bc

Tears of Heaven (Scarce Series #1)

book_age18+
148
FOLLOW
1K
READ
murder
second chance
goodgirl
drama
heavy
abuse
self discover
shy
like
intro-logo
Blurb

A Collaboration with different writers

Trigger warning! This story is consists of scenes that may be harmful or traumatizing for some readers. It contains abuse, rape, and murder. Please be advised.

*****

Mula noong umalis si Heaven sa puder ng kanyang ina ay hindi na naging madali ang kanyang buhay. Nagkaroon siya ng kinakasama, ngunit sa hindi malamang dahilan ay inaabuso siya nito. Pinilit ni Heaven na magpatuloy sa kanyang buhay, ngunit lahat ay nagbago noong muntik na siyang mag-agaw buhay dahil sa pananakit nito.

Hanggang kailan matitiis ni Heaven ang pagsubok ng buhay?

Copyright © 2021 by Ameiry Savar

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Putangina naman, Heaven! Ano ‘to?” Dumagundong ang malakas at malalim na boses ni Kiko sa maliit na bahay na tinitirahan nila ni Heaven. Kinuha niya ang kaldero na nakapatong sa lamesa at inihagis iyon sa sahig. Napaigtad si Heaven noong kumalampag iyon ng malakas. Muntik pa siya matamaan ng kaldero dahil nakatayo lamang siya sa tabi ng lamesa. Nanggagalaiti na naman kasi si Kiko dahil na abutan niyang walang laman ang kaldero. Galing siya sa palengke at nagtatrabaho siya roon bilang kargador. Napalunok si Heaven. Nanginginig na ang kanyang katawan dahil sa takot. Alam na niya kasi ang kasunod nito. E ano naman kasi ang magagawa niya? Hindi nag-iwan ang kanyang kinakasama ng pambili ng bigas. Wala nga siya nakain kaninang tanghali at kanina pa rin kumakalam ang kanyang tiyan. “Bakit walang laman ‘to?!” sigaw muli nito na halos magpalundag na kay Heaven. “W-Wala kasi akong pambili ng bigas, Kiko,” tugon niya. “H-Hindi ka naman nag-iwan kani–” “Kasalanan ko pa?” putol ni Kiko kay Heaven. Tinapunan niya ng masamang tingin ang kinakasama. Muling napalunok si Heaven. “H-Hindi naman sa–” Hindi niya muling na ituloy ang kanyang sasabihin noong nag-umpisa nang humakbang papalapit sa kanya si Kiko. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Mabilis siyang umatras, ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay bigla na lang siyang inabot ni Kiko at sinakal. Napangiwi siya noong tumama ang kanyang likod sa playwood na kanilang dingding. Lumangitngit agad iyon dahil sa lakas ng pagkakasandig sa kanya ni Kiko. “K-Kiko!” Hinawakan ni Heaven ang matitigas na braso ng kinakasama. Sinubukan niyang tanggalin ang mga iyon, subalit sadyang mas malakas ito sa kanya. Maliit lamang na babae si Heaven, sa edad niyang bente tres ay mukha pa rin siyang dise sais. Madalas nga ay napagkakamalan siyang high school student. Kaya napaka dali lang kay Kiko na hila-hilain siya sa tuwing sasaktan siya nito. Agad na naghabol ng hininga si Heaven noong unti-unti siyang kinapos ng paghinga. “Wala ka na ngang kwenta sa kama, pati ba naman sa bahay! Put4ngina mo talaga, Heaven!” sigaw ni Kiko at itinulak siya sa sala. Muntik nang mangudngod si Heaven sa sahig kung hindi lang niya ikinalang ang kanyang mga kamay. Agad siyang umubo-ubo at sinapo ang kanyang dibdib. Ngunit hindi pa man siya nakaka-recover mula sa pagkakasakal sa kanya ni Kiko ay bigla na lamang siya nitong sinipa sa tiyan kaya napahiga siya sa sahig patihaya. Napaluha na siya dahil pakiramdam niya ay napalian na naman siya ng buto dahil sa ginawa nito. Naiwan si Heaven na napahagulhol na lamang dahil sa pinaghalong sakit ng katawan at tiyan. Ilang sandali pa siya sa ganoong posisyon hanggang sa pinilit na niyang tumayo. Hindi na rin bumalik si Kiko. Napapangiwi siya habang sapo-sapo ang tiyan. Pakiramdam niya kasi ay dumukit ang mabigat na paa ng kinakasama roon. Masakit na nga ang kanyang tiyan dahil sa gutom, tapos nadagdagan pa dahil sa sipa nito. Tahimik na kinuha niya ang kaldero na nasa sahig at ibinalik sa lagayan. Kinuha niya ang lagayan nila ng asing at kumuha ng ilang pirasong butil ng asin doon. Napailing na lamang siya. Ultimo asin ay wala na sila. Kinuha niya ang kahoy na plastic na upuan na wala nang sandalan at umupo roon. Nanginginig na kasi ang kanyang tuhod. Napatitig siya sa sala nila. Maliit lamang ang bahay na kanilang tinitirahan. Inupahan lang nila iyon kay Aling Malou sa halagang five hundred pesos. Kaso, five hundred na nga lang ang upa nila ay hindi pa nila mabayaran. Kung titingnan ay para lang silang na sa isang container van pero gawa sa kahoy. Pagkapasok sa loob ay makikita agad ang lahat. Ang sala nila ay kwarto na rin, sa gilid kasi ang may maliit na papag. Na sa ilalim niyon ang mga nakakarton nilang mga damit. Wala silang ibang mga gamit bukod sa isang maliit na electric fan at iilang mga gamit pang-kusina. Papaano kasi ay palaging na sisira sa tuwing nagwawala si Kiko. Limang taon na niyang kinakasama si Kiko. Nakilala niya ito noong bagong salta siya sa Manila. Katrabaho niya ito noon sa karenderya na kanyang pinapasukan. Waitress siya roon at ito naman ay kargador. Mabait naman si Kiko noong una niyang nakilala ito. Kaya nga sinagot niya ito kaagad eh. Hindi niya lang alam kung bakit noong nagsama na sila ay kulang na lang patayin siya nito. Noon ay palagi itong nakangiti sa kanya. Palagi itong may pasalubong na dala para sa kanya. Tapos palagi nitong sinasabi na mahal na mahal siya nito. Ngayon ay wala na siyang naririnig dito. Nag-umpisa ang pananakit nito noong umalis siya sa karenderya at nanatili na lamang sa bahay. Hindi niya nga alam kung bakit nito iyon nagagawa gayong ito naman ang may kagustuhan na h’wag na siyang magtrabaho. Sa tuwing uuwe ito mula sa palengke ay agad na lamang siyang sinisigawan nito. Kung tutuusin ay mas gusto nga niya na nagtatrabaho siya. Hindi kagaya ng ganito na umaasa lang siya rito. Mabuti nga ay hindi pa siya nabubuntis, iyon na lamang ang ipinagpapasalamat niya. Siguro ay iyon din ang dahilan kung bakit ito nagagalit sa kanya. Siguro kung magbubuntis siya ay magiging maayos din ang relasyon nila. Hindi niya ito iniiwan dahil umaasa siya na magbabago pa ito. Tsaka, mabait naman talaga si Kiko. Siguro ay pagod lang ito. Sa isip ni Heaven ay baka kasalanan din niya kasi nga umuwe itong walang pagkain. Pagod na nga sa pagbubuhat ng mga gamit sa palengke tapos uuwe pang walang pagkain. Pinahid na niya ang kanyang mga luha at pinilit na tumayo. Saka lumabas ng bahay para mangutang sa tindahan. Kailangan niyang makahanap ng hapunan nila dahil nagugutom na rin siya. Sa isang squatters’ area sa tabi ng palengke sila nakatira ni Kiko. Dikit-dikit ang mga bahay dito na kalimitan ay gawa lang din sa manipis na playwood. Mayroong namang mga bato na rin ang mga bahay. Mga tao na medyo nakaangat na dahil nag-abroad ang isa sa mga pamilya. Kung papayagan lang siya ni Kiko ay aalis siya para mag-abroad. Madali lang naman makakuha ng mga papel na kailangin. Kaso sa tuwing sinasabi niya iyon ay agad siya nitong sinisigawan. “Tao po. Ate Luz!” tawag siya sa matandang tindera. “Oh! Sandali!” ani ng boses mula sa loob ng bahay. Sumulpot sa may pinto ang isang babae na mababakas na ang katandaan sa mukha. May kalakihan ang katawan nito at halata na rin ang paglaylay ng s**o nito sa suot nitong sando. Agad na napasimangot si Luzviminda, o kilala bilang Luz sa kanilang kalye. “Ano?” mataray na tanong niya kay Heaven. Bahagyang napangiwi si Heaven. Gusto na niyang manliit dahil sa mga tingin sa kanya ng ginang. Ngunit kinakapalan niya na lamang ang kanyang mukha dahil siya naman ang magugutom. Papaano ay halos mapuno na nila ang isang notebook nito dahil sa kanilang mga utang na hindi mabayaran. “A-Ate Luz, pautang po sana ng isang kilong bigas at…” Tumingin si Heaven sa loob ng tindahan nito at may hinanap. Noong makita niya ang nakahilerang mga de lata sa kahoy na patungan sa dingding ng tindahan ni Luz ay agad niya iyong itinuro. “…iyon pong sardinas. ‘Yong hindi po maanghang.” Hindi maitago ni Luz ang pagkainis sa kanyang mukha. Hindi makapaniwalang pinagmasdan niya si Heaven. Sa isip niya ay nagtataka siya kung bakit parang hindi makaunawa si Heaven sa kanyang mga tingin. “Naku, Heaven. Utang na naman? Tapos kailan mo babayaran? Maawa ka naman sa tindahan ko, oh!” malakas na sigaw nito. “Hindi niyo pa nga nababayaran ‘yong utang niyo rito, mag-aanim na buwan na! Magbayad naman muna kayong mag-asawa bago kayo kumuha nang kumuha ulit!” malakas na sigaw nito. Napangiwi na si Heaven sa kanyang isipan. Pakiramdam niya ay bigla siyang nanliit dahil sa mga sinabi nito. Lalo siyang nakaramdam ng hiya noong mapatingin siya sa gilid niya at nakita niya ang mga kapit-bahay nilang nakatingin sa kanyang gawi. Sa lakas ng boses ni Luz ay sigurado siyang narinig nito ang mga sinabi nito. Bumuntonghininga si Heaven at pilit na iwinaksi iyon. Importante na magkaroon sila ng pagkain ngayon dahil malalagot na naman siya kay Kiko. Ayaw na niyang masalya nito na para bang isang laruan. “P-Promise, ate. Magbabayad na po kami.” “Kailan?” agad nitong tanong. Napaisip si Heaven. Hindi niya rin kasi alam kung kailan siya magbabayad. Wala naman sa kanyang inaabot na pera si Kiko. Basta may dala na lang itong pagkain ay ayos na. Hindi rin naman kasi siya maarte, basta makakain lang siya ay sapat na sa kanya. Hindi niya kailangan ng pera. “Sa sweldo po ni Kiko,” mahinang tugon niya. Napahawak siya sa kanyang tiyan dahil muli iyong kumalam. “Paulit-ulit mo na lang sinasabi ‘yan! Nakakasawa na–” “Ate Luz, sige na. Ako na ang magbabayad ng binibili niya.” Halos mapaigtad si Heaven noong may magsalita sa kanyang likuran. Maging si Luz ay natigil sa pagsasalita at napatingin sa lalakeng bagong dating. Mabilis na gumilid si Heaven upang makabili ito. Narinig niya ng malinaw ang sinabi nito. Ngunit hindi niya alam kung seryoso ito. Tumapat naman ang lalakeng may katangkaran at kayumangging balat sa tindahan ni Luz. May kinuha ito sa bulsa. Pagkatapos ay inilapag iyon sa hamba ng tindahan ni Luz. “Ito po. Bigyan mo siya ng isang kilong bigas at sardinas. Samahan mo na po ng dalawang itlog at isang boteng mantika. Tsaka isang pirasong sibuyas,” anito. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Heaven. Nalilitong tiningnan niya ang lalake. Hindi niya iyon kilala, ngunit pamilyar ito. “Sa akin po ba?” Hindi na napigilan ni Heaven at tinanong na ito. Lumingon ang lalake sa kanya at ngumiti. Napalunok siya dahil nakita na niya ng maayos ang mukha nito. Magandang lalake ang binatang na sa kanyang harapan. Singkit ang mga mata nito at matangos ang ilong. Manipis din ang labi nito na maganda ang kulay, halatang wala itong bisyo dahil halos magkulay rosas na iyon. “Oo.” “N-Naku! H’wag na po. Nakakahiya–” “Sus!” singit ni Luz. Mabilis niyang kinuha ang isang daan na inilapag ng binate. “Tatanggi ka pa. Tanggapin mo na kaysa umutang ka pa sa akin,” anito at tumalikod na para ayusin ang mga sinabi ng binata. Nahihiya namang tumungo si Heaven. Labis na siyang nagagalak dahil sa tinulungan siya nito. Hindi niya lang magawang tumingin dito dahil lalong nadadagdagan ang kanyang hiya. Pakiramdam niya ay sobrang kawawa niya. Totoo naman. Ultimo nga pagkain ay nahihirapan siya kung saan siya kukuha. Huminga siya ng malalim at muling tumingin sa binata. Nginitian niya ito. “M-Maraming salamat po.” “Walang anuman.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook