bc

My Secret One

book_age18+
3.7K
FOLLOW
15.4K
READ
possessive
sex
family
fated
independent
drama
comedy
bxg
virgin
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Isang Playboy at isang man hater, pinagtagpo. Ano kaya ang mangyayari kung si Playboy na-inlove sa man hater.

Pwede kayang magsama si Jake at Carla? o dahil sa nakaraan ni Carla hindi makakaporma si Jake.

chap-preview
Free preview
One
One Carla... "Ano ba Jake ang kulit mo"inis niyang sita sa binata. Kanina pa kasi siya sinusundan nito. kahit saan siya magpunta nakasunod daig pa ang aso kung nakasunod. Kapag natakasan mo na ito ilang minuto lang nakasunod na naman sayo. "Sagutin mo na kasi ako"pangungulit nito sa kanya. "Sagutin? Sinagot na kita diba ang sabi HINDI...A Y O K O...B A S T E D K A...ikaw lang ang binasted na makulit pa din"inis niyang sagot sa binata. "Huh, hindi naman ahh. Andyan pa si Marco. Dalawa kami"pang-aasar pa nito. Magkaibigan nga itong dalawa parehas na makulit. Nanliligaw din kasi si Marco sa kaibigan niyang si Kyla. Simula ng gabing nakilala nila ang mga ito hindi na sila nilubayan, at naiinis na siya. Noong una okay naman sa kanya ang binata mukha kasing mabait. Hindi gagawa ng kalokohan kaya aaminin niya attracted siya sa binata. Sino ba ang hindi ma-aattract sa binata, napakaamo ng mukha niya. Tantalizing eyes, kissable lips, prominent jaw line, pointed nose. In short gwapo. Kala mo nga hindi makabasag pinggan kung titignan. Sa unang tingin good boy image ang dating hindi pagkakamalang playboy. Pero ng bulungan siya ni Issay na Playboy ang binata Naku daig pa ang may sakit na aids kung iwasan niya ang binata. "Tigilan mo ako...wag ako Jake"inis niyang nilagpasan ito. Papasok na siya sa loob ng boarding house nila ng harangin nito ang dadaanan niya. "Kain nalang muna tayo ng dinner. Please nagugutom na ako maghapon na akong walang kinain"pag-aaya nito. Tinaasan naman niya ito ng kilay. "Hindi ko kasalanan na tanga ka, hindi ko naman dala ang kaldero bakit hindi ka kumain"inis niyang sagot dito. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay ang mga ganitong klase ng tao na parang kokonsensyahin pa siya mapapayag lang siya sa gusto nito. "Hindi mo nga dala, kaso naman Carla my loves hindi ako makakain ng hindi ka kasabay"paglalambing pa nito na hindi naman umubra sa kanya. "Ito gusto mong kainin"sabay pakita sa kamao niya. "Hmm ayoko, lips mo nalang pwede?"pang-aasar pa nito. Nagpintig ang tenga niya sa narinig niyang sagot nito. kaya naman nginitian niya ito ng sobrang tamis at nilapitan pa ito ng sobrang lapit. Iyong tipo na hahalikan niya na ito sa sobrang lapit niya. Nakita pa niyang napalunok ito ng makailang ulit dahil sa pagtaas at baba ng adams apple nito. "Gusto mo ng lips ko?"mapang-akit pa niyang tanong sa binata. Panay naman ang tango nito bilang sagot sa kanya, nakatitig pa ito sa kanyang mga labi. Sa pang-aasar niya binasa pa niya ang labi niya ng kanyang dila at pasimple ng lip bite pa siya kaya naman kitang kita niyang hindi naging madali sa binata ang paghinga nito. Lalo niyang ilapit ang mga labi niya sa binata, nang ilang hibla nalang ang layo ng mga labi niya at nakita niyang napapikit pa ng mata si Jake. Doon niya naman tinuhuran ang binata. Bagsak itong namimilipit sa sakit ng tamaan niya ang pakaiingatan nitong alaga. "Uli-uli pipiliin mo ang gagaguhin mo ha Jake Milller"inis niyang iniwanan ang binata at tuluyan ng pumasok sa loob ng boarding house. Bakit ba naman napakalapitin niya ng mga lalaking gago. "Umuusok na naman ang ilong mo nandyan na naman si Pogi ano"sita sa kanya ni Mang Ador. "Mang Ador kasi sinanay niyong pumunta punta dito"inis niya ganting sita sa gwardya nila. "Ikaw naman din kasi Carla, sagutin mo na kawawa naman ang bata iyon ilang buwan na bang nanliligaw sayo. Si Kyla din dapat sinasagot niyo na ung dalawang pogi na iyon" sulsol pa ng matanda. Inirapan naman niya ito at hindi na sinagot pa, wala siyang pakialam kung masabihan siyang mataray. Basta naiinis siya ipapakita niyang naiinis siya kahit pa mas matanda sa kanya. Pagpasok niya sa loob ng kwarto nila ni Kyla wala pa doon ang kaibigan niya. Mukhang magkasama na naman ito at ang manliligaw nitong si Marco. Hindi naman niya pinagbabawalan ang kaibigan niya kaso naman gusto din naman niyang ingatan ang kaibigan niya. Napapansin kasi niyang seryoso na talaga ang kaibigan niya kay Marco kahit pa ilang beses na nilang sinabihan ni Issay na playboy ito. kasi naman alam niyang hindi nito alam ang mga bagay bagay na tungkol sa ganito dahil wala pa itong experience sa love. Napabuntong hininga nalang siya habang inisip ang kaibigan niya. nakahiga na siya sa kama niya ng bumukas ang pinto at nakita niyang pumasok doon si Kyla na kulang nalang mapunit ang labi sa pagkakangiti nito. hindi din siya nito napansin na nandoon na ito, kaya naman napailing nalang siya. "Bakla!!!"sigaw niya dito. "Ay! Tokwa ka"gulat nitong turan na napatalon pa ito sa gulat. "Ngiti mo, aabot na sa tenga mo"sita niya sa kaibigan. Na-conscious naman bigla ang kaibigan niya at napahawak sa pisngi nito. "Hindi naman, edi napunit na ang pisngi ko kung umabot na sa tenga ko ang ngiti ko"sagot sa kanya ng kaibigan. Napaikot ng wala sa oras ang mata niya. Kita niyo na may pagka slow talaga. "Saan ka galing?"pag-iiba nalang niya. Pagud siya ngayon kaya wala siya sa mood na patulan ang kabaliwan ng kaibigan niya. ang dami kasi nilang project ngayon. "Kumain lang kami ni Marco sa labas. Ay! Girl kumain ka na ba may take out ako para sayo"sabi nito at kinukuha ang pagkain sa bag nito. Wala naman siya sa mood na kumain pero kapag libre gusto niya iyon. Ito ang gusto niya kay Kyla, kahit hindi na sila madalas magkasabay kumain hindi pa din siya nito nakakalimutan. Palaging may take-out para sa kanya. "Girl, hindi ba kayo magkasama ni Jake?"tanong sa kanya nito ng kumakain na siya. "Magkasama, kaso nagpahatid lang ako dito sa boarding house tapos pinaalis ko na"walang gana na sagot niya. "Nasa labas kasi si Jake nong dumating kami, nakasimangot kala ko hindi kayo nagkita"sagot naman nito sa kanya. "Pwede ba Kyla, rinding rindi na ako sa pangalang Jake"inis niyang sita sa kaibigan. Tiningnan lang siya nito bago ito nagpatuloy sa pagbibihis ng damit nito na pangtulog. ....................... Jake... Naiinis siya, hindi na nga siya nakakascore ngayon mababasag pa ang pinakaiingatan niya. Tuhurin ba naman siya ni Carla kanina. Buong akala pa naman niya mahahalikan na niya si Carla. Iyon naman pala makakatikim siya ng tuhod hindi lips. Badtrip... "Tumigil ka na kasi sa kakasunod"payo sa kanya ni Benjamin. Sinamaan lang niya ng tingin ang kaibigan niya. hindi kasi nito alam ang nararamdaman nila ni Marco kaya kung makapagpayo ito ganon nalang. "Bro, hindi na pwede hulog na mahirap ng umahon"sagot niya. "Kapag ikaw nakahanap ng mamahalin mo tingnan lang natin"dagdag pa ni Marco. Nasa Bar sila ngayong tatlo, hindi na nila napagkikita si Malik simula ng maging nobya nito si Issay. Buti pa ang isang iyon okay na ang love life siya kaya kailan kaya siya nakakascore kay Carla. Tangina naman puso ka kasi magmamahal ka na lang sa galit pa ata sa mundo ang ginusto mo ang hirap mong sawayin... gigil niyang sita sa sarili niya. "Hindi pa pinapanganak ang babaeng makakabihag ng puso ko"mayabang na sagot naman ni Benjamin. "Tangina, lolo ka na kapag pwede mo ng pakasalan ang babaeng bibihag sa puso mo"natatawa namang biro ni Marco. "Okay lang, age doesn't matter bro"sagot naman nito. Nagtawanan nalang silang tatlo sa kalokohan ni Benjamin. "Kamusta ba kayo ni Carla bro?"baling sa kanya ni Marco. "Walang pinagbago...buti nalang sinabi mo sakin kung saan ko siya makikita kundi hanggang ngayon naghahanap pa din ako sa babaeng iyon"sagot niya. Mula kasi ng gabing nakilala niya si Carla hindi na mawala sa isipan niya ito. Love at first sight sabi nga ng iba. Noong una hindi siya naniniwala doon kaso ito siya ngayon timaan ng pana ni kupido. Hindi lang yata isang pana, tinadtad yata siya kaya ganito katindi ang pagkagusto niya kay Carla. "Mabait naman si Carla"sabi pa ni Marco. "Mabait?...siguro kapag tulog"sarcastic niyang sagot. "Bakit nakatikim ka ba ng katarayan?"tanong sa kanya ni Benjamin. "Hindi lang katarayan ang natikman ko bro, bayolente bro, nananakit. Tsk nakikita ko na bother boyfriend ako kapag nagkataon"naiiling niyang sagot. Nagtawanan naman ang dalawa sa naging sagot niya. "Kayo bro, kamusta kayo ni Kyla?"tanong niya sa kaibigan. "Okay lang bro"malungkot na sagot nito. Napabuntong hininga nalang siya ng sobrang lalim. Naturingan na mga playboy silang magkakaibigan pero hindi nila makuha ang mga babaeng gusto nila. Hindi gumagana ang mga charm nila sa mga ito. Karma... Kasabihan lang na hindi niya pinaniniwalaan noon pero ngayon gasgas na linya na sa kanya iyon. Naalala pa nga niya ang pangaral sa kanya ng Mommy niya. "Ang pag-ibig parang magnanakaw iyan, hindi moa lam kung kailan dadating. Basta nalang susulpot at nanakawin ang puso mo" Noon kapag nagdialog nan g ganito ang mommy niya pasok sa isang tenga labas sa isang tenga ang ginagawa niya. minsan pa nga nahuli siya nitong nagme-make face na ginagaya ang pagsasalita ng ina niya. Napingot siya nito sa tenga na ikinatawa lang nilang magkapatid. Dalawa lang kasi silang magkapatid parehas pang barako. Buti nalang wala na ang daddy nila, bata pa lang kasi sila ng kapatid niya ng mamatay ang father nila. Naaksidente kasi ang daddy nila noon sa sasakyan na ikinamatay nito agad. Ang kwento sa kanila ng moomy nila magkakaugali silang tatlong mag-aama kaya siguro ang saya kung nakasama pa nila ng matagal ang daddy niya. Well enough with the drama, move on na silang pare-pareho sa pagkawala ng daddy niya. hindi na naman sila malungkot ngayon dahil alam nilang kung nasaan man ang daddy nila alam niyang masaya na ito doon at binabantayan sila. "Iinom nalang natin ang mga problema niyo"taas ni Benjamin ng baso nito. Siya naman ay ginaya lang ang kaibigan niya sa kung anong ginawa nito. Alak nalang ang libangan niya ngayon. Wala ng thrill sa kanya kung mag-uwi man siya ng babae sa condo niya. Si Carla nalang kasi ang nag-iisang babaeng nagpapainit ng katawan niya. Speaking off Carla, hindi pa nga pala niya ito natatawagan mula kanina na naghiwalay sila. Baka mamaya niyan isipin na ng my loves niya sumuko na siya kasi natuhuran na siya. "Labas lang ako tatawagan ko lang ang My Loves ko"paalam niya sa mga kaibigan niya. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng mga kaibigan niya basta nalang siyang lumabas ng VIP room maging sa mismong Bar. Sumakay pa siya sa loob ng sasakyan niya para tahimik ang back ground niya. takot lang niyang mabuking siya ni Carla na nagBar na naman siya. "Oh!!!"sagot sa kanya ni Carla. Ang sweet ano nakasigaw na naman sa kanya. "Hello my loves, kumain ka na ba?"sweet niyang tanong sa dalaga. "Natural hindi mo naman dala ang pinggan at kaserola namin"mataray na namang sagot nito. "Nabusog ka ba?"hindi niya pinansin ang pagtataray nito. "Naku Miller, tigilan mo na ako. Hindi pa ba sapat ang natuhuran ka na, nabasted na kita. Nangungulit ka pa din"inis na sagot nito. Bigla naman siyang nakaramdaman ng kirot banda sa pagitan ng kanyang mga hita. Buti nalang talaga at kahit papaano nakaiwas siya at sa may groin lang niya tumama ang tuhod ni Carla kung nagkataon na kay Junjun niya tumama baka rest in peace na ang lahi niya. ang diin pa naman ng pagkakatuhod sa kanya ni Carla. "Pahinga ka na My Loves ko...tsinek lang kita kung kumain ka na. I love you"lambing niya dito. Bukas nalang niya ulit kukulitin si Carla baka kasi mabadtrip na ng tuluyan sa kanya. hirap na nga siyang paamuhin, lalalo pang pahirapan siya nito. "Ewan ko sayo"iyon lang ang sinabi nito at pinatay na ang tawag niya. Ngumiti nalang siya kahit na hindi naman siya nito nakikita. Sabihin ng nababaliw na siya, wala siyang pakialam. Basta masaya ang puso niya doon lang siya. Maghihintay at mangungulit kay Carla hanggang sa bumigay na ito ng tuluyan. Sabi nga sa kasabihan. Try and try until you succeed... At pinanghahawakan niya iyon, kahit anong mangyari pasasaan ba't mapupunta din sa kanya si Carla. Sasagutin din siya nito. Hindi man ngayon pero dadating ang araw na tuluyan niyang mapapaamo si Carla sa kanya. Sarap kaya sa pakiramdaman na lahat ng pagud at paghihirap mo ay magkakaroon ng katumbas na ligaya. Mamahalin mo din ako Carla...kapag minahal mo ako mas matindi pa sa pagmamahal na meron ako sayo. Pero syempre hindi ako papayag, dapat mas mahal kita kasi ako ang naunang nagmahal satin...kaya humanda ka, kapag ako sinagot mo papalitan ko agad ang apelyido mo. Pinakatitigan niya ang picture ng dalaga sa kanyang cellphone. Stolen lang iyon pero para sa kanya ito na ang pinakamagandang photo ni Carla.  .......................

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook