bc

Daniela's Revenge

book_age18+
1.0K
FOLLOW
5.3K
READ
revenge
possessive
second chance
CEO
drama
office/work place
enimies to lovers
nanny
gorgeous
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa matinding sakit at kahihiyan na inabot ni Daniela sa hindi pagsipot sa araw ng kasal nila ng groom niyang si Drewner Ramsel, ang batam-batang CEO ng D'Luxury Jewelry ay kaagad siyang nagtungo sa ibang bansa. Doon niya ipinanganak ang mga naging bunga ng minsan nilang pagtatalik ng binata. Ngunit sa unang kaarawan ng kanilang kambal ay kinidnap siya kasama ang isa sa kambal. Tinangka siyang patayin ngunit nakaligtas siya, iyon nga lang ay nasunog ang kalahati ng kanyang mukha. Magmula noon ay hindi na niya nakita pang muli ang isa niyang anak hanggang sa bumalik siya sa bansa ngunit sa ibang mukha at katauhan. Natuklasan niya na ang nag-iisang anak ni Drewner ay kamukhang-kamukha ng kanyang nawawalang anak kaya nagduda siyang ito ang may pakana sa pagdukot at pagtangkang pagpatay sa kanya. Ipinangako niya sa sarili na babawiin niya ang kanyang anak sa kahit anong paraan at papapagbayarin niya ang lalaki sa ginawa nito sa kanya. Ngunit paano kung malaman niya ang totoong dahilan kung bakit hindi siya sinipot nito sa araw ng kasal nila noon at kung sino ang totoong may pakana sa mga nangyari sa kanya? May pag-asa pa bang madugtungan ang naudlot nilang kahapon lalo pa at may dalawang anak na sila at kambal pa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1.1
"Sige na, Daniela. Pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang. Birthday ko naman, eh, ipapahiya mo ba ako?" ungot kay Daniela ni Aron, ang birthday celebrant at may-ari ng condo unit kung saan nagaganap ang munting birthday party nito. Isinama lamang siya ng pinsan niyang si Lucy kaya siya naroon sa party. Pinilit lamang siya nito na sumama at kaya naman siya napilit na sumama ay para maiwasan niya ang never-ending na panenermon sa kanya ng kanyang daddy. Tanging mga kabarkada ni Lucy ang mga naroroon sa loob ng unit at nagmumukha siyang outcast sa kanila kaya napilitan siyang pagbigyan ang nais ni Aron. "Isang shot lang iinumin ko kasi mabilis akong malasing," aniya rito matapos abutin ang baso na may alak na iniaabot sa kanya ng binata. Naghiyawan ang mga taong naroon sa party nang inisang lagok niya ang laman ng baso. Hindi siya sanay uminom ng alak kaya kandasamid-samid siya nang dumaan sa kanyang lalamunan ang mapait at mainit na likido. Halos magkanda-luha siya sa pag-ubo habang nagtatawanan ang mga kaharap niya. "Iyan ang pinsan ko. Walang inuurungan," nakangising pagmamalaki ni Lucy. Nagsalin ito ng alak sa sariling baso at parang tubig na iniinom iyon. "Let's enjoy the party!" sigaw pa nito. Muling nagkaingay sa loob ng maliit na condo unit na kinaroroonan nila dahil nagpatugtog ng malakas si Aron. Halos mabingi na siya sa sobrang lakas ng tugtog ngunit hindi siya nagreklamo. Ayaw niyang masabihang killjoy. Pero nagdesisyon siya na magpapaalam siya mayamaya sa pinsan niya at sa birthday celebrant. Para kasing nag-iba ang timpla ng kanyang katawan. Parang bigla siyang nainitan na hindi niya mawari. "Lucy. uuwi na ako. Medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko," paalam niya sa pinsan nang hindi na siya makatiis sa kanyang nararamdaman. "Ha? Sabay na tayo sa pag-uwi. Magpapahatid naman tayo kay Aron. Kung gusto mo ay matulog ka na lang muna sa kabilang unit. Walang tao roon dahil nandito si Lino," pangungumbinsi nito sa kanya. Umalis ito saglit at pagbalik ay may dala nang susi at pagkatapos ay ibinigay sa kanya. "Susi iyan doon sa unit ni Lino. Number three-zero-six ang unit niya. Gigisingin na lang kita kung uuwi na tayo." Tango lamang ang naisagot niya kay Lucy. Tumayo na siya at lumabas ng condo unit kung saan patuloy na nagkakasiyahan sina Lucy at ang barkada nito. Paglabas niya ng kuwarto ay muntik na siyang matumba sa sahig kung hindi lamang siya biglang nakasandig sa dingding. Pakiramdam niya ay umiikot ang kanyang paningin kasabay ng sobrang init na kanyang nararamdaman. Kakaibang init ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi iyong init na naiinitan lang dahil sa panahon kundi init ng katawan na nangangailangan ng kapwa katawan para mawala ang init. Umi-ekis na naglakad siya sa hallway at sa nanlalabong mga mata ay pilit niyang hinagilap ang numero ng unit ni Lino. Nang makita niya ang hinahanap ay agad niyang nilapitan. Gustong-gusto na niyang makapasok sa loob ng unit para makapag-hubad siya ng kanyang damit. Sa sobrang init na nararamdaman niya ay tila hindi siya makahinga sa kanyang suot. Pagpasok na pagpasok niya sa loob ng unit ay agad niyang hinubad ang kanyang damit pagkatapos ay dumiretso sa kama. Tanging mga panloob na lamang niya ang natira sa kanyang katawan. Pabiling-biling siya sa higaan habang mariing nakapikit ang mga mata at hindi malaman kung anong posisyon ang gagawin niya. Masyadong mainit pa rin ang kanyang pakiramdam. Hindi nakabawas sa init ng katawan na nararamdaman niya ang paghubad ng kanyang damit. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit sobrang init ng pakiramdam ko? Kahit anong isip ang gawin niya ay hindi niya masagot ang kanyang mga katanungan maliban sa talagang hindi siya makapag-isip ng maayos. Naisip niyang maligo at baka sakaling mawala ang kakaibang init na nararamdaman ng kanyang katawan. Ngunit bago pa niya magawang makabangon sa kama ay bigla niyang naramdaman ang pagdantay ng isang mainit na bagay sa kanyang hita. Napadilat siya ngunit medyo malabo ang paningin niya kaya hindi niya makita kung sino ang pangahas na humahaplos sa kanyang hita pataas sa kanyang hubad na katawan. Ngunit isa lang ang nasisiguro niya nang mga sandaling iyon. Gusto niya ang dumagdag na init ng katawan na idinudulot ng mapangahas na mga kamay ng pangahas na iyon. Napapikit na lamang siya ng mariin at hinayaan ang kung sino mang pangahas na gawin ang anumang nais nitong gawin sa kanyang katawan. Mayamaya ay naramdaman niya ang maiinit nitong mga labi sa kanyang mga labi. Mas lalo lamang siyang nakaramdam ng init ngunit ang init na nararamdaman niya ay gustong-gusto ng katawan niya. Alam niya na mali ang ginagawa nila, mali ang ginagawa niya na hayaan ang estranghero na gawin ang ganoong bagay sa kanyang katawan. Ngunit wala na siya sa tamang pag-iisip. Ang tanging nasa isip na lamang niya nang mga sandaling iyon ay ang mapawi ang sobrang init na kanyang nararamdaman. At ang makakapawi lamang sa init na iyon ay ang taong nagpapala sa kanyang katawan ngayon. Tuluyan na siyang nagpatangay sa anumang nararamdaman ng katawan niya hanggang sa natapos at nangyari ang hindi dapat na mangyari sa kanilang dalawa ng kasama niya. NAALIMPUNGATAN si Daniela nang maramdaman na may gumagalaw sa kanyang tabi. Nakunot-noo siya kahit nakapikit ang mga mata. Sino naman kaya ang gumagalaw sa tabi niya? Siguro ang kanyang daddy at ginigising na naman siya ng maaga para magsimba. Iyon kasi ang palagi nitong ginagawa kapag Linggo. Ginigising siya ng maaga para sabay silang tatlo ng kanyang mommy na magsimba at pagkatapos ng misa ay kakain sila sa labas. "Dad, maaga pa. Gusto ko pang matulog," tinatamad niyang wika sa inaakala niyang daddy niya na siyang gumalaw sa tabi niya. Hinagilap ng kamay niya ang kumot at nang makapa ay agad niyang itinalukbong sa kanyang ulo. "So you think I am your father, huh," sabi ng baritonong boses. Saglit siyang nag-isip kung kailan pa naging baritono ang boses ng kanyang ama. Sa ideya na may ibang tao sa loob ng kuwarto niya ay agad siyang napabalikwas at naupo. "Drewner? Anong ginagawa mo rito sa loob ng kuwarto ko?" nagulat na tanong niya sa lalaking nabungaran niya pagmulat ng kanyang mga mata. Nakaupo ito sa tabi niya at may kumot na nakabalot sa kalahating hubad na katawan. "Do you think this is your room? Look at your sorroundings and see if all the things here belongs to your room," paangil na sagot nito. Hindi pa rin ito umaalis sa ibabaw ng kama at nananatiling nakatitig sa kanya ng matiim. "You don't remember what happened last night?" Sinunod niya ang sinabi nito. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kuwartong kinaroroonan nila. Hindi niya maiwasan ang mapakunot ng noo nang mapansin na hindi pamilyar sa kanya ang mga gamit na naroon sa loob ng kuwarto. "Bakit ako narito? Paano ako napunta rito?" naguguluhan niyang tanong nang masigurong hindi nga siya nasa loob ng sarili niyang kuwarto. Nang makita niyang nakatingin si Drewner sa katawan niya ay wala sa loob na napatingin din siya sa tinitingnan nito. Napatili siya nang makitang nakababa ang kumot hanggang sa kanyang baywang at wala siyang suot na damit. Mabuti na lamang at mahaba ang kanyang buhok kaya kahit paano ay bahagyang natakpan ng kanyang buhok ang malulusog niyang dibdib ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang pamulahan ng mga pisngi. "A-anong nangyari kagabi?" nauutal niyang tanong dito. Sa halip na sagutin ang kanyang tanong ay bumaba lamang ang mga paningin ni Drewner sa mga katawan nilang natatabunan lamang ng puting kumot. Tila siya nakainom ng suka nag sa wakas ay pumasok sa utak niya ang mga nangyari nang nakaraang gabi. Mula sa party ng kabarkada ni Lucy, sa pag-inom niya ng isang shot ng alak, ang biglang pagkaramdam niya ng kakaibigang init ng kanyang katawan, ang pagbibigay ni Lucy ng susi sa kanya at sa pagpasok niya sa kuwartong kinaroroonan hanggang sa maiinit na kaganapan sa pagitan nilang dalawa ni Drewner. Lahat ng iyon ay tila tubig na biglang dumaloy sa kanyang alaala. Ngunit hindi niya alam na ang lalaking nakasiping niya ay walang iba kundi ang pinakabatang CEO ng D'Luxury Jewelry na nagkalat ang mga branches sa iba't ibang panig ng Pilipinas at may branches din sa ilang bansa na nasa labas ng Pilipinas. Si Ramsel ay anak ni Tito Ramon na kaibigan naman ng kanyang daddy. Dati pa siyang may lihim na pagtingin dito ngunit itinago lamang niya dahil maliban sa malaki ang age gap nila ay alam niyang malaki rin ang gusto rito ng pinsan niyang si Lucy. Ayaw niyang magkasamaan sila ng loob dahil pareho sila ng lalaking nagugustuhan. At saka hindi naman siya sigurado kung papatulan siya ng binata dahil tila pagtinging kapatid lamang ang turing nito sa kanya. Ngunit ngayong may nangyari sa kanilang dalawa? Pagtinging kapatid pa rin kaya ang nararamdaman nito sa kanya? Ano na ang magiging relasyon nilang dalawa? "So, naalala mo na ang mga nangyari?" untag ni Drewner nang hindi siya umimik at nanatili lamang nakatingin sa kumot. Bago pa man siya makasagot ay biglang bumukas ang pintuan ng condo at iniluwa ang galit na hitsura ng kanyang ama kasunod ang matalik na kaibigan ni Drewner na si Jerson at ang magkahalong gulat at galit na hitsura ng pinsan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook