bc

HALiK SA HANGiN

book_age18+
1.6K
FOLLOW
7.2K
READ
one-night stand
family
HE
badgirl
dare to love and hate
heir/heiress
bxg
lighthearted
mystery
loser
campus
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

"Where is God when it hurt's?."

Nasaan nga ba ang Panginoon kapag nakakaramdam na tayo ng kawalan ng pag-asa sa buhay?. Nasaan nga ba siya sa mga panahon na gusto na nating sumuko dahil sa sobrang sakit na ating nadarama?.

chap-preview
Free preview
C1: PANAGiNiP
WARNING R-18 ‼️ Nakaupo ako ngayon sa mamahaling upuan na minana pa ng aking ama mula sa kanyang mga magulang. Hawak ang paborito ko na aklat. "WHERE IS GOD, WHEN IT HURTS" Ang nakalagay sa pabalat nito, sa kasarapan ng aking pagbabasa, natigilan ako ng masulyapan ang pares ng sapatos sa aking harapan. Kulay itim, patulis ang dulo, hindi maipagkakaila na mamahalin ito! Unti-unti akong nag-angat ng paningin mula sa baba, pataas sa kanyang itim na pantalon, hanggang sa puti at mahabang manggas na polong nakasuk-sok sa bewang ang laylayan pataas sa kanyang mukha. Matangkad ang lalaki, kulay crema ang balat, mayroong kaunting bigote na patubo pa lamang na lalong ikina-gwapo ng maamo niyang mukha. Matangos din ang kanyang ilong at kulay abo ang bilugan niyang mga mata na bumagay sa kulot ang itim niyang buhok. "Sino ka?" Tanong ko sa lalaki na tanging ngiti lang ang napala ko mula dito. Nag-init ang aking ulo at napabusangot. Nakakainis lang dahil mukhang inabala lang ako para mang-asar, tanging ngisi lang naman ang sagot sa mga tanong ko. Nayayamot na napataas ako ng kilay ng maupo siya sa tabi ko at matamang akong tinititigan. Hindi na ako nakatiis kaya hinarap ko na ito at tinaasan ng kilay. Humalukipkip ako sa pina-maldita na itsura. Pero tila tuwang-tuwa pa ang lalaki sa nakikita sa akin! "Sino ka ba kasi, ha?, paano ka nakapasok dito?, anak ka ba ng kaibigan ni Papa?" Sunod-sunod ko na tanong. Hindi naman ito sumagot na matamang lang na nakatitig sa akin. Hindi ko maiwasang mailang dahil sa tiim ng kanyang pag kakatitig na tila kinakabisa ang aking buong mukha. "Hayst! Bahala ka nga d'yan!" Inis na pinaikot ko ang aking mga mata sabay napa-irap sa lalaki at muling bumaling sa libro na aking binabasa. Ganito ang aking routine sa pang-araw-araw. Mag basa, matulog, makipag-kwentuhan sa dalawa naming katulong dito sa bahay. Hindi naman kasi ako ang tipo ng tao na pala-labas ng bahay at uubusin ang oras sa pakikipagkwentuhan sa buhay ng may buhay. Mas gugustuhin ko pa ang matulog kaysa mag-lakwatya sa labas kapag ganitong umaga. Sa gabi ako madalas lumalabas para mag-unwind sa bar at tanging paraan para pansamantalang makalimot sa katotohanan. Madilim na sa labas kaya gumayak na ako, niligpit ko na ang libro at tumayo. Plano kong pumunta ngayong gabi sa malapit na bar kung saan ako madalas tumambay. Hindi ko na pinansin o kahit tinapunan ng tingin ang lalaki na walang dila. Tahimik naman itong nakamasid lamang sa aking bawat kilos. Hindi din naman siya umiimik na sa palagay ko ay baka pipi ang lalaking 'to kaya ganun. Hindi ko rin kasi ugali na makipag kulitan sa mga hindi ko kilala dahil naiilang ako. Pagpasok ko ng silid ay kaagad ko na hinubad ang lahat ng aking saplot, diretso ng banyo, tumapat sa shower head at napapikit ako habang ninanamnam ang lamig na tubig na dumadaloy sa aking katawan. Matapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo na tanging maikling towel lang ang nakatapis sa aking katawan at naglalakad patungo sa aking walk-in closet. Namilog ang aking mga mata sa gulat ng may braso na humapit sa aking baywang kaya mabilis na napalingon ako! Nanlaki ang aking mga mata dahil hindi ako nagkakamali, siya 'yon! Ang lalaking misteryoso na iniwan ko sa sala kanina!. Hinaplos niya ang pisngi ko at matamang akong tinititigan sa aking mga mata! Para akong nahi-hipnotismo sa uri ng ginagawad niyang tingin kaya hindi ako makagalaw at tanging pagkatulala lamang sa kanyang mukha ang nagawa ko. Napapikit ako ng aking mga mata sa pag-aakalang hahalikan niya ako, dahil unti-unti siyang yumuko sa mukha ko habang nakatitig sa mga labi kong nakaawang. Sobrang bilis ng t***k ng aking puso na para bang hihiwalay na ito sa aking dibdib habang hinihintay ko na dumapo ang kanyang mga mapupulang labi sa aking mga labi. Hindi pa man lang nagaganap ang halik na aking hinihintay ay siya namang lagapak ko sa sahig! "Araaaaay!" Napahiyaw akong nasapo ang aking pang-upo at mukhang napa sama ang aking bagsak! Napatampal ako sa aking noo at pinahid nang aking mga kamay ang aking leeg ng madama ko na halos naliligo na pala ako ng pawis. Napailing ako ng makumpirmang, panaginip lang pala ang lahat. Napapadalas na ganito ang laman ng aking panaginip, na may lalaki daw na bigla na lamang sumusulpot sa tabi ko. Hindi siya umiimik at matamang nakatitig lamang sa akin. Ang mga mata nito na animoy tumatagos sa aking kaluluwa ang uri ng tingin at tila ba ay kilalang-kilala niya ako. Nababalot ng kakaibang lungkot at pangungulila ang mga tingin na parang bang ang dami-dami niyang gustong sabihin sa akin pero nananatili namang tikom ang kanyang bibig at nagkakasya na lamang sa pagtitig sa akin. Nakatulugan ko na naman pala ang pagbabasa ng libro dito sa upuan na madalas kong pinuwestuhan. Naiiling na pinulot ko ang libro na nalaglag ko na naman sa sahig at marahang nahaplos, mukhang masisira na ito dahil sa laging bumabagsak. Napahinga ako ng malalim dahil sumagi na naman sa aking isip ang lalaking laman ng aking mga panaginip. Pakiramdam ko tuloy ay magkakaroon na ako ng imaginary boyfriend sa katauhan nito. "Sino kaya siya?" piping usal ko na napapangiti ng maalala kung gaano ka gwapo ang lalaki kahit hindi nagsasalita, inipit ko ng aking dalawang hita ang aking p********e na tila ba ay namamasa. Napahinga na lamang ako ng malalim na mapait na napangiti ng maalala ang karanasan ko sa pag-ibig. Ang pagkabigo ko sa aking unang pag-ibig at ang takot na maranasan ko itong muli. Nang mahimasmasan na ako ay mabilis na umakyat ako ng aking silid at nag linis ng aking katawan. Napapangiti ako na inayusan ang aking sarili habang nakatitig sa malaking salamin dito sa loob ng aking silid. Napangiti ako ng masilayan ang reflection ng aking pang-kontrabida na postura. Red lipstick ang napili ko na ilagay sa aking labi, nude dress na hakab na hakab sa kurbada ng aking katawan ang suot ko na damit. Malalim ang collar nitong ikinalantad ng malusog kong hinaharap. May haba ito na aabot lamang sa taas ng aking tuhod kaya naman nakalantad din ang makinis, maputi at mahaba kong hita. Napangiti ako na sinuot ang black stiletto ko sabay dinampot ang pouch na kinasisilidan ng lipstick at credit cards ko. Muli ko pang pinasadaan sa full length mirror ang aking kabuohan. Nang makuntento na ako sa aking itsura ay may matamis ang aking ngiti na lumabas ng aking silid. Pagkasakay ko sa aking kotse ay pinaharurot ko na ito palabas ng gate at binaybay ang kahabaan ng byahe papuntang Elite Exclusive Bar kung saan ang aking tambayan kapag ganitong gabi. Nakapagtapos naman ako sa kilalang university ng business administration pero dahil may sakit ako sa puso mula pagkabata ay ayaw ni Papa na ma-stressed o ma-pressure ako sa trabaho. Kaya naman sa bahay lang ako namamalagi at kapag gabi naman ay tumatakas ako para makapag-unwind. Pagka upo ko pa lamang ay kaagad na akong binati ng bartender na si Yujin "Hi Sav, dati parin?" Tanong niya sa akin at ngiti at pag tango lang ang isinukli ko bilang sagot. "Ito, kaya kang ipaglaban." Naka ngisi na inabot niya sa akin ang baso na may lamang alak. Napapailing na lang ako sa badoy ng kanyang linya. Ilang oras din akong tumambay ng bar at mag-isang umiinom sa gawi ng counter at nakatingin lamang sa mga tao dito na nagkakasiyahan kasama ang kanilang mga kaibigan, ang iba ay may kanya-kanyang kapareha at lantarang naghaharutan sa gilid-gilid, karamihan ay mga lasing na nagkakagulo sa dancefloor habang sumasayaw sa saliw ng sensual na tugtugin. Nakabibinging hiyawan, idagdag pa ang mga nakaka-indak na awitin. Napangisi ako ng marinig ang nakasalang na awitin. Hindi ko mapigilang mapatayo at simpleng mapa-indak kaya namalayan ko na nasa gitna na pala ako ng dance floor.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.2K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
43.7K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.8K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
52.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook