bc

What it takes to be a Real man

book_age18+
14
FOLLOW
1K
READ
HE
pregnant
kicking
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

What it takes to be a real man nga ba?There's a saying na real man wear pinks.But Doctor Glen literally loves pink. Not Because he is real man but he is a gay.She use to hang out with his three girl friends na walang sawa siyang sinasabihan na magpakalalaki. For him it's a big no!But what if, kung may makilala siyang isang makulit na pasyente na walang ibang plano kung hindi ang gawin siyang straight at paibigin siya?Will that girl do what ever it takes to make Glen a real man?That girl was Lynette. Ang amgirl na tumibok ang puso sa unang kita pa lamang nito kay Glen. At handa siyang gawin ang lahat para lang mapaibig at gawing tunay na lalaki ang gwapong doktor. Nang akmang bibigay na si Glenn ay siya namang paglala ng sakit ni Lynette. Dahil sa takot ay mas pinili ni Lynette na layuan si Glenn kesa ang makita siya sa kanyang kalagayan.Nang malaman ni Glenn ang sakit ni Lynette ay hinanap niya ang dalaga. Ginawa niya ang lahat, maging ang lumuhod at magmakaawa sa mga magulang ng dalaga ituro lamang nila kung nasaan si Lynnette.Nang magkita ang dalawa ay ay walang sinayang na oras si Glenn at inalagaan niya si Lynnette. At siya mismo ang gumamot sa dalaga. Akala ni Lynette ay ginagawa lang iyon ng binata dahil naaawa sa kanya. Kaya naging cold ang treatment ni Lynette kay Glenn.Ngunit sa paglipas ng mga araw at sa pagtityaga ni Glenn ay bumalik sa dati si Lynnette. Hanggang isang araw ay nag-propose si Glenn sa dalaga. Sa labis na tuwa ni Lynette ay naging pursigido siyang gumaling sa kanyang sakit. At nagpasya rin ito na aminin kay Glenn ang itinatago nitong lihim.During college days ay may nangyari sa kanila ni Glenn. Sa party ng batchmate nila. Dahil sa kalasingan ni Glenn ng gabing iyon, ay wala itong kamalay-malay sa mga naganap. At nagbunga ang isang gabi na iyon. Lumipas ang panahon at tuluyan na ngang gumaling si Lynnette, at naging tunay na rin na lalaki si Glenn. Namuhay ang mag-asawa ng Masaya kasama ang kanilang mga anak.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Glenn, kanina pa nagpapa-cute sa 'yo 'yung pasyente sa room 307. Pansinin mo naman 'yon," may himig na panunudyo na turan ng isa sa mga kaibigan ng doktor na si Glenn. Nasa pantry sila ng mga doktor sa pribado at sikat na ospital na iyon. Kung saan pinagkakaisahan na naman si Glenn ng mga kaibigan nito na puro mga babaeng doktor. "Tigilan nga ninyo ako. As if namang apektado ako sa pagpapa-cute niya, noh." Sabay irap ni Glenn sa mga kaibigan. "Hey! Hindi ka na talo roon, ah. Kutis pa lang halatang nanggaling din sa mayamang pamilya. And in fairness, mas maganda siya sa 'yo," pang-aasar din ni Dra.Gwen sa kaibigan. "Whatever! Pwede ba na isa na lang sa inyo ang tumingin sa kaniya?" tanong ni Glenn sa mga kaibigan. "Umiiwas? Siguro apektado ka na sa beauty ng pasyente mo, ano?" May himig panunukso rin sa tono ng kaibigan nitong si Tammy. "Oh my! Don't tell us na nagiging straight ka na?" Napatuptop sa bibig na react naman ni Brea. "Tigil-tigilan nga ninyo akong tatlo, ha. Never akong mahuhulog sa mga kauri ninyo, ano. Dahil mas diyosa ako sa inyo." Inirapan muli nito ang mga kaibigan. "Baka kainin mo 'yang sinabi mo, ha." Tinaasan ng kilay ni Brea ang kaibigan. "Never. Kahit magpustahan pa tayo." Hamon ni Glenn sa mga kaibigan. "Sige ba! Ipupusta ko ang boyfriend kong afam." Itinaas pa ni Tammy ang kamay nito. "Ay, bet! Ipupusta ko ang isang buwan na sahod ko," palaban na turan ni Gwen. "Game! A vacation in Bali ang pusta ko," confident na nakisali na rin si Brea. Naiiling na lang si Glenn sa mga kaibigan. "Kapag may nakarinig sa atin, baka mapagkamalan tayong mga sugarol na doktor. Pero seryoso ba kayo sa mga pusta ninyo?" "Seryoso kami. At confident din kami na mananalo kami against you." Nakangising saad ni Tammy. "Fine. Tignan na lang natin. Ihanda na ninyo 'yang mga pusta ninyo dahil mapapasaakin ang lahat ng 'yan." Saka iniwan ni Glenn ang mga kaibigan doon. Dumiretso ito sa pagra-rounds sa mga pasyente niya. At gaya nga ng inaasahan ni Glenn, nakaabang na sa kaniya ang pasyenteng si Lynette. Maganda si Lynette. Mahubog din ang katawan ng dalaga at mayroong mapupungay at magandang mga mata at kutis porselanang balat. Pero walang dating sa gwapong doktor na si Glenn ang magandang dalaga. Dahil isa itong binabae. Discreet nga lamang ito dahil may iniingatang reputasyon ng pamilya at pagiging doktor. "Hi, doc! I'm glad you came. Akala ko wala ka na balak na i-check ako, eh." Nagpapapungay pa ng mga si Lynette habang sinasabi iyon sa binatang doktor. "As if I have a choice. Kahit iritang-irita na ako sa kakulitan mo, wala akong magagawa kundi i-monitor ka. Dahil pasyente kita," masungit na turan ni Glenn sa dalaga habang chini-check ang heartbeat ng dalaga. "Can you hear that, doc pogi?" pilyang tanong ni Lynette kay Glenn na hindi naman maipinta ang mukha. "Ang lakas ng t***k ng puso ko 'di ba? Dahil 'yan sa 'yo." "Buhay ka. Kaya tumitibok ang puso mo," pagsusungit ni Glenn sa dalaga. "Buhay ako at tumitibok ang puso dahil sa 'yo," pangungulit pa rin ni Lynette. Kaya lalong napasimangot ang gwapong doktor. "Ngumiti ka naman diyan. Sayang ang kagwapuhan mo, kung lagi kang nakasimangot." Seryosong tinitigan ni Glenn ang dalaga. "Tigilan mo ako para hindi ako sumimangot. Sinisira mo ang araw ko, eh." "Ang harsh mo naman sa'kin, Doc Pogi. You're hurting me. Alam mo ba 'yon? Alam mo naman na sensitive ang puso ko." Nakangusong reklamo ni Lynette. Inirapan naman ito ni Glenn. "Tigilan mo na kasi ako, okay? Dahil obviously, hindi kita type." "Ouch! Pero ako ikaw lang ang type ko, Doc Pogi." Sabay kindat ni Lynette sa binata. Napapikit na lang si Glenn sa sobrang inis nito sa dalaga. Pagkatapos nitong i-check ang pulse rate, at IV ng dalaga ay agad na itong tumalikod para umalis. "Doc Pogi, aalis ka na? Hindi ba pwedeng mag-stay ka muna rito? I'm bored na, eh. Gusto ko ng umuwi, ayaw naman ninyo akong payagan," pahabol ni Lynette bago pa makaalis ng tuluyan si Glenn. "Kapag sure na okay ka na, ako pa mismo magpapa-discharge sa 'yo." Saka tuluyang umalis si Glenn sa silid ng dalaga. "Psh! Ang sungit talaga ng mahal ko. Pero hindi kita susukuan. Maiinlove ka rin sa akin." Nakangusong wika na lang sa sarili ni Lynette. Determinado ang dalaga na mapaibig ang gwapong doktor na may pusong babae. Kaya naman habang naka-confine ito sa ospital ay wala itong inatupag kung hindi ang kulitin si Glenn. Sa pantry naman naglalabas ng inis sa dalaga si Glenn. "Ano ba naman 'yang mukhang 'yan? Ngumiti ka nga," sita ni Brea sa kaibigan. Kasalukuyan silang nagme-meryenda sa pantry. "Inuubos ng babaeng 'yon ang pasensya ko." Inis na nilagok ni Glenn ang hawak na tasa ng kape. "Pagbigyan mo na kasi. Malay mo naman siya na pala talaga ang destiny mo," "Tammy is right. Maybe she can make you a straight guy." Nakipag-apir si Gwen kina Tammy at Brea after saying that. Lalo namang hindi maipinta ang mukha ni Glenn. "Tigilan nga ninyo ako. Ayan na naman kayo, eh. I'm not into girls. And that's final. Hindi ang babae na 'yon ang makakapagpabago ng mga pananaw ko sa buhay, okay? I'm gay and that's it. No one can change me." "Ano ka ba naman? Why not give it a try? Wala namang mawawala sa 'yo, ano!" giit ni Brea sa kaibigan. "I agree. Sayang ang lahi, noh! I'm sure your parents will be happy," "Gwen is right. Lalo na at gusto rin ng parents mo na magkaapo, anoh!" dagdag pa ni Tammy. "I knew it. Pagtutulungan na naman ninyo ako. Gusto niyo lang manalo sa pustahan. Kaya, you were trying to convince me, na patulan ang babae na 'yon. Diyan na nga kayo!" Inirapan ni Glenn ang mga kaibigan. Bago ito nagmartsa paalis ng pantry.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

POSSESIVE MINE

read
970.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.1K
bc

His Obsession

read
72.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook