bc

The Tribe Prince Returns

book_age18+
3.7K
FOLLOW
14.0K
READ
billionaire
revenge
powerful
independent
confident
inspirational
prince
no-couple
serious
supernature earth
like
intro-logo
Blurb

Wala nang sasaya pa kapag mayroon kang kumpletong pamilya at mga taong ang turingan ay isang buong pamilya.

Ito ay ang Tribong Timawa na tahimik na namumuhay sa bundok ng Marilag.

Sumabalit dahil sa isang taong sakim at sa mga kasamahan gawain nito ay pati ang lugar nang Tribong Timawa ay kinamkam nito. Nang dahil sa pakikipaglaban ay masawi ang mga magulang ni Amir  pati ang mga kasama sa tribo.

Nawala ang Tribong kinamulatan ni Amir, at sa tulong ng kumupkop sa kan'ya ay naging maganda ang buhay niya at nakapagtapos ng pag-aaral. 

Gayon pa man ay hindi nakalimutan ni Amir ang taong salarin sa pagkamatay ng kan'yang mga ka-tribo at magulang, kung kaya't magbabalik siya upang maghiganti upang makamit ang hustisya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Tribo
Ang Tribong TIMAWA ay tahimik ang buhay masayang namumuhay sa Misamis Oriental, sa bundok Marilag. Mula sa likas na yaman ay ang kanilang mga sakahan ang pinagkukunan ng pagkain sa araw-araw at marami rin silang mga alagang hayop. Ito pinamumunuan ni Datu Akbahri, may nag-iisang silang anak na lalaki ni Dayang Magayon na si Amir, walong taong gulang. Si Amir ay ang papalit kay Datu Akbahri sa tamang panahon upang mamuno sa Tribo. Maaga pa lang ay gising na ang karamihan sa Tribo at abala sa kan'ya-kan'yang gawain sa pang araw-araw. Gano'n rin si Magayon at nagluluto na ito nang kanilang agahan at nang matapos ang pagkikita ay lumapit ito kay Datu Akbahri para sabihin nakahanda na ang kanilang agahan. "Irog, halika na muna at kumain muna tayo ng agahan," ani ni Magayon. "Sige Irog," tugon nito kay Magayon ay sabay na silang nagtungo sa hapag kainan. "Si Amir?" Nagtungo sa labas ng kanilang bahay si Datu upang tawagin ang anak ngunit hindi niya ito nakita. "Irog! Si Amir nasaan?" tanong nito kay Magayon nang makabalik na siya sa loob ng bahay. "Naku! Panigurado nando'n nanaman kila Tiya Rabiyah niya at nakikipaglaro kay Javar." "Gano'n ba? Ang batang 'yon talaga napaka likot." Silang dalawa na lamang ni Magayon ang sabay na kumain. Hindi nga nagkakamali si Magayon, pinuntahan nito ang bahay ng kapatid niyang si Rabiyah upang siguruhing naroon nga ang anak. "Amir," tawag nito sa anak habang papalapit. "Kanina ka pa hinahanap ng iyong Ama. Umuwi ka na't kumain, Anak." "Ate, pinakain ko na si Amir kanina, sabay sila ni Javar. Nawili na rin kasi sa paglalaro 'yang dalawang 'yan kaya ipinaghanda ko na," ani naman ni Rabiyah habang nagliligpit sa loob nang bahay. "Salamat kung gano'n, Rabiyah," pasasalamat niya sa kapatid. Kinagabihan pagkatapos kumain ay masaya silang mag-anak na nagku-kuwetuhan. "Anak, paglaki mo ay ikaw ang magiging pinuno dito sa Tribo, gusto mo ba 'yon?" tanong ni Datu Akbahri kay Amir. "Hmmmn–" napaisip saglit si Amir. "Pero paano po ba maging pinuno, Ama?" Lumapit ito sa Ama at nagpakalong. "Siyempre kailangan matapang ka, Anak. Dahil ikaw ang magiging tagapagtanggol nilang lahat. Ikaw ang po-protekta sa Tribong ito, dapat buo ang loob mo dahil ikaw ang pinaka AMA nilang lahat dito at mahalin mo ang Tribo." Mariin na nakatitig si Amir sa kan'yang Amang Datu at pilit na iniintindi ang mga sinabi nito. "Naintindihan mo ba 'yon, Anak?" "Opo! Pero bata pa naman po ako, kaya hindi ko pa kayang makipaglaban para ipagtanggol ang Tribo, Ama." Nakangiti naman si Datu dahil nakanguso si Amir nang sabihin 'yon. Hinaplos nito ang ulo nang anak. "Balang araw pa naman, matagal pa 'yon! Pero sa ngayon kailangan mong kumain nang marami palagi para maging malakas ka, para sa paglaki mo ay kaya mo na silang ipagtanggol kapag may dumating na mga kalaban." "Tigilan mo nga 'yan! Ang bata pa nang anak natin para sabihin mo ang mga bagay ba 'yan, Irog," saway ni Magayon sa asawa. "Irog, maganda nga 'yon para habang lumalaki na si Amir ay unti-unti niyang maintindihan. 'Di ba, Anak?" Bumaling ito kay Amir kung sang-ayon ba ito sa sinabi niya. "Opo! Ayos lang naman sa 'kin 'yon, Ina. Gusto ko rin naman na ako ang mag-protekta sa in'yo paglaki ko!" masiglang tugon nito." Napapailing na lamang si Magayon sa kan'yang mag-ama. "Ang mabuti pa ay matulog na tayo!" Nagtawanan naman sina Amir, at Datu Akbahri dahil walang nagawa si Magayon sa kanilang dalawa. Madaling nakatulog si Amir dahil sa kapaguran nito sa paglalaro buong maghapon. Kaya't bago makatulog sina Magayon at Datu ay nag-usap pa sila. "Irog," ani ni Magayon na tawag pansin sa asawa. "Hmmn? Ano 'yon Irog, ko?" Tumagilid ito paharap kay Magayon. "Natutuwa ako dahil sa haba nang panahon paninirahan natin sa lugar na 'to ay talagang naging payapa tayong lahat. Pero kanina, nang sabihin mong maaaring may dumating na mga kalaban ay bigla akong kinabahan." Yumakap ito kay Datu Akbahri dahil sa nararamdamang pangangamba. Niyakap rin ni Datu ang asawa at kinintalan ng halik sa noo. "Alam ko naman 'yon, Irog ko. Kaya nga hindi dapat tayong magpakampante, mabuti nang palagi tayong alisto at handa," saad nito kay Magayon. "Natatakot ako Irog, ko. Paano kapag nangyari nga 'yon? Natatakot ako para sa anak natin at sa buong Tribo!" may pag-aalalang sabi ni Magayon. "H'wag kang mag-alala Irog, ko. Hindi ko hahayaang masaktan ang anak natin, hindi ko papabayaan ang Tribo. Gagawin ko ang aking makakaya kahit pa buhay ko ang kapalit." Mas lalong hindi mapalagay si Magayon sa sinabi ni Datu Akbahri, pakiramdam niya ay iba ang ibig nitong sabihin ngunit hindi na niya 'yon sinabi kay Datu. "Matulog na tayo Irog ko, baka napagod ka lang sa maghapon kung kaya't anu-ano 'yang naisip mo." Tumango na lamang si Magayon bilang sagot dahil naiiyak na ito sa mga maiisip niya. Kinabukasan ay naunang nagising si Datu Akbahri, hinayaan na niyang matulog pa si Magayon dahil alam niyang hindi ito nakatulog nang maayos kagabi. Alam niyang masyadong nababagabag ang asawa sa napag-usapan nila. Hindi rin naman siya nakatulog agad dahil pinapakiramdaman niya lamang si Magayon. Siya na ang nagluto ng agahan para sa kanilang tatlo. At pagkatapos no'n ay pinuntahan niya isang ka-tribo upang ipaalam na kailangan nilang magsanay sa pakikipaglaban. Agad namang sumunod si Azur sa kanilang Datu. Nang makabalik ito sa kanilang bahay ay gising na si Magayon. "Magandang umaga, Irog ko." Humalik ito sa pisngi ni Magayon na agad naman pinamulahan ng mukha. "Tinanghali ako nang gising Irog ko, pasensya ka na, ha?" "Ayos lang, Irog ko. Kumain na tayo," ani agad ni Datu sabay hila nito paupo kay Magayon. Siya na rin ang naglagay ng pagkain sa pinggan nito. "Irog, ako dapat ang gumagawa niyan sa 'yo," tutol nito sa ginawa ni Datu na ipaghain siya. "Wala namang problema 'yon, Irog ko. Mali ba na ipaghanda ko nang agahan ang maganda at mahal kong asawa?" pinamulahan na naman ng mukha si Magayon sa sinabi ni Datu. Napangiti naman si Datu, "Sige na, kumain ka na Irog." Wala nang nagawa si Magayon kaya kumain na rin naman ito. Habang kumakain sila ay biglang bumaba ng hagdan si Amir, nagising na rin ito. "Magandang umaga po sa in'yo. Ina, at Ama," bati nito sa mga magulang. "Magandang umaga Anak. Halika na at kumain ka na," anyaya ni Magayon kay Amir na pupungas-pungas pa nang mga mata. "Wala pa po akong gana kumain, Ina." "Gano'n ba? Sige, sabihan mo na lamang ako kapag gusto mo nang kumain, ha?" bilin nito sa Anak. "Pumunta pala kami sa parang Irog, kasama ang mga kalalakihan nating kasamahan," ani ni Datu kay Magayon. "Ano ang gagawin niyo roon, Irog?" "Nais kong mag-ensayo sila, at gagawin nila 'yon tatlong beses sa loob nang isang linggo." dagdag pa ni Datu. "Gusto mo bang sumama, Anak?" agad naman sang-ayon si Amir at nagagalak pa ito. "Talaga po? Opo! Gusto ko po, Ama!" natawa naman si Datu Akbahri sa kagalakan nang kanilang anak. "Ina, gusto ko pong sumama," pagsusumamo nito kay Magayon na agad naman nitong pinayagan. "Oo naman, basta 'wag kang pasaway do'n habang nagsasanay sila. Maliwanag? Baka kung saan-saan ka magsuot at mawala ka sa gubat!" madiing bilin nito sa anak. "Opo Ina! Magpapakabait po ako ro'n," tugon naman ni Amir sa kan'yang Ina. "Mabuti naman kung gano'n. Pero bago 'yan kumain ka na muna, siyempre!" Nagkatinginan naman silang mag-asawa at sabay na natawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.4K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.7K
bc

EASY MONEY

read
174.0K
bc

Dangerous Spy

read
297.4K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.1K
bc

YOU'RE MINE

read
893.1K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook