bc

Crime Dictionary

book_age16+
54
FOLLOW
1K
READ
no-couple
serious
mystery
male lead
supernature earth
rebirth/reborn
supernatural
special ability
crime
dungeon
like
intro-logo
Blurb

Because of recklessly crossing the street, Neil Ali got hit by a truck and died. Without realizing he died, he just been reborn into another world called "Domus." He is now possessed an ability or "virtus" to help him erased his sins from Crime Dictionary held by the Creator.

But at the middle of his journey inside the Domus, he discovered something that giving him lead to his mother's death. Unfortunately, it became a reason why he got another crime. Having another crime give him a small chance to get out from that world. He is now torn between erasing his new crime or unravel the truth about his mother's death.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 Tunog ng tipa mula sa gamit kong keyboard ang tanging ingay na naririnig sa paligid. Sa sobrang tahimik, halos mahihiya ka nang maglikha ng ingay. Malapit na ring maghating-gabi, umuwi na ang lahat ng katrabaho ko at wala ng ibang tao rito sa loob ng opisina kundi ako na lang. Marahas kong niluwagan ang suot kong necktie at binuksan ang unang bitones ng polo ko. Air-condition ang buong kwarto pero ramdam ko na pinagpapawisan ako ng malamig. Nagsimulang tumakbo ang kung ano-anong alaala sa utak ko at halos ako mismo ay hindi ko na iyon maintindihan. Pagkatapos kong i-encode ang huling papel na hawak ko, agad akong nagmasid sa paligid para tiyakin kung talagang wala na ngang ibang tao. At nang makumpira kong wala na talaga, agad kong in-exit ang tab ng excel at pumunta sa ibang tab. Nagtipa ako sa search button at agad akong napunta sa page ng bank account ko. Nagpunas ako ng pawis nang bumungad sa akin ang laman nito na ipinagkatiwala sa akin ng manager ko dahil ako ang may hawak ng project na ito. Hindi ko talaga gusto na gawin ito pero wala akong ibang pagpipilian...kailangan ko ng pera. Muli kong kinalikot ang account ko para gawin ang isang bagay... Nanginginig ang kamay ko habang inilalapit ang daliri ko sa 'enter' button ng keyboard. Paulit-ulit ang ginawa kong paglunok at pagtanong sa sarili ko kung itutuloy ko pa ba ito o hahayaan ko na lang na mawala sa akin ng tuluyan ang mama ko. Iniling ko ng mahina ang ulo ko, hindi ito ang oras para magpadaig ako sa konsensya ko...hindi iyon makakatulong sa problema ko. Bago ko mapindot ang 'enter' button, tumunog muna ang cellphone ko patunay na may dumating na email sa akin. Bago ko 'yon basahin ay pinindot ko muna ang 'minimize' sa screen para mas kampante akong ituon sa ibang bagay ang atensyon ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mabasa ko ang laman ng email ko: Mr. Ali, I already transfer the money in your bank account. It is the exact amount we need------ Napapikit na lang ako at hindi ko na itinuloy na basahin ang email na s-in-end ng manager ko. Hindi iyon makakatulong sa akin ngayon. Pagmulat ng mata ko ay itinuon ko na iyon sa harap ng desktop ko, para akong nabuhayan bigla ng loob nang makita ko ang background nito, bumungad sa akin ang mama ko na nakangiti...kaya habang may tapang pa ako, kinalikot ko na ang desktop ko at bumalik sa tab kanina. Lumabas sa screen ang page kung saan ipinapakita ang bank account ko at kung magkano ang laman nito...daang libo, limang daang libo ang perang ito...at... kailangan ko ito ngayon. Tumayo ako at lumipat sa deskstop ng ka-trabaho ko na palagi akong sinisita kapag may pagkakamali ako, kahit pa maliit lang ang pagkukulang ko ay palagi pa rin niyang pinupuna iyon kaya matindi talaga ang galit ko sa kanya. Kinalikot ko ang deskstop niya at binuksan ito. Napangiti ako nang mabuksan ko ito dahil alam ko ang password nito, ilang linggo ko rin iyong pinagtiyagaang silipin ng palihim para makabisado at mabuksan para sa ganitong pagkakataon. Gamit ang computer niya, nagbukas ako ng parehong website ng bangko na gamit ng aming kompanya. Gumawa ako ng panibagong bank account at naglagay ako ng mga impormasyong peke. Ipinagawa ko pa ang ilang pekeng dokumento na kailangan ko para rito. Nang makagawa na ako ay bumalik ako sa pwesto ko kanina at mabilis na ibinalik ang tab sa bank account ko. Ang kailangan ko lang gawin ay i-transfer ang perang ito sa bagong gawang account, pagkatapos ay magpanggap na hindi ko alam kung paanong na-transfer na lang bigla ng pera ng kompanya sa ibang account. Sa laki nito, maipapa-opera ko na ang mama ko at maililigtas ko na siya sa kamatayan. Bago pa magbago ang isip ko ay tuluyan ko nang i-tr-in-ansfer ang pera sa bagong gawang account. At nang mabasa ko ang notification sa screen na successful na ito, ang kaba na kanina ko pa nararamdaman ay napalitan ng abot taingang ngiti. Para akong sira na tumawa para alisin ang kung ano-anong alalahanin ng isip ko. Sa ilang segundo ng pagsasaya ko ay bigla kong naalala na dapat ko nang iligpit ang mga ginamit ko. Magkunyari na masigasig kong tinapos ang trabaho ko sa buong magdamag. Pero hindi pa 'ko nakakatayo, biglang nag-ring ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makita sa screen na unknown number ang tumatawag. "Hello?" alinlangan kong sabi pagsagot ko sa tawag sa akin. [Hello po, magandang gabi po. Ito po ba si Mr. Neil Ali?] Isang babae ang nagsalita sa kabilang linya. Napalunok ako para kalmahin ang sarili ko saka sumagot, "Ito nga po. Ano pong kailangan ninyo?" [Sir, pasensya na po sa istorbo pero huwag po sana kayong mabibigla...kailangan po kayo ngayon sa ospital dahil binawian na po ng buhay ang mama ninyo—] Hindi na 'ko sumagot. Hindi ko na rin nagawang pulutin ang gamit ko. Agad na kumilos ang paa ko para tumakbo palabas ng opisina. Hindi ko na rin inintindi ang pag-time-out ko. Madaling-madali akong tumakbo papunta sa sakayan. Tanging cellphone lang ang dala ko pero hindi ko alam kung nasa linya pa ang kausap ko. Wala akong ibang inintindi kundi ang makarating kaagad sa sakayan. Alam kong pagkatapos ng gabing ito, wala na rin akong trabaho at maaring kaaway na ako ng batas. Alam kong tapos na ang lahat sa akin dahil walang kapatawaran ang kasalanang iniwan ko sa opisina. Pero wala na akong pakialam pa roon, mas importante sa akin ngayon ang mapuntahan ko ang mama ko. Tuluyan akong nakalabas sa opisina, hindi ko inintindi ang tawag sa akin ng guwardiya. Malamang ay tatanugi niya lang ako kung bakit ako tumatakbo o kung sino ba ako at ano ang ginagawa ko rito. Wala akong oras para r'on. Mas dapat kong pagtuunan ng pansin na makita ko si mama ngayon, kahit pa tapos na ang lahat sa akin ay mas importante pa rin na mapatunayan ko na hindi totoo ang balitang nakarating sa akin. Hindi ko kakayaning mawala si mama sa akin, siya na lang ang pamilya na meron ako at siya ang lahat sa akin. Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko na, 'Mawala na ang lahat sa akin, huwag lang si mama.' Pagdating ko sa MRT Station, madami pa rin ang tao na nag-aabang para makasakay. Hingal na hingal ako at halos habulin ko na ang hinga ko. Nang makalma ko na ang sarili ko ay agad kong kinapa ang wallet ko. Muling bumalik ang kaba sa dibdib ko nang ma-realize kong wala sa bulsa ko ang wallet ko. Habang tumatakbo ako ay alam ko nang wala akong ibang dala kundi ang cellphone ko, pero hindi manlang sumagi sa isip ko na importante ang wallet sa pagkakataong ito. Naging aligaga ako, biglang hindi ko na alam ang gagawin ko. "Sir, may problema ba?" Nagitla ako nang may guwardiya na lumapit sa akin. Napabuntong hininga ako at mabilis na napalunok. Mabilis kong ikinalma ang sarili ko. "Sasakay sana ako pero nakalimutan ko ang wallet ko sa opisina," sabi ko habang nakaharap sa kanya. Sa tulong ng ilaw ay napansin ko ang pagmatiyag niya sa akin, para bang tinitiyak niya na totoo ang sinasabi ko. "Naku, hindi n'yo yata dala ang bag ninyo, Sir," aniya. Hindi na ako sumagot sa kanya dahil wala na rin namang kwenta iyon. Isa lang ang balak kong gawin ngayon...tumakbo pabalik sa opisina. Balak ko sana na ang daan papunta sa ospital na lang ang takbuhin ko, pero imposible iyon kaysa sa makabalik ako sa opisina. Alam kong may posibilidad na nakita na ng guwardiya sa opisina namin ang naiwan kong bukas na dalawang computer, pero mas pipiliin ko pa ring sumugal kaysa magmukmok sa isang tabi na alam kong kailangan ako ni mama ngayon. Napansin ko na bumagal na ng bahagya ang pagtakbo ko, ramdam ko na rin ang p*******t ng paa ko at ang panunuyo ng lalamunan ko. Pero hindi ko iyon dapat indahin ngayon, hindi ako dapat sumuko. Pagdating ko sa pribadong kompanyang pinagtatrabahuan ko, tanging ilaw na lang sa lobby ang bukas. Hindi ako sigurado kung patay ba ang ilaw sa opisina namin nang umalis ako kaya wala pa rin akong ideya kung napuntahan na ba iyon ng guard. "Sir, gabi na, ah," bati sa akin ng guard na sa tingin ko ay parehong guard na sumigaw sa akin kanina. Kinalma ko muna muli ang sarili ko bago sumagot, ilang beses akong lumunok habang hinihingal. Nang maramdaman kong maayos na 'ko ay sinagot ko siya, "Pasensya na. Nakatanggap kasi ako ng masamang balita kaya..." Hindi ko na nagawang tapusin ang sinasabi ko, napayuko na lang ako at halos pigilan ko ang sarili ko dahil ramdam ko na malapit nang tumulo ang luha sa mga mata ko. "Pansin ko nga, Sir. Nakita ko ang karipas n'yo sa pagtakbo. Hindi n'yo nga nilingon ang tawag ko sa inyo, eh." Hindi na ako nakasagot at hindi ako nakagalaw agad nang may iabot siya sa akin. "Heto nga pala ang gamit ninyo, Sir. Iniligpit ko na po at sigurado po akong nariyan ang wallet ninyo. At ang computer na nakalimutan ninyong patayin..." Marahas akong tumingin sa kanya. Inosente ang tingin niya sa akin pero lalo iyong nagbigay ng matinding kaba sa akin. Nanlalamig na naman ang pakiramdam ko, bumalik din ang kaba sa dibdib ko. Paglunok ko, dahan-dahan kong inabot ang bag ko sa kanya. Lalo akong kinabahan nang maisip ko na baka hindi niya ito bitiwan at bigla na lang akong hablutin at posasan o ano pa mang gawin niya sa akin. Kaya imbes na kunin ang bag ko, muli akong tumakbo palayo sa kanya. "Sir, sandali!" Dinig ko ang tawag niya pero hindi ako nag-abalang lumingon. Hinayaan ko na kahit pa hawak niya ang gamit ko, ngayon, sigurado na talaga akong kapag naabutan niya ako...sa kulungan na ang bagsak ko nito. Bukod sa hawak niya ang gamit ko na naglalaman ng idedentity ko, hawak niya rin ang mga pekeng dokumento na ginamit ko sa paggawa ng pekeng account. Bukod pa r'on, tiyak na sa oras na malaman ng kompanya ang ginawa ko...hindi sila makakapayag na hindi ako pagbayarin sa kasalanan ko. Ang tanging inaalala ko na lang ay kung ano ang nangyari sa pera. Saka ko na poproblemahin ang pagbisita kay mama kapag natakasan ko na ang panganib ngayong gabi. Dahil may lakas loob naman akong nakawin iyon, kailangan ko na ring magkaroon ng lakas ng loob para tiyakin na nasa akin nga ang perang iyon. Para naman kahit papaano ay masabi kong may pinuntahan naman ang hirap ko ngayong gabi. Hindi ko alam kung tama bang hilingin ko pa na sana ay hindi sayang ang lahat ng ginawa ko. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo, hindi ko na halos ramdam ang mga paa ko pero hindi ako humihinto hangga't hindi ako nakakalayo sa humahabol sa akin. Hating gabi na pero may mga sasakyan pa rin sa highway, karamihan sa kanila ay truck at kotse. Alam kong delikado ang naiisip ko pero wala akong ibang choice kundi patakbong tumawid. "Hoy!" Hindi ko pinansin ang tawag na iyon. Basta ang alam ko lang, nakarinig ako ng malakas na busina. At paglingon ko sa kaliwa ko...isang mabilis na truck ang dire-diretso ang takbo at papunta iyon sa akin. Hindi ko na nagawang makagalaw sa kinatatayuan ko. Tila napako na lang ako nang masilaw ako sa ilaw ng truck na iyon at tila nabingi sa lakas ng busina na dulot nito. Naramdaman ko ang pagtama nito sa kaliwang balikat ko dahilan para tumilapon ako. Hindi ko maipaliwanag ang buong nararamdaman ko dahil sa bilis ng mga pangyayari...hindi ko na rin alam kung ano ang mga sumunod pang nangyari... Bahagyang nagmulat ang mata ko at napansin ko na lang ang kalangitan...bigla ko na lang naitanong sa sarili ko kung saan ba papunta ang katawan ko. Bukod sa bugbog na ang buong katawan ko, wala na rin akong lakas na lumingon pa o tumawag ng tulong. Hanggang sa nakaramdam ako ng sobrang sakit...tumama na yata ako sa semento...pagkatapos ay gumulong ako...tapos... Ito na yata ang sinasabi nilang wala ka nang ibang maiisip kundi ang mga taong maiiwan mo...pero sa lagay ko, wala naman akong maiiwan...ako pa nga ang iniwan ng lahat... Naging blangko na ang paningin ko...unti-unti...si mama na lang ang huli kong inisip at alam ko na susunod na ako sa kanya ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.6K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook