bc

Sweet Forty

book_age18+
3.5K
FOLLOW
19.3K
READ
sex
age gap
sweet
bxg
realistic earth
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Warning! This story contains scenes that are not suitable for very young readers. Please be advised.

Rate: R18+

EROTIC ROMANCE COLLABORATION: THE COUGAR SERIES #9

*****

At forty-two, Evangeline never saw herself falling in love again with a man. After she and her ex-husband broke up, she puts all her attention on her children and her grocery store. She never thinks of having a man in her life again.

Not until she meets John Robert, a man twelve years younger than her. A man who will make her believe that at forty, love is still possible for her.

Copyright © 2021 by Ameiry Savar

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Vangie
  Panay ang pagsinghap ng babaeng nakatali ang dalawang kamay sa headboard ng kama. Tanging bathrobe lamang ang nakatakip sa katawan nito. Panay ang kagat niya ng labi habang pinapanood ang lalaking dumakip sa kanya na binibigyan ng blwjob ng isang babaeng naka-itim na leather na lingerie. Nakamaskara ito na hugis paruparo at itim na boots na mayroong mataas na takong. Maya-maya pa ay biglang bumilis ang paggalaw ng ulo ng babae hanggang sa unti-unti nang umungol ng malakas ang lalaki at halos mapaliyad na ito dahil sa sensasyong nararamdaman nito. Napatingin sa ibang dereksyon ang babaeng nakatali noong makita niyang makakaraos na ang lalaki. Kagat-kagat niya ang kanyang labi at pilit na iniiwasang kumawala ang ungol sa kanyang bibig. Pakiramdam niya ay mayroon nang namumuo sa kanyang puson dahil sa kanyang nasaksihan. Maya-maya pa ay tumayo na ang babaeng naka-maskara at nagmartsa palabas ng silid. Nilingon niya ang lalaking katatapos pa lamang magparaos at gan’on na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niyang nakatayo na ito sa may ipaanan niya. Wala itong kahit anong saplot at mapang-akit siyang pinagmamasdan. Ilang sandali pa ay gumapang na ang lalaki paakyat sa kamang kanyang kinahihigaan. Nagsumiksik siya sa headboard para maiwasan ito. Ngunit hinatak ng lalaki ang kanyang paa dahilan para dumausdos siya pababa at lumihis ang suot niyang bathrobe. Lumitaw ang maputi at makinis niyang hita. “S-Stop,” pakiusap niya nang bigyan nito ng mumunting halik ang kanyang binti. Paakyat sa kanyang hita. Panay ang pagsinghap niya dahil sa tuwing dumadampi ang labi nito sa kanyang balat ay nagbibigay iyon ng mumunting kuryente sa kanya. “N-No… please…” mahinang pakiusap niya ngunit wala pa rin iyong epekto sa binatang nasa ibaba niya. Patuloy lamang ito sa paghalik sa kanyang binti pataas sa kanyang hita habang nakatingin ito sa kanyang mga mata. Dahan-dahan iyong umaakyat hanggang sa makarating sa pagitan ng kanyang dalawang –   “Pabili po!” Halos mapalundag si Evangeline noong may tumawag sa labas ng kanyang tindahan. Kanina pa siya tutok na tutok sa palabas na kanyang pinapanood at halos madala na siya roon. Sinapo niya ang kanyang dibdib at tiningnan kung sino ang tumatawag. Awtomatiko siyang napasimangot nang mapagsino niya iyon. “Ano ‘yon?” malakas na tanong niya rito. Ini-pause niya muna ang video na naka-play sa iPad niya na niregalo pa sa kanya panganay niya. Padabog siyang lumapit sa harapan ng kanyang tindahan dahil nakaramdam kasi siya ng pagkabitin sa kanyang pinapanood. Paano kasi, pakiramdam niya ay siya ang bidang babae na andoon. At dahil sa matinding bakbakan na ang nangyayari kanina ay pakiramdam niya… siya ang nabasa. Agad namang ngumiti ang batang lalaking nakakapit sa bakal na harang sa harapan ng kanyang tindahan. Kahit kasi mayroong wire mesh doon ay mayroon pa ring kaunting siwang kaya madali lamang nitong nailulusot ang malilit na mga kamay. “Ate Vangie, pautang daw po si Mama ng dalawang itlog at isang lollipop,” magiliw na sabi nito. “Ulam daw po namin ni Kiko yung itlog tapos meryenda yung lollipop. Yung may bubble gum po sa loob ha?” Napabuntong hininga siya at tiningnan ang bata. “Akala ko ba bibili ka?” kunyari ay mataray na tanong niya rito. Agad namang napakamot ang bata sa ulo at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa kanya. Ganito ito palagi sa tuwing nababara niya kapag umuutang ito sa kanya. “Eh sabi po kasi ni Mama.” Lumabi ito. “Hayy naku, Bibo. Sabihin mo r’yan sa mama mo ha kausapin ako?” aniya. “Malapit na matapos ang buwan hindi pa rin siya nagbabayad.” Ganito kasi ang ginagawa palagi ng batang si Bibo. Tatawagin siya at kunyari ay bibili, pero ang totoo ay mangungutang lang pala. Hindi naman siya nagrereklamo, kaso hindi kasi nagpapakita na ang nanay nito sa kanya. Ilang beses na niya sinubukang kausapin ang nanay nito kaso sa tuwing pupunta siya sa bahay ng mga ito ay palaging wala. Kahit na alam naman niyang andoon lang ito kasi ang palaging sagot sa kanya ni Bibo ay, “wala raw po si Mama, ate Vangie.” Pero kahit na ganoon ay pinagbibigyan niya pa rin ang mga ito. Nagbabayad pa rin kasi sila kahit papano, once a month nga lang at hindi pa lahat binabayaran. Kumuha na siya ng itlog at lollipop, inilagay niya iyon sa plastic labo. Pagkatapos ay inilusot niya iyon sa maliit na siwang sa kanyang tindahan. “Oh. Sabihin mo kay mama mo ha magbayad na? Nagagalit na kamo si Ate Vangie!” Ngumiwi lamang si Bibo at mabilis na kinuha ang hawak niyang suot. “Salamat ate ganda!” anito at tumakbo na palayo sa tindahan niya. Napailing na lamang siya habang pinagmamasdan ito palayo sa kanya. “Itong batang ‘to, kainit-init eh.” Nang hindi na niya ito makita ay muli na siyang bumalik sa kanyang pwesto. Maliit lamang ang kanyang tindahan pero na andito na ang lahat ng mga kailangan ng kanyang mga ka-barangay. Sa unahan ay nakasabit ang mga sitsirya at biscuit sa mesh wire, ginamitan niya iyon ng alambre na kinorte niyang pa-hook. Sa ilalim n’yon ay nakapatong ang mga candy na nakalagay sa garapon. Nasa tapat din ang lagayan niya ng mga bigas na kanyang ibinebenta. Sa gilid na katapat ng lagayan ng bigas ay ang pinto palabas sa harap ng kanyang bahay. Sa pinaka gitna ng tindahan ay roon nakalagay ang lamesa niya. Mayroon siyang swivel chair doon at nasa likod n’yon ay ang pahabang upuan na kahoy, minsan ay roon siya natutulog sa tanghali. Sa paanan ng upuang kahoy at ang pinto naman papasok sa sala niya. Nakadikit naman sa dingding ang mga kahoy na patungan ng iba pa niyang paninda kagaya ng mga delata, diapers, at kung ano-ano pa. Mayroon pang mga nakasabit sa kisame niya na mga paninda rin. Kinuha na niya ang logbook na nagsisilbing listahan ng mga may utang sa kanyang tindahan at hinanap ang pangalan ng nanay ni Bibo. Napailing na lamang siya noong makita niya ang pangalang Marites, halos mapuno na naman ang isang page sa mga utang nila. Matapos niyang maglista ay muli na niyang itinuon ang kanyang atensyon sa pinapanood niyang palabas. Tungkol iyon sa isang babae na kin-id-nap ng isang mafia boss. Obsess ang lalaki rito at binigyan ang babae ng isang taon para umibig sa kanya. Napailing siya, kung siya ang nasa kalagayan ng babae ay hindi siya magkakagusto sa lalaking kum-idnap sa kanya. Takot ang mararamdaman niya at hindi pagmamahal. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa bidang babae. Hindi na niya matandaan pa ang huling beses na nakaramdam siya ng kilig. Mahigit labing limang taon na kasi ang nakalipas noong magkahiwalay sila ng kanyang dating asawa. Nakalimutan na niya kung paano ang pakiramdam ng mayroong minamahal at mayroong nagmamahal sa kanya. Sa katunayan ay hindi na nga niya alam ang hitsura ng buhay na espada sa personal. Dahil sa edad niyang kwarenta y dos ay nanatili siyang single. Kumunot ang noo niya nang biglang magpause ang video na kanyang pinapanood. Pero agad ding nawala ang pagtataka niya noong rumehistro sa screen ang incoming call mula sa kanyang panganay na anak. Agad siyang ngumiti at tinanggap ang tawag. “Marica, anak! Kumusta!” bati niya agad nang makita niya ang mukha ng kanyang panganay. Lalo siyang napangiti, ngayon na tumatanda na rin ito ay mas lalo na niya itong nagiging kamukha. Sa limang anak niya kasi ito ang pinaka kamukha niya. Mula sa mata hanggang sa hugis ng mukha at pangangatawan ay nakuha nito sa kanya. “Ma!” Ngumiti ito sa kanya ng ubod ng tamis. “Ano’ng ginagawa mo?” Kasalukuyan itong nakatira sa Canada ngayon kasama ang iba pa nitong mga kapatid at ang tatay nito. Magwawalong taon na rin ang nakalipas noong mapetisyon sila ng kanilang tatay. Hindi naman siya tumutol kahit na alam niyang mapapalayo siya sa mga anak niya. Kahit kasi hindi naging maayos ang pagtatapos ng kanilang relasyon ng kanyang dating asawa ay naging mabuting ama naman ito sa kanilang mga anak. Lumapad ang ngiti niya noong sumulpot na ang iba pa niyang anak sa screen. “Ma!” tawag ng dalagita niyang anak, si Macy. Dise-syete anyos pa lamang ito ngunit dalagang dalaga na kung manumit. “Kumusta ka po r’yan? I miss you ma!” Nangilid agad ang mga luha niya nang marinig niya ang boses nito. Sa tuwing nakikita niya sa video call ang kanyang mga anak ay nagiging emosyonal talaga siya. “Hello Ma!” bati naman ng bunso niya at nag-iisang lalaki na si Marcus. Kamukhang kamukha nito ang dati niyang asawa. Para silang pinagbiyak na bunga at maging sa tangkad ay namana nito. Kaya kahit katorse anyos pa lamang ito ay mas matangkad na ito sa ikatlong ate nito. “Kumusta kayo mga anak? Miss ko na kayo…” naluluha niyang sabi. Pilit niyang pinipigalan ang sarili na mapaiyak ngunit na piyok na kanyang boses sa pagpipigil niya.   “Uy ma… umiiyak ka na naman po,” malambing ang boses na puna sa kanya ni Marica. “Ha?” Mabilis niyang pinahid ang luha sa kanyang mata. “Hindi. Napuwing lang ako,” tanggi niya. “Sus, mama talaga.” Ngumiti ito ng ubod ng tamis kaya nakita ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “H’wag kang mag-alala. Malapit ka na po makarating dito. Konti na lang po ay makakasama mo na rin kami. Magkakasama-sama na rin tayo.” Kasalukuyan na kasi nitong inaasikaso ang papel niya para mapetisyon na rin siya ng mga ito papunta sa Canada. Sinabihan na naman niya ang mga ito na ayos lang sa kanya kung maiwan talaga siya rito. Pero pinipilit nila na gusto nila na makasama rin siya roon at mabigyan ng magandang buhay. “Pasensya ka na anak. Miss na miss ko na kasi kayo…” suminghot siya. “Hindi ba kayo uuwe ngayong taon?” Tuwing mag-fiesta kasi sa kanilang barangay ay nauwe ang kanyang mga anak. Marso na ngayon at dalawang buwan na lang ay magpi-fiesta na sa kanila. Narinig niyang bumuntong hininga si Marica. “Hindi ko nga po alam ma, eh. Gusto kasing sumali sa camping ng mga bata. Wala naman po akong mapag-iiwanan kay Samuel.” “Ganoon ba? Nasaan na nga ba ang apo ko na ‘yan? Bakit hindi ko ata nakikita? At ang iba mo pang mga kapatid?”   “Ay naku! Andoon kay papa at sa daddy niya. May gawa ngayon at nagpupumilit na sumama sa kanila. Si Martha naman at Mabel, andoon, namamasyal na naman.” Kumunot ang noo niya. “Ha? Eh baka naman mapahawak doon ang apo ko. Bakit ipinasama mo?” Nagtatrabaho kasi bilang isang constructor ang dati niyang asawa. Noong makuha na rin ni Marica ang asawa’t anak nito ay naging helper na ang asawa ni Marica ng tatay nila. Madalas ay nagre-renovate sila ng mga bahay o kaya naman ay nagkukumpuni lang. “Eh, si papa rin kasi.” “Tao po! Delivery po, ma’am!” Napatingin siya sa harap ng tindahan niya noong mayroong magtawag. May isang lalaking nakasandong puti ang nakatayo sa harapan ng kanyang tindahan at sumisilip sa loob. Naniningkit pa ang mga mata nito dahil nasa labas siya at tirik na tirik ang araw. Oo nga pala… aniya sa kanyang isipan. Um-order siya kagabi ng mga paninda niya sa grocery na kanyang kinukuhaan ng kanyang mga paninda at ngayong araw ang deliver. Minsan talaga ay nagiging makakalimutin na siya, siguro ay dahil sa kanyang edad. Muli siyang tumingin sa screen. “Marica anak, mamaya na lang. May deliver pala ako ngayon,” paalam niya rito. “Ah Sige po ma. May gagawin na rin pala ako. Oh, babye na raw kay mama!” “Babye mga anak! Mag-iingat kayo r’yan ha?” “Babye ma! I love you too!” magkasabay na sabi ni Macy at Marcus. “I love you too!” Pinatay na niya ang tawag at nakangiting lumapit sa lalaking nakatingin na sa kanya. Agad na ngumiti ang delivery boy sa kanya noong makita siya nito. Bahagya pa siyang nagtaka dahil bago lamang sa kanyang mukha ang lalaking ito. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa tapat ng tindahan ay nanuot na sa kanyang ilong ang mabangong amoy nito. “Ma’am, delivery po!” bati nito sa kanya noong makalapit na siya rito. Agad na lumitaw ang dalawang biloy sa magkabilang pisngi nito. Tumango siya. Pagtingin niya sa tapat ng gate niya ay nakaparada na sa tapat ng bahay niya ang maliit na puting delivery truck na palaging nagdi-deliver sa kanya. “Sandali lang ha?” Naglakad na siya papunta sa labas ng tindahan. Pagkarating niya sa tapat ng kanyang bahay ay binuksan niya ng malaki ang gate. Bahagya pa siyang nagulat dahil andoon na rin ang lalaki at nag-aantay na sa kanya. Nakita niya tuloy ng mas maayos ang mukha nito. Hanggang dibdib lamang siya nito kahit na halata namang mas matanda siya rito. Sa tingin niya ay wala pa itong trenta. Ang gaan-gaan din ng pakiramdam niya habang pinagmamasdan niya ang mukha nito. Siguro ay dahil hindi lang ang mga labi nito ang nakangiti, maging ang mga mata nito. “Hindi naman nasabi sa akin na maganda pala ang de-deliver-an namin,” nakangiti nitong sabi habang tinatanggal ang mga tingin sa kanya.   © 04 – 02 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook