bc

A Chance to Forever (Free & Completed)

book_age18+
3.5K
FOLLOW
10.1K
READ
comedy
sweet
lighthearted
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

FREE & COMPLETED!

Ang pag-ibig ay nagtitiwala. Minsan masaya. Minsan nakakasakit. May pagkakataong nakakatakot. At madalas yata, nagpaparaya. Iyon ang mga bagay na natanto ni Erin.

Minsan ng nasaktan si Erin sa pag-ibig at iyon ay dahil sa kanyang pagtitiwala. Nang muling magbalik ang dati niyang kasintahang si Ardy ay nagkaroon ng second chance ang kanilang relasyon. Pero mukhang walang happy ending dahil kailangan niyang magparaya para sa naging bunga ng pagkamamali nito noon... at mukhang nakatakda siyang maging matandang dalaga dahil hindi na niya magagawang magmahal pa ng iba...

Hello everyone!

Waiting for contract po ang kuwento na ito. Kailangan po maka-gain ng maraming reads at follows saka po malaki ang chance na mabigyan ng kontrata. Saka ko lang po maipagpapatuloy ang kuwento. Kaya humihingi naman po ako ng suportabsa inyo. Please please add to your library naman po. Maraming maraming salamat po.

chap-preview
Free preview
Baby 1
NAPAHINTO si Maria Catherine Argavioso o Erin sa paghakbang papasok sa kanilang room. Nasa bungad palang siya ng makita niya ang tatlong pulang rosas na nasa ibabaw ng arm desk ng kanyang upuan. Siniko siya ng kaibigang si Ayce. Parehong Hotel and Restaurant Management ang kinukuha nilang kursong magkaibigan. “May bulaklak ka nanaman galing kay Kuya. Kailan mo ba siya sasagutin?” nakangising untag nito sa kanya. Sandali lang niya itong sinulyapan saka dumiretso na sa pagpasok sa loob. Pagdating sa upuan niya ay kinuha niya ang tatlong mapupulang rosas. Bagong buka pa lamang iyon at fresh na fresh. Dinala niya sa kanyang ilong at sinamyo ang mga iyon. “Uuyyy. Kinikilig ‘yung isa diyan.” Pinagtama pa ng kaibigan niya ang puwetan nilang dalawa. “Hindi noh! Mahilig lang talaga ako sa mga bulaklak.” Aniyang ibinaba ang mga gamit sa upuan. Naupo na siya pero hawak pa rin niya ang mga bulaklak. Sanay na siya tuwing umaga na makakita ng mga bulaklak sa kanyang upuan. Subalit hindi pa rin niya maiwasan ang pagkabog ng kanyang dibdib sa tuwing masisilayan ang magagandang bulaklak na iyon. Lalo na kapag naalala niya ang mukha ng lalaking nagbibigay sa kanya niyon. Iisa lang naman ang lalaking madalas magbigay sa kanya ng mga ganoong bulaklak. Ang lalaking pinaka-guwapo sa buong campus nila. Wala pa ang kanilang professor kaya may pagkakataon pa siyang bistahan ang mga bulaklak na palagi rin niyang ginagawa. Sinasamyo-samyo niya ang mga rosas ng marinig niya ang bulungan nang mga kaklase sa paligid. Maging si Ayce ay narinig niyang tumikhim. Nang mag-angat siya ng mukha ay siya ring pagririgodon ng kanyang dibdib. Papalapit sa kanyang kinaroroonan ang lalaking laman ng kanyang isip. It was the campus captain ball of their university. The heartthrob, campus crush, at kung ano pang puwedeng ibansag dito na maaring maging akma sa kaguwapuhan nito. Ang pinakasikat na lalaki sa NE University. No other than Zardival Yuan Allegre. Kapatid ito ng matalik niyang kaibigan na si Ayce. Ito ang lalaking sa una palang ay hindi na siya tinigilan simula ng ipakilala siya ng kaibigan sa kapatid. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ng magtapat ito sa kanyang nais daw siya nitong ligawan. Lalo na nang ianunsiyo nito sa buong campus na walang ibang puwedeng manligaw sa kanya kundi ang binata lamang. Mas lamang ang kilig na naramdaman niya keysa inis ng sabihin nito ang bagay na iyon sa harap ng maraming tao. Oo, aminado naman siyang crush na niya ito ng una palang. Kaya nga kilig na kilig siya ng magtapat ito ng nararamdaman sa kanya. Pero sa kabila niyon ay nag-alangang siyang sagutin ito. Kitang-kita niya kung papaano ito pagkaguluhan ng mga kababaihan sa kanilang campus. Higit doon ay maraming magagandang babae ang umaaligid dito. Natatakot siya na kapag naging sila ay baka marami siyang maging kaagaw. Natatakot siyang baka magsawa nalang ito sa kanya. Na baka iwan lang siya nito isang araw kapag nakakita na ito ng mas higit sa kanya. Ayaw niyang masaktan. Takot siyang masaktan. Ilang buwan na rin simula ng magtapat ito sa kanya at sa ilang buwang iyon ay pinipigil din niya ang nararamdaman. Gusto niya ang binata pero natatakot siya. Ito ang kanilang campus crush, ang pinakasikat. Matangkad, makinis, ubod ng guwapo, matalino at magaling sa sports. Partida nalang ang pagiging mayaman ng pamilya nito. Habang siya ay simpleng babae lamang sa kanilang eskuwelahan. Sikat din si Ayce na isang Allegre. Kaya nga nagulat nalang siya ng lapitan siya nito. At ngayon nga ay naging magkaibigan pa sila. Kunsabagay ay nasa iisang barangay lang naman sila nakatira. At mayaman ang pamilya nito habang siya ay simple lamang ang kanilang pamumuhay. Kaya hindi niya inasahan na lalapitan siya ni Ayce at maging isang kaibigan. Magkaiba sila ng purok na tinitirhan at first year high school ng magsimula ang pagkakaibigan nila. Hindi pa niya nakikilala noon si Ardy dahil abala ito sa pag-aaral at bibihira naman siyang pumunta sa bahay ng kaibigan dahil nahihiya siya. Bukod kay Ayce ay mayroon pa siyang ibang kaibigan na naging kaibigan na rin nito. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip niyang magugustuhan siya ng isang kagaya ni Ardy Allegre. Ni sa paniginip ay hindi niya iyon naisip. Pero heto ito ngayon. Nagtitiyagang manligaw sa kanya hanggang sa sagutin daw niya. Minsan nga ay nauudyukan na rin siyang sagutin ito. Dangan nga lang at nag-aalangan pa rin siya. “Good morning, my baby!” Maluwang ang ngiting bumati sa kanya si Ardy pagkalapit na pagkalapit nito sa kanya. Nag-iiba ang pintig ng kanyang puso kapag tinatawag siya nito sa ganoong endearment. Kung ibang lalaki ang magtatawag sa kanya ng ganoon ay baka sikaran pa niya. Pero hindi si Ardy. Guwapong-guwapo ito ng umagang iyon. “Para sa iyo.” Iniabot nito ang tatlo pang pulang rosas sa kanya na kanina ay hawak-hawak nito sa likuran. Alam niya kung saan galing ang mga iyon. Sa hardin ng lola nito sa malaking bahay ng mga ito sa kanilang barangay. “Kabibigay mo lang ng mga ito pero meron nanaman?” aniya sa mga bulaklak na nadatnan sa upuan niya kanina. “Siyempre iba ang mga iyan. Iba naman ang mga ito.” lalong lumuwang ang ngiti nito. Ilang beses na bang nalaglag ang kanyang puso sa mga ngiting iginagawad nito sa kanya. Lalo na kapag nasisilayan niya ang dalawang malalalim nitong biloy sa magkabilang pisngi. Ah! Hindi na niya mabilang. Inabot niya ang mga bulaklak. “Salamat.” Pagkuwan ay awtomatikong sinamyo niya ang mga ito. “Lalo kang gumaganda kapag inaamoy mo ang mga bulaklak na ibinibigay ko sa iyo.” Muntik na siyang mapaiktad ng matanto kung gaano kalapit ang mukha nilang dalawa. Nakaupo na pala ito sa katabi niyang silya at inilapit nito ang mukha sa kanya. Amoy na amoy niya ang napakabango nitong katawan. Siguro ay hindi lang niya maamoy ang bango nito kung magiging sila na. Baka puwedeng-puwede na niya itong mayakap pag nagkataon. Pinigil niyang lumingon paharap dito dahil kaunting galaw lang niya ay siguradong magdidikit na ang kanilang mga mukha. Dahan-dahan niyang inilayo ang mukha dito at tumingin sa harap saka siya tumikhim. “Bumalik ka na sa klase mo, Ardy. Magsisimula na rin ang klase namin.” Aniya dito. Patuloy pa rin sa pagririgodon ang kanyang puso. At kung hindi siya iiwas sa tingin nito ay baka hindi niya mapigilan ang sarili. Mahalikan niya ito sa harap ng kanyang mga kaklase. “Mamaya pa ang klase ko. Dito muna ako.” anitong ngumiti. Prenteng umayos ng upo at dume-kuwatro. Fourth year na ito sa kursong management. Nang makatapos ito sa kursong Agriculture ay muli itong kumuha ng management upang magkaroon ng kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo. Sila ni Ayce ay third year palang sa kursong HRM. Transferee siya sa university na iyon ng mag-second year siya. Kaya nagpasalamat siya dahil halos lahat ng subject ay magkaklase sila ni Ayce. “Kuya, hindi ka puwede dito. Maiilang si Erin.” Sumingit ang kapatid nito na nasa kaliwang bahagi niya. Katabi rin niya ang babae. “Hindi siya makakapag-concentrate kapag nandito ka.” Ngumisi ang binata. “E di huwag niyong isipin na nandito ako. Kunwari hindi niyo ako nakikita.” Nang magtama ang kanilang mata ay kumindat ito sa kanya. Awtomatiko ang pamumula ng mukha niya kaya mabilis niyang iniwas ang tingin dito. Nang bigla ay sabay-sabay silang napatingin sa estudyanteng nagsalita sa harapan ng klase. Sinabi nitong wala silang professor sa subject na iyon dahil dinala raw ito sa clinic. Ibig sabihin ay wala silang klase. Umingay ang paligid at isa-isa ng lumabas ang mga naroroon. Tila tuwang –tuwa pa ang mga ito. Sa tanghali na ang susunod nilang klase. “It seems na puwede kitang yayain ng AM snack. Wala kayong prof ngayon.” Narinig niya ang tinig ni Ardy sa kanyang tabi. Nakita niyang tumayo si Ayce. “Kayo nalang Kuya. Marami pa akong ire-research para sa report ko. Erin, ikaw na ang bahala sa Kuya ko.” Kumindat ito sa kanya. Napanganga nalang siya ng maiwan sila ng binata. “Sorry Ardy pero hindi pa kasi ako nagugutom.” Aniya dito ng dalawa na lamang sila. “Okay lang. Dito ka lang ba? Sasamahan nalang kita.” Muli itong umayos ng upo. Napatitig siya dito. Ang guwapo-guwapo talaga nito. Pakiramdam niya ay isa itong bituin na nanaog sa lupa at ibinigay na isang regalo para sa kanya. “Huwag mo akong titigan Erin, my baby. Baka mahalikan kita. Tandaan mong dadalawa nalang tayo dito sa classroom.” Anitong hindi tumitingin sa kanya at nasa harap ang tingin. Napangiti siya. Gusto yata niya ang ideyang iyon. “Bakit hindi mo gawin?” hamon niya dito. Napaunat ito ng upo. Gusto niyang matawa dahil sa naging itsura nito. Nanlalaki ang mga mata nitong humarap sa kanya. “Are you sure?” Hindi niya napigilan ang pagkawala ng tawa sa kanyang lalamunan. Natigil lang siya ng makitang sumeryoso ito. “I’m serious, baby. Hahalikan talaga kita.” Inilapit nito ang mukha sa kanya. Umismid siya. “Sige. Papayagan kitang halikan ako. Pero sa isang kundisyon.” Pinagsalikop niya ang dalawang braso sa dibdib. Nang-aarok na tinitigan siya nito. “Puwede mo akong halikan ngayon pero pagkatapos ay hinding-hindi mo na ako kakausapin kahit kailan. Hindi mo na ako bibigyan ng kung ano-anong regalo gaya ng mga bulaklak, chocolates, stuff toys ---.” “What?! No way! That’s absurd!” protesta nito. Tumango-tango siya saka nagpatuloy siya. “Hindi ka na puwedeng manligaw sa akin. Hindi ka na lalapit. Hindi ka na ----.” Natigil siya sa pagsasalita ng marahas itong tumayo. Nasundan niya ito ng tingin. Naglakad ito palabas ng classroom pero pumihit din paharap sa kanya nang nasa pinto na ito. “I can’t deal with that, baby. Hindi mo ako mapapatigil sa panliligaw sa iyo. Hindi mo ako mapapatigil sa paglapit sa iyo. At hindi mo kailanman mapapatigil ang puso ko sa pagmamahal sa iyo. Kung tutuusin ay kaya kitang halikan ngayon pero liligawan pa rin kita. And I respect you. I love you, Erin. Always remember that.” Dire-diretsong pahayag nito. Pagkatapos nitong mag-speech habang seryosong-seryoso ang mukha ay walang lingon-likod na umalis na ito. Naiwan siyang nakatanga at hindi kumukurap dahil sa mga pinagsasabi ng binata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook