bc

Dos Caras (Two Faces)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
3.6K
READ
love-triangle
confident
versatile
drama
tragedy
bxg
mystery
realistic earth
lonely
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Maria is the happiest woman on earth when she married Marco Joseph Montefalco, one of the youngest magnates and CEO of his construction company.

Ang bumuo ng pamilya kasama ang taong mahal ang tanging pangarap ng isang ulilang katulad niya. Her life was almost perfect not until her twin sister, Mutya came in.

Magkamukha sila at walang nakakaalam na may kapatid siyang tinatago sa mahabang panahon.

Ang mapaghiganting si Mutya ay nais lang na sirain ang buhay ng kapatid. Nais nitong agawin ang lahat sa kanya kabilang na ang asawa.

Mutya did everything to deceive Marco but she sudddenly fell in love to Rhemuel, Marco's younger brother.

Paano nila mailalaban ang kanya-kanyang pag-ibig kung ang lihim ng kanilang katauhan ay nasa iisang mukha?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE Ibinaba ni Dr. Ramirez ang bitbit na ballpen sa lamesa at tumingin nang deretso sa kaharap. Sa apat na sulok ng silid ay mararamdaman mo ang tensiyon ng mga naroon. Ang mainit na tinginan na tila ba mga kriminal na dapat imbestigahan at paaminin sa kasalanang ginawa. Isang babae ang nakaupo sa gilid habang ang isa ay tahimik na nanonood, kapwa nagpapakiramdaman kung ano ang itatanong ng doktora sa kanilang harapan. "Do you know why are you here?" tanong niya sa dalawa. "Opo," mahinhin na sagot ni Maria. "We need help," dagdag nito. Ngumiti lamang si Dr. Ramirez at tiningnan ang isa. Mayamaya ay isang malakas na hampas naman ang ginawa ni Mutya gamit ang isang kamay sa kaharap na lamesa. "If she needs help, well, not me! Hindi ako baliw at hindi ko kailangan ng tulong. I lived in a creepy island without any help before," galit na galit na sabi ni Mutya. "Pasensya na po kayo," paghihingi ng paumanhin ni Maria sa doktora. Alam niyang hindi maganda ang ipinapakita ng kanyang kapatid lalo na't kita niya ang talim ng tingin nito. Inirapan lang ito ni Mutya at humalukipkip. Naiinis si Mutya dahil iniisip nila na may sayad siya. Pina-doktor at pinapainom ng mga gamot para sa mga baliw, ngayon ay psychiatrist naman ang kaharap niya. "Ano ito, lokohan na naman?" bulalas niya. "Si Maria siguro mayroon," dagdag niya. Alam niya kasi sa sarili na normal siya. Siya pa nga itong laging nakikisabay sa kabaliwan ng kapatid, siya pa ang tila kontrabida sa lahat. "I will ask few questions to each one of you..." pahayag ni Dr. Ramirez sa kanila na hindi man lang tinuunan ng pansin ang asik ni Mutya. "And please Mutya, I need your cooperation," anito sa kanya na piniling harapin ang cellphone upang kunwari'y hindi siya nakikinig. Obviously, she's not interested. But in the end, alam niya na hindi siya titigilan ng mga ito hangga't hindi siya umu-oo. It was like her options were just, yes or yes. At wala siyang kawala. Umirap siyang muli at mayamaya ay inilapag ang panawagan sa lamesa. Itinaas niya ang mukha at saka tinaasan ng kilay ang kaharap. "Okay, fine! Go ahead," tugon niya na ikinrus pa ang mga kamay sa dibdib. Sumandal siya sa likuran ng upuan at inikis ang mga binti. Dr. Ramirez glanced at them and closed her two palms together. "You're both beautiful..." komento nito sabay ngiti. "I know," mayabang na sagot ni Mutya habang mahinhin namang ngumiti si Maria. Mutya has this aggressive and strong personality, while Maria is so timid and very contemplative. They may have the same face but definitely, ang layo ng ugali sa isa't isa. Mula sa pananalita at pananamit ay hindi sila magkatulad. Magkahubog sila ng katawan at pati ang lambot ng buhok ay walang pinagkaiba. Maliban sa ugali. "Gaano kayo ka-close noong mga bata pa kayo?" Nagtinginan ang dalawa. Isang tanong na pareho silang nagulat. Literal silang natigilan at tila nag-iisip ng isasagot. Gaano nga ba sila ka-close noon? Super close? Like no one can break them apart? Marahil ay oo. Sila iyong tipong magkapatid na hindi nagkakahiwalay at nagtutulungan sa ano mang bagay. Magkakampi at nagdadamayan sa kabil ng kanilang kaibahan ng pananaw sa buhay at hilig. Mahal naman nila ang isa't isa. Isa lang ang naging problema, ang inggit at selos. Ang atensiyon na dapat ay pantay nilang tinatamasa pero isa lang ang nakakaramdam. Tiningnan muli ni Maria ang katabi habang si Mutya naman ay blangko na ang naging ekspresyon. "S-So close..." matipid na sagot ni Maria at yumuko. "So close?" sarkastikong pag-uulit ni Mutya. "And that closeness made me feel so dumb. It made me feel more useless. Dahil close kami, and we need to be like that, kasi nga kakambal ko siya. Okay lang, kahit paborito siya ng lahat– ng nanay namin, ng lahat ng tao, ng mga kaibigan at kamag-anak. Okay lang na ako ang pasaway at bobo dahil mayroon namang Maria na pwedeng bumawi. At okay lang na hindi ako mainis at magselos dahil kakambal ko siya at dapat close kami. Hindi ako puwedeng makaramdam ng selos dahil kakambal ko siya! So absurd! Pabalik-balik na mga salita! Nakakairita!" matigas na pahayag ni Mutya na pinipigilan ang maluha. After all the pain she had been through, she needed to be tough. Crying is not a weakness but it's a bait to other's mind na may kahinaan siya. And she didn't want to do it! She didn't want anybody to take advantage of her weaknesses. Tama na ang nasaktan siya noon. Ngayong nandito na siya at nagbalik. Hindi na yata niya dapat hayaan na makisali pa ang kanyang kapatid. Sobra na ang natatamasa nitong sarap sa mundong ito. Sa haba ng panahon niyang nawala ay oras na siguro para bawiin niya ang sa kanya dapat. Halos dalawampung taon niyang kinimkim ang lahat, ang magkunwari at ang maging tulad ng kapatid. Gusto niya rin na maging siya naman, na kailanman ay hindi na magtatago sa katauhan ng iba. Umiiyak na rin si Maria sa mga pahayag ng kakambal. Hindi niya alam ang lahat at tanging pagiging pasaway at matigas ang nakikita nila kay Mutya. Nasasaktan siya para rito. Mahal na mahal niya ito at sa kabila ng mga nagawa nito sa kanya noon, naging kakampi niya rin ito sa mga nam-bu-bully sa kanya noong mga bata pa sila. Kahit matigas si Mutya ay may mabuti rin itong puso. Mabuti itong kapatid at matalik na kaibigan. "Ang masakit ay para ako pa ang patay sa kanila. They left me alone in that creepy island, hindi nila ako hinanap!" dagdag nito na bakas sa malulungkot na mga mata ang sakit. "Do not say that. We do not know what had happened why mom left you... us. At kasama mo ako, sinamahan kita," humahagulgol na depensa ni Maria. Inabutan ni Dr. Ramirez ng tissue at tubig si Maria. Her face was filled with tears. Kahit ano'ng ang pahid niya ay walang tigil ang pagbagsak nito sa sakit ng mga narinig. Alam niyang naghihirap ang kapatid noon pero hindi naman niya iniwan. "I am so sorry to hear all of that," malungkot na sabi ni Dr. Ramirez. "This conversation and questioning are very hard for you, pero kailangan 'to sa treatment. Para gumaling ka," dagdag nito. "Can we stop this? Ayaw ko ng balikan pa ang nakaraan ko," ani Mutya. "I am so sorry, but this is part of the assessment. I need to dig in deeper to get more infor-" "Okay! Okay!" pagpuputol ni Mutya sa sasabihin pa sana ng doktora. Itinaas pa niya ang mga kamay na tila ba sumusuko. Wala rin naman siyang magagawa. 'Andito na siya. They dragged her here. May magagawa pa ba siya kahit na magpumiglas siya? Wala na. Napabuntong-hininga si Dr. Ramirez habang sinusulat ang mga nakikita niya. How did Mutya handle everything? Nagtataka siya. Maria was so calm. Though, ugali naman talaga nito ang pagiging tahimik pero may napansin siyang kakaiba. The uncertainty on her eyes and the way she moved her body. She was working and dealing with different people's psyche for many years. Klase-klase na nga ang mga nakilala niya at mas malala pa sa kaso ng magkapatid. Napatingin siya sa dalawa. She saw the initial result. Alam na niya at kailangan niya lang na ma-kumpirma ito. "Now, this question needs an honest answer..." Nagkatinginan ang dalawa at sabay na ibinalik ang mga mata sa kaharap. They are obviously nervous about that question at sa mga itatanong pa nito. At mas lalo silang kinabahan sa tanong tungkol sa kanilang mga nararamdaman. How would they say, na hati ang kanilang puso. Maria loves Marco, while Mutya loves Rhem. Paano nila mamahalin ang dalawang tao sa iisa nilang mukha? "Sino sa inyo ang pinakasalan at minahal ni Marco?" tanong nito sabay tingin sa lalaking nakatayo sa may pintuan na si Marco. "Ako ang pinakasalan at minahal niya," sagot ni Maria. Tumingin siya kay Marco at bahagyang ngumiti. Siya naman talaga. Bilang si Maria ang inalayan ni Marco ng pag-ibig. Bilang si Maria ang inalokan nito ng kasal at bilang si Maria ang pinangakuan ng habang-buhay na sumpaang mamahalin hanggang huli. Siya lang. "Ngunit..." Si Mutya naman ang nagsalita. "Aminin mo, Marco. Mas ginusto mo ang kakaibang Maria. Mas minahal mo ng lubusan ang akala mong si Maria. Mas natutugunan ko ang pagiging asawa kaysa kay Maria. And admit it. You almost cheated because you saw... not Maria, but me..." makahulugang sabi ni Mutya na nagpaiba ng ekspresyon ni Marco. He seemed tense and anxious. "Stop it! Stop it," iyak ni Maria. Ayaw niyang marinig iyan dahil siya lang ang natatanging babae sa isip at puso ni Marco. Wala itong ibng mamahalin at gustong makasama, kahit na kamatayan kundi siya lang. Kaya iniisip niya na nagsisinungaling ang kapatid para inisin siya at lisanin ang buhay na mayroon siya ngayon. "Marco will never do that," she insisted. "Mutya... I am begging you. Leave us alone," pagmamakaawa nito. Mutya chuckled and raised her brow. She grimaced at the fact na pinapalayas siya! How dare her! Nais niyang ibulalas iyon sa pagmumukha ng kapatid pero pigil na pigil siyang sabihin dahil kadugo at kakambal niya pa rin ito. She's not that bad after all. "How can I leave? Ako naman talaga ang dapat na mayroon ka ngayon. Manahimik ka na Maria. Impostor ka lang. Ilusyon! " sigaw ni Mutya. "Hindi ako impostor! Hindi ako ilusyon. You used me to get what you want!" sagot nanan Maria. Umiinit na ang tensyon sa pagitan ng dalawa at doon na pumagitna si Dr. Ramirez. "Stop! Please stop!" sigaw ng doktora. "Pareho tayong hindi magkakaintindihan nito," saad ng doktora. Nagtiim-bagang si Mutya habang matalim naman ang tingin na pinako ni Maria sa kakambal "Sino ba talaga ang totoong nagmamay-ari sa iisang mukha na 'yan?" Kinakabahan ang dalawa, pati na rin si Marco na nakamasid. Pareho silang may pangamba sa tanong. Paano kung magsinungaling ang isa sa kanila? Sino ang dapat na paniwalaan ng mga taong nakikinig? Paano kung ayaw nila na umalis? Paano nila hahatiin ang iisang pusong nagmahal dalawang tao? Everyone was puzzled. Everyone was confused. At nakakabaliw na ang mga nangyayari. How can they let go kung pareho sila na ayaw pang bumitiw? Matagal bago sila nakapag-react. They thought it deeper. At oras na rin upang malaman ang katotohonan. It was like a twin telegraphy nang naisipan nilang sabihin ang totoong pagkatao nilang dalawa. Wala na silang pakialam kung sino man ang nagsasabi ng totoo. Basta ang aaminin nila ngayon ay kanilang totoong pagkatao. Bahala na sila ang humusga sino ang paniniwalaan. Ang alam nilang dalawa, pareho nilang gusto pang mabuhay sa mundo kasama ng kanilang mga mahal sa buhay. "Sino ka ba talaga?" muling tanong ni Doctor Ramirez. "Ako si Maria..." "I'm Mutya." Sabay na sagot ng dalawa na labis na ikinagulat nila...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unloved by the billionaire

read
397.3K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.0K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.4K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.2K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.8K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook