ang pansin niya sa matambok na pang upo ng dalaga. Matagal na silang magkarelasyon nito ngunit ni minsan ay hindi niya pa iyon nakita. Wala pa sa kanilang nangyayari ngunit hindi iyon problema para kay Roman. Nirerespeto niya ang desisyon ng dalaga. Hindi niya lang talaga mapigilan minsan na hindi iyon maisip dahil bukod sa mahal niya ito, sadyang nakakahalina talaga ang dalaga.  Makikita ang eleganteng disenyo ng barko pagkapasok nila sa loob. Dumeretso sila sa deck 2 kung nasaan ang cabin na pagtutulugan nila. Merong limang deck ang barko, ibig sabihin ay merong limang palapag ang barkong sinasakyan nila na pwedeng puntahan ng mga turista. Hindi pa n'on kasama ang pinaka ilalim ng barko kung saan na andoon ang mga crew at ang engine na nagpapatakbo sa barko.  Pagkapasok nila sa cabin ay wala pa ang malaking maleta nila. Pinaiwan kasi iyon sa ibaba bago sila umakyat sa barko. Walang humpay sa pagkuha ng video si Paulina habang nasa loob sila na para bang nag va-vlog ito.  "Andito na po kami sa loob ng kwarto namin. Yiee! Ma, pa! Don't worry! Mahal ako neto," ani ni Paulina at ipinakita si Roman sa harap ng kamera. Natatawa na lang si Roman at tumango.  "Opo."  Ibinaba na niya ang backpack sa sahig cabin. Si Paulina naman ay tuloy pa rin sa ginagawa nito. Inilibot nito ang camerang hawak sa buong paligid ng silid at pagkatapos ay pinatay muna ang video cam na hawak.  "Ganda rito!" masayang sabi ni Paulina at humiga sa malaking kama.  Iisa lamang ang kama na andoon at kasya silang dalawa. Sa paanan niyon ay makikita ang malaking kabinet na pwedeng paglagyan ng mga gamit nila. Iniwan ni Roman ang malaking maleta nila sa may gilid ng pinto at inilapag naman ang malaking backpack sa gilid ng kama. "Ako na ang magaayos niyan. Paki lagay na lang dito sa kama yung maleta," magiliw na sabi ni Paulina.  Umayos ng upo si Roman sa kama at isinandig ang likod sa headboard nito. Pinanood niya si Paulina habang magiliw itong nagliligpit.  He couldn't ask for more.  For him, settling down with Paulina will be his last accomplishment in his life. He remembers the first time he meets her. Para sa kanya iyon ang pinaka magandang nangyari sa buhay niya. He smiles. "Bakit?" biglang tanong ni Paulina nang makitang nakangiti ang kasintahan habang nakatingin sa kanya.  "Nothing. I love you," ani Roman.  Nangunot ang noo ni Paulina at pinamaywangan ang kasintahan. "Ikaw ha? Baka may binabalak kang hindi maganda sa akin ha?!"  "Ha?" Hindi makapaniwalang tiningnan ni Roman ang kasintahan. "Ilang taon na kayang nagtitiis 'to." Itinuro ni Roman ang ari niya. "Hindi na nga mapaghiwalay 'tong dalawa eh!" Itinaas niya ang isang kamay.  Napatawa naman ng malakas si Paulina. Wala sa kanilang nangyayari ng kasintahan niya ngunit open sila sa ganoong usapan. Noong una ay nahihiya siya sa tuwing napag-uusapan nila iyon ngunit habang tumatagal ay tinatawanan na lang din niya ito.  "That's my boy!" Binigyan ng flying kiss ni Paulina at kinindatan ito. Umakto naman si Roman na para bang may tumamang kung ano sa dibdib. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at animo'y nagulat. "Ahh! Ano 'yon?!"  "That's my love flying to you!" Bahagya pang tumili si Paulina at sunod-sunod na nagbigay ng flying kiss kay Roman.  Ibinuka naman ni Roman ang dalawa niyang kamay at pumikit. Umakto siya na para bang sinasalo niya ang lahat ng ibinabatong halik ni Paulina sa kanya. Mayamaya ay napuno ng tawanan ang kanilang silid.  They are always like this when they are alone. They acted like a child but hell, that's how they show love to each other. They are each others comfort zone.  After a few minutes, Paulina and Roman go out to their cabin. Pumunta sila sa deck three kung saan na andoon ang restaurant ng barko. Kumain muna sila roon saka muling naglibot sa ibang parte ng barko.  Para itong nakalutang na lungsod. Lahat na kasi ng pwede mong makita sa isang lungsod ay naandoon - maliban lang sa sementeryo. Iyon ay base sa mapang hawak nila. Mayroon kasing inabot sa kanilang mga papel kanina. Base rin sa hawak nilang papel ay mayroong mahigit apat na libong tao ang nasa loob ng barko. Hindi na nagtaka pa sila Roman dahil sa laki niyon. Pitong araw silang mamamalagi sa barkong iyon. Araw-araw ay bababa sila sa ilang lugar sa italy at pwede silang mamasyal doon. Pagkatapos ay muli silang babalik sa barko. Ito ang unang araw nila sa barko. Kanina pa iyon umaandar ngunit ni hindi manlang nila maramdaman iyon. Lumipas ang isang araw ay bumalik na sila sa kanilang cabin. Unang naghanda si Paulina para sa kanilang pagtulog at sumunod naman si Roman pagkatapos nito.  Humiga na silang dalawa sa malaking kama.  "Come here." Inilahad ni Roman ang kamay niya para yumakap sa kanya si Paulina. Mabilis naman itong lumapit sa kanya. Isinubsob nito ang mukha sa dibdib niya at niyakap siya ng mahigpit. "Hmm... I really love your smell," aniya.  "Talaga? Kahit mabaho ako?"  "Of course. I love you," natatawang sagot ni Roman. "I wish this will never end. I can't wait to get married to you."  "Me too, Roman. I love you so much. Sobrang pasasalamat ko sa Diyos at ikaw ang naging kasintahan ko. And soon... magiging asawa ko." Nag-angat ng paningin si Paulina at mapupungay ang mga matang tiningnan si Roman.  Her eyes are full of love.  Roman can't help himself and kisses her on her lips. Pumikit lamang si Paulina at tinugunan iyon. Marahang gumalaw ang mga labi ni Roman habang nakalapat iyon sa labi ng nobya.  Mayamaya pa ay unti-unting nagiging malalim ang halik nilang dalawa hanggang sa namalayan na lang ni Paulina na nasa ibabaw na niya ang nobyo. Agad siyang nagmulat ng mga mata at tinulak ang kasintahan. Bumagsak ito sa gilid niya. Roman grunts in dismay. "I'm sorry..."  "It's okay. Matulog na nga tayo," ani ni Paulina at tumalikod sa kasintahan. She bits her lips because they almost got carried away. She just loves him so much but her respect for her parents is much more. That is their only wish to her. To marry first before giving herself to the man she loves.  Roman sighed and hugged Paulina at her back. "I love you..."  "I love you too..." sagot ni Paulina at muling humarap sa kasintahan. Roman gives her a peek in her forehead. Ilang sandali pa ay nakatulog na sila sa ganoong posisyon. He loves her so much and it's okay even if he can't have it now. His respect for her is big so he won't do it until they knot a tie.  Lumalalim na sana ang pagtulog ni Roman at Paulina nang bigla silang napabalikwas ng gising dahil sa malakas na tunog at malakas na paguga ng barko.  Agad na dinalahit ng kaba si Paulina.  "A-Ano 'yon?!"  © 02-09 by Ameiry Savar

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook