bc

All of Me (P.E.E.R.S Series) Book 1:Georgina

book_age16+
12
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
single mother
drama
bxg
campus
childhood crush
cruel
like
intro-logo
Blurb

Since first year high school crush ko na siya.

I love stargazing and I wished our paths would cross eventually. He's a bad boy and I thought I could change him. He noticed me, it's hard to get married at 19 you know. It's hard when you're not who he considered his great love. Was I the only one inlove?

I regret nothing though since I gave my all.

Tragic isn't it?

Sigh. Georgina's Tragedy

chap-preview
Free preview
Episode 1. Meet Georgy
John Richard Bitag (Jrich), section C at kabilang sa grupo ng mga sabihin na nating may mga kalikutan sa katawan. Payat ito, matangkad pero kung titingnan mabuti, nakakaakit ang facial features ng lalaki. Matangos ang ilong, mahaba at malantik ang mga pilikmata at maamo ang mukha. Naaalala pa niyang sa tuwing gabing maliwanag ang kalangitan-- maraming bituwin ang kumikinang, naghihintay siya sa paglabas ng mga shooting stars, doon hinihiling niyang magtagpo ang kanilang landas. Poetic siyang tao at naniniwala sa soulmate, first love and sa mahiwagang till death do us part. *** Ako si Georgina Austria, Georgy for short. Section A at isa sa mga matitinong estudyante na inuuna ang paga-aral. Panganay ako sa tatlong magkakapatid at siyempre ako ang inaasahan. Sabi nga nila beauty and brain daw ako pero sa pagmamahal ewan ko ba, nag malfunction yata ng kauntian ang aking brain. Una kong napansin si Jrich noong naging magkapareha kami sa folk dance sa MAPEH. Hindi ako dancer, nagi-struggle talaga ako doon pero nang magkapareha kami, he was so kind to guide me and at that moment I felt this special feeling for him. Whenever he walks past our room, my eyes would follow. Hindi ko alam, I was just too mesmerized. I have a group of friends sa room at isa na dun si Jess. I admit Jess is good looking and so charming. Kung ako ay slim, siya naman ay sexy. Malaman, gusto ng mga kalalakihan at saka maykaya sa buhay. I was so upset when I heard the news that they are dating. I mean, Jess knew that I like him. I even taped his picture on my ID. I was that obsessed with the guy. Isang taon rin naging sila, isang taon na kada makikita ko ang kaibigan ko at si Jrich na magkasama ay may kirot na bumabaon sa puso ko. I hated the feeling, I wanted to be happy for my friend but I know it’s half meant. Some may think I’m a hopeless romantic but I know what I want and I’ll get what I want. I never looked to any other guys than him. He was my first love and I already pictured our future together in my mind. ***** Fourth Year High School Pumasok ang adviser namin, “Okay, listen up everybody” malakas nitong wika na kumuha ng atensyon ng lahat at nagsiupuan naman ang mga kangina’y paikot-ikot at magugulo niyang mga kaklase. “Kailangan natin ng panlaban sa pageant ng Bb. Santisimo National High School” wika nito. “Sino ba ang puwedeng kuhanin sa section natin?” Luminga ang kaniyang mga kaklase, narinig niyang nagsalita ang isa rito. “Si Jess po ma'am” dumako ang tingin nilang lahat kay Jess na napayuko at halatang nahihiya. Pinapanlaban na ito nuon pa man. “Oh Jess tayo ka rito sa harapan” tumalima naman si Jess at tumayo. “Sino pa? pagbobotohan natin.” “Si Denette po, matangkad” wika naman ng isa niyang kaklase. Pinatayo rin si Denette, cute ito, payat at matangkad at saka morena beauty. “Oh sige, isa pa” wika ng teacher. Nagtaas ng kamay ang kaniyang katabi. “Si Georgina po”. Tumingin sa kaniya ang lahat. Narinig niyang nagbulungan ang mga iyon, “Oo nga ang ganda ganda ni Georgy, siguradong panalo na tayo niyan”, “Go Georgy!” “Maganda na, matangkad pa at maputi” hindi niya malaman ang mararamdaman, kung maooverwhelmed sa mga papuri o mahihiya muna. “Sige Hija tumayo ka rin dito. Bagay sayo iyang kulot na buhok” utos ng kaniyang guro na may pagpuri pa sa kaniya. Nagpalakpakan ang kaniyang mga kaklase. “Silence! Taas ng kamay ang may boto kay Jess” nagtaasan naman ang ilan sa kaniyang mga kaklase, ito ang mga close friends ni Jess. Ang ilan sa mga kaklase ay mga nagbubulungan. “Okay 7" saka ito sinulat sa pisara. " Kay Denette taas ang kamay ng boboto” “4 kay Denette. Kay Georgina, taas ang kamay” nagsitaasan ang kaniyang mg kaklase at nagsimulang bilangin ng guro. “Hindi ko na tatapusin ang pagbibilang, obviously naman majority ang bumoto kay Georgina.” Nagsigawan ang kaniyang mga kaklase at siya naman ay tahimik na naupo sa likod na parte ng classroom. Sa likod talaga nauupo ang mga matatangkad para makita ng maliliit ang board. “Starting tomorrow hija may practice kayo after school sa gym pero kapag pwede si Teacher JP ie-excuse naman kayo sa last period na klase ganun" “Opo” sagot niya. Siniko niya ang katabing si Christine. “Bakit mo naman ako ibinoto kanina?” bulong na tanong niya. “Maganda ka e, bagay na bagay ka dun besh” nakatawang sagot nito. “May talent portion kaya iyon. Alam mo namang wala akong talent.” Reklamo niya. Tiningnan siya nitong tila hindi naniniwala sa kaniyang pinagsasabi. “Ikaw pa, kakayanin mo ‘yan! Tutulungan ka naman namin” Napabuntong hininga na lang siya. Pagkauwi, ibinalita niya iyon sa kaniyang ina. “Talaga anak? Nakakatuwa naman. Anong costume ang kailangan mo magpapatahi tayo” nagagalak na wika nito. “Si mama naman, wala pa nga po e at saka gagastos pa tayo duon mahal ang magpatahi” “Minsan lang naman iyan anak, gusto ko magmukha ka duong maganda” “Salamat po ‘ma” *** Kinabukasan Mabilis na natapos ang klase maghapon. Ngayon ay patungo na siya sa gym kasama ang kaibigang si Christine. “Besh yung crush mo oh” bulalas nito sabay turo sa mga naglalaro ng basketball sa gym. Mabilis niyang nasipat si Jrich. Nabuhayan siya ng loob dahil naroon pala ang binata. Nakakagana naman mag-practice. Sana hindi ako magpa-tanga tanga mamaya, nakakahiya. “Lakad, papunta dito. Isa isa kayo gigilid muna sa kanan sabay ikot, punta sa kaliwa ikot ulit at balik kayo sa gitna magpapakilala sasabihin ang name and section” malakas na instruksyon ng bading na teacher na tila hindi niya naririnig. Nakatitig lamang siya sa mga nagbabasketball. “Georgina!” tinatawag na rin pala siya ng ibang mga contestants galing sa iba’t ibang section. Bumalik siya sa kaniyang ulirat, nakatitig lang sa kaniya ang baklang teacher na hindi nagsasalita pero masama ang tingin “Kung ayaw ninyong magpractice at alam ninyo na ang gagawin huwag na kayong umattend” malakas na wika nito na nakatingin sa kaniya. Natigil ang mga nagbabasketball at napatingin rin sa kanila. Hiyang hiya siya ng magtama ang paningin nila ni Jrich, “Sorry po sir” iyon nalang ang tangi niyang nasabi at saka yumuko. Pagkataas ng tingin niya ay nakita niyang nakatitig parin sa kaniya si Jrich at saka iyon ngumiti at dumiretso na sa pagba basketball. Inilayo niya ang tingin at kunwang nakikinig na lamang sa instructions ng teacher. Sa loob loob ay tila sasabog na ang t***k ng kaniyang puso. Magdidilim na nang sila ay natapos. Lumapit siya kay Christine na nakangiti sa kaniya. “Bakit ka pangiti ngiti diyan?” “Kanina ka pa tinitingnan ni Jrich a, nabighani yata sa beauty mo besh. Bagay talaga sa iyo ang kulot” wika nito. Nagpakulot kasi siya ng buhok sa bayan nitong weekends. Nakita nanaman niya ang litrato ng model na si Yzabel Daza na kulot ang buhok. Duon ay napagtanto niyang bagay sa maliliit na mukha ang kulot na buhok at iyon ang mayroon siya. Maliit na mukha, matangos na ilong, magandang mga mata at labi na minana niya sa kaniyang ama. “Naku nakakahiya nga kasi nakita niya akong sinisita kanina ni sir Jp” “Hala hindi naman yun nila rinig dahil sa bola. Anukaba napapansin ka na nga e” “Kahit ‘wag na , baka may feeling pa diyan si Jess e” wika niya rito. Nakanganga naman ang kaniyang kaibigan na nakatingin sa kaniyang likuran. “Bakit anong meron?” Paglingon niya ay nakatayo roon si Jrich na may hawak nang bola. Malawak ang ngiti nito. “Miss beautiful, huwag ka diyan baka maatrasan ka namin. ” wika nitong nakakaloko ang ngiti saka umalis. Hindi na siya nakapagsalita. Ngayon lang niya napansing nakatayo nga siya sa gilid ng gym. Agad niyang inaya si Christine pauwi. “Miss beautiful daw besshhhhh” kinikilig na sambit ni Christine at may hampas pa. “Gagi baka narinig ‘yung usapan natin” hiyang hiyang wika niya rito. Alam na siguro ni Jrich na may pagtingin siya. “Hayaan mong marinig para isipin ka na niya ng isipin o diba?” sa gilid ng isip ay natutuwa rin siya sa engkwentrong iyon. Napapansin na ako ni Jrich!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook