bc

Hello Again, Stranger (Free & Completed)

book_age16+
1.9K
FOLLOW
4.7K
READ
HE
blue collar
sweet
office/work place
addiction
like
intro-logo
Blurb

THIS STORY IS FREE 'TIL THE END!

Apologies po sa mga typo error, grammar error atbpa. Unedited po ito pero sana ay magustuhan niyo pa rin po. Pure romance po ito.

Maraming salamat po ?

Happy reading everyone!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAGKUKUTKOT ang kalooban ni Florence habang nakaupo sa bench na nasa ilalim ng punong iyon sa Luneta. Masamang-masama ang loob niya sa ina dahil sinigawan nanaman siya nito kanina. Hindi lang iyon, pinagalitan nanaman siya nito dahil umalis siya sa pinagtatrabahuhang panaderya sa kanilang lugar. Ayon sa ina ay maswerte na nga daw siya at napasok siya sa nag-iisang panaderyang iyon na siyang pinakamalaki din sa kanilang lugar. Pero hindi niya masikmura ang mga tsismosang kasamahan niya sa trabaho. Sa dalawang buwang pagtatrabaho niya doon ay wala siyang narinig kundi mga pasaring ng mga kapwa niya trabahador doon. Kesyo madali daw siyang nakapasok dahil ginamit daw niya ang katawan niya upang madali siyang tanggapin ng may-ari ng panaderya. Isang matandang intsik ang nagmamay-ari niyon at maselan ito sa mga trabahador. Ang ibang mga kasamahan niya ay nahirapan muna bago nakapasok samantalang siya ay hindi pa nag-iinit ang pwetan sa kinauupuan ng interviewhin siya nito ay pumayag na kaagad itong magtrabaho siya doon. Nang una ay hindi niya pinansin ang mga patutsada ng mga ito. Pero naubos ang pasensiya niya ng minsang mag-isa siya sa kusina ng panaderya ay pumasok doon ang intsik. Nang hawakan siya nito sa beywang ay agad siyang lumayo dito pero iba ang naging tingin ng dalawang babaeng biglang pumasok sa kusina. Magkahalong pang-uusig at panlilibak ang makikita sa mga mata ng dalawang babae. Hindi niya matanggap nang sabihin ng matandang intsik na pakipot pa daw siya. Sabay hawak sa puwet niya. Parang lumobo ang kanyang ulo at nasampal ang matanda. Sa oras ding iyon ay nagdesisyon siyang umalis na sa trabaho. Nang sabihin niya iyon sa ina ay nagalit pa ito. Kung nasa tamang pag-iisip lamang ang kanyang ina ay hindi nito iyon gagawin sa kanya. Maunawaan siya nito at kakalingain. Kilala niya ang kanyang ina, mabait ito at maalalahanin. Mahal na mahal siya at ang kanyang ama. Pero nagbago ang lahat ng mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente kung aksidente ngang matatawag iyon. Nasaksak ito ng isa niyang manliligaw dahil hindi siya pumayag na sumama ditong makipag-date. Protective sa kanya ang ama dahil nag-iisang anak lamang siya. Kaya labis ang panlulumo niya ng mawala ito sa kanilang buhay. Hindi kaagad natanggap ng kanyang ina ang nangyari sa kanyang ama. Masyado itong nasaktan dahil mahal na mahal nito ang kanyang ama. Hindi niya akalaing siya ang sisihin nito sa pagkamatay ng lalake. Dahil daw sa kaya namatay ang kanyang ama. Marami kasing nagkakagusto sa kanya. Mukha palang niya ay ulam na ayon nga sa iba. Lahat ng kanyang manliligaw ay halos nakatira sa lugar na iyon na lahat ay tinanggihan niya dahil karamihan sa mga iyon ay masasama ang ugali o kaya naman walang direksiyon ang buhay. Madalas napapaaway ang kanyang ama dahil sa pagtatanggol sa kanya. Hanggang sa sumapit ang araw na ikinamatay nito ang pagtatanggol sa kanya. Masyado iyong ininda ng kanyang ina. Hindi nito matanggap na iniwan na sila ng namayapa niyang ama. Kaya gulat na gulat siya ng sisihin siya nito. Nagsimula itong magbago. Natuto itong maging tamad kumilos na dati ay hindi. Natuto na din itong umimon hanggang sa tuluyan na itong hindi magtrabaho at manatili nalang sa bahay. Ni hindi na niya naipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo dahil kinailangan na niyang magtrabaho para mabuhay silang mag-ina. Pero wala na siyang nais sisihin pa. Hindi niya magawang magalit sa ina dahil alam niyang wala siyang karapatan. Iyon ay dahil hindi naman siya totoong anak ng kanyang ina. Anak siya ng kanyang ama sa unang kasintahan nito na pagkatapos siyang ipanganak ay iniwan siya sa kanyang ama at hindi na muling nagpakita pa. Labis ang lungkot at hinagpis niya ng malaman ang katotohanang iyon. Ipinagtapat iyon sa kanya ng kinagisnan niyang ina minsang magkaroon sila ng komprontasyon. At doon ay nalaman niya ang lahat. Nagrebelde siya ng una pero naisip din niyang wala iyong magagawa kung ipagpapatuloy niya. Nagdesisyon siyang ayusin ang sarili at tuluyang maghanap ng trabaho upang mabuhay silang mag-ina. Marami na siyang napasukang trabaho. Pinakamatagal na ang isang taon niya sa isang garments factory. Maayos ang pasahod doon subalit nagulat nalang sila ng ianunsiyo ng may-ari na kinakailangang magbawas ng tauhan dahil sa krisis na nangyayari sa Pilipinas. Isa siya sa mga natanggal. Muli siyang naghanap ng trabaho at hindi niya alam kung talagang sadyang walang swerteng dumapo sa kanya siya nagkanda-malas-malas na ang kanyang buhay ay hindi niya nagagawang magtagal sa trabaho. Kundi dahil sa inggit ng mga kasamahan niya ay binabastos naman siya ng nagiging amo niya dahilan upang magresign siya sa trabaho. Hanggang sa dumating siya sa edad na bente tres ay hindi nagbago ang routine sa buhay niya. Naalala pa niya ang madalas sabihin sa kanya ng nanay niya kapag umaalis siya sa trabaho. “Mag-asawa ka nalang ng mayaman at hindi ka na nahihirapang magpalipat-lipat ng trabaho. Mabubuhay pa tayo ng masaya.” Nais na niyang mawalan ng pag-asa pero naniniwala siyang magkakaroon din ng magandang hinaharap ang kanyang tadhana. Pasensiya lang Florence… pasensiya lang… Iyon ang madalas niyang sabihin sa sarili. Kagaya ng mga oras na iyon. Ang mga salitang iyon ang idinidikta niya sa sariling isip upang pagaanin ang kalooban. Huminga siya ng malalim at iginala ang paningin sa paligid. Papalubog na ang araw at anumang oras ay lalamunin na ng dilim ang parkeng iyon. Siguro ay kailangan na niyang umuwi. Kanina pa siya doon habang naglalabas ng sama ng loob. Pinahid niya ang isang patak ng luhang naglandas sa kanyang pisngi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook