bc

My Ice Cold Magus

book_age16+
5.1K
FOLLOW
26.7K
READ
HE
opposites attract
drama
like
intro-logo
Blurb

Nakatanggap si Juliet Marcelino ng sulat mula sa kanyang lola na nagmamay-ari ng isang napakalaking hasyenda. Kinailangan niyang umuwi dahil malala na daw ang sakit nito at may importanteng sasabihin.

Subalit sa pagpunta niya kay Senyora Florencia ay sinalubong siya ng kapahamakan. May mga taong nagtangkang patayin siya. Mabuti nalang at mabilis siyang kumilos, nailigaw niya ang mga masasamang loob. Nakatakas siya dahil sa tulong ng isang nakaparadang sasakyan sa di kalayuan kung saan siya hinarang ng mga gustong pumatay sa kanya.

Ang akala niya ay makakatakas na siya sa kinasuungang panganib. Pero hindi pala. Dahil nakilala niya ang pinakaantipatiko, pinakamasungit at pinaka-supladong lalaki sa mundo. Tingin niya ay kasinlamig ng yelo ang puso ni Magus Romano – ang may-ari ng sasakyan na ginamit niya sa pagtakas.

Dahil ginawa siya nitong katulong sa malaki nitong bahay kapalit ng pagtulong daw nito. Nang una ay asar siya dito subalit ilang araw lang ang nakalipas nang pagsisilbi niya dito ay tila gusto na niya itong pagsilbihan habambuhay…

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“MUKHANG ang lalim nanaman ng iniisip mo diyan.” Mula sa pagkakatulala ay tila nagising si Juliet nang marinig niya ang boses ng kasama niyang crew sa burger machine na iyon. Nilingon niya ito na kapapasok lang sa loob ng puwesto nila. Ang burger machine ay nakapuwesto sa isang kanto na malapit sa isang parke sa bandang Quezon Ave. Pasado ala una iyon ng tanghali at papasok palang ito sa shift nito. Siya naman ay alas sais pa kanina pumasok at mamayang alas dos ang out niya. “Iza, nandiyan ka na pala. Hindi ko napansing dumating ka na.” aniya sa bagong dating na kasama na kaibigan na rin. “Papaano mo naman ako mapapansin eh mukhang ang lalim-lalim ng pinaghuhugutan mo. Nakatingin ka nga sa tinatali mo pero ang isip mo ay nasa ilalim yata ng lupa.” Tumingin ito sa papel na hawak niya. Sa isang kamay ay hawak niya ang calculator. Kasalukuyan niyang pinagtatali ang mga naibenta na niya kanina. Ibinalik niya ang paningin sa ginagawa. “Pasensiya ka na. Naalala ko lang kasi sila nanay at tatay.” Bumuntong-hininga siya. “Siguro kung nabubuhay sila ngayon ay masaya sila dahil nakapagtapos na ako ng pag-aaral.” Tinapik nito ang balikat niya. “Sigurado naman tayo diyan fren. Pero sigurado rin akong malulungkot sila kapag nakikita kang nalulungkot hanggang ngayon.” pahayag ni Iza habang inilalagay ang bag nitong dala sa cabinet na nasa bandang ulunan nila. Malungkot siyang ngumiti. “Nami-missed ko na kasi sila.” Nag-ulap ang kanyang mga mata. Tumabi ito sa kanya at humawak sa kanyang balikat. “Naiintindihan kita. Mabuti pa siguro ay maghanap ka na ng boyfriend. Simula ng magkakilala tayo e wala pa akong nakikitang boyfriend mo. Ang dami mong manliligaw na umaaligid dito pero wala ka man lang sinagot ni isa. Paano ka magkaka-boyfriend niyan? Sigurado ako. Kapag nagkaroon ka na ng boyfriend, hindi ka na malulungkot ng ganyan.” Suhestiyon at litanya nito. Umingos siya. “Naku Iza! Wala akong planong kumuha ng batong ipupukpok sa ulo ko. Isa pa, masyado pa akong bata. Hindi ko pa iniisip iyan. Kung darating siya ay darating siya. Sa ngayon ay focus muna ako sa trabaho. Kung papalarin ay gusto ko sanang magturo nalang. Kaya lang kailangan ko pang mag-take ng exam.” “Huwag kang mag-aalala. Makakapasa ka. Magiging teacher ka at hindi magtatagal ay tatawagin kang Teacher Juliet. O kaya Ma’am Juliet.” Pumilantik pa ito sa ere na nagpangiti sa kanya. “Ako naman ay magiging nurse na at tatawagin akong Nurse Iza. O diba? Bongga. Hindi na tayo magtatrabaho dito.” “Sana nga Iza. Pangarap ko rin iyang mga sinabi mo.” “Kaya huwag ka ng magmukmok pa riyan. Smile na ulit.” Tinapik pa nito ang babae niya. Tuluyan na siyang ngumiti. Ganito lagi ang kaibigan niya. Kapag malungkot siya ay nagagawa nitong pangitiin siya. Parang hindi ito marunong malungkot at walang problema. Pero kagaya niya ay mahirap lang din ang pamilya nito. Marunong lang talaga itong magdala ng problema. Nang mga sumunod na oras ay naging abala na sila sa trabaho. NAGSALUBONG ang mga kilay ni Juliet nang makita niya ang isang nakaparadang itim na kotse sa harap ng kanyang bahay. Bihira iyong mangyari – ang may magparada roon maliban kung nakiki-park lang. Wala naman kasing mayaman sa mg kapitbahay niya. Hindi naman masasabing squatter ang lugar nila. Siguro ay mas lamang lang sila roon ng kaunti. Mabilis niyang hinagilap sa isip niya kung may inaasahan ba siyang bisita sa araw na iyon. Pero wala siyang maalala. Kung isa nanaman ito sa kanyang manliligaw – oo, nagkakaroon din naman siya ng manliligaw na may kaya at may wheels - ay talagang itataboy niya. Wala siyang planong mag-entertain ng manliligaw sa mga oras na iyon. Nagpatuloy siya sa paghakbang palapit sa kanyang bahay. Noon bumaba ang isang may edad na lalaki mula sa loob ng kotse. Kagalang-galang ang bihis nito at mapagkakamalang may kaya sa buhay. May hawak itong isang maliit na attaché case sa kaliwang kamay nito. Saktong tumapat siya sa kotse ay lumapit sa kanya ang matanda. “Magandang hapon sa iyo hija. Ikaw ba si Juliet Marcelino?” anito sa kanya ng makalapit sa kanya. Maaliwalas ang anyo nito at mukhang mabait naman. Bahagya pa itong ngumiti sa kanya. Kumunot ang kanyang noo. “Bakit ho?” sigurado niyang hindi niya ito kilala. Lalong hindi niya ito manliligaw. “Ako nga pala si Attorney Mendoza, Attorney Crisanto Mendoza.” Nakipag-kamay ito sa kanya. Blangko ang ekspresiyon ng mukhang inabot niya iyon. Mas lalo siyang nagtaka. Nagpatuloy ito. “Marahil ay nagtataka ka kung bakit ako nandito ngayon. Alam kong hindi mo din ako kilala pero ikaw, kilala kita.” Tuluyan nitong nakuha ang kanyang atensiyon. “A-ano hong ibig niyong sabihin?” nagsimula siyang maguluhan. “Kung iyong mapapayagan, maari nating pag-usapan ang lahat ng sasabihin ko sa iyo sa loob ng iyong bahay. Hindi naangkop dito sa labas ang mga dapat nating pag-usapan.” Sa halip ay seryosong wika nito. Tumabingi ang ngiti niya. “P-pasensiya na ho pero hindi ako basta-basta nagpapasok ng hindi ko kakilala sa loob ng aking bahay. Ano ho ba talaga ang kailangan ninyo sa akin?” aniyang umiral ang pagdududa. Madaming modus ngayon kaya sobrang higpit niya sa pagpapasok sa kanyang bahay simula ng mapag-isa nalang siya. Maliban sa mga talagang kaibigan at pinagkakatiwalaan niyang kakilala. Tumango ito. “Naiintindihan ko.” May kinuha ito sa loob ng suot nitong amerikana. “Heto. May ipinabibigay sa iyo ang lola mo.” iniabot nito ang isang puting sobre sa kanya. Nagtatakang tiningnan lang niya iyon. “Lola ko? Sino hong lola ko? Matagal ng patay ang lola ko.” “Ang tinutukoy mo ay ang lola mo sa ina. Pero buhay pa ang lola mo sa ama. Kung natatandaan mo ang pangalang Florencia Marcelino.” Natigilan siya. Marcelino? Apelyido ng tatay niya. Ilang beses na niyang narinig ang pangalang iyon mula sa kanyang ama. Kasabay ng paniningkit ng kanyang mga mata ay umawang ang kanyang labi. “Lola ko sa ama?” Natural may lola siya ama. Pero kahit kailan ay hindi pa niya iyon nakita. “Oo hija. Ako ang abogado niya. Marami ka pang dapat malaman pero kung hindi ka pa handa ay hindi kita pipilitin.” Mapang-unawang wika nito. “Maaari mo akong tawagan sa numerong ito kung handa ka na.” muli ay may inabot itong maliit na tarheta sa kanya kasabay ng sobre. Napipilitan lang na tinanggap niya iyon. “Sa ngayon ay hinihiling kong basahin mo ang nilalaman ng sulat na iyan. Galing iyan sa lola mo. Aalis na ako Juliet. Sana ay makatawag ka sa akin sa lalong madaling panahon. ” Wala sa loob na napatingin siya sa sobreng hawak. Matapos siyang tumango ng marahan sa matanda ay nagpaalam na ito. Naiwan siyang punomg-puno ng pagtataka.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook