bc

EL, Legal Wife

book_age18+
609
FOLLOW
4.0K
READ
inspirational
sporty
student
sweet
bxg
genius
female lead
campus
highschool
school
like
intro-logo
Blurb

Siya si Farah Elisse Bustamante, nag-iisang anak. Mayaman, maganda, matalino at mabait. Kahit lumaki sa marangyang buhay ay hindi ito makikitaan ng kaartehan sa at marunong makibagay sa lahat. At iyon ang nagustahan ni Dylan Wade Sandoval kay Elisse, simula nang magkakilala silang dalawa ay hindi na siya nito pinakawalan pa. Nang dahil diyan, ngayon ay masaya na silang sa pagiging mag-asawa.

Subalit susubukin ang pagmamahal at pasensiya ni Elisse sa asawang si Dylan. Nang dahil sa isang car accident ay magkakaroon ng Retrograde Amnesia si Dylan kung saan may selected memory itong mawawala, at iyon ay ang pagkalimot nito kay Elisse. 

Totoo nga kaya ang kasabihan na makalimot man ang isip ngunit hindi ang puso?

Paano maibabalik ni Elisse ang pagmamahal sa kan'ya ni Dylan kung iba ang kasalukuyan nitong mahal na lang  nakaraan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Note
Pakanta-kanta pa ako habang abala sa aking ginagawa nang makarinig ng sigaw kaya agad akong natigilan. Akala ko pa naman maganda Ang Araw ko ngayon. "Farah! Farah…" Ang malakas na boses ni Dylan nang tawagin ako habang abala rito sa kusina sa pagluluto ng pananghalian. May pagmamadali ang kilos ko dahil baka magalit na naman ito sa 'kin. "Ano po iyon, Sir?" kabadong tanong ko rito. Oo, sir ang tawag ko sa kan'ya. Nakiusap ako sa parents namin na kahit hindi niya ako naaalala ay dito pa rin ako tumira’t nagbabakasakali na isang araw ay magbalik na siya sa dati. "Ilang beses ko ba'ng sasabihin na ayaw ko nang makakailang tawag pa ako sa 'yo?” Salubong ang kilay nito at matalim ako titig sa akin. Palagi na lang mainit ang ulo nito, nakasanayan ko na lamang. Sa araw-araw ba namang ganito siya, ewan ko na lang, minsan nga napaisip akong gawing ringtone. Tsk! 'Hmmp! Kung hindi ka lang guwapo, kanina pa kita hinambalos ng walis tambo.' "A-ah…pasensiya naman po, Sir. Nagluluto kasi ako ng paborito mong ulam. Tamang-tama diyan sa mukha mong may asim at alat," pahinang-pahina kong sabi. Nakakainis kasi ang ugali nitong napakasuplado. Kung dati ay ang sweet nito at ang bait sa 'kin ngayon ay halos araw-araw ay gusto ako nito bugahan ng apoy. Mag-uutos lang pagalit pa, puwede naman magsalita at makiusap ng maayos. "May sinasabi ka?" inis na sita nito sa akin. Narinig pa yata ako, ngiwi ko. "Ako? W-wala… Sir, ah!" maang-maangan ko. Yawa! Talas ng pandinig nito. Pero sandali nga lang pala, ano nga ba ang kailangan nito at tinawag ako? "Ano nga pala ang kailangan mo, Sir?" "Wala! Nakalimutan ko na! Bumalik ka na nga lang do'n!" Taboy niya sa akin. 'Luuhh! Adik ang isang 'to! Diyan ka na nga!' Napapailang akong lumabas ng kuwarto at iniwan siya do'n. Napabuntong-hininga ako hanggang kailan ko ba gagawin ito? Mag-iisang taon na ngunit hindi pa rin bumabalik ang alaala niya, eh, kung i-untog ko na lang siya sa pader? Baka sakaling maalog ang utak niya at muling makaalala. "Sir Dylan, kakain na po," tawag ko sa kan'ya, narito ako sa labas ng kuwarto niya habang kumakatok sa pintuan. "Si–" "What?" Naiwang nakataas ang isang kamay ko nang biglang bumukas ang pinto. Kusang gumalaw ang mga mata ko at pinasadahan ang dibdib niya pagbaba ngunit hindi ko na natuloy pang dumako ang mga mata ko sa tuwalyang makatapis sa pang-ibaba nito at ibalik ko ang tingin sa kan'ya. "A-ah… K-kakain na po, nakahanda na," nauutal kong sabi. Bagong ligo ito at tumutulo pa ang basang buhok. 'Sana all tubig!' "Okay, susunod na ako." Iyon lang sabay sarado ng pinto. Bumalik naman ako agad sa kusina at hindi naman nagtagal ay dumating na siya, ang guwapo niya lalo sa suot nitong white sando and black short pants. Ang aliwalas ng mukha nito kaya kahit papaano ay masaya na akong nakikita ko siya at nakakasama. Umupo na siya agad at nag-umpisang kumain. Nilagyan ko naman ng malamig na tubig ang baso nito bago ako nagpaalam na pupunta na muna sa aking silid. "Sir, maiwan ko na po muna kayo rito ha? Punta lang po ako sa silid ko." Umangat naman ang tingin nito sa 'kin kaya agad akong nag-iwas Sumama bigla ang pakiramdam ko kaya gusto ko na muna sanang pagpahinga. "Kumain ka na?" Umiling naman ako agad. "Mamaya na lang po ako. Hindi pa naman ako gutom," tugon ko. "Are you sure? Sabayan mo na ako rito," anito. Bakit parang bumalik naman yata ito? Bigla na naman itong bumait. Hindi ko talaga maintindihan ang mood swing nito eh! Daig pa ang buntis. kainis! "Salamat na lang po, mamaya na lang talaga." Tumango naman ito agad. Buti na lang at pumayag, akala ko ay hihintayin ko pa siyang matapos eh. "Okay, kung iyan ang gusto mo," sabi pa nito. Tsk! Suplado tagala! Pakarating ko sa aking silid ay basta ko na lang ibinagsak ang katawan ko sa kama. Hindi man ito kasing lambot ng nasa kuwarto ko dati ay ayos lang hanggang sa mamigat ang mga talukap ng mata ko at tuluyang nakatulog. Bigla nagising ang diwa ko ngunit nakapikit pa rin naman ang aking mga mata. Hindi ko alam kung nananaginip lamang ba ako nang may naramdaman na masuyong humaplos sa mukha ko. Kilalang-kilala ko ang mga haplos na iyon at kung panaginip man ang damdaming ito ay ayaw ko nang magising pa. Ayaw ko nang idilat ang mga mata dahil baka sa sandaling minulat ito ay mawawala siya bigla. "Dylan…" nagsusumamong sambit ko. Ang dami kong gustong sabihin ngunit hindi ko na maumpisahan. Tanging ang mga haplos lang nito ang importante sa akin ngayon. "Bumalik ka na sa 'kin, please…Bumalik ka na mahal ko…" Tuluyan na akong napahikbi sa sobrang paghihirap at sakit na nararamdaman ko. At nang pagmulat ko, hayun nga! Mag-isa na lang ako, isang panaginip lang ang lahat ngunit pakiramdam ko ay parang totoo. Tila naiwan pa ang init ng palad nito sa mukha ko pero imposible namang pumasok siya rito sa silid ko. Bigla akong napabalikwas nang bangon at nakatingin sa relo ko. "Hala! Dalawang oras akong nakatulog?” Agad na akong lumabas dahil ililigpit ko pa ang pinagkainan nito kanina. Sana lang ay hindi ako masermoman. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko pero kahit paano ay nabawasan. Takang napatingin naman ako sa lamesa dahil malinis na iyon at pati sa ang pinagkainan nito ay wala na rin sa labado. 'Ito na ba ang naghugas ng pinagkainan niya?' May napansin naman akong note na idikit nito sa Refrigerator kaya agad ko itong kinuha at binasa. 'Eat when you're awake and please. Uminom ka ng gamot. Wala akong ibang katulong at ayaw kong mag-hire ng bago.' Napamaang ako sa nabasa ko. Letse! Akala ko pa naman ay concern ang hukluban na iyon sa akin. 'Naku…naku ka talaga! Dylan Wade Sandoval. I hate you!' Halos wala naman na akong gagawin kaya nagpasiya akong pumasok sa loob ng aking silid nang biglang tununog ang telepono, lumapit ako at nakailang ring pa lamang ito nang sagutin ko. "Hello?" "Ah… Yes,hello?" tugon naman nito. "May I know who's this, please?" tanong ko. "Yeah! I'm VaLeen, Dylan's girlfriend. Can I talk to him?" Halos matumba ako sa aking kinatatayuan nang bigla nanlambot ang tuhod ko sa narinig. 'Girl friend?' Saglit akong natigilan. Napukaw na lamang ulit ako nang magsalita itong muli sa kabilang linya. "Hey! Are you still there?" aniya. "I-im sorry. Yes, I am still here," tugon ko naman at pinilit kong pa rin maging kalmado. "Are you, his maid? Okay, pakisabi na lang na tumawag ako. Excited na sana akong ipaalam na nakabalik na ako ng pinas ang kaso ay hindi ko naman siya ma-contact. I'll try to call him again later, na lang. Thank you... Bye!" at nagpaalam na ito. Ang lakas nang t***k ng puso ko. Nagbalik na ang babaeng mahal ni Dylan bago naging kami. Ang babaeng naiwan at natatandaan ng isip niya na dapat ay ako. Naninikip ang dibdib ko kasabay ang luhang pumatak sa aking mga mata na masagang bumuhos. "Hindi...hindi maari!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook