bc

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang

book_age12+
39
FOLLOW
1K
READ
dark
family
drama
sweet
no-couple
mystery
supernatural
horror
multiple personality
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Sino ang kanyang makakatulong para matalo ang ibang malalakas at naghihimagsik na mga aswang at bampira sa kalupaan maging sa mundong kanyang pinanggalingan?

May pag ibig kayang mahanap ang tulad niyang kakaiba?

Paano na ang mga nakagisnan niyang pamilya?

Handa ba siyang isugal ang mga ito?

Abangan ang kanyang pakikipagsapalaran sa mundo ng mga mortal at sa kanyang pakikipaglaban laban sa kanyang mga kalahi

chap-preview
Free preview
Ang Simula
~~o~~o~~o~~o~~ Ang Simula ng Lahat Sa isang napakalayo at tahimik na lugar kung saan ay may mga naninirahan na lahing aswang, mga iba't ibang uri ng mga aswang at may iba pang mga nilalang ang nakatira doon na pinamumunuan ng isang maayos at mabuting Hari Mga aswang na galing pa sa iba't ibang lahi at kung saan saan na doon na napiling manirahan sa pamumuno ng kanilang mabait na Hari Ang Haring Saturno, na isang mabuti at hindi kumakain ng laman ng tao, kundi nabubuhay siya sa pagpatay ng hayop at iyon ang kanyang ipinag uutos sa kanyang mga nasasakupan Na ang ilan ay sumunod naman pero ang ilan ay tumutol sa kanyang panukalang batas "Ang sinumang mahuhuli at mababalitaang pumatay at kumain ng karne ng tao ay mapaparusahan ng kamatayan!," dumadagundong niyang pahayag sa kanyang mga nasasakupan,"Manirahan at makisalamuha tayo sa mga mortal ng may dangal," May iba na natuwa dahil may mga iniibig silang mortal at hindi sila makalapit sa mga ito dahil sa natatakot silang mabunyag ang kanilang pagkatao na kabilang sila sa mga lahi na kinatatakutan ng mga ito May ilan naman na sumama ang loob sa namumunong Hari dahil ang ilan sa kanila ay nanghihina kapag hindi nakakakain at nakakainom ng sariwang dugo at laman ng tao "Mahal na Haring Saturno," agaw ng isang matandang aswang," Hindi natin sila katulad, sila ay mga mabababang uri na nilikha para maging pagkain natin, pero bakit gusto mong makisalamuha kami sa kanila?," "Tama po si Apo," segunda ng isang lalaking aswang na kumakain ng karne ng tao," Nang hihina po kami sa mga laman at dugo ng hayop, mahal na Hari. Ang mga mortal ay pinapatay ang iba nating kalahi, kaya dapat lang sa kanila ang maging pagkain natin," "Kaya nga sinasabi ko sa inyo na iwasan ang pagpatay at pagkain ng karne ng tao," sagot nito sa dalawang aswang,"Maraming hayop dito sa kagubatan kaya malaya tayong makakakain ng walang makakakita sa atin," Wala ng nagawa ang mga ayaw sumunod sa kanyang kagustuhan, halos kalahati ang umayon at kalahati ang ayaw sa kanyang pamumuno Amg Haring Saturno ay may dalawang anak na lalake sa asawang si Celestina, isang aswang din ang babae kaya purong aswang ang kanilang mga anak na nagtataglay ng kakaibang lakas habang lumalaki ang mga iyon Ang panganay na si Serafino, isa itong hambog, arogante at ayaw sa patakaran ng kanyang amang hari kaya natutuwa siya dahil marami ang hindi sumasang ayon sa bago niyong batas Iniisip niya na kapag namatay ang ama nila at sa kanya ipapamana ang trono ay babaguhin niya ang batas ng ama, hahayaan niyang kumain ng mga mabababang uri ang kanyang mga kalahi At sigurado naman siya na siya ang papalit sa trono nito dahil siya ang panganay na anak, May lihim din siyang galit sa nakababatang kapatid dahil sang ayun ito sa bagong patakaran ng ama, sa maikling salita ay katulad ito ng kanilang ama na umiiwas sa pagkain ng tao At ang bunsong si Karry, ay kabaliktaran ng ugali ni Serafino,  namana niya sa ama at ina ang kababaan ng loob sa mga nasasakupan nila, palakaibigan ito at mabait sa lahat ng uri at mabababang kalahi nila Marami ang nagdadalangin na ito sana ang pumalit sa ama nito kapag namatay na ito dahil alam nila ang binabalak ng panganay na palitan ang batas ng ama at iyon ang ikinatatakot ng mga iyon na mangyari Kabaliktaran ni Serafino si Karry sa lahat ng bagay at pag uugali, mas malakas ang pisikal na pangangatawan nito kaysa sa nakatatandang kapatid May taglay itong bilis, taas kung tumalon, may matatalas na mga mata at pandinig na wala ang kanyang kuya Serafino Kumbaga ay mas malakas siya sa kanyang kuya, at iyon ang hindi alam ng isa Lahat ng kanyang katangian ay namana niya sa kanilang ama at ina ~~o~~o~~o~~o~~ Lumipas ang araw, buwan at maraming taon hanggang sa nanghina na ang kanilang ama at ina, hindi na niyon kaya pang pamunuan ang kanilang kaharian kaya nagpasya na ang Haring Saturno na ipamana sa isa sa kanyang anak ang kanyang trono Halos lahat ay nag aabang ng araw na iyon kung kanino ipapatong ang korona ng Hari Halos lahat ng aswang ay nakamasid sa itaas ng entablado para makita ang kanilang bagong pinuno, Marami ang dumadalangin na sana ay si Karry ang maging bagong hari At ang iba ay si Serafino para makakain na sila ng mga karne ng tao kapag ito ang tumayong bagong hari nila Na hindi lingid sa kaalaman ng Haring Saturno ang binabalak ng kanyang panganay na anak, alam niya kapag ito ang maging hari ay magkakagulo ang lahat at marami ang mamamatay sa kanyang mga kalahi at sa mga mortal At kapag naman sa bunsong si Karry, alam niya na mapapabuti ang lahat kahit na pumanaw na sila ng kanyang kabiyak anumang oras Kaya isang mabilis at matinong pagpapasya ang kanyang nabuo Lumapit siya sa dalawang anak na nakatayo sa kanyang harapan, niyakap at pinagmasdan ang mga iyon ng may pagmamahal Nakangisi naman si Serafino dahil alam niyang sa kanya ibibigay ang korona, samantalang matamis na ngiti naman ang kay Karry na tanggap kung anuman ang desisyon ng kanilang ama Hawak ng Hari ang korona niya, palakad lakad siya sa harapan ng dalawang anak habang tahimik na nagmamasid ang kanilang angkan "Sana si Prinsipe Serafino ang mapili," dalangin ng isang aswang habang seryosong nakatingin sa mag aamang nasa harapan nila "Siguradong siya ang magmamana ng trono," sang ayon at siguradong pahayag ng katabi nito," Siya ang panganay kaya dapat na siya ang magmana para maiba na ang batas," "Tama kayo," pagsang ayon ng isang matanda," Sabik na sabik na akong makakain ng laman ng tao at makainom ng sariwang dugo, nanghihina na ako sa puro hayop nalang ang natitikman," "Nagkakamali kayo," ani ng isang aswang," Si Prinsipe Karry ang magmamana ng korona, kaya wag muna kayong mag diwang," Sinamaan lang siya ng tingin ng tatlong aswang, sa isip ng mga ito ay uunahin nilang lapain ito kahit na kalahi nila dahil sa pagkampi sa kapatid ng kanilang Prinsipe Serafino Ngumisi lang ang aswang sa kanila Nagulat ang lahat ng ipatong ni Haring Saturno ang korona sa ulo ng bunsong anak na si Karry kaya halos ang lahat ay nagdiwang maliban kay Serafino na magpupuyos sa galit ang puso niya maging ang mga aswang na umaasang siya ang tatanghaling bagong Hari ng kanilang angkan Masayang nagdiwang ang lahat ng gabing iyon, nagkatay sila ng mga hayop na nahuli sa kagubatan at inihanda sa isang malaki at mahabang lamesa kung saan sabay sabay nilang lalapain ang mga hilaw at pinatay na mga hayop Kahit masama ang loob ng mga kapanalig ni Serafino at maging siya ay nakipagdiwang din siya kasama ang lahat kahit na pinapatay na niya sa nag babagang tingin ang kapatid lalo na nasa ulo nito ang korona na sana ay sa kanya nakapatong Masama din niyang tinignan ang mga magulang, alam niya mas mahal ng mga ito ang kapatid kaysa sa kanya, kasi kung pantay ang pagtingin ng mga ito ay sa kanya ipapamana ang trono Mabilis lumipas ang mga araw at buwan, unti unti ng nanghihina ang amang hari at ang reyna dahil sa hindi malamang kadahilanan Halos hindi na nakakabangon ang mga ito sa higaan dahil sa tindi ng sakit na dumapo sa kanilang katawan Samantalang ang kaharian ay mas maayos ang naging lagay ng si Karry na ang namumuno, lahat ng mahuhuling pumapatay at kumakain ng tao ay kamatayan agad ang parusa Pinapatay niya ang mga taksil at nagsalungat sa batas nila sa harapan mismo ng mga kalahing aswang, para hindi na iyon pamarisan pa ng iba Nalulungkot din siya dahil sa biglaang pagkakasakit ng kanilang mga magulang, na halos mas malalakas pa ito kaysa sa ibang matatandang aswang dahil sa puro ang lahi ng mga ito, halos walang magawa ang manggagamot sa kanilang lahi para pagalingin ang kanilang mga magulang Hanggang sa dumating na ang kinatatakutan ni Karry, pumanaw ang kanilang mga magulang kung kailan ay mas kailangan pa niya ang mga gabay at payo ng mga ito para sa pamumuno niya Nagdalamhati ang mga kalahi nila maliban kina Serafino na tuwang tuwa at ang mga kapanalig niya, pero pinapakita pa din niya ang pagdamay at pagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang mga magulang Nagpa plano na din siya ng palihim kung paano aalisin sa landas niya ang kapatid At kung paano na siya ang magiging hari ng kanilang lahi Lahat ay gagawin niya kahit patayin pa ang kapatid masunod lang ang hinihiyaw ng kanyang naghihimagsik na kaisipan ~~o~~o~~o~~o~~

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.9K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.4K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.6K
bc

EASY MONEY

read
174.3K
bc

Dangerous Spy

read
298.4K
bc

YOU'RE MINE

read
893.6K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook