bc

A Better Change for a Better half

book_age16+
696
FOLLOW
1.9K
READ
student
sweet
bxg
humorous
lighthearted
campus
friendship
self discover
school
chubby
like
intro-logo
Blurb

Louise Reyes is a HRM student.

A loud person who loves to spent time with her friends.She loves to hang out with them most of the time instead of staying in their house. But behind those smile and laughter was a deep wound and sadness.Because of the frustrations and emptiness she felt inside.

Just like any other girl, she is a hopeless romantic too.

Who's hoping to met and have the guy of his dream.

And when James Cruz came into her life, she has to deal with the changes and challenges that going to happen in her life.

But the biggest challenge for her is to lose weight and stop partying.

Can she change for the better for her future better half?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Late
"Ano ba ‘yan! Late na naman ako!” Nagmadali s’yang naligo at naghanda para sa pagpasok. At kaya siya inumaga na naman ay dahil nasa gimikan siya. Ang tindi nga n’ya dahil kahit umagahin s’ya sa gimikan ay may lakas pa s’ya para pumasok sa University na pinapasukan n’ya. And after nang klase n’ya as usual gigimik na naman s’ya. Daily routine n’ya na yata ‘yun. Ang non-stop na pag-gimik kasama ng mga kaklase at tropa n’ya na mga gimikero rin. Pero siyempre may mga kaibigan din s’ya na handang batukan s’ya para magtino. "Ang hard n'yo sa’kin, ‘no?" reklamo n'ya sa mga kasama. Hindi kasi s'ya pinapansin ng mga ito. “Kami pa ngayon ang hard sa’yo? May usapan kaya tayo pero ano’ng petsa na? Ngayon ka lang dumating,” mataray na sabi sa kanya ni Zoe. Si Zoe kung titignan mo s'ya mukha s'yang hindi makabasag pinggan. Tahimik at mukhang mahiyain pero masungit na, mataray pa ‘yan, IT student pa. "Oo nga. Namuti na mga mata namin kahihintay sa’yo,” dagdag pa ni Maricar. Kung si Zoe mukha lang maamo, si Maricar maamo talaga. Matampuhin pero mabait at maaalalahanin. Isa siyang education student. "Pasensya naman, puyat lang," katwiran ni Louise. "Siguro gumimik ka na naman kagabi.” Si Anna na busy sa cellphone n'ya. Si Anna, ang fashionistang boy's magnet pero loveless. Mabait din na kaibigan na may pagka-alien kung minsan. Isa siyang Masscom student. "Nako,’Te! Nanlalake ka na naman kagabi hindi mo man lang ako sinama,” sumbat ni Mimi. Si Mimi, ang chubby este sexy pala, sabi n'ya. Makulit na mabait. At higit sa lahat matakaw. Isa siyang Psychology student. "Sira! Nanlalake ka d’yan! At saka as if naman na pwede ka, ‘no! Basta sorry na guys. Nandito na naman ako, eh. So, ano’ng meron?" sambit niya na sinusubukan n'yang baguhin ang mood ng mga ito. Pero hindi sila madaling amuin lalo na si Zoe. "Nawalan na kami ng gana. Hindi ka na lang namin isasama.” Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. "Gano’n? Sorry na nga, eh. Ano ba ang kailangan kong gawin para mapatawad n'yo ako?" paawa effect na tanong ni Louise sa mga kaibigan. "Oh, ano raw ang gagawin n'ya para mapatawad natin s'ya?" sabi ni Mimi habang namamapak ng chitchirya. "Ano sa tingin n'yo guys?" tanong ni Maricar kila Anna at Zoe. "May naiisip ka ba ate Zoe?" baling naman ni Anna kay Zoe. "Naiisip n'yo ba ang naiisip ko?" Makahulungang tumingin ito sa tatlo. "Mukhang nagkakaintindihan tayo, ah,” saad ni Maricar. "Oy! Ano ‘yang tinginan na ‘yan, ha. Dapat yata akong kabahan, ah," Louise. "Hindi ikaw ang dapat kabahan," sabi ni Anna. "Oo nga. Kundi ang wallet mo!" Sabay tawa ni Mimi. "Walang’ya! Sabi na nga ba, eh!" maktol ni Louise. "Dahil ginutom kami sa kahihintay sa’yo, ililibre mo kame,” Zoe said with evil smile. "Tama! Kaya tara na! Doon tayo mag-usap sa cafeteria,” aya ni Maricar sa kanila. "Yehey! Ililibre tayo ni Louise!" Pumapalakpak pa’ng sabi ni Mimi. "May choice ba ko?" tanong ni Louise. "Wala! Kaya tara na.” Hinila na s'ya ni Anna. "Fine." Sumunod na lang s'ya sa mga ito dahil wala rin naman s’yang magagawa kapag nagtulungan na ang mga ito. Anong laban n'ya sa apat, ‘di ba? Sa cafeteria napapakamot na lang s'ya sa ulo. Paano ba naman, mukhang masisimot ang laman ng wallet n'ya. "Mukhang ginutom talaga kayo, ‘no?" sarkastiko na tanong n'ya. "Sobra! At kasalanan mo ‘yun,” sabi ni Mimi na busy na sa paglamon. "Hoy, Mimi! Parang kumakain ka na kanina pagdating ko ‘di ba?" sita ni Louise rito. "Chicha lang ‘yun,’no!” asik ni Mimi. "Para namang hindi kayo magkabituka ng isang ‘yan,” biro ni Maricar. "Ha!Ha! Tama,” pagsang-ayon dito ni Anna. "Grabe! Pati kayo ang dami n’yong binili? Sa payat n'yong ‘yan? Ang tatakaw n'yo!" reklamo ni Louise sa tatlo. "Hay naku! Sinabi mo pa! Ang tatakaw rin ng mga ‘yan. Kaso ang daya hindi sila tumataba,” reklamo rin ni Mimi. "Oo, Kasi kayo lang ang tumataba. Ha!Ha!" asar pa sa kanila ni Anna. "Ang hard!" duet nina Louise at Mimi. "Subukan n'yo kasing magdiet at mag-exercise,” payo ni Maricar. "Tama si Maricar. Hindi ‘yung puro lalake ang nasa utak n'yo,” pang-uuyam ni Zoe sa dalawa. "Excuse me, ‘Te? Hindi naman ako nanlalake, ah. Si Louise lang ‘yun, eh,” pagtutol ni Mimi sa sinabi ni Zoe. "Ako na naman? Mga tropa at classmate ko lang ang mga ‘yun, ‘no," palag din ni Louise. "Sabi n'yo, eh. Oo nga, pala about ‘dun sa lakad natin sa weekend,” banggit ni Maricar nang maalala niya "Oo nga pala, Tungkol saan ba ‘yan? Bakit nagpatawag kayo ng urgent meeting?" tanong ni Louise. "Si ate Zoe na ang magpapaliwanag sa’yo.” Sabay turo ni Anna rito. "Ano’ng ako? Si Maricar kaya. ‘Di ba, sis?" Pasa naman dito ni Zoe. "Eh, sabi ko nga, eh. Ako na magpapaliwanag sa kanya.” No choice s’ya. "Go, ‘Te!" cheer ni Mimi kay Maricar. Kapag may napagtulungan sa kanila wala ng palag. Kaya naman si Maricar na ang nagpaliwanag sa kanya. Tungkol ito sa orphanage na tutulungan ng org nila. At ‘yun ang balak nilang puntahan sa weekend. "Ah...okay. Naparusahan n'yo ko dahil sa late ako ng dahil lang ‘don?" react ni Louise after ng paliwanag ni Maricar. "Hoy! Louise Reyes! Hindi ‘yun basta lang, ‘no! Tutulong tayo sa mga less fortunate children. Mas mahalaga ‘yun kesa sa pag-gimik mo!" singhal sa kanya ni Zoe. "Puso mo sis,'' awat dito ni Maricar. "Ayan ginagalit mo si ate Zoe," dugtong pa ni Mimi. "Shut up, Mimi! Kumain ka na lang d’yan!” saway dito ni Louise. “Sorry naman hindi ko na ila-lang ‘yon.” "Kumain lang ako? Ililibre mo pa ko ulit?" biglang banat na naman ni Mimi. "Ay, ang takaw talaga nito, ‘no? Ang dami mo na nga’ng nakain ‘dyan, eh," sita ni Louise rito. "Pareho lang tayo, ‘no!" Mimi. "Hay nako, Basta sa Saturday bawal ma-late, ha,” paalala ni Maricar. "Excited na ko! ‘Di ako magpapa-late,” sabi ni Anna. "Ano’ng meron? Bakit excited ka?" nagtatakang tanong ni Louise rito. "Maraming gwapong kasama, eh," sagot ni Maricar. "Kaya naman pala, eh.” Napatango na lang si Louise. "Kunwari ka pa! Pare-pareho lang tayong excited basta may gwapo, eh!” sabi ni Zoe na hindi na badtrip. "Hindi kaya! Kayo lang ang excited, eh." Louise. "Hoy! Louise! Umayos ka, ha. ‘Wag mo kaming paghintayin sa Saturday, ha," paalala sa kanya ni Maricar. "Oo na po, I'll be there." Louise. "Siguraduhin mo lang, ha," sabi ni Anna. "Matakot ka kay ate Zoe,” dagdag pa ni Mimi. At tinapos na nila ang pagkain at pumunta na sa kani-kanilang klase. And when weekend comes, siputin nga kaya ni Louise ang mga kaibigan?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook