bc

Bedroom Negotiations

book_age18+
8.6K
FOLLOW
31.1K
READ
sweet
bxg
city
realistic earth
sassy
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Cougar Series Collaboration.

Warning! This story consists of scenes that are not suitable for very young readers!

-----

Nang malaman ni Sheila na nagkaroon na rin ng kasintahan ang matalik niyang kaibigan. Na isipan niya rin na maghanap ng lalakeng magpapainit ng kanyang gabi. Kaya naman nang makita niya si Anton sa isang dating site ay nakipagkita na siya rito. Ngunit laking gulat niya noong makita na bente singko anyos pa lamang ito, malayong-malayo sa kanyang edad na kwarenta y dos. Magkagayon pa man ay nagpatuloy si Sheila sa pakikipagkasundo sa binata.

Ngunit habang tumatagal ay hindi niya inakala na magkakaroon siya ng nararamdaman dito. Ang kanilang kasunduan na tanging sa kama lamang, ngayon ay nababahiran na ng kanilang mga damdamin na hindi mapigilan.

Copyright © 2021 by Ameiry Savar

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Oh, pak! Yummy!” natatawang sabi ni Sheila habang nakatingin sa kanyang android cellphone. Nagi-scroll siya sa newsfeed niya nang may makita siyang larawan ng isang lalake na nakahubo. Kitang-kita ang nagpi-flex nitong muscles. Nakagat niya ang kanyang labi at ini-zoom pa niya ang picture kaya mas malinaw niyang nakita ang abs nito. Nakagat na lamang niya ang kanyang labi. “Tita!” Napaigtad si Sheila nang marinig niya ang boses ng kanyang pamangkin na si Jay. Halos mabitawan na niya ang hawak niyang cellphone. Mabuti na lang at nasa sofa siya at hindi iyon na hulog sa sahig. Nakita niya ang binatilyo na papasok sa kanyang bahay. Humahangos pa ito at may dalang timba. “Ano ba?! Papatayin mo ba ako sa gulat?!” inis na sabi ni Sheila. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at lumapit dito. Kakamot-kamot naman sa ulo si Jay. “Eh sorry na po. Tapos ko na po kasing pakainin ang mga manok at baboy sa farm.” “Buti naman.” Tumalikod si Sheila sa binatilyo at naglakad pabalik sa kanyang kinauupuan kanina. Kinuha niya ang wallet niya roon at muling nilapitan si Jay. Kumuha siya ng two hundred pesos doon at inabot ito sa binatilyo. Ito kasi ang inuutusan niya palaging magpakain sa kanyang mga alaga. Ito rin ang madalas na natao roon. Anak ng pinsan niya si Jay. Sa edad nitong dise syete ay mayroon na itong pamilya. Kaya naman ay ito talaga ang inuutusan niya palagi kahit kaya naman niya iyong gawin. Para na rin matulungan niya ito. Magpa-farm na ang naging hanap buhay ni Sheila. Dito siya kumukuha ng makakain niya, maging noong nasa puder pa lang niya ang kanyang mga anak. Sa kanyang farm na rin siya kumuha ng pang-aral sa tatlo niyang mga anak. Siya na kasi ang bumuhay sa kanyang mga anak mula noong hiniwalayan niya ang kanyang asawa. “Oh. Pupunta ako roon mamaya,” sabi ni Sheila. Nasa dulo pa kasi ng barangay nila ang farm niya. Bandang gubat na iyon dahil hindi na pwede na malapit sa kabahayan. Nakangiting kinuha ni Jay ang pera. “Sige po, tita. Salamat.” Hindi na tumugon pa si Sheila at pinanood na lamang ang pag-alis nito. Bumuntonghininga siya at muling pumasok sa loob ng bahay. Muli niyang kinuha ang kanyang cellphone na nasa sofa at tumingin-tingin sa newsfeed niya. Napatigil siya sa pag-scroll nang makita niya ang ini-post ng kanyang kaibigang si Vangie. “Sus. Tingnan mo ‘tong bruhang ‘to. Kunyari pa aayaw kay bagets eh sasagutin naman pala,” nakangising sabi niya. Kasama kasi nito sa larawan na ini-post nito ang lalakeng nakita nila sa birthday ng anak ni Maricel. Napanguso siya at na sabing, “sana all.” Masaya siya para sa kanyang kaibigan. Ngunit hindi niya maiwasang maingiit dito. Parehas silang hiwalay sa asawa. Nagkaroon din naman siya ng bagong karelasyon noong ma-annulled ang kasal nila ni Ricardo, pero hindi rin nag-work out. Napabuntonghininga siya at tumayo na. Tanghali na kasi at wala pa siyang pagkain. Mag-isa lang siya kaya madalas ay tinatamad siyang magluto ng pagkain niya. Wala kasi sa puder niya ang tatlo niyang anak. Ang panganay niya at ikalawang anak ay may sarili ng pamilya. Andito rin sila sa barangay nila pero sa ibang bahay na. Ang kanyang bunso naman ay nasa Maynila at doon piniling mag-aral. Nasa puder ng tatay niya. Kawarenta y dos na si Sheila. Kung tutuusin ay bata pa naman ang kanyang edad kahit na lagpas na iyon sa kalendaryo. Kaya niya pa ring makipagsabayan sa mga kadalagahan diyan sa labas. Madalas nga kapag nagkakasama-sama silang mag-iina ay napagkakamalan lamang silang magkakapatid, puros babae rin kasi ang mga anak niya. Minsan na iisip niya kung magkakaroon pa siya ng makakasama sa buhay. Kaso ayaw naman niya nang papalit-palit siya ng karelasyon. Madalas nga iniisip niya kung magkakaroon pa ba siya ulit ng katabi sa kama. Sa tagal na niyang walang karelasyon, pakiramdam niya ay nagsara na ang bukana niya. Napailing si Sheila at nagluto na lamang ng kanyang makakain. Pagkatapos niyang makaluto ng pritong itlog at kanin ay na upo na siya sa hapag kainan para kumain. Hindi ganoong kalaki ang bahay ni Sheila. Studio type ang unang palapag niyon kaya kita agad ang kusina mula sa sala. Ang hagdan papunta sa ikalawang palapag ay nasa tabi ng pintuan. Sa itaas ay mayroong limang kwarto, ang tatlo ay bakante lang. Saka lang iyon nagkakaroon ng matutulog kapag andoon ang kanyang mga anak. Nasanay nang ganito si Sheila, pero madalas ay nalulungkot siya. Hindi naman biro ang mag-isa. Pagkatapos niyang kumain ay sinara niya muna ang pinto at pumanik sa kanyang kwarto para maligo. Sinuot niya ang short shorts niya kaya kitang-kitang ang makinis at mahahaba niyang hita. Binagayan niya iyon ng sandong hapit na hapit sa kanyang katawan. Mababakas tuloy ang hubog ng kanyang katawan. Hinayaan niya lang na nakalugay ang kanyang hanggang baywang na buhok. Madalas ay nasasabihan siya ng kanyang mga ka-barangay dahil sa pang-araw-araw niyang suot. Pero kiber ba niya? Isa sa mga motto niya sa buhay ay ‘my body, my rules.’ Na iinggit lang din naman ang mga ito dahil sa tanda niya ay hindi pa laylay ang kanyang mga balat. Hindi niya kasalanan kung mukhang mga chaka na ang mga ito. Papaano kasi ay hindi marunong mag-alaga ng sarili. Nang matapos siyang mag-asikaso sa kanyang sarili ay lumabas na siya. Lumapit na siya sa kanyang Mio I 125, wala pa itong tatlong buwan at pangatlong motor na niya iyon ngayong taon. Hindi kagaya ng ibang kababaihan sae dad niya na mga mamahaling bag kinokolekta, siya ay motor. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi bumili. Kapag nagsasawa na siya ay binibenta niya ulit. Pero itong gamit niya ngayon ay mukhang magtatagal sa kanya. Sumakay na siya roon at nagpunta sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan. Gusto niya lang itong i-congratulate sa bago nitong relasyon. “Vangie!” tawag niya agad sa kanyang kaibigan nang makita niya ang bahay ng kanyang kaibigan. Bukas ang tindahan nito. “Oh!” Ipinara niya ang kanyang motor sa gilid ng bahay nito, tabi lamang ng gate. Ibinaba niya ang stand niyon at bumaba na. Dere-deretso siyang pumasok sa loob ng tindahan ni Vangie. Nakita niya ang kanyang kaibigan na nakaupo sa swivel chair nito. “Ikaw ha! Bakit hindi mo sinabi sa akin?” bungad niya rito. Kumunot ang noo ni Vangie. “’Yong ano?” Iniikot niya ang kanyang mga mata at naglakad papalapit dito. “Sinagot mo na pala si bagets! Umamin ka? Na diligan ka na ‘no?” Nanlaki ang mga mata nito. “Bunganga mo talaga, Sheila!” Tumawa nang malakas si Sheila nang makita niya ang labis na pagkagulat sa mukha ng kaibigan. “Ano? Malaki ba?” Binato ni Vangie si Sheila ng notebook na malapit sa kanya. “Tumigil ka nga!” Tumawa lang nang tumawa si Sheila. Sobrang maiba kasi sila ng kanyang matalik na kaibigan. Kung siya ay maboka at ang kanyang kaibigan naman ay tahimik lang. Maraming nagtataka kung paano sila naging magkaibigan. Pero hindi nila alam na sila lang ang nakakaintindi sa isa’t isa. Kaya kahit tumanda na sila ay hindi pa rin natibag ang kanilang pagkakaibigan.   © 07 – 22 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.5K
bc

The Sex Web

read
132.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.1K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.7K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook