bc

The Forbidden Mate (Bloodline Series #3)

book_age18+
1.1K
FOLLOW
4.6K
READ
forbidden
goodgirl
luna
bxg
mystery
werewolves
vampire
small town
like
intro-logo
Blurb

Bloodline Series #3

Warning! This story contains scenes that are not suitable for young readers. Please be advised.

Rated R18+

***

Being a Vaz Luna and the fruit of a forbidden affair, her Uncle hid Amelia for many years. She was living quietly until she meets, Vhal Gerald, a Domon.

Her peaceful world started to complicate when she falls in love with a werewolf.

Will she stop herself from loving Vhal Gerald? Or will she repeat the mistakes of the past?

Copyright © 2021 by Ameiry Savar

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Amelia Cortez
Pumikit si Amelia at humugot ng malalim na hininga. Hinayaan niyang dumampi sa kanyang pisngi ang malamig na pang-umagang hangin. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata noong maramdaman niya ang sinag ng araw. Napangiti siya nang makita niya ang luntiang langit. Namumuo roon ang mga ulap na nagmimistulang bulak na nakalutang sa langit. Katatapos niya lamang mag-agahan at mag-ensayo kasama ang kanyang Nana. Ngayon naman ay papunta na siya sa gitna ng kakahuyan. Araw-araw ay hinahayaan niya ang kanyang lobo na maggala sa kagubatan na nakapaligid sa kanilang mansyon. Akma na sana niyang huhubarin ang kanyang damit nang makaramdam siya ng presensyang papalapit sa kanya. Agad siyang pumihit patalikod at nakita niya ang kanyang Nana, si Maxine, ang taong nagpalaki sa kanya at nag-aalaga hanggang ngayon. Ngumiti siya rito. “Nana!” tawag niya at lumapit dito. “Aalis ka po?” Tumango sa kanya si Maxine. “May bibilhin lang ako saglit sa bayan. Pupunta ka ulit sa kakahuyan?” tanong nito. “Opo, Nana.” Bumuntong hininga si Maxine. “Sige, pero h’wag kang magpapagabi ha? Babalik din ako kaagad.” Masayang tumango si Maxine. “Opo, Nana! Mag-iingat po kayo.” Niyakap niya ito ng mahigpit. Gumanti rin ng yakap sa kanya si Maxine. Pagkatapos ay tinapik na nito ang kanyang likod. “Sige na. Mag-iingat ka rin.” Kumalas na si Amelia sa pagkakayakap sa kanyang Nana. Hinatid niya muna ito ng tingin saka muling humarap sa kagubatan. Mula noong nagkaisip si Amelia ay ito na ang kinagisnan niyang lugar. Ni minsan ay hindi siya nakaalis sa lugar nito at tanging sa gitna lamang ng kagubatan ang nagsisilbi niyang pasyalan. Sabi ng kanyang Nana ay hindi siya pwedeng makita ng ibang mga nilalang dahil maaring ikapahamak niya. Noong una ay nagtataka siya sa sinasabi nito, ngunit noong magdalaga siya at nag-umpisa nang magpalit ng anyo bilang lobo ay doon lamang niya naunawaan. Bukod sa natatakam siya sa dugo ay nagiging lobo rin siya. Sabi ng kanyang Nana ay isa siyang Vaz Luna. Isa rin namang Vaz Luna ang kanyang Nana Maxine ngunit hindi ito ang kanyang ina. Mayroon siyang tiyo na palaging nagpupunta sa kanya at binibisita siya, pero hindi rin daw ito ang kanyang ama. Ang kanyang tiyo ang mariin na nagsasabing hindi dapat siya umaalis ng mansyon. Hindi niya alam kung ano ang dahilan nilang dalawa pero hindi na lamang siya sumasalungat sa mga ito. Bukod kasi sa ang kanyang Tiyo na lamang ang nag-iisa niyang pamilya, malaki rin ang respeto niya kay Nana Maxine niya na tumayong magulang na rin niya. Isa pa, masaya na siya kahit mag-isa lamang siya sa mansyon. Masaya na siya na kasama ang mga hayop sa kagubatan. Huminga muna siya ng malalim. Noong masiguro na niya na wala na ang presensya ng kanyang Nana Maxine ay hinubad na niya ang kanyang suot na bestida. Hindi niya alintana kahit na makita ang kanyang kahubaran dahil wala rin naman makakakita sa kanya rito dahil nag-iisa lamang siya. Muli siyang huminga ng malalim saka ipinikit ang mata. Ilang sandali lamang ay nakaramdam na siya ng pagkabali ng kanyang mga buto at paglagutok ng mga iyon. Unti-unti rin siyang nakaramdam ng paglabas ng mga balahibo mula sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Pagkalipas ng ilang sandali ay tuluyan na siyang naging puting lobo. Noong una siyang naging ganito ay labis siyang nahirapan. Sumakit ang buong katawan niya dahil sa pagpapalit niya ng anyo. Matapos ng ilang beses niyang pagpapalit anyo ay nakasanayan na niya iyon. Hindi na siya nahirapan pa at nasaktan. Kinaskas na niya sa lupa ang isang kaliwa niyang kamay. Humuni muna siya sa pagkatapos ay tumakbo na papunta sa gitna ng kagubatan. Hindi siya nabuboryo sa kahit na mag-isa lang siya rito sa mansyon o sa gitna man ng kagubatan. Halos kasundo na niya lahat ng mga hayop na andito. Habang tumatakbo siya ay mayroong sumunod sa kanyang puti ring kuneho. Kasa-kasama niya ito palagi tuwing nasa gitna siya ng kagubatan. Ilang sandali pa ay narating na niya ang kanyang pakay. Tumigil siya sa pagtakbo at lumapit sa gilid ng maliit na lawa, sa gilid nito ay mayroong hindi kataasang talon. Muli siyang bumalik sa normal niyang katawan. “Na miss ko ‘to!” nakangiti niyang sabi kahit galing din siya rito kahapon. Muli ay hindi niya inalintana na malantad ang kanyang kahubaran sa paligid. Sa gitna ng kagubatan lamang siya nakakaramdam ng pagiging malaya. Nasasabik na tumalon si Amelia. Hinayaan niyang lumubog ang kanyang maliit na katawan sa tubig. Noong lumubog siya ay sandali muna siyang nanatili sa ilalim. Pigil-pigil niya ang kanyang hininga habang pinagmamasdan ang ibabaw ng lawa. Kumikintab ang sinag ng araw na tumatama sa tubig. Iniahon niya ang kanyang katawan sa tubig at nagpalutang-lutang na lamang. Para siyang batang nagtatampisaw sa lawa. “Ang sarap talaga ng tubig dito, ‘di ba? Leo?” tanong niya sa kunehong sumabay sa kanya kanina. Humuni lamang ito ngunit na unawaan niya ang pagsang-ayon nito. Sandali siyang umahon sa tubig at umupo sa mabatong parte ng lawa. Kanyang pinagmasdan ang rumaragasang tubig mula sa taas ng lawa. Inilublob niya ang kanyang kamay sa tubig. Maya-maya pa ay nahati sa gitna ang rumaragasang tubig sa talon. Napangiti siya. Sabi ng Nana niya ay isa siyang kalahating bampira at kalahating lobo. Pero hindi pa niya naipapaliwanag sa kanya kung bakit niya nagagawang kontrolin ang kalikasan. Kinuha na niya ang kanyang kamay mula sa tubig kaya muling bumalik sa rati nitong itsura ang talon. Akma siyang tatalon muli noong makaramdam siya ng isang presensya. Agad siyang lumingon sa kanyang likuran upang tingnan kung ano ang andoon. Suminghot-singhot pa siya dahil malakas ang kanyang pakiramdam na mayroon siyang kasamanag iba. “Sinong andiyan?” mariing tanong niya. Tumayo siya at nag-umpisang maglakad papunta sa isang puno. Agad siyang napa-angil nang may maamoy siyang lobo. Imposible. Mag-isa lang siya sa mansyon at sa kagubatan dahil ang lugar na ito ay pagmamay-ari nila. Mula noong tumira siya rito ay wala nang sino man ang nakapapasok sa lugar na ito. Maging tao man, bampira, o lobo. Lalo na nag isang lobo dahil pinagbabawal sa kanila ang makipag salamuha sa mga ito. “Lumabas ka! Alam kong andyan ka!” sigaw niya. Humaba na ang kanyang pangil at naging lila ang kulay ng kanyang mga mata. Humaba rin ang kanyang mga kuko. Inilang hakbang niya ang malaking puno sa ‘di kalayuan ngunit natigilan siya noong pagtingin niya roon ay wala siyang nakitang kahit na ano. Hindi siya pwedeng magkamali. Mayroon siyang naramdaman na presensya kanina at na amoy niya iyon. Paanong nagkaroon ng lobo rito? tanong niya sa kanyang sarili. Bukod sa kanilang dalawa ng kanyang Nana ay wala nang iba pang lobo ang nakatira roon. Nakiramdam pa siya saglit at noong wala na talaga siyang maramdaman na presensya ay muli niyang binalik sa normal ang kanyang sarili. “Naramdamam mo rin iyon, Leo?” tanong niya sa kunehong nasa tabi na niya. Panay ang pagsinghot nito. “May lobo rito kanina, ‘di ba?” Humuni ang muntik kuneho. Napabuntong hininga si Amelia. Kailangan niya iyong masabi sa kanyang Nana mamaya. Minabuti na lamang niyang umuwe at bukas na lamang niya itutuloy ang pagpunta sa tuktok ng bundok. Naglakad na siya pabalik sa kanilang mansyon. Akma na siyang magpapalit anyo ngunit muli siyang natigilan noong mayroon siyang narinig na pagkabali ng sanga ng mga puno. Muli siyang napaangil. Nagpalinga-linga siya sa paligid hanggang sa nahagip ng kanyang mga mata ang tumatakbong lobo papalayo sa kanya. Lalo siyang napaangil. Muling bumalik ang kanyang pangil at ang pagiging lila ng kanyang mga mata. Tumakbo siya upang habulin ang tumatakas na lobo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.5K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook